Kabanata 08: Pagsusulit

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Mabilis lumipas ang oras. Parang nakulangan pa ako sa isa't kalahating araw na binigay ng akademya upang makapag-ensayo. Sa katotohanan, hindi naman talaga ako nag-ensayo ng kakayahan ko. Inaral ko lamang ang mga normal kong dapat na ginagawa bilang malayang mamamayan.

It was harder than I thought.

Sa pagkukulong ko sa kuwarto, tinamaan ako ng reyalisasyon. Kung hindi ako makikisalamuha, makikipag-usap, o kahit gumawa ng kakaunting hakbang ay hindi ko maisasagawa ang misyon ko. Kaya upang mas epektibo ito, inaral ko ang lahat. Mula sa emosyon, damdamin, at mga normal na pagkilos ng isang tao. Para akong bagong silang na sanggol.

Natunton din ni Gehlee ang kuwarto ko, marahil sinabihan siya ni Lily. Sa hiniram kong aklat ng sikolohiya sa silid-aklatan, nabasa ko roon na hindi magiging mahirap ang mga pagdadaanan ng isang tao kapag mayroong karamay—kaibigan. Kaya naman kahit hindi ko sila pinapasok sa loob ng dormitoryo ko, kinakausap ko sila ng mahigit limang minuto sa labas.

Hindi ko nga lang alam kung bakit parang naiinis ang mukha ni Lily sa akin kapag ginagawa ko 'yon. Hindi ba ako epektibong kaibigan?

Hindi ko alam kung paano sila pakitutunguhan. Hindi naman sila puwedeng manghimasok sa buhay ko dahil dakilang espiya ako rito. Hindi naman sila si Irish para pagsilbihan ako't umaktong ina sa akin kung kaya't itinuring ko na siyang pinakamatalik kong kaibigan. Hindi rin naman sila si Uncle Nai na nagtatanggol sa akin sa mga panghuhusga at masasamang salitang binibitawan ng mga konseho at ni Ama.

Napatingin ako sa salamin, napatitig sa mukhang ginagamit ko. I am already exhausted from reading different psychological books yet I do not look weary at all. Just how effective this refreshing magic is?

Napatawa ako nang mahina at bumalik sa malambot kong kama. Humiga ako na siyang ikinatalbog ko nang kaunti. Tinitigan ko ang kisameng mayroong iba't ibang nakaguhit na pigura.

Naalala kong mamayang alas otso na pala ang simula ng assessment, ngunit wala akong ganang gumalaw kahit katiting man lang. Kahit sabihin kong wala akong pake sa seksyon na mapupuntahan ko, kinakailangang may pakinabang pa rin ang hakbang ko. Kung hindi ko gagalingan ay baka sa huling seksyon ako mapupunta. Hindi magiging madali ang misyon ko kapag ganoon. Mahihirapan akong gumalaw.

Ang hirap palang mamuhay ng normal; mamuhay nang malaya at nagagawa ang gusto. Walang may kontrol sa buhay ko kung kaya't nahihirapan akong isipin ang susunod kong hakbang. My life isn't constant anymore. Hindi na ito ang paulit-ulit na ginagawa ko sa araw-araw katulad noong nando'n pa ako sa kastilyo. Hindi na ito katulad noon na bawat araw akong nagsasayang ng luha't nagmamakaawa kay Ama. Kung noon ay gustong-gusto kong lumabas ng kastilyo't lasapin ang hangin ng pagiging malaya, ngayon ay gusto ko na lamang bumalik sa pagmamakaawa.

Bakit ka ba kasi nagbida-bida, Rania? Tingnan mo't para kang batang walang muwang dahil sa panibagong mundo mo.

Pinahid ko ang tumulong luha mula sa kaliwang mata ko. Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Akala ko pa nama'y hindi na ako iiyak kapag malaya na ako.

I was overwhelmed by the feeling of being free that I didn't think the possible consequences it might bring. For the whole twenty years in my life, I was secluded, hated, and disgusted. It became my constant that I never thought of having a new life aside from being a bird that can freely fry around without its cage. Now that I'm in this new phase, it may take a lot of practice for me to feel the actual.

° ° ° ° °

Nang marating ko ang napakalaking espasyo sa pinakasulok ng mga kastilyo sa akademya, halos hindi ako humihinga sa bawat paglinga. Napakadaming estudyante. Mukhang hindi lamang kaming mga estudyante ang nandito, nandito rin ang kanilang mga magulang upang suportahan ang kanilang mga anak sa gaganapin na pagsusulit. Akala ko pa naman ay mahigpit ang seguridad dito, pero puwede naman palang magpapasok ng bisita kapag may kaganapan katulad nito.

