Kabanata 05: Ruby, Gehlee, Lily
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
"Do not enter any passage that has signs of prohibition." Itinuro ni Master Ferio ang mga madidilim na bahagi ng akademya na may mga insignia'ng hindi ko maintindihan.
Ibig sabihin siguro no'n ay prohibited.
Kadalasan sa mga lengguwaheng sinasalita o nakasulat sa paligid ay hindi ko maintindihan. My curiosity is getting higher and higher, and maybe unlocking one of my abilities is a key to feed it. Hindi naman siguro kataka-takang maiintindihan ko ang kanilang mga lengguwahe, puwera nalang kung may sekreto ito.
I secretly smiled as I click my tongue, chanting words in my head. Kasabay ng paghinto ng mga boses sa utak ko ay siyang naging mas malinaw sa akin ang mga lengguwaheng hindi pamilyar. Nababasa ko na ang mga signage at mas lalo ko nang naintindihan ang mga patagong pagsasalita ng mga katulad kong bagong estudyante.
Pilit kong kinalma ang umaalpas na sa langit kong pananabik. Uusad na sana ako mula sa harap ng madidilim na parteng itinuro ni Master Ferio Terria nang bigla'y dumilim ang paligid. Huminto ang samu't saring ingay na aking naririnig. Maski ang mga huni ng ibon at ang maingay na mga dahon kapag natatapakan.
Kumurap ako't pinagmasdan ang paligid. Nakatigil ang oras. Ang dating magulong mga estudyante'y nahinto sa gitna nang pagtatawanan. Pati si Master Ferio na nasa unahan ay nakatigil sa ere ang kamay na nagtuturo sa bahagi ng gubat. Nanindig ang mga balahibo sa aking katawan, animo'y may nilalang na nagmamasid sa akin.
"As scribbles fall by, hidden shall standby. Opted by faith, swords must sheathed. You came . . . finally."
Napakalalim ng boses. Parang hinukay pa sa kailaliman ng mundo ang nagmamay-ari nito. At isa pa, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Maaaring siya ang nagpahinto ng oras ngunit papaano? Para kanino 'yong mga sinabi niya? Ang gulo, napakagulo.
Sa aking pagkurap ay siya ring pagbalik ng oras sa normal. They are casually moving, oblivious to what just happened in their surroundings. Habang ako ay nakatulala, nakatayo, at nakatingin sa madilim na gubat na sinasabing bawal pasukin. Nasa utak ko pa rin ang nangyari; ang biglang pagtigil ng oras, ang mga salitang narinig, at ang taong nagsalita-kung tao nga ba iyong tunay.
"Hi! Are you okay?"
Hinigit ko ang sariling hininga sa gulat. May tumambad na mukha ng babae sa aking harapan. Gusto ko siyang talikuran dahil sinasabi ng sistema kong huwag kumausap ng mga tao, ngunit kinakailangan kong panagutan ang pagpapanggap. Sayang ang palakaibigang anyo ko kung hindi ko pangangatawanan.
Nginitian at tinanguhan ko ang babae sa aking harapan bago naglakad nang dahan-dahan, nakasunod pa rin kay Master Ferio, nakikinig sa mga pinagsasabi nito. Sumabay sa akin ang babae.
"I'm Gehlee Rei from the Kingdom of Ihlea, nag-iisang anak ng Rei Clan. Nasa kontinente pa rin ng Heul kaya hindi ako foreigner dito. Nakapagtapos ako ng basic education doon lang sa kaharian namin. Ikaw?"
Tatlong gusali na ang nadaanan naming sinasabi ni Master Ferio na iba't ibang departamento. Makakapili kami ng isa roon kapag natapos namin ang unang taon ng pag-aaral ng mahika at pakikipaglaban. Ang daming sinasabi ni Master pero kabisado ko naman lahat, isusulat ko iyon sa piraso ng papel mamaya kapag nasa kuwarto na.
At habang nagsasalita si Master, nahahati ni Gehlee ang atensyon ko mula rito. Ang dami niya rin kasing sinasabi patungkol sa sarili niya. Normal lang ba talagang dapat ay alam ng iba ang mga detalye patungkol sayo?
