Kabanata 18: Hiraya Palace
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
Sa kasalukuyan, nakasakay kaming tatlo sa karwaheng pagmamay-ari ng pamilya ni Lily. Pinadalhan siya nito dahil siya ang magrerepresenta sa Kaharian ng Neptune bilang isang prinsesa. Pabor naman ito sa akin dahil hindi ko alam ang daan papunta sa palasyong iyon.
"Ang ganda natin!" Gehlee excitedly squealed. Lumingon ito sa aking gawi, mas lumawak ang ngiti. "Lalo ka na, Ruby! I didn't expect you'll pull off that look." She looked proud.
Napakurap ako sa naging komento nito sa aking kasuotan. Hindi ako sanay na may pumupuri sa 'kin, pero dahil sa narinig, parang biglang lumaki ang ulo ko. Nahihiya man, ngumit na lamang ako. "Salamat. Kayo rin naman, talagang pinaghandaan ang kaarawan ng prinsipe."
"This is a must. Kung hindi, malalagot kami sa mga pamilya namin," sabat ni Lily na nasa harapan namin, nag-iisa sa inuupuang kutson.
While Gehlee is wearing a sweetheart style of white gown with gold ribbons tied in every angle, Lily's wearing a black mermaid gown—golden intricate details flowing like a water in a fountain. Ang rosas na buhok ni Gehlee ay nakalugay lamang ngunit may mga gintong palamuti, habang kay Lily naman ay nakatirintas pa rin ngunit nasa anyong korona. Kumikinang ang kaniyang mala-karagatang buhok sa lalim ng kulay nito at may mumunting dyamante sa bawat pagsalubong sa tinirintas ng bawat hibla.
Pakiramdam ko'y katulad na ng naging reaksyon nang pagmasdan ako ni Gehlee kanina ang reaksyon ko sa mukha. Nagmumukha akong ina na pinagmamalaki ang naging bunga ng pagmamahal. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Lumiliwanag kayo sa karikitan. Paniguradong natutuwa ang dyosa ng kagandahan sa kaniyang nasasaksihan ngayon."
Namumulang napalingon sa akin ang dalawa matapos kong magbigay ng papuri. Tinawanan ko na lamang sila bago lumingon sa katabing bintana.
Ayon sa narinig ko mula sa kotserong nasa labas, nasa distrito na kami ng mga aristokrata. That explained the castle-like mansions meters away from the gates or gardens, visible from where I am. Walang lubak-lubak sa aming dinadaanan kaya payapa ang aming byahe. Inaalagaan sigurong mabuti ang daanan dito dahil mga mararangyang pamilya ang nakatira. Maliwanag ang daan. Maraming poste ang nagbibigay ilaw, nakatayo sa bawat dalawang metro.
Nang pagmasdan ko ang unahang bahagi, nakikinita ko na ang napakalaki at napakataas na palasyo ng emperyo. Sabi sa imbitasyon, main palace ang pupuntahan namin. Kaya pala ang tayog. Kahit gabi, kumikinang din ang kombinasyong puti at gintong kulay ng palasyo.
"That's the main palace of Lireo Empire. The first queen, Queen Hiraya Kamila von Lireo named the palace as 'Hiraya Palace', claimed to be blessed by the titan god of time, Cronus," Lily informed. Napatingin ako sa kaniya, ang mga mata nito'y nasa 'kin. Tipid siyang ngumiti. "The next built palaces were named after her children: Ikigai Palace, Minawari Palace, Chenggu Palace, Pendallin Palace, and Deriri Palace. Each palace were given a blessing by certain gods and goddesses."
Namamangha man, itinago ko pa rin iyon sa blangko kong pagmumukha. "B-Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"
"You look interested while looking at the main palace," she shortly replied.
Magpapasalamat na sana ako nang sumingit si Gehlee, nakikinig din pala sa usapan namin. "Naging paksa iyan sa History, hindi ka nakikinig, 'no? Napaghahalataan ka, Ruby, naku."
Inirapan ko siya. Kumunot naman ang kaniyang noo at akmang magsasalita na sana nang huminto na ang karwahe. Pinagbuksan na kami ng kotserong mukhang kawal din sa kaharian nina Lily. Nagbigay-pugay pa ito bago tumabi at pinadaan kami. Sa harapan ay naroon din ang ibang serbidora at kabalyero, nakayuko at nakalagay ang kanang kamao sa kanilang dibdib.
Nakita ko na ang ganitong postura, sa ama at guro ko mismo sa aking panaginip.
Nakatingala lamang ako sa tayog ng palasyo. Talagang kumikinang ito at mukhang bagong-bago. Inaalagaan siguro nang maigi ng titan god of time.
