EPILOGUE
Thank you so much for reaching this far. More snippets and updates on my Facebook page!❤
EPILOGUE
"Teka, teka, teka-- anong sumagi sa utak mo, Maximo? Bakit minurder mo na naman 'tong botique mo?"
"Maxene, ateng! Maxene!"
"Pati pangalan mo minu-murder mo na rin!"
"Whateva, ateng! Dami mong alam!"
"Siyempre, dyosa ako. Dyosa!"
Ngumisi ako nang bigla na namang sumimangot si Maximo. Nakakatuwa talaga siyang sumimangot. Parang ipinaglihi siya sa ampalaya shake na may sibuyas. Hihihi.
"Oy, seryoso mode na. Anong meron? Ang alam ko malayo pa naman ang undas, ah. Bakit pinuno mo ng mga bulaklak 'tong botique mo? H'wag mong sabihing, gagawin mo nang funeral homes 'to?" usisa ko sa bakla kong bestfriend. Waah! Hindi ko ma-imagine na nag-iimbalsamo ng tsuging katawan si bakla.
Ang walastik talaga ng baklang 'to. Mayaman na nga siya, marami pa siyang naiisipang raket. Hindi pa yata siya kontentong binigyan siya ni Dee ng pampuhunan para sa kanyang botique. Halos lahat na lang yata na sideline alam niya.
"Corny ng joke mo, ateng. Hindi benta sa 'kin. Araw-araw ka na lang tumitira ng mais. Tsk!" tugon niya habang nag-aayos ng boquet. Ni hindi man lang siya nag-offer ng upuan. Kaya naman---
"Hep! Hep! H'wag mong upuan 'yan! Pambihira ka talaga! Doon ka nga sa sofa!" pagtataboy niya sa 'kin.
Padabog akong umupo sa mahabang sofa. Hanggang ngayon ayaw na ayaw pa rin niyang inuupuan ko ang kanyang center table na kasingliit ng kanyang puwet. Center table nga bang matawag 'to? Feel na feel ko pa naman sanang upuan kasi pakiramdam ko nasa trono ako ni Reyna Amihan sa Encantadia.
"Seryoso nga ng tanong ko, eh! Ano na? Balak mo ba talagang gawing punirarya 'tong botique mo? Hindi kita tinuruang maging embalsamador---!"
"Aray!"
Napasimangot ako nang bigla niya akong binatukan. Huhuhu. Napakasadista talaga ng baklang 'to. Isusumbong ko talaga siya kay Dee, makikita niya.
"Napakabayolente mo talaga! Yumaman ka lang at nagkaroon ng bikining limited edition, minamaltrato mo na ako! Para sabihin ko sa 'yo, hindi pa rin nagbabago 'yang mukha mo! Mukha ka pa ring---"
"Mukhang ano? Ha?" paghahamon niya.
Napaisip ako. Ano nga ba? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kompleto naman ang body parts niya. May mata, pilikmata, kilay, ilong na may buhok, labi, pisngi na overpopulated ng pores, tenga na malalaki. Hmm...
Hihihi.
"Ano'ng nginingisi mo riyan? Ano namang pumapasok sa isip mo, ha?"
Umismid siya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Ako na nga nasaktan, siya pa ang may ganang magsungit. Hay. Ang mga tao talaga sa mundo, ginagawang komplikado ang napakasimpleng buhay. Buti na lang dyosa ako.
"Wala naman, BFF. Hehe. Mukha ka lang namang kangaroo 'pag nakatalikod, kalabaw 'pag nakatagilid, at mukhang tigre pag nakaharap. In short, mukha kang hayop. Hihihi. Ayos ba?"
"ANO?!"
"Ay, baklang tikbalang!" Napakiskot ako sa upuan nang biglang tumaas ang kanyang boses. Tinangnan niya ako nang matalim. Patay...
Nakalimutan kong ayaw na ayaw niya palang nilalait ang kanyang mukha. Huhuhu.
"Ganyan na ba kapangit ang tingin mo sa 'kin?" nanggagalaiting tanong niya. Mukha siyang nakalunok ng limang kilong sili sa sobrang pula ng kanyang mukha.
"Ooops! Kalma lang, BFF. Wala naman akong sinabing pangit ka, ah. Ang sabi ko, mukha ka lang hayop. Magkaiba 'yon--!"
"Layas!"
Deym! I'm dead! Naabot ko na naman ang climax ni bakla. Ayan tuloy, umuusok ang ilong niyang sundalong nakadapa sa gitna ng putukan sa giyera.
"Oy, time freeze muna, BFF. Okay, shut up na ako." Itinaas ko kaliwa kong kamay at inayos ang pagkakaupo ko sa sofa. Sumandal ako at nag-crossed legs. Umirap na naman si bakla at muling itinuon sa mga tulips ang kanyang atensyon.
