Chapter 8: Vampires
Chapter 8: Vampires
Farrah Rose
Natapos ang araw ng buhay pa rin naman ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-kwento kay Ikki na sa pagtatrabahu-han ko, may makakasalamuha akong bampira.
Natatakot ako kay sir Clive. Kay Ikki naman, hindi. Siguro kasi, kahit bampira siya, never niyang tinry na kumuha ng dugo sakin para maibsan yung uhaw niya.
Pero may something awkward samin ni Ikki these past few days simula nung nag-kwento siya tungkol sa mga bampira. Di ko kasi gets yung sinabi niya sakin nun eh. Yung I'm too far away daw..
Tapos sa isa naman, hindi ko alam kung ano yung dapat kong maging pakikitungo kay sir Clive pagpasok ko lalo na't natatakot pa rin ako sa kaniya.
Maghahapon na nang lumabas ako ng kwarto para sana kumain. Nadatnan ko naman si Ikki na nanonood.
"Farrah? You already have a job?" tanong nito sakin. Bigla akong nanlamig. Naalala ko yung kahapon.
*Flashback*
Nangangatog ang tuhod ko at tanging pintuan na lamang ang nagsisilbing gabay ko upang makatayo. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa kanang balikat ko at inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking leeg.
"I want to taste your blood. Would you let me?" ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko habang sinasabi iyon at dahil sa takot ay napa-pikit na lamang ako.
Kaso biglang nabuksan ang pintuan dahilan para mahulog ako sa isa nanamang gwapong lalaki.
Agad agad akong napatayo at napa-tago sa likuran ng lalaki. Nanginginig pa rin ang mga katawan ko. Pakiramdam ko, malapit na akong bumigay dahil sa panginginig ko.
"Clive? Didn't I tell you not to scare your employees?" natatawang sabi ng lalaki sa harapan ko.
"Lars? What are you doing here?" Nakakunot noong tanong ni sir Clive sa lalaki.
"Visiting you, Clive. And I guess I'm really needed here. You scared the girl, Clive! Wait, ihahatid ko lang ang magandang binibini sa labas." sabi nito at inakbayan ako tapos kumindat. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Ngayon lang kasi may tumawag sakin ng magandang binibini.
Nagdabog naman ang boss ko at sinara ang pinto ng opisina niya.
Bumalik sakin ang tingin ng lalaki, may ngiti ito sa labi.
"Kaya pala siya nagka-ganon magandang binibini, tara't ihahatid na kita sa labas." saad nito at hindi na ko pumalag pa dahil nanginginig pa rin ako kahit medyo naibsan na.
Hindi ko man naintindihan ang unang sinabi niya, hinayaan ko nalang yon dahil natatakot pa rin talaga ako at hindi ako makakapagsalita ng maayos.
Nang nasa labas na kami, tinitigan niya ako.
"Looks like Clive really scared you. Pagpasensyahan mo na ang aking kaibigan, magandang binibini. Ako nga pala si Lars, and I'm a vampire." sabi nito at kumindat habang naka-ngiti. Or should I say, ngisi.
Oh ghad. Oo na, gwapo na siya pero hindi man lang siya nag dalawang isip sabihin sakin na bampira sya? Ugh. Didn't he know that I'm a human?
*End of flashback*
"Farrah? Uy, Farrah?" nabalik ako sa sarili kong pagiisip ng maalala ko ang nasa harapan kong si Ikki.
"Uh. Eh.. Oo. Haha. Nakapasa ako sa isang publishing company." pagkasabi ko nito, kumunot ang noo niya.
"Good for you. Even though, I told you that it's okay for me to help you." saad niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ko.
Sinagot ko ito kahit na numero lang ang nakalagay. Although, it's unusual kasi si Ikki lang ang mayroong numero ko, ang tita ko pati yung tito ko.
"Hey barbie, come here in lenon's at 6 pm. Go with me in the bookstore." bumungad sakin ang boses ng boss ko. Itatanong ko sana kung bakit pero pinatay na niya yung tawag.
"Who's that?" tanong ni Ikki.
"Uh.. S-si boss..." kumunot nanaman ang noo nito.
Ibig sabihin, mamaya pang mga six pm ako pupunta dun? My job is easier pero ang boss ko, nakakatakot. Parang kaedad ko lang naman si sir Clive pero alam naman nating mas malakas ang mga lalaki kaysa sa babae, diba? Atsaka wala nga kong kaalam alam na self-defense eh.
