Kabanata 15: Mensahe
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
Limang minuto na mula nang lumipas ang alas sais. Tapos na akong magbihis at maghanda. Tapos na rin akong kumain ng dinner at gumawa ng mga takdang aralin. Nagawa ko na ring makapagpadala ng mensahe gamit ang isang ibon patungo kay Ama upang magbigay ng updates. Sana lamang ay hindi niya iyon itatapon ng basta-basta. Sana ay basahin niya rin iyon.
Ngayon ay nakatitig na naman ako sa salamin. Pinagmamasdan ko ang galaw ng Pyramid. Nakasakay sila ng karwahe na may selyo ng emperyo papunta sa kung saan. Sa narinig ko sa usapan nila kanina, dederetso na sila roon sa residensya ng mga del Vellares dahil babalik din kaagad sa akademya kapag nalaman ang mensahe. Sinusundan ko ang mga rutang tinahak nila upang hindi ako magkandaligaw mamaya kapag pupunta na roon.
I will just use my teleportation and invisibility skill for me not to get caught. Natural ko na naman nang tinatago ang presensya ko kaya wala na akon problema roon.
When they are already in a massive space, a huge gate materialized. Namangha ako sa nasaksihan. Mukhang nakatago ang residensya nila. Sabagay, a war general must be safe in his own residence. Pumasok kaagad sila sa malaking tarangkahan na iyon. Sa loob ay may malaking mansyon na halos kasinlaki na ng isa sa mga kastilyo ng akademya. Sumalubong sa kanila ang mga kawal at kasambahay nang makababa mula sa karwahe.
Their presence were much more stricter than I saw them here in the academy. Mukhang kinakailangan nilang magseryoso kapag nasa harapan ng ama.
Nang makapasok sila sa loob, doon na ako tumayo at inihanda ang sarili. Hindi ako si Ruby ngayon. Ako si Rania na may puting buhok at pulang mga mata, anak ng may pinakamataas na ranggo sa Drakia.
Nang maisaklob ko na ang manto sa ulo, hindi ko na nakikita ang sarili. I am invisible at the moment. After that, I teleported to where they are.
Naabutan ko silang nasa study hall ng kanilang ama. Tapos na yata ang pagbabatian dahil sobrang seryoso na ng mga mukha nila. Nang tignan ko ang heneral, medyo natigilan pa ako. Sa kaniya pala nakuha ng kambal ang pilak nilang mga mata. Lalaking bersyon siya ni Treshia—maaliwalas ang mukha at mukhang walang problema sa buhay. Nasabi ko iyon dahil may kakaunting ngiti ang mga labi niya nang makaupo, marahil ay nasiyahan nang muling makita ang mga anak. Ngunit nang magtitigan na silang apat, mukha na siyang si Trevor sa sobrang seryoso niyang mukha.
Kung hindi lang sa kagustuhan kong malaman ang ipaparating ng heneral, hindi na sana ako mapupunta rito. Hindi ko na sana malasahan ang pait sa pakiramdam nang makita ko ang ama nilang nasiyahan sa kanilang pagdating. Kailan kaya magiging ganoon ang sarili kong ama?
I blinked when I felt the wet at the side of my eyes. No. Hindi ako puwedeng umiyak, dapat ay ubos na ang mga luha ko.
"What's the news, Father?" Trevor asked.
Sumingit si Treshia, "I still have small mission later at eight, Papa."
Samantala, tahimik lamang ang prinsipe. Mukhang inaantok pa nga ito.
"Don't worry, this meeting is short. This is for the wellbeing of the empire," malumanay ang pagkakasabi ng heneral. Hindi talaga halatang bihasa sa pakikipaglaban at marami ng napatay ang lalaki.
"What about it, General? The emperor, my father, could've be the one who'll tell us." Parang nagising at aktibo na ulit ang prinsipe nang sabihin niya 'yon.
Nababagot kong pinagkrus ang mga braso. Ang dami pa nilang pasakalye, gusto ko ng matulog.
