Kabanata 12: Meira
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
Natapos na ang klase namin sa History kanina lamang. Alam ko naman na ang tinalakay dahil karaniwang isinusulat iyon sa libro. Patungkol iyon sa pinagmulan ng mga tao sa mundong ito. Maraming teorya ang nakasaad sa mga aklat, pero ang itinalakay kanina ay nagmumula sa isinulat ng isang taong may kakayahang pumunta sa iba't ibang oras at panahon. Ayun kay Master Hanabi, ang bangkay ng taong iyon ay nakasilid sa isang pribadong silid sa palasyo upang maalagaan pa rin dahil sa laki ng iniambag niya sa kontinente at buong mundo. Binawian daw siya ng buhay nang sinubukan niyang mapunta sa malayong kinabukasan.
Marahil ay nakulong ang kaluluwa niya sa panahong iyon. Sa tingin ko rin ay inaalagaan ang katawan ng manlalakbay ng oras dahil iniisip nilang mayroong posibilidad na mabalik pa ang kaniyang kaluluwa sa kasalukuyan.
Gaya ng mga nakasulat sa libro ni Genshi, ang manlalakbay ng oras at panahon, nagmula ang mundo ng Meira sa isang katiting na enerhiya. That energy was a residue from an explosion of the biggest Northern Star. It matured after billion of years in the galaxy, thus, collecting enough particles—letting it gathered in a space full of mass. Unti-unti raw itong lumaki hanggang sa naging bilog.
Purong kadiliman lamang ang naroon noong una, hanggang sa binagsakan ng isang bulalakaw na may dalang kakaibang liwanag. Nagliwanag ang buong bagong planeta. Ang sumabog na bulalakaw ay nag-iwan ng isang malaking crater sa bandang Silangan at mayroong tumubong kakaibang kulay ng puno roon. Kulay pula ang katawan nito habang kakulay ng mga bituin sa kalawakan ang mga dahon. Sa ibaba ng puno ay mayroong isang sanggol na ang mga mata'y nagsisimbolo sa mga dahon ng punongkahoy.
Nabuhay ang bata sa pamamagitan lamang ng katas na tumutulo mula sa mga dahon ng puno. Wala itong kasarian. Habang lumalaki, nagsilbing magulang ng bata ang puno na siyang gumagabay sa kaniya sa pamamagitan ng panaginip. Meira ang pangalan ng bata, unang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig nang magkamalay-tao, kaya iyon ang ipinangalan ng mundo. Mayroong mga sekta ng bansa rin ngayon na sumasamba kay Meira.
Dahil sa mga katas ng puno na siyang tangi niyang sustento sa araw-araw, nagkaroon siya ng kapangyarihan. Natutunan niya raw ito nang mag-isa, hanggang umabot sa puntong kaya na niyang gumawa ng mga may buhay na nilalang. Nilibot niya raw ng isang linggo ang buong mundo sa pamamagitan ng paglipad. Napag-alaman ni Meira na talagang iisa lamang ang may guhit sa mundo niya.
Ang puno ng kalawakan na nakatayo sa loob ng malaking crater at siya na humihinga, nabubuhay sa mga katas ng dahon ng puno. Napagdesisyunan niyang gumawa ng mga puno sa paligid. Kapareha ang itsura sa naunang puno, pero hindi ito nagbibigay ng katas. Imbes na katas ay bunga ang binibigay nito. Sunod ay naghulma siya ng mas malalawak pang crater sa iba't ibang lugar at nilagyan ng mga likidong pareho sa katas ng naunang puno, pero ang iba ang kulay nito at hindi malapot—iyon ang tubig.
After a week of traveling the whole world, Meira then created life inside the world within one week, too. From trees to bodies of water, to land formation and other creatures. Nagsimula siyang bumuo ng mga kakaibang mukha ng nilalang na siyang binabase niya sa imahinasyon niya lamang. Ngunit hindi iyon sapat para maibsan ang kalungkutan at kaburyuhan niya. Hanggang sa naisipan niyang gumawa ng taong kagaya niya. Binigyan niya ito ng kasarian. Babae at lalaki, kagaya sa mga nilalang na ginawa rin niya.
Ngunit may problema. Hindi nagkakasundo ang mga nilalang at ang dalawang kaparehong anyo niya. Gumawa ng malaking dibisyon si Meira, at sa sangkapat na bahagi ay naroon ang mga nilalang na una niyang ginawa. Samantala, ang dalawang may kasariang tao ay kinakasama niya sa pamumuhay. Tinuturuan niya ito sa lahat ng bagay, mahika, pati na rin ang lengguwaheng ginawa niya—ang sinaunang lengguwahe na tanging kaming mga taga-Drakia na lamang ang gumagamit.
Sa kasalukuyan, nasa mga lumang silid-aklatan na lamang ang lengguwaheng iyon at hindi na ginagamit ng ibang kontinente.
