Kabanata 26: Genshi
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
"Punong Heneral, pinapatawag kayo sa palasyo. Mayroong kaguluhang nangyayari."
Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. Isa itong kabalyerong nakasuot ng puting uniporme. Nakayuko ang kaniyang ulo na tila ba'y sobrang laki ng kaniyang respeto sa kinakaharap na tao.
Nang tumayo ang heneral, kaagad tumungo ito sa pintuan nang walang sinasabi. Gumilid ang kabalyero samantalang dali-dali namang sumunod ang kambal at prinsipe. Nagtitigan pa kami ng kabalyero sa pagdadalawang-isip kong sumunod, napalunok pa ang huli nang hindi ko tinanggal ang titig ko sa kaniya.
"M-May kailangan ho kayo?"
Napakurap ako't umiling. "Live longer."
Kaagad kong sinundan ang naunang tatlo. Nang makalabas ako sa malawak nilang lupa, nakasakay na sila ng karwahe at handa ng lumisan. Walang anu-ano'y lumundag ako patungo sa itaas ng kanilang sinasakyan. Umuga pa ito at dinig na dinig ko ang ingay ng dalawang kabayo.
"What the hell are you doing there, Ruby?!" I heard Trevor's shocked and irritated voice. Lumabas pa ang ulo niya sa bintana para silipin ako rito sa itaas.
Napairap ako sa inis. Tanga ba siya? Ang linaw na ng ipinapahiwatig ko; gusto kong sumama. "Can you just go?" I pleaded with restriction.
"Goodness! Wala man lamang respeto sa punong heneral. Ano ka ba namang babae ka." Naririnig ko pa rin ang mahihinang reklamo niya kahit umaandar na ang kalesa. Pakiramdam ko nga'y nagmumura na siya sa 'kin kahit katabi niya ang heneral. Ako nama'y ilang ulit ng napairap sa ere habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi niya at ang hagikgik ni Treshia.
Ilang minuto ang nagdaan, narating na namin ang palasyo. Taliwas sa sinabi ni kabalyero, parang walang nangyayaring kaguluhan dito sa kaharian.
Baka nilinlang lang kami no'n?
Lumundag na ako mula sa itaas. Kita ko naman ang pag-igtad ng kutsero. Agad itong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring hinihimas ang alagang kabayo.
"Mukha namang walang kaguluhan, Ama," si Treshia ang nagsalita. Sumang-ayon kaagad ang kaniyang kapatid, maski ang prinsipe na mukhang nasa pilyong katauhan.
Tumikhim ang heneral at tuwid na pumasok sa kumikinang at napakalawak na palasyo. "Let's get in first."
Wala kaming napala kun'di ang sumunod.
Kagaya ng tipikal na mga palasyo, ang taas ng kisame rito. Buong buhay ko'y nakakulong lamang ako sa kastilyo ng Drakia kaya hindi pa ako nakakapasok ng palasyo. Ngunit masasabi kong napakalaki talaga nito. Ito mismo ang lugar kung saan ako napadpad sa panaginip ko noong nakaraang araw. Ang kaibahan lamang ay marami ang nadagdag at mas naging enggrande-na para bang sa bawat paglipas ng panahon, kinakailangang may madagdag na palamuti upang masabi na nagbago ang lugar.
Ngayon lamang ako nakapagmasid sa palasyo kahit na nakapunta na ako rito noong kaarawan ng prinsipe. Paano kasi, masyado akong okupado noon sa pagpaplano. Hindi ko man lang maisip ang ibang bagay.
Pigil-hininga akong napatingin sa bawat sulok. Kulang na lamang ay may maririnig akong kuliglig sa nakabibinging katahimikan ng paligid. Bukod sa iilang mga kawal na nagbabantay sa bawat sampung metro at mga katulong na palakad-lakad at may ginagawang trabaho, walang importanteng mga personalidad sa kahit saan kami lumiko. Pakiramdam ko'y nasa iisang lugar ang lahat dahil sa kaguluhang sinabi no'ng kabalyero.
Sa wakas, huminto kami sa may kalakihang pinto. Nandito siguro ang sinasabing kaguluhan bagama't nasa apat na kabalyero ang nasa pintuan at sinalubong kami.
