Kabanata 24: Banta
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
Napainat ako sa aking mga braso mula sa kinauupan nang matapos kong basahin ang librong tungkol sa royal lineage ng mga von Lireo. Pagtingin ko sa malayong pintuan ng silid-aklatan, may kalalabas lamang na lalaki. I squinted my eyes to clearly see who it was, and I was right. Si Trevor ang lumabas. Kanina pa siya rito? Ano namang ginagawa niya? Himala't hindi ako naamoy ng pagiging pakialamero niya.
Isinauli ko muna ang aklat bago lumabas. Hapon na't malapit ng gumabi. Sa paglalakad pabalik sa dorm, naalala ko na naman ang nangyari kanina. Bakit ko nga ba nasabi ang mga katagang iyon bago ako naglaho? Pakiramdam ko'y may sumapi sa aking diyos na hindi ko naman tinawag. And judging by the words that came through my mouth, it was the god of prophecy, Apollo.
Pinilit kong intindihin ang mga katagang iyon kanina nang gumaling ng kusa ang malalim kong saksak ngunit sumakit lamang ang ulo ko kaya naisipan kong lumabas at magbasa.
Sa aking huling paghakbang palabas sa akademikong kastilyo, biglang yumanig ang lupa. Nanlaki ang aking mga mata nang mapuno ng itim na usok ang paligid. Kaagad akong napatakip ng ilong sa nakasusulasok nitong amoy. Paliko na sana ako nang may biglang humablot sa akin. Handa na akong tumili pero tinakpan nito ang aking bibig.
"Just behave, orphan." Napatigil ako sa paggalaw. Malalim ang boses ngunit hindi naman kasungitan, mukhang palakaibigan namin.
Nang tumingala ako, mukha ng prinsipe ang sumalubong sa akin. Awtomatikong nanlaki ang aking kayumangging mga mata. Hindi siya mukhang tanga ngayon, mukhang ito ang seryosong Meshach na humarap sa akin sa interogasyon kaninang umaga. Nakahawak ito sa aking tyan habang nakatakip ang isa pang kamay sa 'king bibig. Matatalas ang kaniyang tinging palinga-linga sa paligid na napupuno ng usok.
Nalilito pa ako sa nangyayari. Bigla-bigla ba naman ang pangyayari. Ni-hindi pa masyadong pumapasok sa isipan ko ang paglilitis sa 'kin, dumagdag pa ang emosyonal na sakit, 'tapos nakita ako sa totoong anyo ni Trevor, at ito na naman?
Kailan ba matatapos ang araw na ito? Parang napakahaba't may nag-aksaya pa talaga ng oras sa 'kin. Pagod na ako.
Ilang segundo pa ang nagtagal bago ko narinig ang sunod-sunod na pagsabog. Meshach released me from his strong grip, guiding me outside the soon-to-be battlefield space. Hindi ko siya sinunod bagkus ay tumakbo ako sa kabilang direksyon, patungo sa nangyayaring labanan.
Nagising na ang diwa ko. Naiintindihan ko na ang pangyayari. Someone from Drakia was sent here to ambush the academy. Desperada na talaga ang aking bansa. Sana pala hindi na ako pumunta roon kanina upang hindi maisipan ni Ama na nagpapakasaya lamang ako rito kaya hindi ko pa natatapos ang misyon. Dahil para sa kanila'y madali lang ang paghihirap kong mahanap ang libro.
"Miss Ruby, where are you going? It's dangerous there!"
Hindi ko namalayang sinundan pala ako ng prinsipe. "Paumanhin sa katigasan ng ulo ko, Mahal na Prinsipe. Gusto kong tumulong."
"It's not your work to help as of the moment. This the knights' dut—" I cut his words.
"Then, let me be a knight at once, Prince Meshach. Gusto kong tumulong," huli kong sinabi bago tumakbo ng mabilis. Hindi puwedeng hindi ako tumulong. I want to stop those assassins myself, and stop them from being killed with the knights here.
Gusto mo lang mapuri, e.
Umiling ako sa naisip at nagpatuloy sa pagtakbo. Pinakalat ko ang presensya sa paligid upang magsilbing tracker. Makaraan ang ilang sandali, may pumitik sa 'king utak na siyang nagpaalam sa akin kung ilang taga-Drakia ang nandito.
Ten average assassins. Drakia is known as a country of strong people who has minimal magicules or mana in their body. It is their way to survive in a war and to establish the country's name as the Land of Manpower. But even so, why would my father send these assassins?
