Kabanata 20: Interogasyon
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
Natapos ang gabing iyon nang may mabigat na agam-agam akong dinadala. Abot hanggang Elysian Fields ang kabang nararamdaman ko habang iniisip ang mga maaaring tanong na kanilang ibabato sa akin sa oras na magkakaharap na kami. Kahit naiinis ako sa pagmumukha ni Trevor, natatakot pa rin ako sa kapangyarihan niya bilang anak ng punong heneral at personal na kawal ng prinsipe. Isa akong espiya at hindi ko maatim na magkamali sa harapan nila. Hindi ko dapat binibigo ang aking bansa—lalong lalo na ang aking ama.
Napatitig ako sa pintuang nasa harapan. Limang minuto na magmula nang marating ko ang opisina ng Pyramid. Wala kaming klase ngayon dahil sinabi ng Mahal na Hari na nararapat lamang na magpahinga ang mga estudyante dahil sa pagdalo kahapon sa kaarawan ng kaniyang anak. Ngunit narito ako sa harapan ng lugar na pinakahuling gusto kong puntahan sa araw na ito. Imbes na magpahinga, mas lalong mapapagod ang utak ko sa kaiisip sa maaaring sagot sa kanilang mga tanong.
"Oh, you're finally here!" a soft abd alluring voice woke me up from my own reverie.
Napatitig ako sa pilak na mga mata ng babaeng nasa harapan ko. Hindi ko namalayang nabuksan na pala mula sa loob ang pintuan dahil sa lalim ng napuntahan ng aking isipan.
Napakurap ako ng tatlong beses bago pilit na ngumiti. "Pagbati."
"Pasok."
Pumasok na ako kagaya ng sinabi niya. Nakaupo sa gitnang upuan ang prinsipe habang nasa kanan si Trevor. Pumunta naman sa kaliwa si Treshia at inukupa ang bakanteng upuan. Nang tingnan ko ang gitna, may upuang nandoon. Inuwestra ng prinsipe ang upuang iyon kaya walang pag-alinlangan akong umupo.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nandito, Miss Ruby?" mahinahong tanong ng prinsipe.
Tumitig ako sa mga mata ng prinsipe kahit ramdam ko ang talim ng tingin sa lalaking nasa kaniyang kanan. "Sa tingin ko'y ang pagpasok ko sa isang silid-aklatan sa palasyo na hindi ko naman dapat ginawa dahil isa akong orphan," sagot ko nang walang panginginig.
I have decided. I will face this so-called trial interrogation without fretting. Hindi naman nila ako kilala para kabahan ako nang todo.
"Iyon na nga, isa kang ulila. Ngunit, papaano ka nakapasok sa silid na iyon?" takang-taka ang boses ni Meshach.
"Ang dapat na tanong ay sino ang kaniyang mga magulang, ano ang kinalaman niya sa mga dugong bughaw?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nakangisi ito at parang gigil na gigil na naman. Nangunot ang aking noo. Ano ba'ng problema ng lalaking ito sa 'kin?
"Silence, Trevor. Follow the plan."
Natahimik ako't napatingin sa 'king mga sapatos. Akala ko'y magdududa sila sa intensyon kong pagpasok sa silid-aklatan. Akala ko'y iyon ang tatanungin nila kaya nabuo na ang mga sagot sa kanilang magiging posibleng mga tanong. Ngunit, nagkamali ako ng kalkulasyon. Ang aking pagkatao na ang kanilang kinukuwestyon. Ang aking pinanggalingan na hindi ko rin alam.
"Ruby, nakikinig ka ba?" Napaangat ako ng tingin sa nagtanong. Si Treshia na may nag-aalalang mukha. "Just tell us kung hindi mo kayang sagutin. . ."
Bumuntong-hininga muna ako bago ngumiti ng tipid. "Maayos lang ako. Ano ba iyong tanong? Hindi ko narinig."
"Noong nakita kita sa labas ng bulwagan at bigla na lamang nawala, saan ka nagpunta?" si Trevor ang nagtanong.
Kunwari'y nagtaka ako. Pinilig ko ang aking ulo at ngumisi. "Nakita mo ako? Baka guni-guni mo lamang iyon," ani ko sa mapang-asar na tono.
Nakita kong mas humigpit ang pagkakuyom ng kaniyang mga kamao at mas nagsalubong makakapal niyang mga kilay.
Mahina akong natawa sa nasaksihan. "Biro lang. Hindi ko alam kung ako nga ba ang nakita mo ngunit nang makalabas ako sa b1ulwagan upang maghanap ng lugar kung saan puwedeng magpahangin, naligaw ako sa mga pasilyo. There, I saw that open library with mists surrounding it. Pumasok ako kasi gusto kong malaman kung ano ang nasa loob, baka may nangyayari sa loob. Iyon pala'y sandamakmak na aklat lamang ang bubungad sa akin."
