Kabanata 25: Paghahanda

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

“Are you okay?”

Napalingon ako sa nagtanong. Ang mga mata niya'y mababahiran ng pag-aalala ngunit hindi ko batid kung para saan.

Bumuntong hininga lamang ako‘t hindi siya sinagot. Binalik ko ang tanaw sa unti-unting bumubukas na pader mula sa kinatatayuan naming hagdan. Nang magbukas nang tuluyan, ako ang naunang lumabas sa aming apat.

Nasilaw pa ako sa biglaang pagliwanag ng kapaligiran na nagmumula sa kisame ng kastilyo. When my eyes finally adjusted its sight, my nonchalant face almost lost its color. Kitang-kita ng mga mata ko ang daan-daang estudyante na mukhang nagmamadali sa paroroonan. Balisa ang lahat, may hawak na mga sandata't kagamitan at mukhang may pupuntahang giyera. Tagaktak pa ang pawis ng iilan.

Nalilitong lumingon ako sa aking likuran kung saan nalalanghap ko ang kaseryosohan ng aking mga kasama. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari. Ngunit bago ko pa man iyon maisatinig, bumoses na ang prinsipe na siyang nasa seryosong personalidad.

"Marahil ay nalaman ng hari ang nangyari kanina't nakutuban sa mga posibleng mangyari. Malakas ang kutob kong siya ang nag-utos sa mga estudyante na magsanay at maghanda sa paparating na delubyo."

Parang gusto kong lumuha sa sinabi ng prinsipe. Ano ba itong pinasok ko? Oo nga't inaasahan ko na ang digmaang mangyayari dahil iyon naman talaga ang kagustuhan ni Ama, ngunit hindi ganito kaaga. Pakiramdam ko'y nagiging pabigat ako lalo sa misyong inako ko.

Mayroong lumapit sa aming knight in uniform. Nakakaintimida ang tindig nito kaya alam ko na agad na mabigat ang dala nitong balita.

Yumukod ang kawal sa aming harapan kahit na kalalabas lang namin mula sa underground cell. Nang makatayo, hindi siya nakatinging deretso sa prinsipe, bagama't nasa likod nito, sa pader, ang paningin. He's not making an eye contact.

"Pagbati, Mahal na Prinsipe. Inaatasan ho kayo ng Mahal na Hari na mag-ensayo sa personal na training room ninyong magkakaibigan. Pagkatapos ay may susundo ho sa inyo upang pumunta sa lugar ng punong heneral."

Napakamot sa ulo ang prinsipe. Sa hula ko'y iyong walang kamuwang-muwang sa kasamaan ng mundo ang nandito ngayon sa harapan namin. "Talaga ba? Bakit daw? Nakakapagod kaya!"

Yumukod ang kawal sa harap ng prinsipe na parang nahihiya nang kumausap dito. "Ipagpaumanhin n'yo po, Mahal na Prinsipe, ngunit inutusan lamang ako upang ipabatid sa 'yo ang mensahe. Wala akong—" pinutol siya ng prinsipe sa pamamagitan ng pagkaway ng dalawa niyong kamay.

"It's okay, it's okay. You can go now, we can manage." Nagngising aso pa ito nang tumalikod na ang kawal at mabilis na nawala sa aming paningin. Humarap ito sa amin. "Tara na?" pag-anyaya niya.

Yumukod ako't tiningnan siya mismo sa mga mata. "Mauna na ako. Kinakailangan kong magpahinga sa dami ng nangyari sa akin sa araw na 'to."

Kahit sa prinsipe ako nakatingin, nakita ko pa rin ang mapanghusga't nakataas na mga kilay ni Trevor. "Tulad ng ano?"

"Kuya, hayaan—"

"Shut it. She'll join us in our training," he announced with conviction. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Patay-malisya naman siyang nagtaas ulit ng kilay. “What?”

“Hindi mo ba ako narinig? Pagod ako at gusto ko ng magpahinga. At saka hindi naman ako kaibigan n'yo para sumama pa sa inyong mag-ensayo. Kaya ko na ang sarili ko."

