Kabanata 02: Espiya

Warning: Content may disturb your peace of mind. It contains disturbing words that can trigger something. Skip this chapter if not comfortable, thank you.

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Kumabog nang sobrang lakas ang aking dibdib. I clenched the hem of my dress so tight, exhaled a large amount of oxygen, before dispelling the invisibility magic. Ang mga taong malapit sa akin ay lumaki ang mga mata at parang nakakita ng hindi kaaya-aya sa putla. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanila at tinuon ang atensyon sa nagpupulong sa gitna.

Bahala na. This is a do or die situation. Kung hindi ko pipiliing may maiambag sa kanila, mamamatay naman ako sa sakit ng mga salitang animo'y may nakapaloob na makamandag na substansyang uubos at babaliw sa 'kin.

"H-Handa akong maging espiya..." lakas-loob kong anunsyo.

Ang kanilang pagtatalo ay naputol. Napunta ang kanilang atensyon sa akin dahilan upang mas lalong manginig ang aking kalamnan. Kitang-kita ko ang saglit na pagkabigla nila ngunit kaagad na napalitan ng pagkadisgusto ang kanilang mukha. Lalong-lalo na ang ama kong may pagkamuhing nananalaytay sa kaniyang dugo na para lamang sa akin.

"Ano'ng ginagawa ng walang kuwenta mong anak dito, Rio?" tanong iyon mula kay Ginang Erza. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago napangisi. "Ang lakas ng loob. Bakit ba hindi puwedeng siya na lang?"

"Baka kasi mamatay siya sa katangahan doon at madamay pa tayo. Minsan, hindi ka talaga nag-iisip, Erza."

"Tumahimik ka nga, Ople. Hindi ko hinihingi ang 'yong opinyon."

Padabog na tumayo si Ama at mabibigat ang mga hakbang na lumapit sa 'kin. Nahawi ang mga taong nasa gilid at likod ko, iniwan akong mag-isa sa kinikilalang ama ko. Gumapang ang takot sa aking sistema nang hinablot niya ang aking pulso at kinaladkad palabas. Huminto lang kami nang malapit na kami sa silid ko.

Hindi ko namalayang kanina pa pala walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. Napapahikbi na rin ako't hindi na halos makahinga sa sikip ng dibdib. Nakakasakal ang presensya ni Ama, dagdag pang mukhang galit na galit siya ngayon. Sino ba'ng hindi, e, tumakas na naman ako.

Biglang tumigilid ang aking mukha dahil sa lakas ng puwersang tumama rito. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatingin sa direksyon kung saan napunta ang aking mukha. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang hininga. Pakiramdam ko'y bubugahan na niya ako ng apoy kung nagkataong isang dragon siya.

"Ano ba ang dapat mong marinig at magawa ko sa 'yo upang maintindihan mong bawal kang lumabas?! Na ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mong walang pakinabang sa akin?! Bobo ka ba o tanga lang, Rania?" malakas na hiyaw niya sa mismong mukha ko gamit ang malalim nitong boses.

Unti-unti ko nang inangat ang aking ulo at tinignan siya sa mata. Ang itim na itim nitong mata'y nag-aalab na. "A-Ama, bakit n'yo po ba ako ikinakahiya? B-Bakit n'yo po ba a-ako tinatago?" Sa tagal na panahong gusto ko iyong itanong, sa wakas ay nagawa ko rin. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob. Sana lang ay mabuhay pa ako pagkatapos nito.

"Kasi wala kang kuwenta, Rania! Kailanman ay hindi kita tatanggapin bilang anak dahil hindi naman talaga kita anak! Wala akong anak, lalong-lalo na't babae ka! Wala akong anak na mahina! Wala akong anak na mukhang kampon ng demonyo! Naiintindihan mo ba?"

Hinihingal na siya kakasigaw. Ako nama'y hinihingal sa sakit na tumutusok sa dibdib ko. Para itong hinampas ng martilyo't tinutusok ng pinakamalaking pako.

Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat ng pagpapamukha niya sa 'kin. Sinisinisigaw na kasi niya mismo sa mukha ko at kulang nalang ay sunggaban niya ako sa pagkamuhi. Minsan ay napapaisip ako... paano kaya kung nandito ang ina ko? Siguro ay hindi niya ako ginaganito. Siguro kung hindi ako inabandona ni Ina, may magtatanggol sa 'kin na kapwa babae.

"P-Papatunayan ko . . ." I clutched my chest and wiped the never ending tears from my eyes. "Kaya k-kong patunayan ang sarili ko, Ama. Bigyan mo ako ng oras . . . papatunayan k-kong hindi ako mahina, p-papatunayan kong kapaki-pakinabang ako sa bansang ito."

Nanunuyang tumawa ito habang umiiling.

Kahit kailan sa buong buhay ko'y hindi ipinapakita ni Ama ang ganitong ugali niya. Bukod sa pagpapamukha sa 'king hindi ako karapat-dapat na maging anak niya, hindi niya ako sinisigawan sa mukha at iniinsulto sa galaw. Sa tingin ko'y umabot na sa sukdulan ang pagkamuhi ni Ama sa 'kin.

Bakit kaya, e, wala naman akong naaalalang ginawa kong mali bukod sa minsang pagtakas?