Nagpatuloy pa ang pagtuturo ni Meira sa mga disipolo niya hanggang sa may buhay na sa loob ng tiyan ng babae. Isinilang ito at lalaki ang kasarian ng bata. Dumami pa nang dumami ang mga anak hanggang sa mismong mga anak na nila ang nagpaparami. Ang angkan ng disipolo ni Meira ang inatasan niyang mag-alaga sa mundong ginawa at inaruga niya. Sa huli, namatay si Meira dahil sa katandaan.
Sa kuwento ng mundo na paulit-ulit ko nang nababasa at naririnig, talagang may mga bagay na naguguluhan ako at pakiramdam ko ay may mali. Kagaya ng papaano nalaman ni Meira ang tungkol sa kasarian ng isang tao kung wala naman siyang kasarian? Totoo ba talagang inaral niya mag-isa ang kapangyarihang ipinagkaloob ng puno? Talaga bang ganoon kasimple ang kamatayan ni Meira? Bakit hindi sinabi sa libro ang mga pangalan ng naunang babae at lalaki? Talaga bang ganoon lang kasimple ang nakaraan ng mundo?
Ang dami kong tanong. Gusto kong magsaliksik pa ng mas malalim na teorya ng mundo pero mukhang pare-pareho lang naman ang mababasa. Ang unang teorya ay hinango sa mga kwento ng dyos at dyosa. Ikalawa ang tungkol kay Meira. Ikatlo naman ay tungkol pa rin sa dyos at dyosa pero sila ay nag-iibigan noon na nagbunga; sila ang mga sinaunang pinuno. Sa lahat ng teorya ay ang ikalawa lamang ang hindi malabo para sa akin, pero marami namang kulang.
Napapailing kong tinulak ang pinto ng silid-aklatan. Hindi gaanong marami ang mga estudyante sa loob, sapat na para magkaroon ng tamang katahimikan kahit pa pinagbabawal naman na ang ingay. Maghahanap na ako ng impormasyon tungkol sa pinagmulan ng mahika at kung paano ito nabubuhay sa katawan namin. Alam ko na rin ito dahil sa mga librong pinapupuslit ko kay Irish noon, pero gusto ko pa ring may maidagdag na kaalaman. Malay ko bang may iba pa palang pag-aaral akong makikita. Ito kasi ang takdang-aralin na ibinilin ni Master Hanabi para sa Magic Weilding bukas.
Si Master Hanabi pa rin ang propesor namin sa asignaturang iyon at buong araw itong kukuha ng oras namin. Pangatlong beses kaming magkaklase sa Magic Weilding bawat linggo pero buong araw naman ang makukuha. Nakuha na namin kahapon ang iskedyul ng bawat klase, at masasabi kong talagang pinagtutuunan nila ng pansin ang bawat kapasidad at kakayahan ng estudyante.
As I traced my hand to every books I passed by, not even a single dust got stuck in my fingers. Pinananatili talaga itong malinis. Nasa magic section ako sa hile-hilerang bookshelves. Nang makuha ko na ang sapat na bilang ng libro, naghanap na ako ng mauupuan. Sa labas ng silid-aklatan ako nakapili, sa hardin na wala masyadong bulaklak. Hanging plants were everywhere but it doesn't trigger my allergy that much. Napili ko ang lugar para makalanghap ako ng sariwang hangin. Payapa rin dito dahil lahat ay nasa loob.
Habang nagsusulat ng mga sagot sa guide questions na binigay ni Master, may mga boses na sumingit sa payapa kong ginagawa.
"Really? But, I thought . . ."
"Oo nga. Hindi rin ako makapaniwala, e. Pero iyon ang sabi ni Ama no'ng bumisita ako kahapon."
"That's possible. Only his soul were transported every time he does the time travel."
"So, you mean, Kuya, na baka successful ang pagpunta niya sa hinaharap?"
"We're not sure yet. Could that be a sign for a failure or— that seat is safe, Your Highness."
"Salamat! At saka, huwag na kayong maging pormal. Tayo-tayo lang naman ang nandi—oh . . . someone's here before us."
Tuluyan nang nawala ang konsentrasyon ko sa pagsusulat at pagbabasa. Inangat ko ang aking tingin. Mula sa puwesto kong nasa pinakasulok, nakikita ko ang tatlong pigura ng tao na nakaupo sa kaliwang bahagi ng hardin. Medyo malayo sila sa 'kin pero sadyang malalakas ang mga boses nila at talagang nagawa nilang pawalain ang konsentrasyon ko sa ginagawa.
I need to finish this as soon as possible. I still have classes after this.
Nagtinginan silang tatlo matapos akong tingnan. Hindi ko na sila pinansin pa at bumalik sa ginagawa.
"K-Kuya, 'di ba siya 'yong kalaban mo sa pagsusulit ng mga freshmen? Ang cute niya!"
"Oh, siya pala 'yon? Sayang talaga at wala ako no'n. Pahamak 'yong misyon na binigay ni Ama, e nanood din naman siya sa laban. Tsk."
