Chapter 7: Clive
Chapter 7: Clive
Farrah Rose
Sabi ni Ikki, since alam ko na raw ang tungkol sa existence ng mga vampires, mas mabuti raw na wag nalang ako mangielam kasi baka mas mapahamak pa raw ako.
Hindi ko alam kung bakit ganito siya kabait sakin pero alam kong hindi ko dapat 'yon makasanayan kaya lalabas ako ngayon para maghanap ng pwede kong pag trabaho-han.
Nung una hindi pumayag si Ikki pero dahil makulet ako, napapayag ko rin siya pero hindi niya ko masasamahan kasi raw aalis din daw siya. Okay lang naman sakin 'yun kasi hindi niya naman ako responsibilidad tulungan ng tulungan.
Ang alam ko nga pala ang mga bampira, umiinom ng dugo at hindi kumakain ng pagkain ng tao? Bakit si Ikki, nakakakain siya ng maayos?
Well, marami pa kong hindi alam tungkol sa mga bampira and might as well leave everything like this. Baka masangkot pa ko, mapapahamak ko lang ang sarili ko pati si Ikki pag nagkataon.
Naglalakad ako ng naglalakad at nagtatanong rin sa mga nadadaanan kong establishimento.
Hanggang ngayon, wala pa ring tumatanggap sakin ng maayos. Sinasabi lang nila na tatawagan nila ako. Tsh. Di nalang sabihin na hindi ako pasado eh.
Napa-buntong hininga nalang ako kasi hapon na pero wala pa ring progreso tong paghahanap ko ng trabaho.
Malapit na ko mawalan ng pagasa nang nakita ko yung Lenon's publishing company. Siguro, dito talaga ako babagsak.
Nagsimula na kong maglakad papunta doon sa publishing company na yon. Pinapasok ako ng guard at may sumalubong naman saking maputlang babae na parang nakita ko na. Hindi ko alam kung maputla ba siya o talagang sobrang puti lang niya. Napaka ganda rin nito. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
Nanlaki ang mata niya at napa-ngiti ng makita ako.
"Wait, miss Farrah Rose?! The author who wrote the Vampire's Tragedy?! Ohmy..." saad nito habang nanlalaki pa rin ang mga mata at may malaking ngiti.
Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.
"Uhm, may trabaho ba kayong pwede ako? Kahit ano, basta disente." diretsuhan kong saad sakaniya. Hindi niyo naman ata ako masisisi kung bakit nasasaktan pa rin ako pag naaalala kong nagpapakasaya ako sa atensyong nakukuha ko dati, ni hindi ko man lang naramdaman na may sakit ang mama ko.
"Why yes yes.. Come in. I'm sure Clive would not want to lose someone like you in our publishing company. Ohmyghad, I can't believe I'm going to work with my idol..." saad niya sakin at binulong ang huling mga salita.
Nang naglalakad kami, tatlong tao lang ang nakita ko. Ang gaganda't ang ga-gwapo naman ng nandidito. Parang nahihiya ako. Naglakad pa kami hanggang makarating kami sa isang pinto.
Kumatok ng tatlong beses ang babaeng kasama ko sa pintong nasa harapan namin.
Nang pumasok na kami sa opisina, bumungad sakin ang isang malinis na kwarto. Kulay puti ang background nito at sa kanang bahagi nito ay ang isang mini-library. Sa gitna ng kwarto, naroon nakaupo sa swivel chair ang isang lalaking nagngangalang Clive batay sa babaeng nasa harapan ko habang may isandamakmak na papel sa lamesang nasa harapan nito.
Ang lalaking ito, gwapo at maitsura rin kagaya ni Ikki. Ang gulo ng buhok nito pero mas bumagay iyon sakaniya. Nakalagay ang isang kamay niya sa kaniyang noo na para bang siya'y namomroblema. Nakasuot siya ng puting long sleeves dahilan para maging halata ang muscles nito. Ugh, bakit ka ganyan Farrah? Sinong nagsabi sayong tama ang pagdedescribe ng isang lalaki sa isip mo ha?
"Sir Clive.. We have a new applicant. I think it'll be best if we would accept her since she has a background in writing a story." pagkatapos niyang sabihin iyon, nakuha niya ang atensyon ng gwapong lalaking may matatalim na tingin.
