Kabanata 21: Pagbisita
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
"I'm sorry for this trouble, Miss Ruby. You can now go," Meshach adjourned the interrogation session. Nakatayo ito sa harapan ko't maaliwalas na ulit ang mukha, nakangiti na siyang nagpalabas sa magkabilaan niyang biloy.
He's wearing his idiotic façade again.
I nodded my head gently and bowed to express my gratitude for letting me go. Tumalikod na agad ako nang makatayo ng maayos at binagtas ang kadilimang pasilyo pababa at palabas sa kastilyong nakalaan para sa mga mag-aaral ng akademya.
Si Prinsipe Meshach na ang naghatid sa akin papalabas ng kanilang opisina dahil nagtatalo ang kambal sa kani-kanilang paniniwala patungkol sa akin. Hindi kumbinsido si Trevor sa pinagsasabi ko at talagang naniniwala siyang isa akong espiya, isang kaanib sa kanilang kaaway. Habang si Treshia naman, pinaglalaban niyang biktima lamang ako ng babaeng nagsanay at nagpaaral sa akin sa akademya. Naniniwala rin ang babae na may mas malalim pang misteryo sa katauhan ko. Bukod sa pagkakaroon ng dugong bughaw kaya nakapasok ako sa pribadong silid-aklatan, maaari daw'ng inabandona ako ng aking mga magulang na maharlika.
Ang dami nilang teorya't pinaglalaban kaya pinuslit na lamang ako ni Meshach palabas. Although most of their theories are nonsense, some of it are true. Nabilog si Treshia ng aking kuwento ngunit kagaya ko'y nahihiwagaan din sa aking pagkatao. Samantalang si Trevor ay tama sa hula niyang isa akong espiya, ngunit hindi ko kaanib ang sinasabi nilang kaaway dahil sarili ko iyon mismo.
At kung alam lamang nilang hindi bughaw ang aking dugo. . .
Nang makarating sa aking dormitoryo, kaagad akong tumungo sa aking silid at ibinagsak ang katawan sa kama. Kagabi pa ako walang tulog dahil sa malalimang pag-iisip, 'tapos, ganoon lang pala ang kinalabasan ng aming pag-uusap.
Pakiramdam ko'y nasayang lamang ang aking oras. Bukod sa nalaman ko kung gaano katalas kung mag-isip ang personal knight ni Meshach at ang iba't ibang personality ng huli, wala ng ibang importante akong nakuha. Sila pa ang napaikot ko sa 'king kamay.
Mariin akong napapikit at napahilot sa sentido. Nang tumagilid ako't binuksan ang mga mata, nakita ko ang kuwadernong sinulatan ko ng mga impormasyon patungkol sa akademya. Dali-dali akong bumangon at umupo sa harapan ng lamesa. Isinulat ko kaagad ang mga mahahalagang pangyayari simula nang pumasok ako sa akademya.
Nang matapos, bumalik ako sa higaan at tumihaya ulit, nakatitig sa kisameng may mga pinta ng iba't ibang dyos at dyosa. Napakurap ang aking mga mata nang maalala ko ang bansang kinalakihan ko.
Naalala kong may mga espiya nga pala roong galing sa mga kawal ng punong heneral, ama ng kambal, kaya kinakailangan ko silang pagsabihan at balaan. Nangungulila na rin ako sa aking ama, kay Irish, at sa 'king pangalawang ama na si Uncle Nai. Gusto ko silang makita ulit at mayakap, kahit sampalin man ulit ako ni Ama.
Dahil wala namang klase, malaya ang mga estudyanteng lumabas ng akademya upang makauwi sa kani-kanilang pamilya. Ginawang ganoon saglit ang sistema upang maligtas sa pagliliban ang mga aristokratang hindi bumalik kagabi sa akademya't dumeretso lamang sa kanilang mga manor, katulad ng ginawa ni Gehlee. Si Lily naman ay pumunta kanina sa manor ng kaniyang tiyahin sa may noble's district. Since I am all alone, I am free to go to my hometown, too.
