Prologo

Napakalaki, gaya ng bibig kong nakanganga ngayon.

Papasok ba talaga ako rito? 'Di kaya malalaman nila ang pagkatao ko?

Tanga-tanga ka kasi, Rania, e. Sino ba'ng nag-utos sa 'yo na mag-volunteer? Attention seeker talaga.

Napapabuntong-hininga, inilibot ko ang aking paningin. Marami na ang mga estudyanteng nakakalat ngayon sa harap ng dambuhalang gintong tarangkahan. Ngayon ang unang araw ng pasukan at ang araw kung saan darating kaming mga transferee. Kahit iba ang rason ko sa mga nandito, hindi ko pa rin mapigilang ma-excite sa mga mangyayari habang nandito ako.

Siguro naman malaya ako rito . . . hindi 'gaya roon.

May isang lalaking malapad ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi ang biglang sumulpot. Natigil ang iba sa pakikipagdaldalan at pagmumuni-muni, kagaya ko. Pinalakpak nito ang kaniyang mga kamay, kinukuha ang atensyon ng ibang hindi nakapansin sa kaniya. Kakulay ng mga dahon sa normal na puno ang kaniyang mga buhok at ganoon din ang mga mata niyang parang mata ng pusa. Hindi maipagkakailang gwapo ang isang 'to kumpara sa mga lalaki sa amin.

Muntik na akong mapahagikgik sa naisip. Totoo pala talagang mas angat ang ganda ng mga taga-rito kumpara sa amin. Maybe a punishment from the god of creation to the god of destruction.

"Good day, newcomers! Welcome to Academia de Lireo! I am Master Ferio Terria, your escort for today." His voice echoed everywhere. Para namang nakakita ng kakaibang bagay ang mga kasama ko dahil sa paglaki ng kanilang mga mata. He can control sound waves! Ang astig!

He cleared his throat, his wide smile still there. "I will be giving you heads up of what things you should and shouldn't do inside the academy, but just the basics since all you must know are already inside the handbook that I will distribute later on. Listen and enjoy! Once again, Welcome to Academia de Lireo!"

Umani ng palakpakan ang kaniyang hindi masyadong mahabang talumpati. Sari-saring mga komento ang maririnig sa mga baguhang katulad ko. Ang iba ay kinakabahan pero karamihan ay nasasabik.

Unti-unti nang bumubukas ang malaking tarangkahan habang may binibigkas si Master na mga salitang hindi ko maintindihan. Iyan yata ang makapagpabukas sa gigantic golden gate. Nasisilip na namin ang loob. Nakakasilaw. Nakakapanabik. Nang tuluyan nang nabukas, isang minutong katahimikan ang namayani. Pakiramdam ko'y tulad ko, nakanganga, nanlalaki ang mga mata, at nagpipigil kami ng aming hininga sa pagmasid ng napakalaking istraktura sa aming harapan.

Kaya naman pala lumalagpas na sa mga ulap ang tarangkahan! Dahil ang nasa harapan namin ay mukhang hindi paaralan, isang napakalaking palasyo na sa tantya ko'y mas malaki sa palasyo ng kaharian nila. Ginto ito at napapalibutan ng mga diyamanteng hindi nagpapatalo sa pagkinang.

A golden paradise...

"Alright! Kindly form a line and I'll tour you around while spitting basic rules and regulations. Hurry up!"

Ito na ba ang simula? Sa dalawampung taong nakakulong sa lugar na iyon, sa wakas ay nakalabas na ako at naging kapaki-pakinabang pa.

I hope this mission will be successful. May the god of destruction guide me toward its land's prosperity and victory.



- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top