SPECIAL CHAPTER 3
SKEET ALVAN MIJARES
I don't know how I managed to hide my feelings for her. It's been almost a month since she worked with me as my assistant. Araw-araw sinusungitan ko siya para lang maitago ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. But at the end of the day, I always find myself loving her deeper and deeper. She's just so perfect for me kahit tatanga-tanga siya at palagi akong binibigyan ng kunsumisyon. I don't know how, when and why but I always catch myself smiling because of her stupidity.
"Sir, tulungan n'yo po ako. Ayaw ko nang pumunta ng pantry. May ipis doon."
I was startled when she suddenly barged in my office, crying. Aish! I hate to see her crying, it literally breaks my heart.
"Y-you're afraid of cockroach?" Damn it! I really can't bear to see her cry. Namumula ang kanyang pisngi at ilong. She looks like a baby. And I'm tempted to touch her cheeks but I suppressed myself from doing it.
"O-opo, Sir. Gumapang pa nga sa binti ko e, kaya bigla akong napatakbo rito. Ayaw ko na talagang bumalik do'n. Baka mamatay ako 'pag inataki ako sa puso dahil may phobia ako sa ipis."
I gulped hard when another teardrop fell from her eyes. I am really tempted to hug her and tell her that everything's going to be fine as long as she's with me.
"How come? I told the maintenance to make sure--"
"Naku hindi po, meron po talaga! Ipapakita ko pa sa inyo kung saang banda," she said cutting me off. I sighed. Nagliwanag naman ang kanyang mukha nang tumayo ako. Anong magagawa ko? Lakas ng tama ko sa babaeng 'to, no matter how I tried not to fall for her.
Handa na akong itaya ang puso ko sa babaeng 'to.
I hate women but my love for her is stronger than my hatred. Harder than my broken heart, and deeper than the trauma I've had before.
"Charaaaaaan! Surprise!"
"Fck!" Muntik na akong mapatalon sa pagkagulat. I didn't realize na nasa pantry na pala kami.
"What the hell is this all about?" I asked sternly.
"Sir talaga. Ayaw n'yo ba sa surprise ko? Ako po nagluto lahat niyan"
"Y-you did?" Parang may humaplos sa dibdib ko. Damn! Hulog na hulog na ako sa babaeng 'to.
"Opo, kaya maupo na kayo at kakain tayo. Sagot ko ang lunch natin ngayon." She smiled that melted my heart even more. But I still wonder why she did this.
"Why?" I asked.
"Ay! Sir, hindi n'yo naaalala? Monthsary kaya natin ngayon."
What?! Nabilaukan ako ng sarili kong laway sa sagot niya.
"Ayos lang kayo, Sir?" She asked after giving me a glass of water.
"Y-yeah. But monthsaries are for couples only, Love." I shook my head but I can't help but to smile. I really wonder what comes in her mind.
"Kayo talaga, Sir. Wala namang batas sa Pilipinas na ang monthsary ay para sa magjowa lang, ah. Meron din kaya sa magkakaibigan. Pero sa atin naman, monthsary ng unang araw na naging boss kita at assistant ninyo ako." I nodded my head in approval. She has a point. Madumi lang talaga ang utak ko. Tss.
"Alright. Monthsary it is." I smiled again. Umupo ako sa kaharap na upuan. I feel so elated she did this for me.
"W-what's that?"
Fck! Parang gusto kong tumakbo palabas nang makita ko ang nakahain sa harapan ko. Onions!
"Adobong manok po at beef steak. Specialty ko 'to lahat, Sir. Naku tikman n'yo at baka makakalimutan n'yo ang pangalan ninyo sa sobrang sarap," she said happily. Parang gusto ko siyang gilitan sa leeg. Kung hindi ko lang 'to mahal.
"Sir, hindi po kayo kakainin ng ulam. Kayo po ang kakain ng ulam. Bakit po parang takot na takot kayo?" Kumunot ang kanyang noo.