Tumango si Ikki.
"Lets go out, Farrah." saad nito habang nakatingin sakin gamit ang bored look nito na dahilan para manlaki ang mata ko. He's asking me to go out with him?
He rolled his eyes.
"Clear your mind, princess. I just want to eat, that's all." sabi nito habang naka-ngisi sakin. Oh ghad, Farrah. Napa-lobo ko ang pisngi ko dahil sa kahihiyan at napa-tingin ako sa left side ko para umiwas sa tingin niya.
Natatawa itong lumapit sakin at pi-nat niya yung ulo ko.
"Go get ready, princess." saad nito. Napa-ngiti nalang ako. Napapadalas kasi ang pag-ngiti o pagtawa ni Ikki. Tapos, simula nung isang gabi, princess na yung tawag niya saakin. Bakit kaya parami ng parami yung tao na binibigyan ako ng nickname na hindi naman galing sa pangalan ko?
Si Ikki, "princess".
Si Lars, "magandang binibini".
Si sir Clive the vampire, "barbie".
Wait, lahat pala sila bampira! Ghad, akala ko ba iiwas ako sa bampira? Bakit parang parami sila ng parami?
++*++
Tulad nga ng sinabi ni Ikki, pumunta kami sa isang mall para kumain. Yung mall na pinuntahan namin, wala ni isang bintana tapos dim ang lights ng mall. Geez. Ni hindi ko nga alam na may ganitong mall. Maganda pero parang gawa para sa mga bampira. Puro bampira kaya yung nandirito?
Nasa isa na kaming restaurant nang naalala ko na may itatanong nga pala ako sakaniya.
Naka-order na siya at hinihintay nalang namin ang pagkain.
"Ikki? Diba ang mga bampira, dugo lang yung iniinom? Bakit parang ikaw, nakakain mo naman ng maayos lahat?" tanong ko rito.
Umiling ito.
"That's a bluff, princess. Kaya naman naming mga bampira na kumain ng pagkain ng tao kaso lang may mga panahon na nauuhaw kami.. sa dugo. That's why humahantong sa pagkakataon na nakakapatay kami. Kaya nga kita dinala dito. Nagseserve sila ng pagkain na kayang magsatisfy saming mga bampira. And at the same time, meron din silang para sa tao gaya mo." mahabang litanya nito.
"Edi puro bampira yung nag se-serve dito? Akala ko ba, ayaw mong may ma-meet pa kong ibang bampira?" kunot noong tanong ko.
"It's okay. Mapagkakatiwalaan naman yung may ari ng mall na 'to." pagksabi niya nun, biglang may lalaking lumapit samin.
"Hey Lars!" sabi ni Ikki tapos bumaling ang tingin nito sakin.
"He's the owner." saad nito dahilan para manlaki ang mata ko.
"Lars?" sabi ko naman. Umupo si Lars sa tabi ko. Habang si Ikki, kaharap ko.
"Oww, Leonardo! You're with magandang binibini? What's with you two?" sabi nito habang pa-palit palit ang tingin samin.
"We're just friends and please stop calling me magandang binibini." saad ko, nakakaasar kasi.
"Woww, I finally heard your voice, magandang binibini. Kagabi kasi, you're shaking with fear. Nice to meet you again, magandang binibini." kumindat ito at kinuha ang kamay ko. Hahalikan niya dapat ito pero humarang ang kamay ni Ikki sa nguso niya.
"Since when did you know each other, Farrah?" malamig na tanong sakin ni Ikki. Teka, galit ba siya?
"Ka-kahapon lang. Ano kasi, ahm, kaibigan niya yung boss ko.." sabi ko habang naka-yuko. Ang tagal naman kasi ng pagkain.
Napansin ata ni Lars yung tensyon samin ni Ikki kaya nagpaalam muna ito saglit na ichecheck daw yung order namin.
"Farrah. Do you know that he's a vampire?" tanong nito.
Gusto kong sumagot pero natatakot ako sa tingin na ibinibigay niya. Atsaka, diba kakasabi niya lang na mapagkakatiwalaan si Lars?
"Answer me, Farrah. Sino ang boss mo?" isasagot ko sana na, 'Clive' pero dumating si Lars at siya ang sumagot nito.
"Si Lamia, pre. Si Lamia yung boss niya." saad nito tas bumalik sa tabi ko at kumindat sakin habang may ngisi nanaman sa labi.
Wait, ibig-sabihin... Lamia is a vampiress?! And why did he lie about my boss?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top