"Talagang gusto mong mamatay sa katangahan doon?"

"Gagawin ko ang lahat, Ama! Kung kamatayan ang kabayaran sa mga kasalanang hindi ko alam kung ginawa ko nga ba, tatanggapin ko! Kung iyon lang ang paraan upang matanggap sa bansang ito, gagawin ko! Kahit ibuwis ko pa ang walang kuwentang buhay na 'to . . . iyon naman ako, Ama, 'di ba? W-Wala akong kuwenta," hindi ko na napigilang sumagot nang hindi sumisigaw.

Sumabog na ako pero pakiramdam ko'y hindi pa rin ito sapat para mapatunayan ko ang sarili. Pakiramdam ko'y kahit anong gawin ko, katangahan iyon.

Ngumisi ang aking kinikilalang ama. Pero sa kabila no'n, may emosyong hindi ko mapangalanan sa kaniyang mukha, lalo na sa mata. "Talaga lang, ah. Hindi mo nga maipagtanggol ang sarili mo na nandito ka pa sa bansang poprotektahan mo, roon pa kayang kayang-kaya ka nilang tirisin dahil hindi ka kabilang sa kanila?"

Nanginginig kong tinago ang sariling mga kamay. May nararamdaman akong kakaiba at hindi maganda sa sarili. Kinakailangan kong kumalma kaya naman paulit-ulit akong guminhawa ng malalim at tinatandaan kung ano talaga ang kakayahan ko. Ito lang naman ang nagpapakalma sa naghaharumintido kong damdamin.

Hindi ko nabigyang sagot ang aking ama dahil sa mga paparating na mga yabag. Nilingon ko ito. Nandoon ang mga matataas na ranggo ng konseho ngunit wala na ang ibang mga tauhan kanina sa silid na 'yon. Mukhang pinabalik na sariling mga tungkulin. Kaya siguro hindi sila nakasunod kaagad.

"Bigyan mo ng pagkakataon ang 'yong anak, Rio," bungad ni Uncle Nai.

Nagngingitngit naman sa inis si Ama sa narinig. Marahil sa mga katagang 'ang 'yong anak'. "Sige, kung iyan talaga ang nais ng walang kuwentang babaeng 'yan. Nabilog na niya kayo, ano pa ba'ng magagawa ko? Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo magsisisi kung iyan ay namatay sa katangahan doon. Wala pa naman 'yang utak. Pati nga pangalan niya'y gusto siyang mamatay," huling saad niya bago umalis nang may mabibigat na mga hakbang.

Hindi ko na naman mapigilang humikbi. Nawala na sa aking isipan na may mga tao sa paligid. Kaagad akong umupo sa sahig at idinukdok ang mukha sa gitna ng mga tuhod. Masyadong mabigat ang damdaming dinadala ko ngayon. Pakiramdam ko'y hindi sapat ang pagpapakalma ko sa sarili sa kabila ng lahat. Kahit alam kong may pagkakataon nang mapapatunayan ko sa kanila na hindi ako isang basurang kanilang inaruga, hindi ko pa rin mapigilang maging sobrang emosyonal.

Who wouldn't, Rania? Your father just indirectly said you'll perish soon enough because you're nothing but a useless trash in your country.

Hindi ko pinansin ang mga papalayong mga yabag. Wala ako sa sarili upang isipin ang kanilang mga iniisip ngayon hingil sa kanilang nakikita sa kasalukuyan. Mahina naman talaga ako sa paningin nila at kahit kailan, hindi ko iyong itinatanggi.

Akala ko nakaalis na silang lahat, pero napaigtad ako nang may isang mainit na kamay ang humaplos sa aking likuran; hinahagod ito sa paraang makapagpakalma sa akin. Tiningala ko kung sino ito. Si Uncle Nai. Pinatayo niya ako at inakay sa malapit na upuan.

"Mapapatunayan mo na ang sarili mo, Brielle. Tumahan ka na at baka mag-iba pa ang isip ng mga konseho dahil sa ipinakita mong kahinaan sa emosyon."

Tinitigan ko ang taong nasa aking harapan. Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangatlong pangalan ko, mas maganda raw kasi 'yon kaysa sa una at pangalawa. Siya nalang palagi ang nagpapatahan sa akin kapag nagkakasagutan kami ni Ama. Palagi siyang nandiyan upang sabihin sa 'king hindi ako kagaya ng naiisip nila; that I am more than who I am. It seems like he know something more than my father does, and he act more fatherly than father can. Hindi ko naman masabi kung bakit siya ganiyan kung umasta sa 'kin. Siguro kinakaawan niya lang ako.

If only I don't have the conscience to enter their minds...

"Bakit mo 'to ginagawa, Uncle Nai?" mahinang tanong ko.

"Wala akong anak, Brielle, at ikaw lang ang pinakamalapit sa akin na puwede kong bigyan ng pagmamahal bilang isang ama. I know that you long for a fatherly love, so I am giving you this," usal niya. "Puwede ba kitang mayakap?"

Kahit nagdadalawang-isip ay tumango ako. Niyakap niya ako at hinagkan sa ulo. He keeps murmuring things that can light up my being, and he actually succeeded. Kumawala siya sa yakap at nginitian ako.

"Salamat, Uncle Nai. Sana nandoon ka kapag kinakailangan ko ng tulong."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top