"Hmm, yes. H-Hey! Saan kayo pupunta?"
"Don't sulk there, Kuya. Let's make friends with her! Natalo ka niya, 'di ba, even with your magic? For sure, she's so strong!"
"Shut up, Shia. I'm not sulking."
"Whatever, Kuya. Halika na nga, Kuya Meshach, iwan natin siya r'yan."
"T-Teka, Shia, nahihiya ako. Nagkita na kasi kami no'ng nakaraang linggo."
"And?"
Suddenly, two shadows towered me. It covered my readings and notes, causing me to raise my head and meet the owner of the silhouettes.
Kagaya ni Trevor, pilak din ang mata ng babae. Hindi nga lang masyadong nakikita ngayon dahil sa sikat ng araw na nasa likuran nila. Her eyes were also curved due to her exaggerated smile. Hinahangin ng sariwang hangin ang buhok niyang reddish-brown. Hindi kagaya ng sa kapatid niya, may golden highlights siya na nasa ibabang bahagi ng kulot niyang buhok.
Ang prinsipe naman na tinatawag nilang Meshach ay ganoon pa rin ang itsura mula sa una naming pagkikita. Inaalon ang ginintuan niyang buhok, mas lumiliwanag lalo na't nasisikatan ng haring araw. Kasing-aliwalas naman nito ang mukha niya. Ang mga ngiti ng prinsipe'y tila binayaran ng mga anghel para maging ganoon kaliwanag at katotoo. Ang berde niyang mga mata ay tila kasingganda ng mga emerald. Hindi maitatangging prinsipe nga siya.
I remained my silence while watching the two of them clashing their shoulders. "Yes?" I urged, brows raising out of irritation. Kanina pa sila sagabal sa pag-aaral ko.
But on the other side, maybe this is a good thing. A royalty just approached me. Hindi na ako mahihirapan pang gumawa ng koneksyon upang mapadali ang misyon.
"The prince is in your front, show some respect," a voice suddenly interrupted the awkward situation. Kapwa napatingin kami sa lalaking nasa likuran ng dalawa. Kumikislap ang pilak niyang mga mata sa hindi ko mapangalanang emosyon. Bumaling ang mga tingin niya sa dalawa na parang tatay na magbubuga ng sermon. "You idiots, this is one of the reasons why—"
"Says the one who doesn't respect his owner." I finally found my voice. Hindi ko na mapigilang sumabat.
"What am I, a dog?" Ngayon ay naiinis na ang mukha nito. Inawat siya ng dalawa habang napatayo naman ako mula sa kinauupuan.
Inayos ko na ang mga gamit ko at ang mga librong hiniram. "Stop disturbing me and wasting my time. I still have classes. Excuse me." Dumaan ako sa gilid nila nang biglang may kamay ang humawak sa braso ko. I flinched by the sudden action. Sobrang higpit ng hawak na 'yon na naging sanhi ng pangangatal ng ibabang bahagi ng labi ko. Daan-daang senaryo na naman ang lumabas sa utak ko; puro mukha ni Ama at ng mga opisyales sa Drakia.
Nag-aalab ang aking mga mata nang lingunin siya. "Ano ba'ng problema mo? Let go of me."
Mukhang nagulat siya sa naging reaksyon ko. Kaagad na lumapit ang kapatid niya at hinawi ang kamay ni Trevor mula sa braso ko. Nahagip naman sa paningin ko ang paglunok ng ilang beses ni Meshach.
"A-Ah, tama na. Hindi naman big deal 'yon, Trev. Hayaan mo na."
Inirapan ko sila pero isang nakakasilaw na ngiti ang naging sukli ng babaeng tinatawag nilang Shia. Nagsimula na akong maglakad pero humarang na naman ang kawal. "Ano ba?! Stop pestering me!"
"Let's have a duel."
My eyes travelled towards his silver orbs. Hindi pa ba siya nadala sa nagawa ko sa pagsusulit? Muntik na siyang mamatay no'n, buti nalang at nakontrol ko nang maigi ang enerhiyang itinapon ko.
"K-Kuya, tama na. We just want to be friends with her, don't be harsh."
"Are you serious?" I halfheartedly chuckled.
His jaw tightened as his eyelids became hooded for some reason. "Hand on hand combat, just the two of us."
Tuluyan nang kumunot ang noo ko. Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang lalaking ito. Anong mapapala ko sa pakikipaglaban sa kaniya? Puwera nalang kung sasabihin niya ang patungkol sa hinahanap ko. Napangisi ako sa biglang naisip.
"Ipagpaumanhin mo, ngunit hindi ako tumatanggap ng hamon kung walang kapalit bukod sa dangal at puri."
"Then, let me answer one of your questions. One more thing, this is your compensation for disrespecting the prince and my loyalty towards him. Don't ask for more." Buong-buo siya kung magsalita. Hindi man lang nabulol.
Umirap ulit ako bago tumango. "Deal."
That's enough for my further investigation.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top