Natahimik sila, nagkatitigan. Napahawak si Meshach sa kaniyang noo at pumikit. "P-Paano. . ." nalilitong panimula niya, "Paano ka nakapasok?"
Nagsalubong ang aking mga kilay. "Lumakad ako paloob?" Nalilito na rin ako. Ano ba'ng pinupunto nila? Alam ba nilang alam ko na Royal Library ang pinasok ko?
"Did you know what kind of library you entered?" Treshia calmly asked yet her eyes says the otherwise; she's doubting me.
Umiling ako nang dahan-dahan sa tanong niya. Sasagot na sana siya sa sariling tanong nang ang kaniyang kapatid mismo ang sumagot. "That's the Royal Library."
"Oh, sorry for trespassing," I softly apologized. Yumuko pa ako at pinagdikit ang mga labi. Narinig ko ang pag-ismid ng lalaking ayaw na ayaw akong makita kahit isang segundo lamang. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko na naman ang gigil niyang titig sa akin. "What?" I coldly responded his menacing stares.
Umismid ulit siya. "Mangmang ka ba talaga o nagpapanggap lang?" Napamaang ako sa bigla niyang tanong.
"Kuya!"
"This girl is unbelievable," napapailing niyang pagpapatuloy. "Hindi pa ba sapat ang pangalan nitong Royal Library para masabing ang silid-aklatan na iyon ay nararapat lamang para sa mga dugong bughaw?"
Kinuyom ko ang aking mga kamay. Harap-harapan na niyang sinasabi na tanga ako. Alam ko ang bagay na iyon ngunit ang aking ama at sarili ko lamang ang pinahihintulutan kong pagsabihan ako ng ganoong salita. "Nagpaumanhin na nga ako, hindi ba? Hindi ko sabi sinasadya ang makapasok doon. Ano ba'ng—"
"Hindi mo sinasadya pero nakapasok ka pa rin!" sumigaw siya. Tumaas na ang boses niya. "Hindi mo pa rin nakukuha?"
"Ang alin ba?!" Napatayo na ako sa lito't inis. Bakit hindi nalang nila sasabihin nang deretso? "Sabihi—" pinutol na naman ang dapat kong sasabihin pero ang prinsipe na mismo ang gumawa.
"That library is solely for royal bloods. Only royalties can enter that library, even the highest ranked noble can't."
"Paano pa kaya ang isang katulad mong galing sa bahay-ampunan?"
Natutop ako sa kinatatayuan dahil sa narinig. Pakiramdam ko'y nawala sa 'king pandinig ang mabibilis na paghinga ng mga tatlong taong nakapaligid sa 'kin. Paulit-ulit akong napakurap sa harapan nila, pilit na pinoproseso ang bawat salitang binitawan ng prinsipe at ng kaniyang personal na kawal.
"H-Huh?" maang kong tanong. Napunta ang tingin ko kay Treshia na magkasalubong na ngayon ang mga kilay, marahil nalilito rin at hindi alam ang sasabihin. "A-Ano ngayon?"
"Do you remember anything before ka napunta sa orphanage?" Sa wakas ay bumoses na si Treshia ngunit ang kaniyang tono ngayo'y may halong kaba.
Umiling ako nang paulit-ulit bago umupo sa silyang para sa akin. "I-I didn't remember anything other than my life being an orphan. At saka, hindi ako sa orphanage nanggaling. Oo't isa akong ulilang lubos, ngunit sa lansangan lamang ako nakatira simula nang magkamuwang ako sa mundo. Hanggang sa. . ." Napahinto ako sa pagsasalaysay ng nabuo kong kuwento patungkol sa aking kunwaring buhay.
When I landed my eyes on them, they look interested in my story. They're hooked in my story. Siguro'y interesado silang malaman ang aking pagkatao. Ngunit pareho lamang kami, hindi alam ang katotohanan. Kagaya nila, gusto ko ring malaman ang katotohanan sa aking pagkatao. Kung bakit kinamumuhian ako ni Ama. Kung bakit pinagtatabuyan ako ng mga mamamayan at konseho sa aming bansa. Kung bakit kinakailangan kong magdusa't maging uhaw sa pagmamahal. At kung bakit. . . ako nakapasok sa silid-akalatang iyon kung hindi naman dapat.
Sa pagkakaalam ko'y walang maharlika sa bansa namin. Purong aristokrata ang namumuno ng bansa, mga matataas na ranggong nasali sa konseho. Kasali na roon ang aking ama na siyang may pinakamataas na posisyon. Siya ang Punong Mahistrado, isang Duke sa bansang Drakia. Kung tunay ngang anak niya ako, anak ako ng isang noble, hindi ng isang maharlika. Galing ba sa pamilyang maharlika ang aking ama? O. . . ako na maaaring hindi niya tunay na anak ang galing sa pamilyang maharlika?