"N-nothing. I... I'm just s-surprised."
Sana makalabas ako rito nang buhay. Parang gusto kong itapon lahat ng nakahain sa harapan ko, but I can't. Ayaw kong malaman niyang kinususuklaman ko ang sibuyas. Mababad-shot ako sa kanya. And the thing is, I don't want to spoil the moment.
"Kain na po tayo, Sir. Dinamihan ko talaga ang onions kasi po maraming benefits ito sa katawan. Tulad na lang ng pag-stable ng digestive system natin. Nagre-regulate din ito ng blood sugar at nakakapag-improve ng immune system natin. Kaya po, an onion a day will keep the doctor away."
Napalunok ako nang ilang beses. Why do onions have to exist in this world?
Pinilit kong ngumiti kahit sukang-suka na ako. Natutuwa sana ako na pinaglagyan pa niya ako ng pagkain sa plato kung hindi lang sana sa sibuyas. I despise onions since I was a kid. I don't know why but I just don't like it just the way it is. Damn it! Dinamihan pa niya ang nilagay na sibuyas!
I breath heavily. Para sa pag-ibig kakayin ko. Geez! This is so gay! Naglagay ako ng isang pirasong hiwa ng sibuyas at dinamihan ang kanin para hindi ko masyadong malasahan. A piece of onion with three spoons of rice. Muntik pa akong mabulunan dahil hindi ko nginuya at diretsong nilunok. Tnginang sibuyas, maaga akong mamamatay 'pag nagkataon. Dire-diretso akong uminom ng tubig para hindi ako mabilaukan.
Para akong nakikipaghabulan sa pagkain. She smiled triumphantly. Maybe she thinks I like the food that much. Hell no! Mabuti na lang at may carbonara siyang inihain. I love pasta very much. This could compensate the onions in my stomach.
...
"Fck! Look what you've done to your forehead!"
"Didn't I leave you sleeping in my room? How did you get there? Tss." I'm so pissed with those maintenance team. How could they be so careless ? Kung hindi dahil sa katangahan nila hindi mapapahamak ang mahal ko sa ipis na iyon. Nagkabukol tuloy siya sa noo.
"What's this?" I asked as she handed me a leave form.
"Leave form po," she answered as-a-matter of fact.
"Tss. I know. Why do you have this?"
"A-absent po ako bukas."
"Why is that so?"
"Magpapa-check up po ako." Napatigil ako sa pagdampi ng cold compress sa kanyang noo.
"Does your feet still hurt?" She just shook her head in response na ikinakunot ng noo ko.
"Then why are you-"
"E kasi Sir, malapit na akong mamatay!"
"WHAT?!"
Kumuyom ang kamao ko sa sagot niya.
"Opo. Kailangan ko pong ipa-check up itong puso ko." Bigla akong binalot ng kaba. May sakit siya? Hindi pwede!
"W-why? Do you have heart disease? Why didn't you tell me?" I asked hysterically. Hindi ko matanggap na may sakit siya.
But my jaw literally dropped with next thing she said.
"Iyon nga ang aalamin ko, Sir e. Kasi mukha yatang may sakit talaga ako. Bigla bigla na lang kasing bumibilis ang tibok nito lalo pag magkalapit tayo. Tulad ngayon ang bilis bilis ng tibok nito. Siguro may hereditary heart di-"
"Pft! Hahahahahaha."
"Hahahahahaha."
I burst out laughing. Siya na talaga. Pinaglihi ba sa pagong ang babaeng 'to? Ang slow niya! Utak-pagong! She's unbelievable. Tsk!
"Hahahahahaha--"
"WHAT THE FCK!" Natigil ang pagtawa ko nang bigla niya akong sinampal.
"What was that for?"
"Kayo na ba talaga 'yan, Sir? Nawala na ang sumanib sa inyo?" She asked out of the blue. She's crazy and I'm insane over her.