"Natalo mo lang ako ng pangalawang beses, lumalaki na ang ulo mo?"

"What are you talking about, Ruby? We're already friends."

Sabay na nagsalita ang magkapatid. Hindi ko na alam ang hulma ng aking mukha. Siguro'y nagtagpo na ang aking mga kilay sa inis. Bago pa ako makapagsalita ulit, may kamay na humawak sa akin. Nawala ng ilang segundo ang aking paningin at sa pagmulat ng aking mga mata, nasa harapan na kami ng opisina ng Pyramid.

"I know the feeling of being in the middle of that argument. Nauna na tayo rito dahil maski ako'y naiinip ng makasama ang dalawang iyon," a voice from my side talked.

Napatingala ako sa tangkad ng Prinsipe. Kumurap pa ako sa gulat na hindi pa natanggal sa aking sistema. "B-But I want to rest. . ." I softly interjected.

"Let's train, Miss Ruby. We wouldn't want to see your bloody body lying on the ground if the time comes. Mas mabuti ng handa kaysa walang magawa." Nauna na itong pumasok sa opisina. Ni hindi na ito nag-aksaya pa ng oras na isipin ang pagtakas ko dahil dere-deretso na ang kaniyang hakbang.

Gusto ko mang tumakas, alam kong wala na akong kawala. Ang prinsipe na mismo ang humila sa akin upang mag-ensayo. Tama rin naman ang punto niya. Isa pa, hindi ang masayahing Meshach ang aking nakaharap. That's his other side. I don't want to see his bad unseen personality.

Malayo pa lang, narinig ko na ang yabag ng dalawang pares ng paa. Nagmamadali akong pumasok at tinahak ang sekretong pinto. Kaagad akong pumasok sa malawak na training room.

Namataan ko ang prinsipeng sinusuntok ang isang punching bag na mayroong sharp objects na pumapalibot dito. Kada suntok niya'y kaagad nabubutas ang kaniyang kamao ngunit nagsasara din naman. Nakamamangha ang abilidad niyang makapagpagamot ng sarili sa loob ng mabilis na panahon.

I don't want to fight him. Maybe, he's stronger than me.

Nagsimula na akong mag-ensayo. Sinubukan ko ang iba't ibang armas na aking natitipuhan. Matagal ng panahon simula noong nag-ensayo ako ng ganito katagal. Namimiss ko ang pakiramdam na nasa harap ng aking ginawang ilusyon na mga kalaban. Sunod-sunod ang aking pagpatay sa mga ito na parang totoo talagang mga tao. May ibang gumagamit pa ng kapangyarihan na siyang nilalabanan ko lamang ng hindi gumagamit ng aking kapangyarihan. Ginagawa ko ito nang sa gayo'y alam ko ang gagawin kapag naubusan ako ng mana ngunit kinakailangan pa ring lumaban.

Sobrang pokus ako sa ginagawa't hindi namalayan ang pagpasok ng kambal. Naramdaman ko lamang ang kanilang mga presensya nang tumawa ng malakas ang nakakabwisit na si Trevor. Ito man ang unang beses na narinig ko siyang tumawa, sa hindi pa kaaya-ayang panahon.

"Ano ba 'yang inaaway mo? You're not making sense at all," komento niya habang naghahanda sa mga dummy na kaniyang kalalabanin.

Inirapan ko siya habang umiiwas sa mga paparating na nga patalim. "You're stupid enough to see them."

"Ano'ng sinabi mo?" gigil niyang tanong. "Ikaw 'yong tanga na nang-aaway ng hangin."

Sinipa ko ang leeg ng taong may dala-dalang dagger. "Ikaw, anong problema mo? Hindi kita pinahihintulutang tawagin akong tanga."

"So, what? Ikaw ay puwede akong tawaging tanga, tapos ako, hindi?" Nagiging isip bata na siya. Nahagip pa ng aking mata, nang umiwas ako sa isang palaso, ang kaniyang puno ng hinanakit na suntok sa mukha ng dummy. Awtomatiko itong natumba kahit isang suntok lamang iyon. "You're unfair, lady."

