Kabanata 09: Layunin
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
"Ruby, who's your opponent?" pang-uusisa bigla ni Gehlee. "Sa 'kin ay 'yong nakilala ko sa unang araw natin sa pasukan. Ang daya no'ng faerie na nagbigay sa 'kin nito ah, bakit new friend pa?!" dagdag niyang maktol.
Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Lily sa kabilang gilid ko habang ako ay nananatiling nanonood sa pang-sampung laban. "Ngayon mo lang naisipan magtanong?"
"S-Sorry naman, I was watching kasi, 'no!"
"Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan kita. Paniguradong magagalit sa akin si Ina kapag nalaman niyang may kaibigan akong—"
"I will surely tell my mother about your behaviour towards me!"
Umismid si Lily. "Mama's girl."
"You know what, Lily—"
"Tama na. Hindi ko masyadong naririnig ang eksplanasyon ni Master Ferio sa labanan. Ang iingay ninyo kahit wala namang kuwenta ang pinagsasabi." Bumuntonghininga na lamang ako at napahilot sa sentido. Kahit kailan ay ilang minuto lamang silang magkasundo. Kaunti na lamang ay pagsisisihan ko nang nagtagpo ang landas nilang dalawa at naging tulay pa ako. Isang bugnutin at isang eksahederang nilalang.
Namimiss ko tuloy ang pagkaiyakin ni Irish at pagiging mapag-alala ni Uncle Nai. Sana maayos lamang sila roon. Sana ay wala akong iniwang bagaheng makapagpabigat sa kanila roon.
Nabalik ako sa reyalidad nang nagpalakpakan na ang mga tao. Magaling ang ipinakitang talento ng mahika sa tubig noong Isla, ngunit mas matalino at may matinong estratehiya ang kaniyang lalaking kalaban na si Orpho. Mukhang may naghasa talaga sa kakayahan niyang ipinamalas; na kahit hindi niya pa gaanong gamay ang pagtugtog ng instrumento niyang lyre ay may talino siyang maipagmamalaki—utak na siyang main weapon nito.
Paglabas niya'y wala man lang lumapit sa kaniyang grupo ng manggagamot kagaya ng mga nauna dahil wala naman talaga siyang sugat. Mas napuruhan ang kaniyang kalaban. Bigla-bigla'y nagtama ang paningin namin. Normal lang sana sa paningin ko iyon nang pinatugtog niya ang lyre at mukhang ako lamang ang nakarinig, pati ng boses niyang kasama sa tugtog.
"Ikinagagalak kong makita ka, natatanging dyosa."
Napakurap ako bago marinig ang anunsyo ni Master Ferio. ". . . Princess Lily Vitis Peeony from the Kingdom of Neptune, second daughter of the King Leonardo Burguila Peeony and Queen Java Vitricilla Peeony! Her opponent is none other than Yesha Loelly Terria, daughter of a baron and one of the masters in academia, Master Ferio Terria!"
Hindi halatang anak niya ang lalaban sa proud na proud niyang pagpapakilala. Oo, hindi talaga.
Lumakas ang sigawan.
"Ruby, si Princess Lily na ang lalaban. Pagtawanan natin—" Gehlee emphasized the word princess. Hindi ko alam na prinsesa pala itong itinuturing naming kaibigan.
"Shut up, Gehlee. Sana talaga'y ikaw nalang ang makakalaban ko. Epal."
"Kabado ka lang, e. Mahal mo pa, 'no?!"
Nalilito akong napatingin sa kanila. Napansin yata iyon ni Gehlee at ngising hilaw na naman siya sa 'kin. "Alam mo, Ruby, I keep telling you to come with us sometimes. You always lock yourself up in your room kasi, e. I mean, I don't want to meddle with what you're suffering or surfing or whatever, but, breathe. Makisalamuha ka naman, kahit sa amin lang. Tingnan mo, ang daming kuwentong hindi mo alam. Napag-iiwanan ka."