Napatingin sakin ang babae.
"Go talk to him, miss Farrah. He won't hurt you." saad niya bago lumabas ng opisina.
Naglakad ako papunta sa upuang nasa harapan ng lamesa niya. Umupo ako dito at tumingin sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Clive.
"Name?" bakit natatakot ako sakaniya?
"F- Farrah Rose. Here's my resumé, sir." inabot ko sakaniya ang resumé ko.
He eyed my resumé and then suddenly, parang nakapagdesisyon na siya agad.
"You're hired. Get out." geez ang sama naman ng magiging amo ko!
Naka-simangot akong lumabas ng opisina niya.
Nandoon ang babaeng kausap ko kanina, naghihintay. Nginitian niya ako pero kumunot ang noo niya nang makita na naka-simangot ako.
"Hindi ka niya tinanggap?" naguguluhang tanong nito sakin.
"Tinanggap. Maraming salamat sayo. Ano nga palang pangalan mo? Atsaka, kelan ako mag iistart dito? Anong magiging trabaho ko?"
"Yes! I thought you're not hired kasi naka-simangot ka. Sinungitan ka niya no? Don't worry, miss Farrah. He's nice naman. Ahm, wala kaming definite na trabaho rito eh. Pwedeng magproof read ng mga story ganun. It depends sa iuutos niya satin. Pwede ka ng mag-start bukas. And I'm Lamia nga pala, miss Farrah." saad nito sakin at ngumiti ng matamis.
Natawa naman ako.
"Drop the, 'miss.' Salamat talaga."
Siya naman ang natawa.
"Fine, Farrah. Promise, you'll enjoy working with us." saad niya at hinatid na ako palabas.
Nagpaalamanan na kami tapos umalis na ako.
Kahit papaano naman pala ay may napala ako ngayong araw.
Malayo layo na ako ng maisipan kong i-text si Ikki. Gabi na rin kasi.
Kinuha ko ang cellphone-- Wait. Naiwan ko ata ang cellphone ko!!
Dali dali akong bumalik ng Lenon's publishing company.
Pero pagdating ko roon, wala akong nadatnan. Nawala yung tatlong tao, maski si Lamia. Nag-tuloy tuloy na lamang ako kahit na nagtataka hanggang sa makarating ako sa opisina ng boss namin.
Kumatok ako ng tatlong beses at agad na binuksan ang pintuan pero nagulat ako sa nadatnan ko.
May babaeng nakaupo sa lamesa ni sir Clive habang nakadikit ang bibig ni sir Clive sa leeg ng babae... Nag-angat ng tingin si sir Clive at nag-tama ang mga mata namin.
Namumungay ang mga mata niya at namumula ang kaniyang labi. Napunta ang tingin ko sa leeg ng babae, dumudugo ito...
Nang bumalik ang tingin ko kay sir Clive, naka-ngisi na ito saakin.
"S-sir.. Kukunin ko lang po yung cellphone ko. N-naiwan ko ho kasi.." dahan-dahan akong nag lakad papunta sa inuupuan ko kanina. Nakita kong parang wala sa sarili ang magandang babae. Binitawan ni sir Clive ang babae at muntik na matumba ang babae pero nakayanan nitong umupo ulet kahit na nahihirapan. Nakatalikod pa rin ito saakin.
Agad-agad akong tumalikod dahil natatakot na ako. Lalabas na sana ako ng opisina ng biglang hinatak ako ni sir Clive paharap sakaniya. Ang bilis niyang kumilos. May mga ngisi pa ring nakapaskil sa kaniyang labi.
Hawak niya ang kamay kong nanginginig dahil sa takot. Umurong ako ng umurong kaso ang tanga ko kasi nakalimutan kong may pintuan pala.
Napaka-lapit na ng mukha niya sa tenga ko at wala akong magawa dahil pintuan na ang nasa likuran ko. Nanginginig ako at nanlalambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko pwedeng mapaluhod ako ngayon kundi lamang sa pinto at sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Inilagay niya ang buhok ko sa isang side at mas inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.
"I want to taste your blood. Would you let me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top