Tumayo ulit ako sa pagkakatihaya at dumeretso sa silid-bihisan. Binalik ko ang anyong tinutugis ng mga taga-Lireo bago ako magsuot ng simpleng puting bestida na pinatungan ng puting balabal.
Nang matapos ang paghahanda, pumikit kaagad ako at inisip ang itsura ng aking kuwarto. Shining golden glitters appeared right around me as I disappeared, only to reappeared in the middle of my room in Drakia Castle. Limang minuto pa ang lumipas bago nawala ang kumikinang na mga alikabok sa aking paligid.
Inilibot ko ang aking paningin. Kagaya pa rin ng dati ang aking kuwarto. Napupuno ng gintong palamuti at kumikintab sa linis. Huli ko nang namalayang nagtama na pala ang paningin namin ng nag-iisang babaeng nakaupo sa ibabaw ng aking kama, tumatangis ng tahimik. Nang makita ko ito, unti-unti ring tumulo ang masaganang luha na hindi ko alam kung saan ko hinugot. Nahawa na ako sa pag-iyak niya.
"R-Rania. . . ?" mahinang tanong niya, hindi sigurado. Tumayo siya nang dahan-dahan at nilapitan ako. She cupped my face as she wiped the tears away from it. "R-Rania, ikaw nga!" kumpirma niya sa sariling agam-agam bago ako niyakap ng sobrang higpit.
Humihikbi akong tumango nang paulit-ulit at dinambahan din siya ng yakap sa mas mahigpit na paraan. "Na-miss kita, Irish, sobra," bulong ko.
Nang matapos ang aming yakapan, pinaupo niya ako sa aking higaan. Inayos niya pa ang buhok at mukha ko, tinititigan, pagkatapos ay inaayos ulit.
"Hindi ako makapaniwalang nagbalik ka. Hindi ko alam kung paano mo nagawang biglang mapunta rito, ngunit masaya ako para sa 'yo. Natapos mo na ba ang misyon mo? Makakabalik ka na ba rito? Kumusta ang kalagayan mo roon? May. . . may nag-aalaga ba sa 'yo habang wala ako? Kumakain ka ba sa tamang oras? May mga kaibigan ka na bang kasama sa hapag? Rania. . ." Habang tuloy-tuloy ang kaniyang pagsasalita, ganoon din ang asta ng kaniyang mga luha.
Ang pisngi naman niya ang aking pinunasan bago ko siya nginitian. "Maayos lamang ako roon. Ngunit. . ." Napaiwas ako ng tingin. ". . . hindi pa ako tapos sa aking misyon. Kaunti pa lamang ang aking nakalap na impormasyon kaya malabong makababalik kaagad ako rito. N-Nangungulila lamang ako sa inyo kaya bumisita ako rito, Irish," pahina nang pahina ang aking basag na boses.
Bumagsak ang kaniyang kanina pang aligagang balikat. "Paano 'yan? Nangungulila rin kami ni Nai sa 'yo pero sa tingin ko'y hindi ito ang tamang panahon upang magpakita ka ulit sa 'yong ama. Hindi mo gugustuhing masaktan na naman, Rania. B-Bumalik ka na ro'n."
"Nasaan si Uncle Nai at Ama?" pag-iiba ko ng usapan. Napalabi ako, hindi pa rin tumitingin sa lumuluha niyang mga mata. "Gusto ko silang makita."
Tumayo si Irish, binitawan ang kanina niya pa hawak-hawak na kamay ko. Natataranta siya at pilit akong pinapatayo. Wala akong ibang nagawa't sumunod sa gusto niya, napatingin na rin ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagiging balisa niya. Nanginginig din siya at parang alalang-alala para sa 'kin.
"Rania, bumalik ka na kung saan ka man tumutuloy para sa misyon. Pakiusap. . . ayaw kong makita kang sinasaktan na naman ng punong mahistrado."
Hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay habang pinapakalma siya sa pamamagitan ng paghagod ng isa ko pang kamay sa kaniyang likod. "Huminahon ka, Irish. Kaya ko ang sarili ko. G-Gusto ko lamang malaman ni Ama ang natuklasan ko. Gusto ko siyang makita."
"Ngu-Ngunit wala ka pang pinapatunayan, Rania! Hindi ka pa puwedeng magpakita sa ama mo kung wala ka pang pinapatunayan! P-Papata—" hindi na natapos ni Irish ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.
Pareho kaming natuod sa kinatatayuan. Bumulaga sa amin ang madilim at nakatatakot na ekspresyon na mukha ng lalaking kinamumuhian ako ng husto. Sa likod niya ay ang lalaking tumatayong pangalawa kong ama. Kagaya ni Ama, salubong ang mga kilay nito at parang may nakita pa akong awa sa kaniyang mga mata.
"Ano'ng kinakailangan kong malaman?" makapangyarihang tanong ni Ama.
Napalunok ako't itinago kaagad ang nanginginig na katawan ni Irish. Lumapit sa amin si Uncle Nai, kaagad na kinuha si Irish bago lumabas ng kuwarto. Tumingin pa ito sa akin nang may pagsusumamo, tinging humihingi ng paumanhin.
"Sagot, Rania! Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang pag-uusap ninyo ni Irish. Ano'ng dapat kong malaman? Bukod sa hindi mo pa nakukuha ang libro?"
Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay sa aking likod. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot, "M-May nakapasok na mga espiya rito. . ."
Natahimik ang aking kausap. Nang mag-angat ako ng tingin, nanlilisik pa rin ang kaniyang itim na itim na mga mata. Katulad ng dati, hindi ko na naman namalayan ang singbilis ng kidlat na kamay ni Ama. Dumapo ng wala pang segundo ang kaniyang palad patungo sa aking pisngi. Tumabingi ang aking mukha. Mapait akong napangiti.
Up until now, his greeting is as painful as always.
"Iyan lang? Iniligpit ko na ang mga espiyang sinabi mo noong isang araw pa, pati na ang kotserong binigyan mo ng pabuya." Nanunuya itong tumawa. "Ang tanga mo na naman. Hindi mo agad nahalata na espiya ang taong iyon? Kung mabait ang tao sa 'yo, hindi iyon kababayan mo."
Tumabingi na naman ang aking mukha, sa kabilang bahagi naman. Ang bilis ng palad niyang dumapo, hindi ko pa nga naintindihan ang huling sinambit niya.
"Mangmang! Wala akong anak na kagaya mo! Babae na nga, tatanga-tanga pa! Lumayas ka sa paningin ko, kung ayaw mong tuluyan na kitang halimaw ka. Hindi mo na nga natapos ang misyon, iyan pa ang ibabalita mo?"
Tumango-tango ako at pilit na pinipigilan ang kanina pang nagbabantang mga luha. Mahapdi man ang magkabilang pisngi, hindi pa rin ako nagpaawat. Lumapit pa rin ako sa kaniya't niyakap siya ng sobrang higpit. Napasinghap siya at pilit na kumakawala sa akin. Ramdam ko ang patungong hampas kaya bago pa ako matamaan, naglaho na ako.
Hindi ko alam kung saan ako napadpad. Mayayabong na mga puno ang nakapaligid sa akin. Kaagad akong napasalampak sa medyo basang mga damo, humihikbi habang ang mga kamay ay nasa magkabilang pisngi.
Kayang-kaya ko namang gamutin ang hapdi, ngunit hindi ang puso kong nagdurugo na naman.
Sana pala'y sinunod ko na ang sinabi ni Irish. Ang sakit na ganoon pa rin ang tingin ng natatangi kong ama sa akin. Hindi ba talaga ako karapatdapat na maging prinsesa niya?
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top