Chapter 2: Succor and Distress
Chapter 2: Succor and Distress
Farrah Rose
Nagising ako sa ibang bahay. Hindi to kwarto ko-- Ah. Oo. Pinalayas nga pala ako. Ang natatandaan ko lang ay.... ano bang natatandaan ko? Ayun, kinuha ng bata ang bag ko tas bigla akong nahimatay.
Teka asan ba ako? Yung maleta ko asan?! Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at nilibot ang tingin sa buong kwartong kinalalagyan ko.
Nakita ko sa gilid yung maleta ko. Yes! Buti nandiyan pa maleta ko, may pagasa pa ko! Sino naman kayang mabait na nilalang ang kumupkop sakin?
Tinignan ko ulet ang kabuuan ng kwarto. Malaki ang kwarto. The room is colored with peach. May aircon din kaya pala napasarap ang tulog ko. Isang queen size bed ang hinihigaan ko, at maayos ang kwarto. Carpeted din ang sahig. Ang gamit lang sa loob ng kwarto ay isang flat screen TV, at bedside table na may nakalagay na lamp shade. Meron ding malaking cabinet sa kabilang side at sa gilid nun ay may salamin na may kung ano anong kolorete pang ayos ng mukha. Tas may nakita rin akong pinto, siguro cr naman yun.
Ang bait naman niyang babae! Siguro mayaman siya at alam niya kung san niya dapat gamitin ang pera niya. Kahit papano pala eh swerte ako.
Dapat ko siyang pasalamatan! Sa pagpapatuloy niya sakin ng isang gabi at araw dito sa bahay niya!
Lumabas ako ng kwarto. Naka-kita ako ng lalaking nakatopless habang nagluluto. Pumunta ako sa may upuan at lamesa tas tumayo dun habang nakahawak sa sandalan ng upuan. What the bloody hell?! Lalaki yung tumulong sakin? O baka yung asawa niya? Oo baka nga asawa niya.
Hay sayang. Ang sexy pa naman ni kuya kaso may asawa na pala. Hehe. Di man halata pero may pagka-loka loka ako. Ang sama ko naman. Ako na nga tinulungan taos pagnanasaan ko pa asawa niya--- Tumalikod yung lalaki at humarap sakin.
"Gising ka na pala, F--" sabi niya. Halata naman diba? May pagka shunga si kuya ano?
"F? F ano? Fabulous?" sabi ko. Oo alam ko. Im fabulous.
"F ano. Flat chested." sabi niya tas tumalikod at nagpatuloy sa pagluluto. nanlaki ang mata ko aba salbahe to mukhang pati ako pagnanasaan! Ako lang ang pwede! Tsaka di naman ako flat ah? Salbahe salbahe!
Inirapan ko siya. "Salamat kuya sa pagpapatuloy niyo sakin ng asawa mo dito. Napakalaking tulong nun sakin. Pero aalis na rin naman po ako." dapat tatarayan ko siya kaso wag nalang kasi may utang na loob ako sa kanila ng asawa niya.
Humarap siya ulet sakin tas nang nakita ko yung gwapo niyang mukha nakakunot yung noo niya-- teka yak. Hindi ko na sasabihin na gwapo siya kasi salbahe siya.
"And where will ya go?" tanong niya nang naka-kunot pa rin ang noo.
"Somewhere. Yung walang arogante." pabulong na sabi ko habang nakatingin sa lapag.
"What?" tumaas ang tingin ko dahil parang nairita siya. Tama nga. Mas lalo kasing kumunot ang noo niya. Sumimangot ako. Narinig niya ba ako?
"Wala po. Ang sabi ko po, maghahanap po ako ng bahay." ayan dapat ganyan Farrah. Magalang. Baka sabihin di ka marunong tumanaw ng utang na loob.
"How?" tanong nanaman niya. Gusto kong samaan siya ng tingin kasi ang dami na niyang tanong pero hinayaan ko nalang. Pag dumagdag pa tanong nito, may gusto to sakin! Ganyan mga lalaki no? May asawa na, malandi pa!
"Syempre naman ho titingin ako sa mga bahay kung meron silang pinauupahan. Tapos tatanungin ko kung pwedeng dun muna ako tumuloy tapos---" pinutol niya ako. Talk about being rude. Winner na si kuyang gwapo for sure.
"Stupid. Ang sabi ko, can you rent a room if you don't have money?" akala niya sakin poor?
"Oo nam---" ay oo nga pala nakuha ng bata ung shoulder bag ko! wala nga akong pera pano yan? Huhuhu. Oo nga poorlalu ako. Kaasar naman oh.
"Ang totoo po niyan kuya tutal tinulungan niyo na naman ako, eh lubus lubusin niyo na po. Pahiramin niyo na rin ho ako ng pera ng asawa mo para--- *sniff* *sniff* nasu- nasusunog?" pagkasabi ko ng word na nasusunog ay bigla siyang nataranta. Ay tanga, sino ba namang hindi?! Nasusunog yung niluluto niya! Tas lumalaki yung apoy!