"Crazy. Tss. Give me your hand." Manipis ang palad niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Malakas pa naman ang pagkasampal niya sa pisngi ko. Hindi nga ako nagkamali dahil pulang-pula ang kanyang palad.
"E, 'di ba hindi naman tayo magjowa, Sir? E bakit ninyo hihingin ang kamay ko?"
"You're overthinking again. Tss."
"But someday I will forcefully ask your hand to marry me." I said whispering the last part.
"Po?"
"Nothing. Just give me your hand and stop asking."
"Does this hurt?" She nod her head in reponse.
"It's your fault. Tss." Kung hindi ba naman tanga, sinampal ako ng pagkalakas-lakas.
"Kasalanan ko pa ngayon Sir? E ang kapal kaya ng mukha n'yo, ang sakit tuloy ng palad ko." She really wanted to win an argument everytime. Tsk!
"Talkative. Tss." But I can't help but to grin in my mind. So I have some effects on her, huh? Kung gano'n may pag-asa pala ako. Para akong tanga na ngumingiti sa utak ko.
"Sir, pumapayag na po ba kayong mag-absent ako bukas?" I avoided her gaze to hide my smile. Kinikilig pa rin yata ako. Tngina!
"I won't. I need you here tomorrow." I said and continued pressing the ice pack on her forehead.
"Sir, kailangang payagan n'yo po akong umabsent bukas dahil wala naman kayo rito."
"What?"
"E 'di po ba magpapa-check up din kayo bukas?"
"What the hell are you talking about?"
"E 'di ba may sakit din kayo sa puso? Narinig ko kaya kanina na kakaiba din ang tunog diyan sa dibdib niyo!" She pouted while pointing at my chest. Damn it! Hindi ko na alam kung anong anong gagawin ko sa utak nito. Ipapa-opera ko kaya nang tumino naman?
"Sir? May allergy kayo sa'kin? Bakit hindi n'yo agad sinabi? Ang pula-pula mo tuloy. Kailangan mo ring pumunta ng doktor bukas. Mahirap na, baka last stage na pala 'yan. Isang araw bigla ka na lang mamamatay."
"WHAT?"
"Naku, Sir, kung ayaw mong maniwala bahala ka! Ikaw rin, 'pag mamamatay ka siguradong sa impyerno ang bagsak n'yo dahil ang sama-sama niyo!"
"The hell are you talking about this time?" She's stupid but she's cute.
"Ngayon naman itatangi n'yo pa? Kakasisanti niyo lang kaya ng apat na mamang tagalinis. Kawawa naman sila, wala na silang makakain dahil nawalan ng trabaho."
"Because they're useless, stupid bullshit. They're not doing their job."
"Isang pagkakamali lang naman 'yon, eh. Naku Sir, kailangan ninyong panoorin ang pelikula nila Popoy at Bashang, nang maintindihan mo ang ibig sabihin ng SECOND CHANCE!" Tinaasan pa ako ng kilay. Now she's even cuter.
"You're too loud. Tss."
"And you're too sungit! Tss." Bibigwasan ko talaga 'to 'pag di ako makapagpigil.
"Sir, kung hindi niyo ako papayagan um-absent bukas, kayo ang unang mumultuhin ko 'pag namatay ako!"
"As if I'm afraid. Tss."
"Bubulungan ko kayo habang natutulog kayo."
"The hell I care."
"Dadalawin ko kayo sa panaginip niyo."
"I don't care."
"Kikilitiin ko ang tenga n'yo sa hatinggabi."
"I don't give a damn."
"Sasakalin ko kayo habang tulog na tulog na kayo."
"I'm not afraid."
"Yayakapin ko kayo nang mahigpit."
"I won't mind."
"Hahalikan kita nang hindi n'yo nalalaman."
"I'll like it."
"Po?!"