"Emperor Medoruki assigned my troop for spying the neighboring country, Drakia, for the upcoming war, Your Highness." Tumayo ang heneral at humarap sa may bintana habang dala-dala ang kopitang may lamang pulang alak.
Napalunok ako sa narinig. Talagang magkalaban ang bansang Drakia at ang Emperyo ng Lireo. Sa pagkakakulong ko sa kastilyo ng dalawampung taon, wala man lang naikuwento si Irish sa aking kaalitan ng aking bansa. Tama nga si Ama, wala akong silbi. Ignorante. Sumabak ba naman ako rito nang walang nalalamang kahit impormasyon bukod sa librong aking kukunin.
Because you are an attention seeker, Rania.
Ipinilig ko ang aking ulo. I am self-pitying again. This is not good.
"Spill, Father."
"A spy is within the reach of the empire."
Parang bomba ang sinabi ng heneral. Natigil ang aking mumunting paghinga at muntik pa akong matumba. Papaano nila iyon nalaman?! Someone is disguising themselves inside our country just like what I'm doing? Lagot. Dapat ay malaman ito ni Ama. Kailangang magpadala ako ng mensahe sa kaniya mamaya pag-uwi. I am in trouble.
Wait.
Does it even concern them? Baka nga magiging mas masaya pa sila kung hindi ako magtagumpay rito. Napatunayan nila ang mga paratang sa akin na ako ay may angking katangahan at walang kuwenta.
"What? They're already moving?" Treshia blurted out.
Tumango ang kanilang ama. "If my speculation is correct, that spy is aiming for the sacred book." Humarap na ito sa kanila. "As much as possible, put your alert high inside the academy. The mouse must have entered the academy premises without our knowledge. Or it could be inside the palaces of the empire."
"Then, let me fulfill my duty as the prince, General Del Vellares. I will immediately tell my father for this news, and the security shall be heightened inside the main palace and its branches." The prince curtsied before facing his back to them. "I shall now go. The time is limited." Bigla na lamang itong nawala na parang bula.
Napakurap ako at napahingang malalim. Pinipigilan ko na pala ang paghinga sa mga narinig. Hindi ko inaasahang ganoon pala maging seryoso ang prinsipe. Nawala saglit sa isipan kong tatanga-tanga siya minsan.
But. . . speculation? Anong alam nila sa librong hahanapin ko? Gaano ba ito kaimportante? At akala ko'y alam na nilang ako ang espiya, hindi pa pala. Hindi pa nila alam kung nasaan ako.
"Can we have any lead what could be the spy's appearance, Papa? I will help in capturing her," Treshia volunteered with determination after the prince disappeared.
Ngumiti ang kaniyang ama sa narinig. "I raised you well, my princess. You look like your mother when she stubbornly followed me in the war 20 years ago." Humalakhak ang ama sa sinabi.
Namula si Treshia. "Papa!"
"Okay, sorry. Back to the topic. Well, according to Captain Genesis and his team, when the spy travelled towards the port of Drakia, it was seen as a beauty with red eyes and white hair."
Natahimik ang lahat habang ako ay napapaisip. Wala akong maramdamang nakamasid sa amin noong bumabyahe ako papuntang daungan.
Natigil ang pag-iisip ko nang may idugtong ang heneral, sanhi ng aking saglit na pagdilim ng paningin. "Captain Genesis disguised himself as a coach in the spy's carriage, he even received a bag of gold coins from the lady. According to his observation, the lady is a daughter of the highest ranked council in Drakia. The lady with white hair gave him a token of appreciation because he treated her well, unlike the people in that country."
Nanginig ako sa paghihinayang. Nalinlang ako ng sariling katangahan. Kung malalaman ito ni Ama, paniguradong kukutyain na naman niya ako. Ang bilis kong maniwala sa mga simpleng kilos. How naïve I was.
"Looks like her family sent her to her own graveyard. Ipinadala siguro siya upang mamatay rito."
Napatango ako sa sinabi ni Trevor. Tama na naman siya sa sinabi.