Nang sa harapan na ako tumingin, halos malula ako sa dami ng tao sa loob. Lumakad pa kami ng ilang pasilyo bago namin narating ang malalaking pintuan, halos kasinlaki sa may entrance. Pinagbuksan kami ng mga kawal. Akala ko'y kaunting siwang lamang ang igagawad nila, ngunit hindi. Mas lalong bumukas ang malalaking pintuan, napupunta ang buong liwanag sa aming tatlo. Naramdaman ko ang hawak ni Lily at Gehlee sa magkabilang braso ko.
"You're shaking. Just relax, we're here," Gehlee whispered. Napaginhawa ako nang malalim. Tama, hindi dapat ako matakot. May misyon ako. Nandito rin naman ang dalawang taong tinuturing kong kaibigan.
Sa kawalan lamang ako nakatingin pero naririnig ko ang mga iniisip ng kanilang maduming isipan at binubuga ng kanilang matatabil na dila. Hindi ko na lamang sila binibigyang pansin hanggang sa marating namin ang lamesang para sa aming tatlo. Talagang nagpa-reserve si Lily para sa amin. Mataas pa kasi ang antas niya kaysa kay Gehlee.
Anak ng isang duke si Gehlee at kaibigan nito ang maharlikang pamilya ng von Lireo, samantalang isang prinsesa naman si Lily sa karatig na kontinente, partikular, isang malawak na isla.
I thought I'll be a nobody. Turns out, these girls who were trying to befriend me are someone important in the world. In short, I should be extra careful not to hurt them.
"Ruby, maayos ka pa ba?" nag-aalalang tanong ni Lily nang makaupo kami. "Halatang namumutla ka kahit may kaunting kolorete ang mukha mo," puna niya pa.
Tumango lamang ako.
Kung tama ang kalkula ko, isang oras ang naging byahe namin mula akademya papunta rito sa palasyo. Nagsimula kaming bumyahe nang sumapit ang malaking kamay ng orasan sa lima at maliit na kamay sa anim. Kung gano'n, tatlumpong minuto na ang lumipas nang magsimula ang kasiyahan.
Inilibot ko ang paningin. May nagsasayawan na sa gitna. Nakikipaghalubilo naman ang mga aristokratang nais palawakin ang koneksyon, narinig kong saad ni Gehlee. Dahil nasa bulwagan kami, sa isang elevated platform ay naroon ang royal family.
Nasa gitna ang nakaupong hari. Ginintuan ang buhok nito at asul ang mga mata. Seryoso man ang pinapakita nitong ekspresyon, nahahalata ko pa rin ang galak sa kaniyang mga mata. Pamilyar ang hari. Sa maliwanag na ekspresyon nito hanggang sa kaniyang kaanyuhan. Sobrang pamilyar sa puntong napahawak ako sa 'king ulo't napapikit. Nang magmulat ako, nagliwanag ang aking paningin.
Tama. Siya iyong lalaking katabi ng babaeng sinaniban ko sa isang senaryong memorya. Siya ang pangatlong tao sa mga senaryong iyon ang narinig ko mismo ang boses. Ang kapatid ng prinsesa.
Kung gayon, nakompirma ko na ang hinalang sa kahariang ito ang nanggaling ang memoryang iyon. Ngunit, bakit pinakita iyon ng misteryosong boses?
Lumipat ang tingin ko sa katabing prinsipe. Sa sobrang liwanag ng lalaki, halos kumikinang na ito sa malamlam na liwanag sa bahagi nila. Nakangiti ito at mukha siyang kaniyang ama noong kabataan nito. Kumukurba ang mga mata nito at lumalabas ang magkabilaang biloy. Sobrang aliwalas din ng kaniyang mukha na parang walang pinoproblema sa mundo. Talagang pinangatawanan niyang araw niya ito.
Nakakainggit.
Walang nakaupong reyna. Wala rin akong nakitang prinsesa. Tanging si Prinsipe Meshach at ang hari lamang ang nandoon sa mga upuan. Hindi ko pa man naiisip ang mga posibleng dahilan ng pagiging bakante sa upuang pang-reyna at iba pang upuang pang-maharlika, sinagot na ako ni Lily nang may panunuyang pabiro.
"Interesado ka na naman, Ruby. Para ka namang hindi sa kahariang ito lumaki."
Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong malay sa kanila. Okupado ako sa paghahanap ng paraan upang mabuhay," mabilisan kong pagdadahilan.
"Well, sabagay," pagsingit ni Gehlee, "walang karapatan ang mga orphan na pumunta sa mga palasyong ganito."
Huminga ako nang malalim bago ituon ulit ang tingin sa hari. Pinagmamasdan nito ang kaniyang anak na bumaba mula sa kanilang kinauupuan.