Napaiwas ako ng tingin at tumahimik na lamang—nakapasok na sa aking kukote ang pinagsasabi ni Gehlee. Tama naman siya. Pero kung malalaman niya kaya ang dahilan ng pagpunta ko rito ay sasabihin niya pa rin iyan? Malamang ay hindi, malabo. Kalaban ako ng kahariang ito na pinoprotektahan nila. I shouldn't get attached to them; it's dangerous. Tama lang na hindi ako masyadong lumalapit sa kanila. Nakokonsensya lamang ako.
"Good luck, Lily."
Tinanguhan niya ako at naglakad na pababa. Pumasok na siya sa loob. Pansin ko ang paghinga niya nang ilang beses bago niya hinugot ang kaniyang trident. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.
Nagsimula na ang oras. Nasa itaas ng barrier ang oras, pinalilibutan ng mga faerie sa hindi ko malamang dahilan.
Iwinasiwas ni Lily ang kaniyang trident at may malakas na puwersang kumalat sa bandang bahagi kung nasaan siya. Unti-unting lumabas ang mga halimaw na kadalasan kong nakikita sa hardin namin sa kastilyo. Siguro ay itinipon silang lahat ni Lily para sa isahang bagsak na lamang ng kaniyang kapangyarihan. Magaling.
Lily created a little whirlpool in her hand until it slowly became a hurricane with solidified round water. Napaatras ang mga halimaw bago sabay-sabay na sumugod. Ngunit walang nakalapit sa kanilang lahat papunta sa prinsesa. Nilamon sila ng ipo-ipong tubig, nagtatalsikan din ang dugo ng mga ito kapag natatamaan noong tubig na mukhang yelo na mukhang hindi naman. Ewan ko, ang gulo.
Napangisi si Lily. Akala niya wala nang halimaw, kaya hindi niya inaasahan ang biglang dumamba sa kaniyang puting dambuhalang lobo. Nakalabas ang pangil at mayroong malaking sungay sa noo. Lily struggled to maintain her magic core but eventually, she managed to escape from the beast. Ibinagsak niya sa lupa ang kaniyang trident na siyang dahilan ng paglabas ng alon sa kung saan. Kakaiba ang tubig, parang may kaakibat na asido dahil sa usok na kulay luntiang nilalabas nito. Bumulagta ang lobo at ang ibang kasama nitong nagtatago rin sa sulok. Alpha pala ito.
Napatingin ako sa itaas ng barrier nang mapatingin din si Lily sa kaniyang papulsuhan. Sa ibabaw ng barrier ay limang segundo na lamang bago ang limang minuto. Pero alam kong limang minuto pa ang aantayin ni Lily sa loob. Sobrang bilis ng oras sa loob. Hindi ko rin gets ang logic. Siguro ay apprentice si Cronus ang may gawa ng oras sa loob ng barrier.
Matapos magpahinga saglit ay tapos na siguro ang oras na hinihintay ni Lily. Kaagad siyang tumakbo sa gitna. Mayroong malawak na patag sa gitna ng kagubatan. Doon sila maglalaban.
Nang nasa gitna na si Lily, hindi niya yata napansin ang kaniyang kalaban na kanina pang nauna—nagtatago lang. Kaagad bumulusok ang iba't ibang porma ng notang pang-musika papunta kay Lily. It's a surprise attack. Naiwasan ni Lily ang iba ngunit ang iba ay natamaan siya. Nagdurugo kaagad ang balat niya. Hindi pa siya nakakabawi sa gulat at lito nang kakaibang tunog na naman ang namutawi. Napatakip si Lily sa kaniyang mga tainga, tila mabibingi sa tunog na kaniyang naririnig.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao. Nabuhayan sila ng dugo. Kakaiba kasi ang labanan dahil mukhang pareho silang long-range type of magician.
"Alam mo ba, Ruby, dati silang magkasintahan." Napalingon ako kay Gehlee saglit sa sinabi niya bago ituon ulit ang atensyon sa laban. "Hindi ka nagulat?! I mean, pareho silang babae."
"Tapos? Wala namang kinalaman ang kasarian sa pagmamahal."
"Wow naman. I thought you'll be weirded out sa nalaman."
