Kabanata 07: Pyramid

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Natapos ang pang-umagang klase nang wala masyadong nangyari. Tanging pagpapakilala lamang sa sarili. Si Gehlee at Lily lang din ang pamilyar sa akin. I blend well, I guess, I didn't get attention that much. Mas mabuti iyon. Walang sasagabal sa mga hakbang na gagawin ko.

"Pasaan ka, Ruby?" masayang tanong ni Gehlee. Marami naman siyang nakilala kanina sa klase pero hindi ko alam kung bakit sa akin pa rin siya sumasama.

"Magpapahangin," sagot ko. "Hindi ba't marami ka nang nakilala? Sa kanila ka sumama, gusto kong mapag-isa."

I can see the sadness that passed through her clear pink eyes. Hinawi niya ang nakaharang niyang curtain bangs sa mukha. Ang pink niyang buhok ay sinasayaw ng hangin. "Are you sure? Kaya naman kitang samahan kahit saan-"

Umiwas ako ng tingin at dahan-dahan nang naglakad. "Yeah, yeah. I can handle myself. Go and get acquainted."

Gehlee finally agreed. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

May dalawampung minuto pang natitira bago ang lunch time. Nakasulat sa handbook na sabay-sabay dapat magtanghalian ang lahat sa cafeteria, pero mukhang ang hirap huminga sa ganiyang sitwasyon. Maraming taong kinakailangang pakisamahan.

In my little steps, I came across an empty hall. Kumunot ang noo ko. Kanina lamang ay maraming estudyante ang nadadaanan ko tapos ay umabot ako rito. Nasaan na ba 'to? Sa labas lang naman ng mga kastilyo kami iginala ni Master Ferio kaya hindi ko na alam kung anong dimensyon itong napuntahan ko.

Babalik na sana ako sa dinaanan ko nang biglang may kalabog akong narinig. Natuod ako sa kinatatayuan. Hindi naman siguro iyon multo . . . o kung multo nga, ano ngayon?

Napatikom ako ng bibig at dahan-dahang tinahak ang daan kung saan ko narinig ang kalabog. Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito. Siguro nga ay namumutla na ako.

Ang tahimik. Malamig ang paligid. Nakakakilabot. Nakakapanindig-balahibo.

Walang hingang lumiko ako sa isa pang pasilyo. Kung kanina ay may liwanag pang lumulusot sa malalaking bintana ng kastilyo, ngayon ay talagang wala na. Natatabunan na ang mga bintanang ito ng mabibigat na itim na kurtina. Parang tinatago ang pasilyong ito sa nakararami.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid. Sa lawak ng pasilyo ay iisang pintuan lamang ang nakikita ko. Mayroon itong nakasulat sa itaas.

PYRAMID

Nakahinga ako nang maluwag. Walang multo. Paniguradong sa silid na ito nanggaling ang kalabog kanina. Kung gano'n ay lugar ito ng tatlong estudyanteng may pinakamataas na ranggo, nangunguna sa hierarchy.

Tumalikod ako at humakbang, hindi na sana mangingialam nang biglang may boses akong narinig. Mukhang galing sa silid. Hindi ko na sana ito pagtutuunan nang pansin kung hindi ko lamang narinig ang eksaktong mga katagang sinabi no'ng boses.

"Ang libro . . ."

Ang libro? Ito ba ang librong pinapahanap sa akin ni Ama?

Tinungo ko ang mismong harapan ng pintuan. I concealed my presence, as well as my physical structure. I also activated my golden eyes, allowing me to clearly see through the double doors and walls. From here, I can see two men and one woman. Isa na roon ang nakabangga ko sa daan papuntang banyo. Isang knight. Sa gilid niya ay halatang ang prinsipe base sa tindig nito. The room is an office-type one. Mayroong malaking lamesa at tatlong upuang para sa kanila. Simple lamang ang disenyo nito, hindi halatang ang mga pinakaimportanteng estudyante ay rito namamalagi.

"What about the book?" the only girl softly spoken.

Napasimangot ang prinsipe. "Hindi ba't sinasabi sa propesiya na sa mga oras na ito ay may kukuha no'n?"

"And? What are we going to do? Find that one person who will steal that book? We don't even have a clue."

Habang nag-uusap ang dalawa, nakatanaw naman sa malayo ang personal knight ng prinsipe. Kung hindi ako nagkakamali ay Trevor ang kaniyang pangalan.

"I met someone earlier," biglang sabat niya.

Napakamot sa ulo ang prinsipeng halatang happy-go-lucky lamang sa buhay. "Tapos? Anong kinalaman niyan sa libro? Naku, malilintikan tayo kay Ama kapag-"

"Idiot. It's not what you think it is."

Wow, tinawag niyang idiot ang prinsipe ng kahariang ito. Ang lakas ng loob.

Umayos ng upo ang dalawa. "Tell us more, kuya," the only girl urged. Kuya? Siguro ay magkapatid sila.

"She's suspicious. Hindi ba't walang makatatagal ng titig sa mga mata ko nang higit dalawampu't segundo? But that girl, she stared at me for more than 20 seconds like staring directly into my soul . . ."