"The queen is bedridden," Lily whispered, which caused me to look back at her. "It was a secret to commoners but not to nobles and monarchs."
"That's unfortunate. Hindi ko lang alam kung paanong mukha pa rin silang masaya ngayong nasa ganiyang sitwasyon ang reyna," bulong ko pabalik.
Napailing si Lily. "To lead an empire or a kingdom, fraud emotions are important to convey. Para ito hindi mag-isip ng ikasisira ng emperyo ang kanilang kinasasakupan."
Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Tama naman kasi. But. . . the happiness I am seeing to the king and prince is genuine. I don't understand.
"Walang kapatid si Prinsipe Meshach kaya bakante ang ibang upuan. At. . . narinig ko ang usapan nina Ina't Ama na mayroong kapatid na prinsesa ang Mahal na Hari, ngunit nasawi ito dahil sa pag-ibig."
Natigilan ako. Nasawi dahil sa pag-ibig? Paanong nasawi dahil umibig?
"Bakit iyan ang usapan ninyo?" biglang sabat ng isang mahinhin na boses mula sa aking likuran.
Lily and Gehlee's eyes widen upon looking at the person who just talked. Pumihit ako patalikod upang malingon ito at ang maaliwalas na mukha ni Treshia ang bumungad sa akin. Ngunit parang may mali. Mukhang pilit ang pinapakita niyang sigla. Naapektuhan kaya siya sa usapan namin? Sa tingin ko'y narinig niya halos lahat. Kanina ko pa kasi naaamoy ang bango niya. Hinihintay ko lamang na bumoses siya.
"Treshia," pagbati ko, "I was curious, so I asked her."
"Oh, alright." Ngumiti siya. "Can I sit here? My brother is busy with his duty, I don't have anyone to talk to," she said with a hint of sadness.
Tumango na lamang ako kahit hindi ko pagmamay-ari ang lugar. Nakatulala pa rin kasi si Lily at Gehlee.
Nagtawag ng serbidor si Treshia, inutusan niya itong kumuha ng upuan na siya namang sinunod kaagad nito. Nang makaupo na ang babae, nagsimula na itong magdaldal. Mukhang nakaahon na rin sa malalim na karagatan ang dalawa kong kasama dahil nagkasundo na ang mga ito. Nakikinig lamang ako habang pinagmamasdan ang buong paligid.
Nakabukas ang malalaking pintuan kung saan kami pumasok. Labas-masok ang mga bisita. Napangiti ako at tumayo. Napatingin kaagad ang tatlong kababaihan sa akin, nagtatanong ang mga mata.
"Magpapahangin lamang ako," mahinahon kong paliwanag.
"May veranda sa kanang bahagi ng bulwagang ito. Mayroon ding gazebo sa labas. Gusto mong samahan kita?" tanong ni Treshia sa malambing na boses.
Umiling ako. "Hindi na. I can manage."
"Take care, Ruby. Just enjoy the night."
Iyon ang huling mga salitang narinig ko bago ako humalo sa mga bisita. Tumungo kaagad ako sa malalaking pintuan. Mabibilis ang aking mga hakbang ngunit pinanatili ko pa rin ang maayos na tindig upang walang maghinalang mga tauhan ng palasyo. Nang makarating ako sa labas ng bulwagan, bumungad sa akin ang pasilyo. May mga paroo't paritong mga tao, may mga nag-uusap ding mga kakilala.
Tumabi muna ako sa isa sa mga palamuti sa pasilyo bago pumikit. Dinama ko ang awrang nakapalibot sa buong palasyo hanggang sa parang nakikita ko na ang bawat sulok kahit nakapikit at nakatayo lamang ako. Rumehistro sa 'king utak ang iba't ibang linyang nagtutungo sa iba't ibang bahagi ng palasyo.
But, something is not right. Ang mga linyang napupunta sa ilalim ng palasyo ay bigla na lamang nawawala, na parang may puwersang pumipigil ng kapangyarihan kong dumaloy roon.
Hindi ko na ito pinagtuunang pansin at kaagad na minulat ang mga mata. Alam ko na kung nasaan ang kanilang mga silid-aklatan. Mayroon silang tatlong silid-aklatan. Para sa mga aristokrata, sa mga estudyanteng iskolar o researcher ng kaharian, at para sa mga dugong bughaw. Nararamdaman ko ang malakas na enerhiyang dumadaloy sa silid-aklatan ng mga dugong bughaw na siyang ipinagtaka ko.
Kung ordinaryong marangyang silid-aklatan lamang iyon, bakit may enerhiyang dumadaloy? Isa lamang ang ibig sabihin nito: may tinatago rito na hindi puwedeng malaman ng ibang ordinaryong tao.
And, that's my destination—the Royal Library.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top