Kabanata 19: Off Limits

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Diretso lamang ang lakad ko, palabas sa pasilyong patungo sa bulwagan. Nang makaliko ako sa isang medyo madilim at walang katao-taong koridor, kaagad kong winala ang aking presensya at anyo. Ibinalik ko rin ang totoong kulay ng aking mga mata upang mas malinaw at maliwanag ang aking paningin. Nang magawa ko na ang mga nais, lumabas na ako sa aking pinagtataguan.

Na sana'y hindi ko na biglaang ginawa dahil sa bumungad sa akin. Sa tingin ko'y aatakihin ako sa puso kahit hindi ko masyadong ramdam ang tibok nito.

Magkasalubong ang mga kilay habang tuwid na naglalakad, parang isang mabangis na hayop ang kabalyerong ito kung makatingin sa kahit saan. Mukha siyang may hinahanap habang ang isang kamay ay nakahawak sa eskabarde ng kaniyang espada at ang isa nama'y nakahawak mismo sa kaniyang espada.

"Nasaan na 'yon?" bulong niya sa sarili, sa tono'y mukha siyang galit at nanggigigil.

Napalabi ako at gumilid, halos hindi na nga ako humihinga. Pakiramdam ko'y nakita niya akong tumungo sa bahaging ito kanina noong nakikita pa ang katawang lupa ko. 

"Damn it!" Ginulo niya ang nakaayos na buhok. Galit siyang pumadyak na parang bata bago tumalikod mula sa aking gawi. Tinatahak na niya ang daan pabalik sa bulwagan.

Looks like he has an anger issue.

Napahinga ako ng malalim sa galak nang mawala na sa aking paningin si Trevor. Pumihit na ako sa daan papuntang Royal Library, hindi na nagmamadali at kalmado na ang aking mga hakbang. Nagmamasid ako sa paligid nang mahagip ng aking paningin ang nakahilerang portraits.

Napakurap ako. Mukhang ito ang lugar kung saan binati ni Ama at Master El si Princess Yraia, ang kapatid ng Mahal na Hari. Mula sa aking nilalakaran, nadadaanan ko ang mukha ng mga naging miyembro ng pamilyang dugong bughaw na ipininta pa siguro ng pinakamagaling na mamiminta sa bawat panahong nabubuhay sila.

Ang unang reynang sinabi ni Lily sa karwahe ay nasa harapan ko. Sobrang kinang ng ginintuan nitong buhok. Kumikinang din ang asul nitong mga mata ngunit parang may bahid ng ginto. Nakabibighani ang kagandahan nito. Samantala, ang unang hari naman ay may berdeng mga mata at mapusyaw na mahabang buhok. Ang kanilang mga anak ay halu-halo na ang nakuhang mana sa anyo mula sa kanilang mga dugong bughaw na magulang.

Sa kahabaan ng pasilyong pinagmamasdan ko, umabot pa ng sampung minuto bago ko narating ang portrait ng yumaong prinsesa. Nakilala ko ito dahil sa pangalang nakasulat sa ibaba ng kaniyang nakaguhit ng mukha. Simula nang makita ko ang buhok ng pinakaunang reyna, wala ng mas kuminang pa roon. Ngunit, ang prinsesang ito ay kakaiba. Mas lumamang ang kinang ng ginintuan nitong buhok. Hindi purong asul ang kaniyang mga mata. Kagaya ng sinaunang reyna, pinaghalong asul at ginto ang mga mata ng prinsesa. Ang kaibahan lamang ay mas lamang ang gintong bahagi kaysa sa asul—na nagmumukhang ang asul ay nakikisalo lamang ng tirahan sa kaniyang mga mata.

Napanganga pa ako sa kagandahan niya. Sa tingin ko nga'y mas lumamang na siya sa dyosa ng kagandahan o malaki ang pabor ng dyosa ng kagandahan sa kaniya dahil sa biyayang binigay.