Napatakip ako ng bibig. Pakiramdam ko'y ako ang sinasabi niyang babae. Ano namang dahilan kung bakit walang makakatitig sa mga mata niya? Kaya ba agad napayuko si Gehlee nang makilala ito?

"Hmm..." Tumango-tango ang babae. "Maybe she's an exemption to your ability, kuya, which is rare and almost impossible."

"She didn't turn-"

Hindi ko na narinig ang pinagsasabi nila dahil napunta ang atensyon ko sa insektong biglang pumatong sa aking ilong. Nanlaki ang aking mga mata at pilit itong pinapalipad palayo. I scrunched my nose as it started feeling itchy all of a sudden. Hanggang sa napabahing na nga ako.

Wala na akong boses na naririnig.

"Who's there?!"

Hanggang sa sigaw ni Trevor ang nagpabalik ng ulirat ko. Dali-dali akong pumikit at nag-isip ng lugar na puwedeng puntahan. Sa aking pagdilat, nasa hardin na ako. Makakahinga na sana ako nang maluwag kung hindi lamang sa sunod-sunod kong pagbahing.

"Ano ba naman 'yan! Sa lahat ng puwedeng maging allergic ako, sa insekto at bulaklak pa talaga!"

Nanghihinang napaupo ako sa pinakamalapit na bench. Bahing pa rin ako nang bahing. Pakiramdam ko nga'y pulang-pula na ang ilong ko. Nagsimula na ring mangati ang aking leeg at mukha. Nawalan na rin akong ganang kumain ng lunch.

Sa aking pagtayo, isang pigura ng tao ang bumungad sa akin. Hinihingal ito at parang may hinahanap. Napakurap ako nang paulit-ulit. Ang prinsipe ito, at base sa kaniyang sitwasyon, hinahanap nila ang nakarinig sa kanilang usapan-ako.

Bilang baguhan sa akademyang ito, siguro ay hindi kaduda-dudang hindi ko siya kilala. Puwera na lamang kung bawal rin akong tumitig sa mga mata niya't baka may mangyari sa akin.

He finally raised his head, shock is evident in his eyes. "May tao pala rito." Ngumiti siya, parang nagdiwang ang mga anghel sa ngiting ito. Lumiwanag ang kaniyang mukha kagaya nang sa ginintuan niyang buhok. Mukha siyang anghel na ibinagsak sa lupa. "Mind if I take a little of your time?"

Umiling ako at umupo ulit, hindi na iniinda ang epekto ng mga bulaklak. Hindi naman siguro masyadong halata ang pamumula ng aking mukha at leeg-

"Bakit namumula ka? Nahihiya ka ba?"

Oh. Hindi talaga halata. Napairap ako nang harap-harapan sa kaniya na siya namang ikinagulat ulit nito. "This is an allergic reaction toward flowers."

Kumurap siya at nahihiyang ngumiti. "Ah, ganoon ba. Pasensya na." Napakamot ito sa batok. Para sa isang prinsipe, hindi niya masyadong pinaninindigan ang kaniyang tindig kapag walang tao. "May tanong sana ako."

I raised my right brow.

"May nakita ka bang tumatakbo mula sa pasilyong iyon?" Tinuro niya ang mataong pasilyo na dinaanan ko kanina. Pagkatapos kasi no'n ay iyon nang pasilyong daraanan bago sa kanilang silid.

Akala ko ay tatanungin na niya kung bakit ako nandito kung allergic ako sa mga bulaklak. Tama nga ang kawal niya, tanga siya.

Umiling ako at tumayo na. "If you may excuse me. I have something important to do." Iniwan ko na ang tatanga-tangang prinsipe at tumungo sa infirmary. Kinakailangan kong makahingi ng gamot, kung hindi ay lalala ito sa oras ng klase.

Nang matapos, tumambay muna ako sa isa sa mga higaan. Mayroon pa namang kalahating oras bago ang klase ng Magic Wielding. Nakakapagod ang araw na ito kahit wala masyadong ginagawa. Sabagay, sa pakikipag-usap pa lamang ay hindi ko na ito natatagalan. Tapos ay muntik pa akong mahuli kanina.

Nakatitig lamang ako sa puting dingding nang may masakit sa tainga ang tumunog. Galing ito sa speaker na nakapuwesto kahit saan. Napatakip ako ng tainga sa sakit, parang pumapasok na ito sa ulo ko.

"Attention, Lirenians. Ears here, especially freshmen students."

"Due to the upcoming assessment test for freshmen students, classes from now until tomorrow are suspended. You are advised to train for your potential. See you the day after tomorrow. Good luck, freshies!"

Pamilyar ang boses na iyon. Isa siyang Pyramid, ang tumatawag na kuya kay Trevor.

Assessment test? Paano ba ito gaganapin? Bakit kinakailangan ng puspusang training? As if I care for the section I'll be in.

Umirap ako sa ere at lumabas na. Tutal ay wala namang klase, mas mabuting mamalagi na lamang ako sa dormitoryo at hasain ang bagong abilidad na gagamitin ko sa pananatili rito. Magpaplano na rin ako.

"Yes, better to do it now or else, someone might destroy my plans again. Such a nuisance."


- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top