Nakita ko sa kanang bahagi sina Gehlee at Lily na kasama ang mga temporaryong kaklase kong nakaupo sa pahabang mga upuan. Akala ko ay kasama nila ang kanilang mga magulang, nasa kaliwa pala sila nakapuwesto.

Naglakad ako papunta roon nang tanging nakatitig lamang sa bakanteng puwesto hanggang sa bigla na lamang akong gumilid dahil sa nakabangga. Salubong ang aking mga kilay nang tignan ko ang gumawa. Kung sinusuwerte nga naman ako, walang iba kun'di ang kawal na si Trevor ang tangang bumangga na naman sa 'kin.

"You again."

"Ikaw na naman."

Sabay kaming umangil sa isa't isa. Inirapan ko na lamang siya dahil ramdam ko ang mga matang napunta sa amin. Umiiwas ako ng atensyon ngunit heto siya't parang uhaw na kinukuha iyon. Nakakabanas.

Kunot pa rin ang noo ko nang makaupo sa tabi Gehlee. Simpleng pagbangga lang naman iyon pero talagang kumulo ang dugo ko roon. Pakiramdam ko kasi'y tinapakan ang pagkatao ko na siya namang napakababaw. Minsan ay hindi ko na nagugustuhan ang mapagmataas kong katangian, pero kahit anong pigil ko'y ayaw nitong magpaawat. Parang natural na dumadaloy na ito sa pagkatao ko.

Sabagay, ganoon naman si Ama. Maybe I inherited this trait from him. Not that surprising, tho.

"Buhay ka pa ba, Ruby? Ikalawang pagkakataon na kayong nagbanggaan," nag-aalalang turan ni Gehlee. Iwinasiwas pa niya ang kaniyang dalawang kamay sa harap ng mukha ko.

Umiwas ako't nginitian lamang siya. Ayaw kong magsalita at baka kung ano ang masabi ko. Hindi pa rin humuhupa ang gigil ko sa lalaking iyon.

"Ruby . . ." tinawag ako ni Lily. Nilingon ko siya na nasa kanan ko lamang. Napagigitnaan kasi ako nilang dalawa. "Wala ka bang naramdamang kakaiba sa pagtitig mo sa kaniya?"

Nagsalubong lalo ang aking mga kilay sa naging tanong ni Lily. Hindi ko siya maintindihan.

"Oo nga. Ang pogi niya, 'di ba—"

"That's not what I meant, Gehlee." Nagtitigan sila hanggang sa napabuntonghininga si Lily. "I know you knew it. Hindi ba't ikaw ang nagkuwento sa unang engkwentro nila?"

Mahinahon lamang si Lily pero itong si Gehlee ay eksaheradang napatakip sa kaniyang bibig. Para namang hindi siya naging tanga sa usapan nila. "Oo nga! Hindi siya na-hipnotismo o naging bato!" Napakalakas ng boses niya na umabot sa puntong natahimik ang ibang kaklase naming nakapaligid sa amin.

"Tone down your voice."

Humagikgik si Gehlee. "Sowie!"

"And?" I asked like it was nothing. Umaakto lang ako. Ang totoo'y nawala na ang gigil ko at napalitan ng kuryosidad. "Ano naman kung hindi ako naapektuhan ng abilidad niya?" tanong ko habang nakatingin sa harap ng entablado.

Nakalutang ang napakalawak na entablado sa loob ng espasyong ito. Nandoon ang Master of Ceremony—kung tawagin ang sarili niya—bumabati sa mga mahaharlikang dumadating. Limang minuto na lamang ay magsisimula na ang pagsusulit.

Lily leaned on my shoulder that made me shift from my seat. She's too close. "Hindi iyon ordinaryong abilidad lang, Ruby. Sa mga mata niya iyong mismo. Ang mga mata ni Sir Trevor ang mismong passive ability niya."

"Oo nga, ang astig, 'di ba!" Si Gehlee naman ang humilig sa kaliwang bahagi ko, inangkla ang kaniyang braso sa akin. Napakurap ako nang paulit-ulit. Sobrang lapit nila, hindi ako sanay. "Kung una mong matitigan ang kanang pilak niyang mata, wala pang sampung segundo ay magiging bato ka na. Makikita mo ring may maliliit na itim na ugat ang kaliwa niyang mata. Those are hypnotism veins, kaya kung aabot ng 20 seconds ang pagtitig mo roon, mapapasunod ka na niya sa kung anong gusto niyang gawin."

"Well, 20 seconds per meeting is enough for us to memorize his features. Guwapo niya, e." Masasabi kong nakangisi si Lily sa pagsabi pa lamang niya sa huling mga salita.

"Hey, Ruby, natahimik you? Okay ka lang? Parang hindi ka na humihinga, ah."

"Gehlee, your mouth!"

"Totoo naman kasi, Lily! Tingnan mo, she's so stiff. What if ngayon lang tumalab ang passive ability ni Sir Trevor? Oh, my!"