Malamlam ang kaniyang mga mata at tila'y inaakit ka kahit nasa painting na lamang siya. Nakaawang pa ng kaunti ang kaniyang mapulang mga labi at parang nanunusok ang tangos ng kaniyang ilong. Bagay na bagay sa kaniya ang suot ng puting gown na may golden linings.

I think, she's the prettiest human I've ever seen.

"We thought the same thing," a voice interrupted my thoughts.

Napalingon ako sa bawat sulok. Walang tao. Walang kahit sinuman. Alam ko naman iyon. Dahil ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay siyang pumasok sa panaginip ko't ginulo ang sarili kong paniniwala.

Pero. . . anong sinasabi niyang pareho kami ng iniisip?

Pinilig ko na lamang ang aking ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na tiningnan ang portrait ni Meshach at Mahal na Hari dahil nakita ko naman sila ng personal sa bulwagan.

Makaraan ang ilang minutong paglalakad sa bawat pasilyong dadaanan makapunta lamang sa destinasyon, sa wakas ay nahanap ko na rin ito. Nagdududa pa ako sa kapangyarihan ko dahil mukha namang walang kakaiba sa silid-aklatan bukod sa pagiging walang harang na silid nito.

Hindi kagaya sa mga silid na nadaanan ko, walang pinto ang silid-aklatan ngunit may mga mist ang nakapalibot, mukhang nagpoprotekta mula sa mga nagbabantang pumasok. Nararamdaman ko pa rin ang malakas na enerhiya, sa tingin ko'y galing ito sa mist na nagtatago sa itsura sa loob.

Nagkibit-balikat ako't lumakad paloob. Nang makalampas ako sa mist, parang may nawala sa akin. Napakurap ako't sinipat ang kabuuan. Nawala ang mahikang inilagay ko sa katawan upang hindi ako makita ng mga tao. Hindi pa rin ramdam ang presensya ko ngunit makikita na ako ng hubad na mga mata. Nawala rin ang aking balatkayo. Ginintuan na ulit ang aking buhok. Nawala rin ang damit na pinaghandaan ko kanina. Nakasuot na lamang ako ng simpleng chiton dress. Kinuha siguro ng kapangyarihang bumabalot dito. Siguro ay isa itong anti-magic room.

Nagkibit-balikat na lamang ulit ako at sinuyod ang tingin sa silid. Malawak ang silid-aklatan, may pangalawang palapag pa para sa mga hindi mabilang na libro. Hile-hilera ang mga shelf, kumikintab pa ang mga librong halatang hindi pinapabayaan ng kung sinong tagalinis. May tatlong lamesa't may kani-kaniyang upuan pa sa bawat sulok.

Naglakad na ako, pinapakiramdaman kung may kakaiba bang presensya sa loob. Palingon-lingon ako't binabasa pa ang titulo ng bawat librong madadaanan.

The Royal History

Genshin of Meira

How Gods Blessed Each Palace

The Realm of Meira

Queen Hiraya's Anecdote

Nasa History section ako kaya talagang luma ngunit eleganteng mga libro ang nadadaanan ko. Hindi ako mahilig magbasa ngunit parang gusto kong kunin ang bawat mababasa kong pamagat dahil mukhang interesante itong basahin.

Nang makarating na ako sa dulo, walang kakaiba. Walang nanoot na enerhiyang sinasabi ni Ama na pinapalabas ng librong pinapahanap niya. Walang nagliliwanag na makapal na libro. Ni-hindi ko nga alam ang itsura noon, kaya ang hirap hanapin. Hindi ko nga alam kung para saan iyon. Ako lang yata ang pinakatangang espiya rito sa mundo ng Meira.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag at inisa-isa ulit ang bawat matatayog na lagayan ng mga aklat. Umabot na ng tatlumpong minuto ang paghahanap ko dahil sa lawak ng silid ngunit talagang wala.

Nang makabalik ako sa unang bahagi ng silid, halos mapaigtad ako sa gulat nang may kumalabit sa akin. Malalaki ang aking mga matang napalingon sa nagmamay-ari ng daliring kumalabit. It's the birthday celebrant.