What is he planning? He is basically wasting troops for the upcoming war. If I stop them, will he get mad?
Curling my fists tightly, I started chanting. It is an enchantment for them fall in a slumber. Kung mahuhuli sila'y mas mataas ang tsansang hindi sila papatayin at makakaligtas. Maybe, if they will be under interrogation of the Pyramid in their cell, I can go with them.
I need to know their intention. . . what if they were sent here to end me?
Saktong natapos ko ang pagsasalita ay nakarating ako lugar kung saan naglalaban ang mga skilled assassins at ang iilang knights na nandito. Tatlo lamang ang knights, kasali na si Trevor, habang tumutulong din naman si Treshia na ngayo'y tagaktak na ang pawis habang nakasuot pantulog na damit. Naabutan kong natumba na ang lahat ng kababayan ko, pati na ang nasa itaas ng puno na may hawak na patalim. Kaagad silang kinaladkad ng nakakitang mga lalaking estudyante, ayon sa utos ng prinsipeng nakarating na rin pala, papunta sa underground cell ng akademya.
"Saan ka pupunta?" masungit ang tonong pagtatanong ng boses. Nang lingunin ko ito, nanlilisik na naman ang mga mata niya. O baka ganiyan lang talaga siya tumingin?
Umismid ako't sumunod kay Treshia na nagrereklamo kay Prinsipe Meshach kung paanong nadistorbo ang beauty sleep niya sa hapon. Mukhang bumalik na ang happy-go-lucky na prinsipe.
"Hindi mo ba ako sasagutin?"
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakabuntot sa akin. "Ayon sa nabasa kong libro, hindi mo masasagot ang isang lalaki kapag hindi nanligaw."
Nakita kong namula ang kaniyang mga tainga na siya pinagtaka ko. Tama naman ako, ah? Baka hindi niya naintindihan. "What are you talking about?—" sabi na, e, "Nagtanong ako kung saan ka pupunta, bakit hindi ka sumasagot?"
Ako naman ang natigilan, pati sa paglalakad. Oo nga, ano? Grabe, ang tanga lang.
Inirapan ko muna siya bago sumagot, "Susunod sa inyo. Gusto kong malaman kung ano ang intensyon ng mga taong iyon."
"Hindi ka puwede ro'n." Sinabayan niya ako sa paglalakad. Nagulat pa ako dahil ang kalmado ng boses niya, hindi tunog gigil na karaniwang tono niya kapag kumakausap sa akin.
"At bakit hindi?" tumaas ang boses ko, "I was involved in the incident. I deserve to know the reason why they attacked right before I stepped out of the castle. It's alarming."
"Pareho talaga kayo," bulong niya. Napaiwas pa siya ng tingin.
"Ano?"
"Fine, you can go, but do not do anything stupid." Bumalik na ang pagkamasungit niya.
"Whatever."
Nauna na akong maglakad sa kaniya habang nakasunod sa naunang Pyramid. Huminto ang mga kalalakihan sa tapad ng pader na nasa gilid mismo ng pintuan sa silid ng Block 1. Tinapat ng prinsipe roon ang kaniyang kamay kagaya ng ginagawa namin kapag nagbukas ng silid sa dorm. Nang bumukas ng tuluyan ang pader, isang malawak na pababang daan ang tumambad sa amin. Mayroong hagdanan ngunit malalaki dapat ang hakban. Sa bawat pagtapak ko, dapat ay nakaalalay sa akin ang pader sa gilid.
Ikinagulat ko na lamang nang hawakan ni Trevor ang baywang ko. Muntik ko pa siyang matulak kung hindi lang ako nawalan ng balanse. Ginawa niya pa iyong dahilan upang mas humigpit ang hawak niya sa 'kin.
"Ano ba?!" Bakit ba siya naging ganito bigla? Hindi ko na talaga maintindihan kahit kailan ang lalaking ito.
Kapag talaga natapos ko na ang aking misyon, unang una ko siyang papatayin sa digmaan.
Suminghal siya. "You should be grateful that I'm helping you."
"Sinabi ko bang tulungan mo ako?"
"Tumahimik ka nalang, ang ingay."
"Tumahimik nga kayo, Kuya. Nagigising ang mga natutulog na insekto."
"I-Insekto?"
"Oo, maraming insekto rito. Kung ayaw mong tumahimik, puwede namang sila ang—"
"Shut up! They might. . ."
Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa habang ako nama'y palinga-linga sa paligid, akay pa rin ni Trevor. Tahimik na ito ngayon at mukhang napansin ang pagkabalisa ko dahil itinapat niya bigla ang mukha sa akin, nakangisi. Magkasalubong ang aking mga kilay nang hawiin ko ang kaniyang mukha. Bago pa siya makaganti ay narating na namin ang dulo ng hagdan. Sa aking harapan ay ang iba't ibang selyadong silid na nakapuwesto sa magkabilaang gilid. Walang laman ang mga selda kung kaya't nakabibingi ang tunog ng katahimikan.
Pumasok kami sa dulong silid kung saan may tatlong upuan. Doon umupo ang Pyramid. Nakatayo naman ako sa kanilang likuran habang ang mga nagdala sa trespassers ay lumabas na. They know their boundaries. While the assassins are asleep, Treshia manipulated a ray of light, binding the ten of them into one.
"Ano ba talaga ang nangyari? I was having a beauty rest when I heard a sudden explosion," Treshia broke the unsealed silence. Mukhang wala pa sa hulog ang dalaga at galit talaga sa nangyari dahil sa distorbong nakuha niya.
Nagtaas ng kamay si Meshach. "Hindi rin namin nasundan ang pangyayari. Nasa opisina ako no'ng mangyari iyon kaya nag-teleport kaagad ako papunta sa pinangyarihan. Nakita ko roon si Miss Ruby na nakatayo habang nakatakip ng ilong. I saved her. Vellares was standing few meters away from the orphan but he chose to fight the assassins coming."
"And it seems like their target is Ruby."
Nakikinig lamang ako sa usapan nila habang walang emosyon ang mukha dahil sa sinabi ni Trevor. I'm the target?
Hindi pa ako nakapag-isip ng dahilan nang makarinig kami ng sigaw. Mula iyon sa isa mga assassin na naunang magising. Nagsunod-sunod na ang pagkawala ng chant na ginawa ko't nagsimula na silang magwala.
Itinaas ni Meshach ang kamay at ikinuyom ito. "Silence," his powerful voice resonated. Mukhang mapapasunod talaga ang kung sinong gusto niyang pasusunurin. Iyan ba ang abilidad niya?
Natahimik ang sampung nanghimasok ngunit masasama ang tingin nito sa aming apat. "Pakawalan n'yo kami kung ayaw n'yong dumanak ang dugo—"
"I said silence."
Tumahimik.
Trevor cleared his throat and began the interrogation. "Ano'ng pakay ninyo rito?"
"We're looking for Rania." Isa sa mukhang matino ang sumagot.
Nanlamig ang aking kamay sa narinig. Pakiramdam ko nga'y namutla ako pero pinanatili ko pa rin ang blangko kong pagmumukha.
"Sino si Rania?" Treshia asked, finally calmed down.
Nagpupumiglas ang iba sa sahig. "A lady with white hair and red eyes, milady," the one in fron of them all softly answered, eyeing Treshia like a creepy predator.
Napatingin ang tatlo sa akin. Hindi ako umiwas ng tingin, bagkus ay nakatitig ako kay Trevor na matalim na naman ang tingin. "She's not here," pagboboses ko, "Did you, perhaps, mistaken me as her that you attacked me right before I got out from the castle?" Hindi nila ako pinansin. Nairita ako na umabot sa puntong nagngingitngit na ang mga ngipin ko.
Kahit pala'y nasa ibang anyo ako ay makatatanggap pa rin ako ng hindi makatarungang trato mula sa kanila.
"If you happen to speak with her these days, tell her not to be stupid and cut the leisure before the land paints red. It's a message from her very own father in Drakia."
Kumislap ang mga mata nilang lahat. Nagulat na lamang ako nang biglang mag-apoy ang kanilang suot hanggang sa umabot na ito sa kanilang mga balat. Wala silang ginagawa, hinahayaan ang sariling malamon ng apoy. Noong sinubukang lumapit nj Trevor, mayroong barrier na nakapalibot sa sampu. Wala kaming nagawa kung hindi panooring lamunin sila ng apoy.
Hindi ko napansin ang panginginig ng mga kamay ko, nakita ko lamang ito nang yumuko ako.
Pumatay si Ama ng sampung tao upang maiabot ang mensahe sa akin at maging banta sa akademya? Gusto ko ng matigil 'to. . .
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top