Kabanata 14: Duwelo

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Nakasunod pa rin ako kay Treshia habang binabagtas namin ang kahabaan ng pasilyo. Padilim na nang padilim, isang pahiwatig na malapit na kami sa lungga nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumikibo at parang kinakabahan pa dahil panay ang lingon nito sa akin.

Nakakunot ang noo, hindi ko na mapigilang magtanong. "Bakit napaaga ang pagpapapunta?"

Kaagad akong napatigil sa pagsunod sa kaniya nang lumingon ito sa akin nang may malalaking mga mata; parang gulat na gulat. Kalauna'y ngumiti na naman siya ng wagas at pumaikot sa akin.

I swear, she's worse than Gehlee.

"Una kang nagsalita! OMG, mabuti nalang talaga at napigilan ko ang sariling magsalita ng ilang minuto. I made you speak first!" Her eyes glistened with undeniable spark, like she just finished a goal and this is her reward.

"And?" I deadpanned.

Sumimangot siya pero binalik niya agad ang nakasisilaw niyang ngiti. Pinantayan niya ako bago kami nagsimulang maglakad ulit. "Ay, hindi mo pa nga alam saan ang daan, ano." Napahimas siya sa batok at muling naunang maglakad. "Just don't mind the distance. I will still tell you, anyway. Bahala si Kuya."

Napakurap ako. Now that she said it, hindi nga pala nila alam na ako ang nakikinig sa kanilang pag-uusap noong nakaraan. Mabuti na lang talaga at naisipan niyang umuna sa paglalakad, kun'di ay nabuking na ako.

Hindi ako nagsalita kaya lumingon ulit siya sa 'kin. Tinanguan ko na lamang siya. She smiled. "Napag-alaman kasi ni Kuya na may Combats kang klase ngayon, kaya sabi niya ay iyong duwelo n'yo na lang ang magiging pagsasanay mo. Well, Kuya and I needs to go home by 6 in the evening later, together with the prince. May ipapaalam na important message si Amang Heneral. Hindi ko lang alam kung ano 'yon at kung bakit kailangang kami pang Pyramid ang pumunta. Puwede namang iyong mga punong mahistrado." Umismid siya.

She's oversharing. Hindi niya ba naiisip na kalaban na pala ang kausap niya?

Nang magtama ang paningin namin, bigla na lamang siyang tumigil. "We're here."

Tumingala ako. The familiar ambiance of the corridor greets me, so as the large canopy doors. Kumatok muna siya ng pangatlong beses bago binuksan. Sumunod ako. Three empty chairs with fully loaded tables are in my front. Kagaya noong una ko itong nasaksihan, wala masyadong desenyo ang silid. It's just a plain and simple four corner room with high ivory ceiling, ivory walls, and cream colored carpet on the floor. On the right side, there is a long navy blue couch with ivory throw pillows.

"Please excuse our boring quarters," Treshia gently said. Tinuro niya ang mahabang upuan. "Umupo ka muna riyan, saglit lang." Sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta siya sa harap ng nag-iisang picture frame na may litrato nilang tatlo. Inangat niya ito. Hindi na ako nagulat pa nang biglang may button doon na pinindot niya na siyang dahilan upang mahati sa dalawa ang pader.

"Kaya wala sila rito ay dahil naghihintay na sila sa loob." Nilingon niya ako matapos niyang ilagay ang passcode sa metal doors. "H-Hindi ka nagulat?" namamanghang tanong niya.

Umiling ako. "A duel in this kind of room is more suspicious, so I already assumed that there's a hidden room inside."

Ngumiti siya bago inuwestra ang kamay, nagsasabing pumasok na kami. "You're really something."

Something? Akala ko'y common sense ang tawag do'n.

Nagkibit-balikat na lamang ako at sumunod na naman sa kaniya. Awtomatikong nagsara ang nahating pader at ang metal doors.

Bumungad sa amin ang malawak na corridor. Parang wala kaming nadaanan na metal doors dahil balik sa pagiging simple na naman ang mga pader at sahig. Ang kaibahan lamang ay hindi masyadong mataas ang kisame rito at may apat na pinto sa kahabaan ng pasilyo. Bawat pinto ay may nakapaskil. Unlike the place's minimalist design, the words in each door weren't.

Where scribbles are sealed in a coffin of wilderness.

A warrior needs leisure time.

In a broaden horizon, one has to yield a call of urgency.

Sword sheathed, potentials unleashed, a power shall meet the power; thus, having control means overwhelming gift.

Iyan ang mga nakasulat. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa bawat pangungusap na nasa pintuan. Hindi man lang ako sinabihan ni Treshia kung anong mayroon sa mga kwartong iyon at dinala kaagad sa pinakahuling pinto na may pinakamahaba ring sulat.