Napangitngit ako sa aking mga ngipin at hindi na sumagot. Ayaw kong makipagtalo sa taong hindi sumasang-ayon sa akin. Nakakawalang ganda.

"I think she's fighting an illusion, Kuya," Treshia whispered.

I only snickered in agreement.

Lumipas ang oras at may tumunog na alarm sa buong training room. Inanunsyo agad ng prinsipe na naroon na ang magsusundo sa kanila patungo sa bahay ng war general na siyang ama ng kambal.

Tumungo ako sa banyo at agad na naligo. Pinalitan ko ang gutay-gutay na suot kong damit sa isang simpleng pulang combat outfit. Gusto ko mang mag bestida, iyon lamang ang laman ng spatial room ko. Nakalimutan kong mag-shopping noong hindi pa ako okupado sa mga ginagawa.

Nang makalabas ako, naghihintay na silang tatlo sa akin. Kapwa nakapormal na suot. Napataas ang aking kanang kilay sa nasaksihan.

"Ang tagal mo. Nababagot na ang sundo."

"Hindi pa ako handang mamatay."

"Pinagsasabi mo?"

Inirapan ko ang lalaki't nilampasan sila. Hindi ko sila nililingon ngunit alam kong nakasunod lamang sila sa akin. Napahinto lamang ako nang marinig ang sinabi ng prinsipe.

"You'll come with us, Miss Ruby."

"H-Huh?" I stuttered. "Pagod na nga po ako, pasasamahin n'yo pa ako hanggang doon? Ano namang kinalaman ko sa sasabihin ng heneral?" I'm so confused. Ano ba'ng gustong mangyari sa akin ng mga taong ito?

"My father also requested for your presence." It was Treshia. "He sent a bird earlier to tell that additional information."

Nanlulumong napasunod ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa pamilyar na lugar. Marahil sa kanilang paningin ay bago lamang ako sa malaking property na ito, ngunit sa katotohana'y pangalawang beses ko na ito.

Sa kasalukuyan ay nakaupo kaming apat sa harap ng heneral. Wala kami sa throne room, nasa study kami ng heneral at umiinom ng tsaa. Nag-uusap ang apat patungkol sa mga paghahanda na ginagawa ng akademya at ng iba pang hukbong pangsulong sa mismong kaharian. Mahaba ang kanilang pinag-usapan ngunit nakinig lamang ako, nagbabakasakaling mayroong marinig na impormasyon tungkol sa hinahanap kong libro. Ngunit wala. Hanggang sa napunta sa akin ang atensyon.

"Ruby," pagtawag niya.

Napaayos ako ng upo sa harap ng heneral. Sa tingin ko'y nakikita niya pati kaluluwa ko dahil sa lalim ng kaniyang pagtitig. Hindi ko mawari kung paano ba ako napunta sa posisyong ito. I was just forced to train earlier, then in a snap, I am now facing the war general of the Lireo Empire, my mortal enemy's father.

"P-Po?" hindi ko mahanap ang sariling dila sa kaba. Pakiramdam ko'y ubos na ang enerhiya ko sa dami ng kaganapan, pagkatapos ay pinaharap pa ako sa kaniya. Sa tingin ko'y hindi sa digmaan ako mamamatay, kun'di sa sobrang pagod sa nakapaligid sa akin.

Paano kung alam na niya ang totoo kong pagkatao? Noong huli ko siyang nakita ay pinag-uusapan nila ang babaeng may pulang mga mata at puting buhok—ako—pagkatapos ay talagang mata sa mata na kaming nagkita.

Ano ba'ng kailangan niya sa akin?

"I was informed that you and my children are getting along. With that, I want you to prove yourself to me. . . by proving a certain theory." Sa pagsabi niya no'n, parang nanindig ang aking mga balahibo.

What theory is he talking about? Sa gitna ng paghahanda, may gana pa silang magpatunay ng isang teorya?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top