Chapter 4: Party
Chapter 4: Party
Farrah Rose
Nagbibihis ako ngayon kasi aalis kami ni Ikki. May dadaluhan daw kaming party ng mga kamag-anak niya. Pero bago yon, ipag-sha-shopping niya raw ako. Formal attire daw kasi kailangan.
Nakakahiya nga kasi isasama niya pa ako, eh kakakilala niya palang naman sakin. Diba? Nakakahiya yung ganun. Tsaka meron naman akong dress eh. Bibilhan niya pa ako. Kakahiya talaga pero pakapalan na to.
Ewan ko ba sa trip nun. Di niya pa naman nakikita mga dress ko tas pinagpipilitan niya nang bibilhan niya raw ako. Kung may pera lang ako, edi sana gora lang ako at ako na gumastos. Ugh! Nakakahiya talaga! Ang bait niya!
Sinuot ko yung plain white v-neck na shirt ko, leggings, tapos yung converse ko. Tinali ko din ng pa-messy bun ung buhok ko. Then there, ready na aketch!
Lumabas ako at nadatnan si Ikki na naka plain na v-neck na white din. Ay kaloka, pinagusapan? Haha.
Nginitian ko siya ng nakakaloko.
"Gwapo natin ah?" inirapan naman niya ako. Ang bakla nito.
"Gwapo talaga ko." Di ko na siya pinansin tas lumabas na kami ng bahay niya. May kotse rin pala siya? Wow. Rk pala to. Hehe.
Sumakay na siya dun sa driver's seat.
"Hoy! Dalian mo na nga 6:30 pm na oh! 8 ang start ng party!" sigaw niya sakin.
Sinimangutan ko siya.
"Bakit? Ikaw tong late na sinabi sakin na---" sagot ko kaso pinutol niya na ako.
"Oo na sumakay ka na! Tss." Inirapan niya nanaman ako. Ang bakla talaga! Geeez! Hindi na siya mabait! Masungit siya, masungit!
Inirapan ko rin siya.
"Kala mo naman gwapo." Pagpaparinig ko.
"Feeling maganda." Tas nilakihan niya butas ng ilong niya.
"Di naman gwapo."
"Di naman maganda."
"Eh kung nagdadrive ka na para hindi tayo malate sa pupuntahang party noh?!" tumahimik na siya at di na nagsalita.
Pagkatapos ng byahe, nakarating na rin kami ng tahimik sa isang malaking mall dito.
"Hoy Farrah dalian mo lang mamili ah!" sabi niya habang nilalock ung pinto ng kotse niya.
Inirapan ko siya. "Bahala ka diyan. Idea mo to eh. Magtiis ka!" Ewan ko kung san ako nakakakuha ng lakas para ganyanin siya after niya ko tulungan haha. Kapal ng mukha ko kaasar.
Di niya ko pinansin. Feeling famous to eh no. Kala mo talaga.
Nauuna siyang maglakad.
Nararamdaman kong nakatingin ung mga tao sa direksyon namin kaya naman taas noo ako at iniisip kong ang ganda ganda ko hahaha. Malay mo, gawin akong model. Lol.
Kaso panira kasi bigla tumigil si Ikki sa harap ng isang store na sobrang dami ng magagandang damit.
"Woooooooow!" pumasok ako ng store na yun at inilibot ang mata ko tas nilapitan ako ng isang staff.
"Yes ma'am? How can I help you?" sabi niya at ngumiti siya sakin. Ngumiti ako pabalik. Hehe. Di naman ako yung bibili eh. Kaya dahan-dahan ako lumingon kay Ikki.
"Uh. Just get 5 dress that looks good on her. I'll be back." sabi niya tas bigla na siyang umalis ni hindi niya man lang hinintay yung sagot ng babae. Bashtosh.
"Halika po maam. Eto maam? Your skin is white, tamang tama sayo tong dress na to maam! The color is cream, it is a simple dress with a soft cloth and a long fabric on the back, it is paired with this necklace and---"
"Hep hep hep! Opo na opo na akin na isusukat ko na ho."