Kinalabit ako ni Gehlee. "Ikaw? Hindi ka ba magshe-share ng details about you?"
Kumurap ako. Pinipigilan ko lang ang sariling huwag siyang irapan at lampasan. Hindi ako sanay na may kumakausap sa akin. Nakakapanibago.
Huminga ako nang malalim at sinundan si Master Ferio, nakabuntot naman si Gehlee sa akin. "Ako si Ruby, ulila at nakatira lamang sa orphanage."
Namilog ang kaniyang mga matang may dilaw na iris. Sinabi ko lang ang mga nasa papeles ko na gagampanan, pero pakiramdam ko'y totoo ang sinabi ko sa parteng 'ulila', at mukhang nagulat pa si Gehlee roon.
"Oh, my. I'm sorry for asking, I just want to be your friend."
Hindi ko na siya pinansin. Una sa lahat, hindi ko gustong makipagkaibigan. Pangalawa, masyado siyang madikit at parang ayaw akong tantanan.
Huminto si Master Ferio Terria sa may quadrangle kung saan kitang kita ang nakapalibot na mga nakakasilaw na kastilyo. He clasped his hands and I know that he once again activated his sound manipulation.
"Okay! Sana naman ay naaalala ninyo ang mga pinagsasabi ko. Kung hindi naman, huwag kayong mag-alala dahil may student's handbook naman. Nandoon na lahat, pati mga bagay na hindi ko nasabi. Sa ngayon, pagkatapos kong maibigay ang mga handbook at numero ng inyong mga dorm, magpahinga na kayo. Bukas ay opisyal na sisimulan ang klase sa mga bagong kagaya ninyo. At oo, mas nauna ng unang buwan ang klase ng sophomores at seniors."
Parang machine gun siya kung magsalita pero naiintindihan pa rin naman dahil sa lakas nito. Pumalakpak siya ng tatlong beses at may biglang nag-materialized na mga faerie. Sa kanan ay dala-dala nila ang maliit at manipis na libro habang sa kaliwang kamay naman ay numerong nasa papel.
Sa kaloob-looban ko'y namamangha na ako sa kanila kagaya ng mga kasama ko, pero pilit ko itong tinatago para hindi magmukhang tanga.
Lumapit ang isa sa akin. Kulay puting buo ito at mukhang anghel imbes na faerie. Matulis nga lang ang tainga nito at maraming bulaklak sa katawan. Napakabango niya.
"Maligayang pagdating sa Academia de Lireo!" maligalig nitong pagbati sa akin, hinalikan pa ako sa pisngi. Pumapaikot ito sa ulo ko habang nagsasaboy siya ng glitters.
"Salamat."
Ngumiti ang faerie na sinuklian ko naman. "I can smell the divine's blessing towards you. Sana ay gamitin mo ito sa totoong kabutihan," aniya bago tuluyang umalis sa paningin ko.
Nawala ang maliit na ngiti sa labi ko. Hindi ko siya maintindihan. Bumuntong hininga na lamang ako, binalewala ang sinabi ng maliit na nilalang. Nagpaalam na si Master Ferio kaya nama'y sinundan ko na ang mapang nakakabit sa numero ng dorm ko.
Sa paglalakad, sumabay na naman sa 'kin si Gehlee. Hinayaan ko na lamang at hindi na siya pinakinggan sa mga daldal niya. Nadadaanan namin ang nilibot namin kanina hanggang sa tumigil kami sa isa sa mga pinakamataas na kastilyo. It is a castle painted in old rose with forest green vines that seems real-or was it?
Nagulat na lamang ako nang biglang itinaas ni Gehlee ang kanang kamay niya habang ang kaniyang mukha'y sobrang excited "A-Ang ganda! Mother was right when she said the dorm is every girl's dream!" She cupped her cheeks and screamed frantically.
Napakurap ako sa inasta ng kasama ko. Ang saya niya at nakakainggit iyon. "Tara na," pagbasag ko sa paulit-ulit niyang sigaw at pagkausap sa sarili.