Nang makapasok na kami, maraming tao ang nasa silid. Kahit malaki ang silid na ito na mukhang pinagsamang dalawang kuwarto sa dormitoryo ang laki, muntik pa rin itong mapuno sa sobrang dami ng taong nakikiusyoso. Nang makita nila ang paparating na heneral na siyang nangunguna sa amin kaagad silang gumilid. Napunta kaagad kami sa harap.
Sa harapan ay nandoon ang hari na mukhang kapatid lamang ng prinsipe, ang iba't ibang bigating personalidad na nagpunta noong assessment day, at may iba pang hindi ko nakilala ngunit alam kong importanteng mga tao base sa kanilang tindig at awra. Bukod sa kanila, may iilang kawal ding nakaputi, kagaya no'ng nasa labas, at mga katulong na mukhang hindi rito sa palasyo galing kun'di sa mga lugar kung saan nanggaling ang mga nakiusyoso.
"Punong Heneral, mabuti nama't nandito ka na."
Napalingon kami sa bumati. Iyon ang ama ni Prinsipe Meshach. Kaagad nagbigay pugay ang mga kasama ko kaya wala akong ibang magawa kun'di ang magbigay-pugay rin. I even saw how the King's eyes flickered when it landed mine.
I cannot read him.
"My pleasure to be with you tonight, Your Majesty." After that, the war general finally stood up with noble air surrounding him.
"How did you know that it is tonight Genshi will be resurrected?" King Yinxel curiously asked.
Napamuglat ang aking mga mata sa narinig. Mabubuhay'ng muli ang taong kayang pumunta sa iba't ibang panahon?! Kung gayon ay nasa pribadong silid kami ngayon.
Nang tignan ko nga ang paligid, napag-alaman kong medyo tanga nga ako sa hindi pag-obserba noong pumasok kami kanina. Nasa harapan ang gintong kuwadrado kung saan nakasilid ang taong akala ko'y sa alamat ko lamang mababasa. Mukha lamang itong natutulog ngunit ang sinasabi ng iba ay wala na itong kaluluwa sa loob. Mahigit isang dekada na raw itong nagkaganito.
Treshia, who's in my side the whole time, sighed in confusion. "Akala ko'y may kaguluhan kaya pinapunta ang aking ama rito. Ngunit, tatanungin lamang siya sa propesiyang kaniyang ibinigay? Nandito pa talaga ang karamihan, talagang naghihintay sa pagbabalik ng kaluluwa ni Ginoong Genshi," she murmured in small voice, obviously irritated.
"Just shut up, Treshia. We're not alone here," Trevor scolded his sister. Nasa gilid naman siya ng kaniyang kapatid.
"Pero, Kuya, hindi ba't sinabi ni Ama na wala dapat ibang makakaalam sa pangyayaring ito? Bakit tila sinabi yata ng hari ang lahat kung kaya't marami ang narito ngayon? Hindi ko maintindihan."
"I said shut up." Trevor seems like gritting his teeth as his Adam's apple bobbled up. "Wala tayong karapatan na pangunahan ang desisyon ng hari."
Meanwhile, the prince, who's I think in his serious personality, was just standing behind his father-unaware of the talks the siblings had. Kanina pa siyang nandiyan simula noong nakapasok kami. Para bang awtomatikong napupunta siya sa likuran ng hari kung nasa iisang silid ang mag-ama.
"Your Majesty, it was the god of prophecy, Apollo, who fed me this information. His excellency's words are absolute unless state the otherwise." The War General slash Marquess finally answered. Sa aking pagmamasid sa kaniya, masasabi kong nagpipigil itong magsabi ng kaniyang mga tanong sa isipan.
Tumaas ang kilay ng hari bago pagmasdan ang katawan ng malaalamat na tao. "Is that so? Then, I've gathered enough people here to prove your prophecy."
I saw how the general clenched his fists but dispersed immediately. Bago pa makasagot pabalik ang heneral, napunta ang atensyon ng lahat sa kahong salamin dahil sa kalabog na nanggaling doon.
Nakita namin taong pilit na kumakawala sa kuwadradong bagay na nagkukulong sa kaniya. Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Totoo ang propesiya ng punong heneral, hindi lamang siya gumagawa ng kuwento.
"Nagising na si Ginoong Genshi!"
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top