"Hala kuya bat mo kasi pinabayaan?!" Bigla siyang aakmang lumabas siguro magtatawag ng tulong tas bumalik din siya agad tas akmang lalabas tas babalik. Nakakaloka si kuya! Kumuha ako ng baso tas nilagyan ko ng tubig.
"That's because you're stupid, fck!" sabi niya na nakapagpasimangot lalo sakin. Tinapon ko yung kinuha kong tubig sa niluluto niya. Gagawin ko sana ulit yun kaso sumigaw siya. Ano nanaman? *pout*
"WHAT THE HELL? Ano bang ginagawa mo, Farrah?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Anong mali sa ginawa ko?
Ganun naman yung ginagawa ng mga bumbero pag may nasusunugan diba? Tama naman ako ah? To stop the fire from getting bigger, you need water!
"Bakit tama naman ah? Tignan mo lumiit ng yung apoy!" Pinatay niya yung kalan tas biglang tumigil yung apoy. Ah! Ganun lang pala yun? Sige na nga aamin na ko. Joke lang yung sinabi kong tinatamad ako magluto nung nakala tita pa ako. The truth is, di ako marunong.
"Why are you so stupid?! May kalan naman eh! Why did you throw water on it?!"
"Para tumigil yung apoy! Ganun naman ginagawa ng bumbero ah?! Atsaka kuya alam mo naman pala gagawin eh bakit ka parang lalabas kanina tas babalik tas parang lalabas nanaman? Wala kang ginagawa para patayin yung apoy kaya ako nalang papatay!" napahilamos siya ng mukha niya gamit kamay niya tas huminga siya ng malalim tas umupo sa upuan pagkatapos niya tignan yung niluluto niya.
"Ano to kuya? Crispy adobong manok? Asan na ba kasi yung asawa mo kuya? Makikikain ako ah?" tinignan ko yung niluto niya tapos umupo sa upuang kaharap niya. Lalong kumunot ang noo niya. May sinabi nanaman ba ako?
"Ugh! I didn't know that you're super stupid! That food Im cooking is a chicken and because you throw water on it, wala na! Di na makakain yan! Mapagtatiyagaan pa sana kung sunog eh! Ano pang makakain mo?! Crispy adobong manok ka dyan!? The hell, are you joking?! The water you throw turned dark because it is burn!!" Sigaw nanaman niya. Palagi siya nalang nakasigaw. Salbahe!
"Edi sa asawa mo nalang tayo magpa luto kuya!" Sigaw ko. Kala niya siya lang pwede sumigaw ah.
"I dont have wife! Fck, maaga puputi mga buhok ko nito!" sigaw niya nanaman.
"Kanino nga pala yung kwartong tinulugan ko, kuya?"
He looked away. "Tha- that's my sister's room. But since she's not here, I'll let you sleep there." Ah.. Sa kapatid pala yun ni kuya.
"And hey, stop calling me kuya. Call me Ikki." Pffttt. Ikki raw?! But-ikki? Bwahahah!
"But--- buti--- bwahahah! Ang panget ng pangalan mo! Butikki! Bwahahahahaha!" he stared at me with his forehead crease. Nakakatawa naman talaga ah! Pfft!
"Oh pano ba yan kuya este butikki tapos na ko tumawa. Sa labas nalang ako kakain ha? Pautangin mo na ko kuya este butikki. Lubos lubosin mo na." sabi ko habang nilalahad palad ko tas tinignan niya ako ng masama.
"Ay kuya este butikki teka pano mo pala nalaman pangalan ko? Pano mo nalaman na wala na kong pera? San moko nakita?" sunod sunod na tanong ko sakaniya.
"You're so noisy. Saglit. Oorder nalang ako ng makakain." Sabi niya tas pumunta sa pintong katabi ng kwartong tinulugan ko.
Tas bago niya masara yung pinto, may sinabi pa siya.
"Dont bother yourself in finding a room or a house. Di mo ba ko narinig kanina? Sabi ko, I'll let you stay here." sabi niya tas pumasok na ng kwarto niya. Napa-ngiti ako.
"Kuya este butikki may ikekwento ka pa sakin ah!" Sabi ko at tumayo tas pumunta sa niluluto niya.
Kumuha ako ng kutsara tas tinikman yung sabaw.
"Ew. Walang lasa. Di naman pala marunong magluto yun."
(A/N: Matagal pa po ko ata makaka-update kasi may on-going story pa kong tinatapos tapos may pasok na! Iyak ~T_T~ kung naguguluhan po kayo, maguluhan na kayo kasi di ko sasabihin kung ano yung sagot sa nagpapagulo xD lol)
P.s. Si Farrah at Ikki yung nasa pic! Mehehe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top