Natapos ang atake ni Yesha. Gagawa na naman sana ito ng atake sa paglabas niya nang paunti-unti nang bigla itong bumulusok sa kakahuyan at nabangga sa malaking katawan ng puno. Lily used the force her trident has just like earlier, but in a reverse form. Pinaikot niya ang sandata at may namuo na namang solidified water particles. Napakadami nito at mukhang seryoso talaga siya sa gagawin niya.
"Sh-Shit . . . I thought hindi kayang saktan ni Lily si Yesha," komento ulit ni Gehlee. Napatango rin ako. Pero mukhang seryoso talaga si Lily na magpapakitang gilas siya sa mga magulang niya.
Lily stumped her trident forcefully as she aimed it towards Yesha. Namimilipit pa si Yesha sa sakit pero nang makita ang papalapit na matitigas na water particles ay kaagad siyang kumanta kahit nahihirapan. Mayroong barrier na nabubuo sa kaniya, ngunit nahuli ito ng kaunti. Mayroong iilang nakapasok sa barrier niya. Ang nasa labas ay sumabog at ang mga nakapasok ay sinugatan si Yesha. Marami siyang natamo kaya siguro kaagad siyang nahimatay.
Nawala ang barrier at ang ilusyon ng kagubatan. Lumabas ang hologram sa itaas at nandoon ang puntos na nakuha nilang dalawa. Mas mataas si Lily pero kakaunti lang naman ang layo nilang dalawa. Pareho silang dalawa na mapupunta sa Block 1, ang pinakamataas. Kakaunti lamang ang napupunta roon dahil hanggang 40 students lang ang tinatanggap nito, kahit palaging wala ang senior students.
Nabasa ko noon na lima lamang ang block section sa buong akademya. Sa bawat block ay nakaipon lahat ng estudyante—mapa-freshmen, sophomore, o senior—ngunit iba-iba lang ng mga papasukan sa bawat asignatura. Isang beses sa isang linggo kung magkita ang buong block classmates (kahit iba-ibang year ay classmates pa rin ang tawag).
Paika-ikang lumapit si Lily kay Yesha nang may nag-aalalang mukha. Narinig pa ng matalas kong pandinig ang sinabi niya nang makalapit.
"I-I'm sorry, L. Please, be safe."
Inakay na siya ng mga healers, magkasunod sila ni Yesha papuntang infirmary.
I heard Gehlee's dreamily sigh. "Kailan kaya ako magkaka-love life?" Nilingon ko siya't nakita kong nakasiklop ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa kalangitan.
Napailing ako't natawa nang kaunti. "Ang bata mo pa para diyan."
"KJ ka talaga kahit kailan!" Sinimangutan niya ako.
Ako naman ang sumimangot at kumunot ang noo. "Ano ang KJ? Hindi ko talaga kayo maintindihan sa mga gawa-gawa n'yong salita."
"Palibhasa kasi gurang."
Hindi ko na siya pinansin sa huling sinabi niya. Totoo naman kasi. I am already 20 years of age while Gehlee and Lily are 18. Pakiramdam ko'y ako ang pinakamatanda sa lahat ng freshmen. Ang edad ko'y nababagay na maging senior.
Well, age doesn't significantly define educated people.
Lumipas ang ilang labanan at ang pang-tatlumpu't siyam na pares na ang lalaban. Naririnig ko na naman ang pagmamaktol ni Gehlee sa gilid ko. Laban na pala niya.
"Mag-ingat ka, Gehlee. Huwag padalos-dalos at palagi kang magmasid sa paligid kung ayaw mong masugatan nang malala ang iyong pinakamamahal na balat." Nginitian ko siya.
Kumislap ang kaniyang mga mata bago agresibong tumango nang paulit-ulit. Mukha siyang nilalang na inaalagaan ni Irish sa loob ng silid niya. Aso yata ang tawag do'n, kaso rosas dapat ang kulay gaya ng buhok ni Gehlee at hindi tsokolate katulad nang kay Irish.
"You smiled! Ipapanalo ko talaga 'to para makasama ko si Lily sa Block 1."