"This is the Pyramid's training hall."

Tama nga ang hula ko. But the words given for this hall are quite weird. Sino kaya ang gumawa nito?

Pumasok na kami. Inilibot ko ang tingin. Parehong-pareho ito sa itsura ng silid sa Combats na pinanggalingan ko. Sa gitna ay nandoon ang dalawa, nakatingin sa aming mga bagong dating.

Hindi pa nga ako nakahahakbang papalapit sa kanila, bigla na lamang sumugod sa gawi ko si Trevor. Mabilis kong iniharang ang dalawa kong braso sa papalapit niyang kamao. Napadausdos ako sa lakas ng puwersa.

"Kuya!"

"Trev!"

Napangisi akong nakipagtitigan sa nag-aapoy niyang pilang na mga mata. "Ang laki ng galit mo sa 'kin, bakit? Dahil ba natalo kita?" tanong ko nang may panunuya, nakaharang pa rin ang dalawang braso sa harapan niya.

Pinapunta niya yata ako rito upang bugbugin, hindi para makipagduwelo ng pormal.

He didn't answer, instead, he stepped back his right foot as he twist his body upwards. Hinanda ko ang sarili sa mabibilis niyang kilos na medyo nababasa ko naman. Nang paparating ang sipa niyang galing sa ere, agad kong hinuli iyon. Napaatras na naman ako. He's exerting too much force in every attack. Halatang may pinaghuhugutan siyang emosyon.

What the hell is his problem with me?

Gamit ang nahuli kong paa niya, ibinalibag ko siya tungo sa pinakamalapit na pader. Saglit akong natigilan nang bumalik lang siya sa 'kin at hindi naumpog doon. The wall stretched from here towards the location where he was thrown. Habang paparating, hinanda ko ang sarili. Nakaamba na siyang sisipa na naman kaya nama'y kaagad kong pinagaan ang katawan. When he was near enough, I back flipped and forcefully hit my school shoes to his body. Rinig ang malakas na puwersang tumama sa sahig nang bumagsak siya.

Napakagat ako sa aking labi. I am not satisfied. Hindi siya dumaing, bagkus ay ngumisi lamang ito. Pinagpagan niya pa ang suot nang makabangon. I readied my stunt, and so was he. Sa susunod na mga segundo, sunod-sunod na na mga sipa at suntok ang pinapakawalan naming dalawa. As if we were synchronized, every move I exert, he can dodge it—same goes with his actions directed at me.

"Ugh. . ." napadaing ako nang masuntok niya ang aking tiyan. Habang hindi pa nakalalayo ang kaniyang kamao mula sa 'kin, kinuha ko iyon at ipinilipit papunta sa kaniyang likod. Tinuhod ko ang kaniyang mga binti dahilan ng pagkakaluhod niya. Idadapa ko na sana siya nang biglang magbaliktad ang aming posisyon.

Habang dumadaing sa higpit ng aking hawak, maliksi niya akong binalibag papunta sa lapag. Bumagsak ang aking katawan nang may malakas pang tunog na mukhang nabali. He instantaneously pinned me using his long leg in mine and his muscular arms right above my chest. Hingal kaming nagkatitigan. Hanggang ngayon ay wala pa siyang nilalabas na mga salita, at nakaiinis 'yon.

Nilapit niya ang mukha sa 'kin. I sweetly smiled, causing him to halt from his plan. Bago pa siya makakurap, binangga ko na ang aking noo tungo sa kaniya. Kahit masakit ang katawan, dali-dali akong bumangon nang makaalis siya sa ibabaw ko.

Ang pangit ng postura ko ngayon. Nakasuot nga ako ng hapit na uniporme para sa Combats pero basang-basa naman dahil sa pawis. Sa tingin ko'y hindi na ako kaaya-aya sa mata ng iba. Natanggal na ang tali sa aking hindi pantay na kayumangging buhok na may puting highlights. Hingal na hingal na rin ako.

Nang tignan ko ang aking kalaban, parang gusto ko na lamang sabunutan ang sarili nang matigilan ako. Nakasuot siya ng kaparehong uniporme sa akin. Hapit na hapit sa medyo maskulado niyang katawan ang suot. Nakaumbok pa ang puwetan at ang sa harapan. Kagaya ko'y pawis na pawis din siya, tumatagaktak pa ang likido mula sa kaniyang may kahabaang buhok. Nakanganga ito at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako. I shouldn't praise him. I should not. I must not.

But why is he damn so hot with that posture? So unfair. . .

Ipinilig ko ang ulo at inis na tumingin ulit sa kaharap. Nanunuya itong tumatawa. "Hmm? You're already tired? Hindi pa tayo umaabot ng isang oras mula kanina."