"Yes maam, Im sure that that dress is perfect for you, and this one too, it's--"
"Hep! Sige yan na din. Sige tutal di mo naman ako titigilan hangga't di ko kinukuha yang mga dress na gusto mo para sakin, edi akin na ung mga pinakabest. Okayy?" Tumango yung saleslady at ngumiti. Mas excited pa siya sakin, aba.
++*++
Pababa na kami ng sinakyan naming kotse ngayon at grabih kasi sobrang kinakabahan ako! Wala akong kilala dun kasi kakakilala ko palang naman din dyan kay Ikki.
Ay alam niyo ba? Parehas kami ni Ikki na nakasuot ng damit na color cream mehehehe. Kakakeleg leng. Ay shet lumalandi nanaman ako.
Naka tuxedo siya, lalaking lalaki, tas ako naka dress. Yung unang sinabi ng saleslady na dress? Yun!
Bagay kami. :"> Lol joke. -_-
Papasok na dapat kami sa malaking pinto nang magsalita si Ikki.
"Hold my right arm, Farrah."
"And why?" Akala mo ikaw lang marunong mag english ah?! Marunong rin ako.
"Just hold on to it! Farrah. Kulet!" sabi niya tas umirap. Tss! Inirapan ko rin siya tas sinakbit ko yung kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya. Naglakad na kami papunta sa malaking pintuan. Mali, higante ata to. I didn't know that something like this exist. Shemay, ang gandaaaa!
May dalawang guard sa magkabilang gilid na nagbukas ng pintuan para samin tas may sumalubong samin na parang high class na guard lol anu daw?
Nag bow ang dalawang guard kay Ikki.
"Good evening, Your Highness." sabi ng guard kay Ikki. Aba, sosyal! Your highness pa talaga, ngayon ko lang nalaman na prinsipe pala tong kasama kong to. -_- pwede rin namang prinsesa? Mehe.
Tumingin naman sakin yung isang guard.
"Invitation card, maam?" Tanong sakin nung guard.
"Ah... eh... ano kasi eh.." sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Bakit sakin nanghihingi ng invitation card? -_-
"Don't worry. She's my girlfriend." sabay sabay na nanlaki ang mata ng dalawang guard pati ang mata ko. GIRLFRIEND?! Big word!
Agad naman ding nagbow sakin ang dalawang guard at ngumiti sakin.
"Good evening, maam. Go ahead and enjoy the rest of the night." Nginitian ko rin sila ng peke at kinurot ko sa bewang si Ikki.
"Ngayon ko lang nalaman na boyfriend pala kita, Your Highness.." sabi ko ng pabulong sakaniya.
He smirks.
"Just be proud, my princess." Sabi niya habang nakangisi. Nanlaki yung mata ko. Sht just got real! Kinikilig ako! Di ko mapigilan yung ngiti ko. Ugh! Di ako nakasagot kasi ano pwede isagot ko dun? Nakakablanko! Why is he doing this to meh?! Why?!
Pumasok na kami sa loob ng bahay, ay hasyenda, ay palasyo pala! Grabe naman to sa laki!
"Ikki di mo naman na banggit sakin na yayamanin ka pala!"
"Can you shut your mouth for a while? kanina ka pa salita ng salita."
"Kesa naman sayo. Panis na laway. Baho."
-_-
(o_o)
*O*
Ang ganda! This place is so classy and it is colored with brown. Ang ganda! Parang ang old ng designs pero that old design is what makes it classy and elegant!
And even yung mga tao dito, all of them looks elegant! Uh. Parang nanliliit ako! Pero ang pe-pale nila. Why is that? Kahit ganun, hindi yun naging hadlang para makita mo yung kagandahan nila!
Yayamanin talaga ang boyfriend ko! ay... I mean si Ikki!
Papalapit kami sa isang table ng dalawang lalaki at dalawang babae.
Pero bago yun, I think I saw something weird on my peripheral vision.
Is that a fang? Did I just saw a... Vampire???
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top