Napamaang ako nang may makapang basa sa pisngi ko. Umiling na lamang ako at tumalikod sa kanila. Huli kong narinig ang sinabi ni Treshia na tutulong siya sa paghahanap ng espiya, bago ako naglaho. Sumalubong sa akin ang magarbong kuwarto ko sa dormitoryo. Nanghihina, gumapang ako nang dahan-dahan sa aking higaan. Hinagkan ko kaagad ang malambot na unan at doon ibinuhos lahat ng sakit at pighati.
Bumalik na naman sa aking alaala ang mga salitang binitawan ni ama at ng ibang konseho. Naramdaman ko na naman ang sakit ng kamay niya sa tuwing malalapat sa akin. Akala ko'y manhid na ako sa sakit. Akala ko'y kapag hahawakan ako ng isang tao, roon pa lamang babalik ang lahat. Ngunit, hindi. Hindi naman pala nawala iyon. Nandito lang at saglit na nagtatago, siguro ay dahil may nararanasan na akong ibang emosyon nitong mga nakaraang araw.
Tama na naman sila. Katangahan lamang ang dala-dala ko. Tama na naman siya. Ipinadala ako rito upang magdusa sa mga kasalanang hindi ko alam kung ano at kailan ko ginawa. Nandito ako para pagbayaran ang kasalanan ko kay Ama at sa bansang Drakia. Nandito ako para mamatay.
"Really. . ." Suminghot ako at inayos ang paghinga. I wiped my tears away using my free hand as I grab the quill with ink and a roll of paper.
Kahit wala akong nagawang tama, sisikapin ko pa ring matapos ang misyon. Baka lang naman makakauwi akong sasalubong ang ngiti ni Ama sa akin. I wonder how does that feel to have a proud and loving father. Kapareho ba iyon ng pagmamahal na pinapakita ng mga kaibigan ko?
Nagsimula na akong magsulat habang wala pa ring habas sa pagtulo ang aking mga luha. Nababasa na nga ang papel.
Ama,
Patawad kung hindi ko ginamit ang aking utak noon panahong hinatid ako ng iyong tauhan papuntang daungan. Isa po siyang espiya mula sa emperyo. Mayroon pa siyang mga kasamahan na tinatawag nilang team. Mag-ingat po kayo at maging mapagmatyag. Babalik ako sa tamang panahon.
Rania
I whistled to call a certain bird who always deliver my letters to my father. Ang mga pakpak nito ay nag-aapoy at nagliliwanag. I immediately controlled the sound waves for her screeches not to be heard. It's a Phoenix bird, my pet. Ilang taon ko na siyang alaga. Isa siyang ibon na kusang lumapit sa akin noong panahong napunta ako sa hardin ng aming kastilyo.
Hinimas ko ang kaniyang ulo at hinalikan. "Did my father received and read the latest letter?" Binasa ko ang tunog na pinapalabas niya. Napangiti ako dahil kagaya noong mga naunang sulat, tinapon lamang daw ni Ama. "I will send another letter, but this time, make sure that you'll let him read it, okay? This is a crucial letter that can be an advantage for their plans. Don't hide when placing the letter on his table, let him see you for him to read the letter with curiosity." Tumango ito at mas lalong nagliwanag ang apoy sa kaniyang mga pakpak.
Hinalikan ko ulit ito at inipit na sa kaniyang bibig. Nalagyan ko na ang papel ng selyo at proteksyon upang hindi niya masunog at si Ama lamang ang makapagpabubukas.
"Thank you, Phyra." Lumipad na ito at nawala na parang bula. She teleported to our country. Napabuga ako ng hangin sa nasaksihan. I trained her well, I guess.
I think, simple weaved letters can send great impact. Just like what happened to me earlier. Millions of needles pricked my heart after knowing the aftermath of my stupidity.
I just hope Father will read that latest, and probably the last one. Sana naman ay natulungan ko sila sa pamamagitan ng mensahe kong iyon.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top