"H-Huh? Damn—"

"I'm fine," pagsingit ko sa kanila habang nakatingin sa dumating na hari sa lupain kung saan nakatayo ang akademya. "Sobrang lapit n'yo lang at ayaw kong gumalaw. Hindi ako komportable, pasensya na."

Sabay silang kumalas at nahihiyang tumawa. Nilingon ko naman si Gehlee nang pabagsak itong umayos ng upo. "Na-miss ka lang namin, e! Kung kausapin mo rin kami kahapon ay parang napilitan ka lang. Hindi ba naman kami pinapasok?!" pagmamaktol niya. Nakanguso pa ito at parang galit na nakatingin sa taong may malaking boses sa harap.

Napakamot ako sa aking batok. "P-Paano ba dapat?"

Hindi na nila ako sinagot dahil pinatayo na kaming lahat na estudyante. Sabay-sabay kaming nagbigay-galang sa mga maharlikang nandito. Pagkatapos no'n ay bigla na lamang nagsigawan ang mga tao na umabot sa puntong parang mababasag na ang eardrums ko. Sinabi ni Lily na natural na raw ito dahil makakakita sila ng panibagong mga kapangyarihan para sa taong ito.

Hmm, so people here really love power just by looking how hype they are now.

"For this academic year, we only have 87 freshmen—an odd number. Sa ayaw natin o sa gusto, talagang may isang masuwerteng makakalaban ang isa sa Pyramid . . ." hindi na masyadong marinig ang sinasabi ng Master of Ceremony dahil sa samu't saring bulungan ng mga nasa paligid ko, kasali na roon si Gehlee at Lily.

"Seriously? Ang unfair naman no'n! Walang makakatalo kahit isa sa Pyramid!"

"Shut up, Gehlee. Let's just pray to the gods that none of us will be chosen."

"R-Right. Nakakatakot kaya ang Pyramid."

Natuon ulit ang atensyon ko sa Master of Ceremony. Inaanunsyo na niya kung ano ang proseso sa pagpili ng makakalaban. "Each one of you will receive a piece of paper with your names attached together with your opponent. It will be handed over to you by a faerie who also showed from the day I toured you around the academy. After that, I will explain the mechanics of this assessment test. Best of luck, freshmen! May the wisest, strongest win." Ngumiti pa siya bago saglit na inilibot ang paningin sa paligid, kumakaway.

I squinted my eyes in front. Tama, naalala ko na. Si Master Ferio Terria nga ang nagsasalita. Kaya pala umaalingawngaw ang boses niya sa buong lugar kahit wala siyang hawak na voice crystal. Siya mismo ang voice crystal.

Totoo ngang may mga faerie na lumapit sa amin. Iyong akin ay ang puting puti na faerie na nagsabi sa akin ng kakaiba. Nakangiti na naman ito ngayon at nakahahawa 'yon, napangiti rin ako. Inabot niya sa 'kin ang kumikintab na papel bago humagikgik.

"I cannot be mistaken for the upcoming result. May the gods above guide you like always." Hinimas pa niya ang maliit niyang katawan sa aking pisngi bago biglang naglaho.

Kahit naguguluhan sa huling mga salita ng faerie, pinili ko na lamang buksan ang kumikinang na papel. Sa pagbukas, kaagad akong napatingin sa makakalaban ko. Nakatingin din siya sa 'kin. Naputol lamang ang hindi ko mawaring tinginan nang pumalakpak si Master Ferio.

"Alright! I guess, all are already aware of their opponents? Now, let me guide you for the mechanics," sabik na sabik na saad ni Master Ferio.

"In the center of this dome, a barrier will be created by the strongest shield caster in this kingdom. Inside is a forest illusion, but the creatues are not. You have 30 minutes to find all the monsters lurking around the forest within your range. Each monster has corresponding points. When 30 minutes is over, monsters wipeout or not, you have to go at the center of the forest to meet your opponent. The final points will be given to assess which section you'll be in. Reminder, you still need to consume the whole 30 minutes before the battle between your real opponent starts. Don't worry, time here and inside that barrier is far different. You will soon understand once you'll experience it firsthand. Failure to follow the special rule will make your assessment bad, which for sure you do not want to. Also, do take note that everyone will watch."

Nanginig bigla ang kalamnan ko. Nagiging halata na rin pati sa kamay at buong katawan ko—just by thinking about it. Hindi ako natatakot sa kinalalabasan ng laban. Hindi ako nag-aalala sa seksyon na aking mabibilangan. Hindi ako natatakot sa aking kalaban. Natatakot ako sa atensyon na mukukuha habang naglalaban. Now, how will I handle this? How can I handle him?

How will I handle the attention that Trevor del Vellares would surely catch?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top