"What are you doing here?" Gone with the cheerful voice and expression, Meshach seem deadly serious and curious. Magkadikit ang kaniyang mga labi at katulad ni Trevor kanina, mukhang gigil siya nang makita ako.

Magkaibigan nga sila. Pero, bakit ganito ang itsura niya? Hindi siya ang Meshach na palaging nakikita ko.

Yumuko ako at bumati bago siya sinagot ng pinaghandaan kong mga kataga, "I was roaming around to find some fresh air when I curiously entered this room, Your Highness."

"I didn't see your face before. If you are one of the—" I cut him off. Hinampas ko ang kaniyang batok na sanhi ng kaniyang pagkatumba sa sahig.

Pahamak ang prinsipeng ito. Pahamak ang silid na ito. Now, someone knew this appearance aside from myself.

Napapailing kong hinila ang prinsipe palabas ng silid. Nang nasa pasilyo na kami, ibinalik ko lahat ng pagpapanggap ko. I touched his head and chanted some incantations for his memory to corrupt. Ginawan ko siya ng bagong memorya. I created a story on his head.

Instead of seeing me in my original form, he saw me inside the Royal Library using Ruby's form. And, same as what I told him, I was lost. May dinagdag pa ako, katulad ng biglang dumilim ang paningin ko at ganoon din ang kaniya.

Dali-dali akong sumandal sa dingding nang magising na siya. Kunwari'y nanghihina akong napatingin sa kaniya. Litong-lito pa niyang inilibot ang kaniyang paningin. Nang magtama ang aming mga mata, kalituhan pa rin ang nangingibabaw na emosyon dito.

"Nagising na lamang akong nandito sa labas kasama ka," mahinahon kong turan.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak. He offered his hand that I didn't accept. Instead, I stand up on my own.

"S-Sinong tanga ang humampas sa batok ko? Ang sakit, gago." Nagkibit-balikat ako sa naging tanong niya. Prinsipe pero kung makapagsalita'y parang hindi dahil sa tabil ng dila. Tumingin ulit siya sa 'kin at pinagmasdan ang aking kabuuan. "Wait. Hindi pa tayo tapos sa pag-uusap."

Napakurap ako't dali-daling yumuko. "Paumanhin po ulit. Hindi ko sinasadyang makapasok sa lugar na iyan."

Hindi na pagkukunwari ang aking panginginig. Totoong natatakot na ako sa puwedeng kahihinatnan nito. Nawala sa isipan kong silid-aklatan ng mga dugong bughaw ang pinasok ko at talagang nilagay ko sa kuwento sa kaniyang utak na si Ruby ang nakapasok sa loob. Ang tanga ko talaga. Nandaya na nga ako, hindi ko pa nilubos.

"After this celebration, Pyramid will put you under interrogation." Napalunok ako sa sinabi ng prinsipe. Ano ba 'tong pinasok ko? "May kasalanan ka rin kay Trevor."

Napaangat ako ng tingin, nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay. "Wala akong maalalang ginawa sa kaniya bukod sa tinalo ko siya ng dalawang beses. Hindi naman iyon kasalanan, 'di ba?"

I saw amusement in his eyes. "Bumalik na tayo sa bulwagan. Hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Nauna na itong maglakad, nakaharap sa akin ang malapad niyang likod.

Napatitig ako rito. "Happy birthday, Prince Meshach." Hindi masyadong malakas ang boses ko pero alam kong narinig niya ito dahil sa kaniyang pagngiti nang lumingon siya pabalik, at lumakad ulit.

Nararamdaman kong hindi siya ordinaryong tangang prinsipe lamang. Mukhang marami siyang nalalaman kaysa sa inaasahan ko. Hindi ako naniniwalang pakakawalan niya ako ng ganoon lamang matapos kong itanim sa kaniya ang kuwentong kalahating totoo.

What's with you and this off-limits library?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top