Kabanata 28: Cronus

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

After a long day, I'm supposedly resting with peace.

Noong paghiga ko pa lamang sa kama ng aking kwarto, alam kong kinakailangan ko talaga ng pahinga sa lahat ng aking nalaman, nadarama, at ginawa sa araw na ito. Mula sa paglilitis na ginawa kong hakbang upang makagawa ng hindi makatotohanang kuwento sa kanila, sa sakit na aking natamasa noong binisita ko si Ama, sa katangahang nagawa kong pagpapakita gamit ang totoong anyo kay Trevor, sa bantang umabot sa akademya, sa nakakapagod na pag-ensayo, sa aking pagharap sa punong heneral na siyang gusto akong magpatunay ng teoryang hindi ko batid, at sa pagkausap sa akin ng maalamat na manlalakbay ng panahon—nararapat lamang na ako'y magpahinga at hindi pumasok sa klase bukas.

Ngunit. . . nasaan ba ako ngayon? Hindi ko matukoy. Maulap ang aking paligid pero may ginintuang ambon sa bawat paglingon ko. Nakalutang ako't parang pinaghihintay pa ng isang hindi ko matukoy na nilalang. Iyon lamang ang aking nararamdaman. Sa huling pagkaalala ko, kaagad akong nakatulog matapos kong maligo ulit at magbihis na ng pantulog.

Bigla-bigla, natigil sa ere ang mga ginintuang ambon. Nahawi ang mga ulap na pumapaligid sa akin. Bumungad sa akin ang malaking taong tanging ginintuang tela ang humaharang sa kaniyang hubad na katawan. Mayroon siyang puting balbas at buhok. Nakasapin lamang ang kaniyang paa at may dala-dala siyang harpe na mayroong kumikinang na dyamante.

Nang magtama ang aming tingin, kusang natigil ang aking paghinga. Mayroon akong naririnig na tunog ng orasa at orasan sa paligid. He snapped his fingers, causing me to breathe back to life. Parang isang segundo akong namatay nang titigan ang kaniyang mga mata. Ngunit nawala lamang iyon nang pumitik siya. Pakiramdam ko'y sinadya niya iyon o talagang mabigat ang dala niyang presensya.

Sino ba ang lalaking ito?

“My child, you're here,” he voiced out.

Tumigil saglit ang paggalaw ng aking utak. It's as if something blocked my memory. Moments later, a hint flicked on my mind. His voice is familiar. Sa dami ng nangyari sa aking buhay simula nang kunin ko ang aking misyon, hinding-hindi ko malilimutan ang gabing napanaginipan ko ang mga pangyayaring sa tingin ko'y hindi ko dapat nakikita sapagkat iyon ay nasa nakaraan na. Hinding-hindi ko malilimutan ang kilabot na ang nadarama nang marinig ang boses na bumungad sa akin, at sa mga tunog ng orasa't orasan sa aking paligid.

"S-Sino ka?" Kahit nanginginig, hindi ko pa rin naiwasang magtanong.

"My child, have you ever heard the story of a god who fell in love with a princess?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinanong niya ako ng isang napaka-weird na tanong. Tiningnan ko siya ng mapanghusga, sinasabayan ang trip ng lalaking ito. "Is that your story?" Hindi ko alam kung papaano niya ako napapunta sa ganitong senaryo kung isa lamang siyang ordinaryong tao sa mundong ito. Marahil ay isa nga siyang panginoon.

At saka, karirinig ko lang ng mabigat na kuwento kahapon, tapos ngayon, ito na naman?

Malamig na tingin lamang ang iginawad niya sa 'kin na siyang nagpakurap sa aking diwa. Nang makita niya ang aking reaksyon, kaagad siyang ngumiti ng pilit, peke, pagkatapos ay humalakhak siya ng todo.

"As a god, he can oversee the people who lived in this world, even though he's not the one who's in-charge on taking care of it. Sa paglipas ng panahon, walang masyadong nangyayari sa buhay niya. He's already bored of giving hints to people's past lives. Hanggang sa nakita niya ang babaeng walang katulad."

Parang nakakain ako ng maasim sa naging reaksyon ko. Why is he telling me this love story? This ain't making sense. At isa pa, nakangangawit kayang tumayo rito kahit nasa panaginip lamang ako.

Sa hinuha ko'y narinig niya ang pinagsasabi ko sa aking isipan dahil biglang lumabas ang nakalutang ngunit mukhang mauupuan na ulap. Ganoon din sa kaniya. Nang umupo siya, unupo na rin ako.

"Are you comfortable enough to continue my story, darling?"

Hindi ko siya sinagot. Umirap lamang ako, iniisip kung nagpapahinga ba ang aking katawan sa totoong mundo.

"Hmm, alright, then I'll continue this fairytale." He smiled, still a fake one. Napaghahalataan siya. "That woman is none other than a princess in a vast kingdom. She was well protected, gifted, but. . . in love. You know what's more interesting? She's gifted, yet hated the gods for no reason. The princess also has a lover, but that wasn't the god who fell for her. It was a mere servant."

Hindi ko na napigilang maging interesado sa kwento ng nilalang na ito. Masakit siguro para sa kaniya ang nangyari sa kuwento, kung totoo talagang nangyari o baka gawa-gawa niya lamang upang makuha ang aking atensyon.

"The god was in rage. He's a god, yet that woman just fell in love with a mere servant!" tumaas ang kaniyang boses. Napaigtad pa ako sa gulat. "Hindi matanggap ng panginoon ang nakikita. Ginawa niya ang lahat upang mahalin siya ng prinsesa—"

Hindi ko alam ang nangyayari. Kumalabog ang mundong ginagalawan ko at hindi ko na naririnig ang pinagsasabi ng aking kaharap. Nakakapagtaka lamang na nakatitig pa rin kami sa isa't isa hanggang sa nawala na nga aking ulirat sa mundo kung nasaan ang aking kaharap na lalaki. Nang magmulat ulit, nasa sahig na ako ng aking kwarto. Ayon sa orasan na hawak ng dyosa sa aking dingding, maliwanag na sa labas.

Napadaing ako't napainat mula sa sahig. Kaya siguro ako nagising dahil nahulog ako sa higaan. Sayang at hindi ko narinig ang sinabi noong lalaking hindi ko kilala. Gusto ko pa namang malaman kung paano niya kinuha ang loob ng prinsesa.

Nakaupo pa rin sa sahig, pinagmasdan ko ang desenyo ng aking kwarto. Puro dyos at dyosa mula sa iba't ibang paniniwala. Sa mga librong nabasa ko noon sa kastilyo, naaalala ko pa lahat ng kanilang mga kuwento. At kung tama ang aking hula, ang dyos ng oras ay si Cronus.

Nagsalubong ang aking mga kilay sa napagtanto. Sa tuwing napapanaginipan ko ang lalaking iyon, mayroong tunog ng oras ang lumalabas. Noong huli ay pinakita niya rin ako sa mga pangyayari sa buhay ng aking ama noong unang panahon. So, all this time, it was the god of time's fault?

Remembering my first day of school. . . noong orientation sa pagpasok ko sa akademya, siya rin kaya ang nagpahinto ng oras at nakipag-usap sa akin? Pero ano ba ang kinalaman ko sa kaniya?

I'm nothing but a pathetic unwanted child.

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top