"N-nothing. You're too noisy. Tss. Go back to work." Tumayo ako at pumasok ng private room. Shit! Muntik na akong mabuko.
Lalong nag-init ang ulo ko nang mabungaran ko siya na nakadungaw sa laptop ko pagkalabas ng kwarto ko. Ang resulta, nasigawan ko na naman tuloy siya pero para siyang pinaglihi sa bato. Ang manhid-manhid. Nagawa pang ngumiti kahit pinapagalitan na siya. She's amazingly crazy. Damn woman!
...
I GRINNED mentally as I entered my private lift. Siguradong late na naman siya. Knowing her, ang tigas ng ulo at masyadong pasaway. Good thing may nakita akong bukas na flower shop kanina. I already have decided to woo her. Hindi na ako makakapaghintay pa, I really want her to be officially mine, sooner than the soonest.
I thought mali-late siya but I was surprised to see her on her area. Seryosong-seryoso pa siyang nakatitig sa PC niya. Ano na naman kaya ang pumapasok sa utak nito? Sinalakay ako ng takot at kaba. Paano ba mag-abot ng bulaklak sa babae?
"G-good morning. F-flowers for you." I cursed myself at the back of my mind. Kailan pa ako natutong mautal?
"Okay," malamig na saad niya na ikinagulat ko. Hindi man lang ako binate pabalik. Iyon lang 'yon? Wala man lang thank you? Unbelievable, tsk!
"May ipag-uutos ba kayo, Sir?"
Natauhan ako nang magsalita siya. What the hell happened to her? Nakakapanibago ang pagiging seryoso niya.
"N-nothing."
I decided to enter office to hide my disappointment. Hindi niya ba nagustuhan ang bulaklak? Nahahalata niya bang liligawan ko siya kaya nilalayo niya ang loob niya sa'kin? F*ck! The thought is killing me. Maybe she's just not in the mood. Yeah. Right.
The next day I brought her flowers again pero sa mga sumunod pang mga araw ay dinalhan ko siya ng chocolates. Pero laking gulat ko na gano'n pa rin ang reaksyon niya sa tuwing may ibinibigay ako sa kanya, seryoso at malamig ang tingin sa'kin. Nagsimula akong mag-alala. Baka may nagugustuhan na siyang iba kaya hindi niya ako pinapansin.
Hinding-hindi ako makakapayag. Akin lang siya!
"Did you like it?"
"Sa inyo ho ito galing?"
"Yes." I smiled but it faded again when she answered me coldly.
"Salamat."
Tngina! Hindi na pupuwede 'to sa'kin. Ilang araw na akong nagpaparamdam sa kanya pero hindi pa rin niya ako tinatanong kung bakit ko 'to ginagawa. Napakatanga niya kaya hindi na talaga ako nakatiis.
"What the fck is wrong with you, woman?" Napangiwi ito nang sumigaw ako. Nakonsensya pa tuloy ako.
"Excuse me, Sir?" Nakataas kilay at malamig na sagot nito. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.
"WHY THE HELL ARE YOU NOT SMILING ANYMORE?!" Her jaw dropped. That's it. Kailangan ko na siguro siyang daanin sa dahas.
"Bakit Sir, hindi ba bagay sa'kin?" inosenteng tanong nito na tila walang nangyari. Ang sarap niyang sugurin ng halik. Tngina talaga!
"Unpredictable. Tss."
Pinalipat ko sa loob ng office ko ang table niya para palagi ko siyang nakikita at mababantayan ko. Ang tanga pa naman niya kaya hindi puwedeng pabayaan. And I always wanted to stare at her beautiful face. Nagprotesta pa sana siya pero ginamitan ko ng kasungitan ko.
"Sir, bakit n'yoo ba ako pinalipat dito? May multo ba rito at takot kayo?"
"Tss. Stop overthinking. I just want you close to me. I m-mean, you're more accessible when you're here." Pero bakit ibang accessible ang pumapasok sa utak ko? Damn!