"Kasi naman, Kuya, hindi pa nga siya nakapaghanda ay sumugod ka na!"

Sinamaan niya ng tingin ang kapatid at umirap. "Kung sa tunay na labanan, hinahayaan ba siya ng kalaban na maghanda?"

Hindi nakasagot si Treshia. Habang nagtatagisan sila ng tingin na parang hindi magkapatid, pinitik ko ang aking mga daliri. Sa isang segundo, nasa harapan na niya ako. Mabilis ang aking mga galaw at kaagad siyang binigyan ng sipa ang kaniyang tiyan. Malayo ang narating niya at may kaunting dugo ang lumabas. Napangisi ako sa nakita.

I injured him. It's oddly satisfying.

"P-Playing dirty, huh?" Umuubo pa rin siya ng dugo habang nagsasalita. Nilapitan siya ng kapatid pero agad siyang sumenyas dito na lumayo.

"You cannot tell your opponent what technique you'll use in a fight. You cannot command him to do clean or dirty tricks." Ako naman ang nangaral.

Akala niya ba'y maiisahan niya ako? Akala niya ba'y manliliit ako sa sarili sa oras na maglabas siya ng mga pangaral bilang senior ko? Well, he should be well aware of what I am capable of. Hindi porke't lalaki siya at mas malaki ang katawan kaysa sa 'kin ay mananalo na siya sa labanang walang kahit anong armas o mahika. Lumaki ako sa kastilyong tanging isang konseho at servant lamang ang kakampi. Lumaki akong kinamumuhian ng ama dahil lamang sa pagiging babae at walang kuwenta sa paningin niya. Lumaki akong naghahanap ng pagmamahal at kalinga ng ama. Lumaki akong pilit na pinapatunayan ang sarili sa kahit anong paraan upang mabigyan ng pansin. Sa lahat ng napagdaanan ko, hindi ko hahayaang sa ganitong laban ay matatalo ako.

I clenched my fist. For the last attack, I tapped my right foot. Bumulaga na naman ako sa harapan niya. "You. . ." Ang gulat na may halong galit ang nanaig sa kaniyang mga mata ang aking natitigan bago ko siya mapatumba sa puno ng enerhiya kong kamao.

Natahimik ang paligid. Ang paghinga ko lamang ang aking naririnig. Makalipas ang ilang segundo, ro'n pa tinulungan ng prinsipe ang kaibigan. Lumapit naman sa 'kin ang kapatid ng napabagsak ko nang may pilit na ngiti sa kaniyang mga labi.

Kinamumuhian na siguro niya ako.

But, I was wrong. Kahit pilit ang mga ngiti niya, ramdam ko pa rin ang pagiging sinsiro nito. "Congratulations, Ruby. You defeated my brother for the second time."

Hindi ko siya sinagot ang tumango lamang. Pinagmasdan ko ang nakalutang na katawan ni Trevor. Dala-dala siya ng prinsipe papalabas gamit ang mahika nito. Sinundan namin sila. Pumasok sila sa ikalawang pintuan sa pasilyo na may sulat na "A warrior needs leisure time." Kuwarto pala na may tatlong malalaking higaan ang nandito. Mayroon pang dalawang pintuan sa loob. Hindi ko na pinakialaman kung ano ang na.

Inihiga ni Prinsipe Meshach si Trevor sa kanang higaan. Nilapat ni Treshia ang kaniyang kamay sa kapatid. Naghilom ang mga pasa nito. Pagkatapos, lumapit naman siya sa 'kin. Pinaupo niya ako sa gitnang higaan. She healed me, too, like what she did to his twin.

Napatitig ako sa mukha ni Trevor. Hindi ko alam kung aalis na ba ako rito sa quarters nila o hintaying magising ang lalaki para singilin sa napagkasunduan namin.

Well, Kuya and I needs to go home by 6 in the evening later, together with the prince. May ipapaalam na important message si Amang Heneral.

Naalala ko ang sinabi ni Treshia kanina. Salamat sa madaldal niyang bibig at nakaisip na ako ng planong gagawin.

Tumayo na ako at ngumiti sa kanila. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ng dalawa. "Thank you for this opportunity. I will get going now. Ipaabot n'yo ang paumanhin ko sa kaniya. Paalam."

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Lumabas na ako sa silid na 'yon. Akala ko'y mamomroblema pa ako sa metal na pintuan, pero kusa lamang itong bumukas. Mabilis akong nakalabas sa quarters ng pyramid at tumungo sa dorm.

Nang makaupo sa harapan ng vanity mirror, seryoso kong pinagmasdan ang mga imaheng nandoon. The scenario from that quarter was playing in my mirror right now.

I will go with you three. Gusto ko ring malaman ang mensaheng ipaparating ng inyong amang heneral.

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top