Tumakbo na siya pababa at mabilis na nakarating sa gitna. Pumasok na siya. Gaya ng mga naunang lumaban, nasa itaas ng barrier ang timer.
Madaling napatay ni Gehlee ang lahat ng mga malalaking nilalang na nananakit. Gamit lamang niya ang maliit niyang wand na may hugis puso sa gitna. Hindi lang pala ang buhok at wand niya ang pink, pati ang residuals ng kaniyang kapangyarihan ay ganoon din. She's using charms. Gumuguhit siya sa hangin ng iba't ibang hugis at lumalabas doon ang pink ribbons na nagiging pula dahil sa mga dugo mula sa halimaw na masasagi nito. Her ribbons are as sharp as blades. Mukha lamang siyang sumasayaw habang pumapaslang, tumatawa-tawa pa habang nakataas ang isang paa at nakatingkayad naman ang isa.
Wala yata sa katinuan ng pag-iisip ang kumaibigan sa akin.
Natapos ang tatlumpung minuto sa loob at kaagad siyang tumakbo sa gitna. Nauna na roon ang kaniyang kalaban. Pinapaikot nito ang iba't ibang hugis ng yelo sa magkabilaang kamay. Parang naglalaro lamang habang nagmamasid sa paligid.
While running towards the center, Gehlee swayed her wand continuously as numerous ribbons emerged from it. Inikutan ng mga laso ang kalaban na kaagad nanlaki ang mga mata. Akala niya siguro'y naglalaro lamang si Gehlee. Hindi niya siguro inaasahan ang talas ng mga lasong rosas.
Nagpumiglas ang kalaban, pinayelo ang laso, at hinampas ang kaniyang kamay. Daan-daang matutulis na yelo ang bumagsak papunta kay Gehlee. Kinabahan ako ngunit si Gehlee ay humahagikgik pa rin, patuloy sa pagsasayaw gamit ang nakatingkayad na mga paa. Umikot siya nang sobrang bilis, hindi na masundan ng normal na paningin. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga yelo habang tumatakbo papalapit ang kalaban na mayroong espadang yari sa kapangyarihan niya.
Nagsigawan ang mga taong nanonood. Gaya ko ay kinakabahan siguro sa kinalabasan. Ngunit ang iba ay nagsigawan sa lakas tensyon ng laban.
Iwinasiwas ni Gehlee ang kaniyang wand nang kasingbilis sa kaniyang pag-ikot. Dumadami ang mga laso. Inihagis niya lahat sa itaas kung nasaan ang daan-daang yelong paparating sa kaniya. Pakiramdam ko'y bumagal ang oras dahil sa bilis niya. Hinuli ng mga laso ang lahat ng yelo at biglang hinagis sa maygawa. Ang tumatakbong kalaban ay agarang napatigil—dalawang metro nalang sana bago niya maabutan si Gehlee—at wala sa huwisyong natanggap ang mga yelong gawa niya mismo. Tumusok itong lahat sa katawan niya, sa tulong na rin ng mga laso.
Tumigil sa pagsayaw si Gehlee at yumuko sa harap ng kalaban niya, parang nagpapasalamat kagaya ng mga mananayaw sa isang kasiyahan. Nawala ang barrier at ang ilusyon ng kagubatan. Dali-daling lumapit ang mga manggagamot sa nakahilatang duguang babae. Lumabas na rin ang resulta. Malayo ang agwat ng kanilang puntos. Si Gehlee ay mapupunta sa Block 1 gaya ng inaasahan niya habang ang kaniyang kalaban naman ay sa Block 3.
Tumatakbo siyang bumalik sa kaniyang inuupuan kanina nang may ngising-aso na naman. Binati ko siya at niyakap.
What a great twisted dancer.
Siguro ay makakakuha talaga ng atensyon ang pakikipaglaban ko sa kawal na si Trevor. Pero gagawin ko iyong paraan upang makasama sa iisang block sina Gehlee at Lily. Siguro ay idadagdag ko ito sa aking mga layunin. Maybe I can move easier when I belong to the highest block.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top