Hindi ko na alam.
"Hanggang sa? Ang tagal," reklamo ng iritadong boses, sanhi ng pagbalik ng aking nahilang ulirat.
Napaiwas ako ng tingin, napayuko. "Hanggang sa may kumupkop sa akin at pinag-aral ako sa akademyang ito. May potensyal daw akong maging malakas. . . kaya sinanay niya ako."
Let's play this storymaking game, then. If they want to find out my lineage, so am I. Paunahan na lamang kami't maglokohan sa isa't isa.
"Sino ang kumupkop sa 'yo? Ano'ng dahilan niya sa pagsasanay sa kakayahan mo? W-What exchange does that person want?" Treshia bombarded me with questions.
Kaagad na bumuka ang aking bibig, nananatiling nakayuko at nakatitig sa magkadikit kong mga kamao. "A girl with white hair and red eyes. I-I don't know her name, she never revealed it. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang mahasa nang todo ang aking kapangyarihan. Bago siya mawala nang pumasok na ako sa akademya, wala naman siyang sinabing gusto niyang gawin. . . o gusto niyang kapalit mula sa 'kin." I ended the story with a silent gulp.
Pakiramdam ko'y may dumaan na kakaibang hangin sa nakabibingi nilang katahimikan. Nagkatitigan ulit silang tatlo, at sa pagkakataong ito, takot na ang nangingibabaw na emosyon sa mga mata ng nag-iisang babaeng miyembro ng Pyramid.
"H-How come? Father told us the other day that it was three days before the orientation of freshmen students that Drakia sent that white-haired lady here, right?" Treshia asked with almost trembling voice.
Narinig ko ang mahinang pagsang-ayon ni Trevor. "Sa tatlong araw. . . nagawa ka niyang sanayin na umabot sa puntong natatalo mo ako?"
"What's more suspicious is that, it will take four days before a normal person can land on the center part of the empire's main kingdom." I heard Meshach's voice, followed by a moved chair. "This is getting out of hand."
"Kuya, hindi ko na maintindihan. Akala ko, may dugong maharlika lamang si Ruby kaya siya nakapasok sa library. A-Akala ko, this is an exciting journey of unveiling Ruby's identity. B-Bakit tayo umabot sa ganito? Given that the white-haired spy is nowhere to be found. . . just how powerful she is?"
Pakiramdam ko'y pahikbi na si Treshia. Ayaw kong makinig sa kaniya. Ayaw kong makita siyang umiiyak sa pag-aalala. Mahahawa ako sa pag-iyak niya. Kailan ba ako puwedeng lumabas dito?
"Sh-She's an. . . enemy?" I slowly asked, feeling a little bit anxious. Nakayuko pa rin ako't iniiwasan ang kanilang mga tingin.
Narinig kong malakas na bumuntonghininga si Trevor. "Nakita mo na? You're making everyone confused. Just by knowing that an enemy trained you, it looks like you're a threat. Isa pa, hindi kapani-paniwala ang kuwento mo. Alam naming may kalabang nakapasok dito sa emperyo, ngunit hindi naman alam kung bakit ang bilis niyang makarating at sinanay ka pa niya. Alam mo ba ang bagay na ito kaya ka gumagawa ng kuwento? Ngunit paano? Damn it!" hingal na hingal na aniya.
Sapol na naman ako sa sinabi ng lalaki. Bakit ba ang bilis niyang makahalata ng mali? Mabuti nalang at may uto-uto siyang kapatid.
"Hindi nga niya alam, Kuya! She's an orphan, of course she will accept a tempting help!"
"If she needs help, why not in one of the empire's kingdom? Bakit hindi sa bahay-ampunan? Bakit pa sa babaeng hindi niya kilala?!"
"Shut up, you two."
"Tch, malay ba nating siya pala iyong espiya, nagmamaang-maangan lang. Baka nga nakakapagpalit ng anyo ang babaeng 'yan. Natalo nga niya ako ng dalawang beses, 'di ba?"
Believe in your guts, Trevor. Iyan siguro ang dahilan kung bakit hindi mo ako gusto bilang estudyante rito, bukod sa katotohanang natalo kita ng dalawang beses.
"Don't mind him, he's just anxious. We will protect you, Ruby," it was Treshia's genuine voice laced with care and fear.
If you think I have a royal blood, then protect me. I need your protection against this lady. . . that the head general said as the enemy. I need you to protect me from myself. I need your distraction for me to complete my mission.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top