Pero nagkamali yata ako ng desisyon dahil wala akong nagagawa. Nagkukunwari akong busy pero hindi ko matanggal ang paningin ko sa kanya. Ang sarap niyang titigan. Parang baliw na minsan ngingiti sa kawalan tapos nangungulangot. Pft!
...
"Sir? Gravity ka ba?" I was startled when she asked out of the blue.
"I'm a human. Stupid." Tsk! I'm pretty sure she's thinking another stupid thoughts again.
"Hay naku, Sir. Hindi ko alam kung paano kayo tinaguriang genius, eh. Pick up line nga lang hindi n'yo ma-gets, eh!"
"Tss! Damn that smart mouth."
"Sige na nga lang. Mabait akong dyosa kaya pagbibigyan ko kayo. Dapat ang isasagot n'yo sa tanong ko ay bakit. Gets n'yo ba?"
"Tsk! Fine."
"Sir, gravity ka ba?"
"Tsk. Why?"
"Naku Sir, ang tigas talaga ng ulo niyo! Made of gold ba 'yan? Sinabi nang bakit ang isasagot n'yo, eh!"
"What's the difference anyway?"
"Tsk! Siyempre po magkaiba sila ng spelling! Haaay!" Pft! Nadali ako roon, ah.
"Tss. I don't want to."
"Fine! Sige na nga! Pagbibigyan ko na kayo. Uulitin ko na lang!"
"Tss."
"Sir, gravity ka ba?"
"Why?"
"Kasi kahit gaano pa kataas ang lipad ko, bumabagsak pa rin ako nang dahil sa'yo eh."
Pft! Puwede palang kiligin sa corny-ing banat na 'yon.
"Ay, eto Sir. May isa pa." I smiled. She really never failed to amaze me.
"Sir, tao ka ba?"
"Why?"
"Wala lang po. Akala ko kasi hayop kayo eh. Hehe."
"WHAT?"
"Jokies lang po! Kayo talaga Sir ang high niyo. Ngingiti na 'yan...uy...ngingiti na. Ayie!"
"Insane." Pft! I really love this woman in front of me.
...
"Sir?"
"Tss. Drop the formality. From now on stop calling me Sir." Naiinis ako sa tuwing tinatawag niya akong Sir. I really wanted to hear the way she speak my name.
"Ah, okay po. Simula ngayon tatawagin ko na kayong D."
"Para po mas sosyal pakinggan. Alangan namang tawagin ko kayong dragon, 'di ba?"
"WHAT?"
"Sabi ko nga po boss na lang. Sige po boss D. Hehe." I glared at her.
"Tss. Are you too dumb to notice it? Stupid." Bigla siyang nanahimik pero nagulat ako nang tumayo siya at dinuro ako.
"Ako? Stupid?" I was taken a back. Sinalakay ako ng takot nang makitang naiiyak siya. Damn it! I got her offended.
"Alam ko na hindi ako kasing talino ninyo pero dyosa naman ako kaya hindi ako stupid! Naintindihan niyo ba?" Bigla akong nataranta ng tumulo ng tuluyan ang kanyang mga luha.
"Alam n'yo, Sir! Iyon ang hirap sa inyo, eh! Ang baba ng tingin n'yo sa aming mga mahihirap! Porke't mahirap lang kami, konting pagkakamali stupid agad! E ikaw nga itong stupid eh! Lahat ginawa ko na! Pinangiti, pinatawa at inalagaan kita pero hindi mo pa rin alam na nililigawan kita! Hindi mo alam na gusto kita! STUPID!"
Napatigalgal ako sa aking narinig. Tngina! I never anticipated to hear those words from her. Parang tumalon ang aking dibdib sa tuwa kaya hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.
"Damn it! I like you too, stupid!" I said smiling and lovingly enveloped her in my arms. Goodness! It really feel so good to hug her. Too addicting. Too intoxicating...
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top