Sinimangutan niya ako kaya nama'y nauna na ako sa kaniya. Sa loob ay mas lalong nakakamangha. Talagang pambabae. Intricate roman paintings and sculptures in every wall are there. Colours were playing between old rose and shades of white. The reception table were glittering in silver and pink, so as the landlady's uniform. I feel like she's a living doll with her straight and long candy pink hair, glittering skirt and coat, and revealing white inner shirt.
With that, Gehlee's screams echoed again. Napapatingin na sa kaniya ang kapwa namin estudyante kaya lumayo ako ng kaunti. Nakangiting wagas naman ang landlady kaya nilapitan ko na ito.
"Welcome, freshman! Your dorm number?" Inilahad niya ang maputi at makinis niyang kamay. Inilagay ko ang hawak-hawak na dorm number sa kaniyang kamay at bigla'y naglaho ito. Ngumiti siya nang labas ang ngipin. "Third floor, second door. Just step your feet into that glittering silver stairs and a gust of wind will guide you to your destination."
Nagpasalamat ako at sinunod ang sinabi niya. Iniwan ko na si Gehlee dahil iba-iba naman kami ng dorm. Ayon kay Master Ferio, wala kaming kahati sa dorm. Sinadya nila 'yon para daw maging komportable kami. Maayos nga 'yon dahil may privacy kami, kaso pakiramdam ko'y nagpapakita lang sila ng karangyaan-knowing that students from different kingdoms and continent will study here.
How cunning.
Nakita ko na ang pilak na hagdan. Sa bawat tingin ko sa mga estudyanteng tatapak dito, bigla na lamang silang nawawala. Gust of wind ba talaga? Nagkibit-balikat at ako't tumapak na rin.
At talagang pinagsisihan ko ang hindi paghanda sa kinalabasan.
Biglang parang may humila sa aking malakas na hangin pataas, muntik pa akong maduwal sa pressure nito. Nang mahinto, napahawak kaagad ako sa pinakamalapit na dingding, hawak-hawak ang ulong parang inumpog ng napakalakas na hangin.
Gusto kong sumigaw sa inis. "Nasaan ang gust of wind doon?! It's a dragon's breath!"
Hilong-hilo man, inilibot ko ang tingin. Mukhang nasa pangatlong palapag na ako, at ako pa lang mag-isa ang nagdurusa sa hanging nagdadala sa amin sa kung saan. Sa harap ko ay ang pangalawang pinto. Wala itong kulay, blanko. Pero nang hinawakan ko ito'y biglang nagliwanag at iba't ibang spell ang lumabas. Nakalutang sa nagliliwanag na puting liwanag.
I can understand the letters, but not the exact meaning the spell wants to convey. Siguro ay desenyo lamang ito sa pinto, dahil nang tiningnan ko pintong nakaharap sa kwarto ko, blanko rin ito. Nakabase siguro sa kapangyarihan ang lalabas na desenyo ng pinto.
"Now, how can I enter?"
Walang door knob. Walang susi. Walang kahit na ano. Napakamot ako sa ulo sa lito. Sisipain ko na sana nang biglang may hulma ng kamay ang lumabas sa gitna ng mga spell na nakasulat. "Huh? Ilalagay ko ba kamay ko?"
"Yes, obviously."
Nahigit ko ang aking hininga. The door talked?!
"Idiot, I am the one who talked, not the door."
Kumurap-kurap ako't napatingin sa likod. Nakahilig siya sa dingding ng kwartong kaharap ng kwarto ko. Mayroon siyang malalim na kulay ng asul na buhok. Asul din ang mga mata niyang mukhang nahihilo.
"S-Salamat," nahihiya kong sabi.
Humarap ulit ako sa kwarto ko at inilagay na ang kamay. Bumukas na ito. Nilingon ko ulit ang babae pero papasok na rin siya sa kwarto niya. Ang desenyo ng kaniyang pinto ay tubig. Literal na mukhang tubig na nag-solidify ang pintuan niya. Nakakamangha.
Nang tuluyan na akong makapasok, napangiti ako. Finally, I can now unmask this suffocating appearance.
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top