"Ang aga-aga mong nambubuwisit. Hindi ka nakakatuwa, ateng..." seryosong sabi niya. Ngumuso ako. 'Di ba dapat magpasalamat pa siya kasi dinalaw ko siya rito sa kanyang lungga na mukhang punirarya?
"You're welcome!" nakangiting tugon ko. Hindi naman siya sumagot. Hay. Wala naman yata akong mapapala sa nilalang na 'to.
"Bakit ba andito ka na naman? Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka na ngayon para sa date n'yo mamaya ni fafa Skeet?" anito. Napakunot ang aking noo.
Date? Kami ni Dee, may date? Ang alam ko maaga siyang pumasok ng opisina kanina, ah. Hindi na nga niya ako ginising bago siya umalis. Ang duga talaga ng isang 'yon.
"Saang newspaper mo naman nabalitaang may date kami ni Dee? Bakit, hawak mo ba ang schedule niya?" Hay, ang baklang 'to talaga. Bakla na nga, nagbibinakla pa. Ang hilig niya sa tsismis na 'di naman totoo.
Umiling-iling siya at pinandilatan ako. Siguro pag tumanda 'tong baklang 'to, magiging kamukha niya si Lady M.
"Seriously?! Wala ka talagang naaalala ngayon?" 'di-makapaniwalang saad niya. Ang weird talaga ng baklang 'to. Ang alam ko wala naman akong amnesia, ah.
"Bakit naman? Ano bang meron ngayon? Anniversary ba ng pagkaka-diverginize mo---aray!"
"Yang utak mo ha. Nagka-asawa ka lang at nagkaanak, nilulumot na..." saway niya. Huhuhu. Nakakadalawa na siya ha. Malapit na talaga niyang maabot ang quota niya sa pambabatok.
"Siyempre, bff! Araw-araw kaya akong binibinyagan ni Dee. Malamang lulumutin ako!"
"Kitams? Nilalamon na ng kabastusan 'yang utak mo," an'ya.
"Ano namang bastos sa sinabi ko? Wala naman, ah! At saka, ano ba talagang meron ngayon?"
"Valentine's day, ateng. Araw ng mga puso. Kahit kailan talaga napakamakakalimutin mo..." bored niyang sagot. Wala talagang kakuwenta-kuwentang kausap ang baklang 'to.
Pero, ano raw?
Valentine?
"Waah! Bakit hindi mo agad sinabing February 14 ngayon?"
"Bakit? Nagtanong ka ba ng petsa?" pabalang niyang sagot. Wala talaga siyang kuwentang kausap. Huhuhu. Kung alam ko lang, e di sana hindi na ako umalis ng bahay.
"Nakakainis ka talaga! Ano na ang gagawin ko ngayon?!" hysterical kong tanong at niyugyog siya sa kanyang balikat.
"E 'di umuwi ka na at maghanda ng surprise para sa kanya. Kawawa naman ng asawa mo, siya na lang palagi ang nag-e-effort na sorpresahin ka. Effort din minsan, ateng. Nang mapakinabangan ka naman ng gobyerno..." mahabang litanya ng bakla.
Natigilan naman ako. Oo nga, 'no! Kawawa naman pala si Dee. Hmm. Ano bang magandang gawin.
"Ano naman ang gagawin ko para ma-sorpresa si Dee, aber?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Aba malay ko. Tanungin mo si google baka may alam siya."
Waah! Speaking of Google. Bakit hindi ko agad naisip 'yon?! Hihihi. Kahit papa'no pala may kuwenta rin mag-isip si bff.
"Yan ang gusto ko sa 'yo bff, eh! Ang talino mong mag-isip! Bye muna! Uuwi na ako!" Tumayo ako at nagmamadaling tinungo ang exit door.
"Hoy! Ingat kang babae ka!" Narinig kong habol niyang sigaw. Mabilis akong sumakay sa kotse. Buti na lang nagdala ako ng driver, kung hindi, mahihirapan akong maghanap ng taxi.
"Kuya Vincent, pakibilisan po. Kailangan ko pang maghanda ng sorpresa kay Dee," sabi ko pagkapasok ko.
"Areglado, Ma'am!"
Habang nasa daan ay nag-isip ako ng puwedeng gawin pero wala talag akong maisip. Hindi ko puwedeng bigyan ng bulaklak si Dee kasi lalaki siya at marami nang bulaklak sa garden sa mansyon. Hindi ko rin siya puwedeng bigyan ng chocolates kasi marami no'n sa loob ng ref. Hindi ko rin siya puwedeng bilhan ng gamit kasi nasa kanya na halos lahat.
Ano pa ba'ng puwedeng ibigay?
Pagkarating sa bahay ay agad kong tinungo ang library at binuksan ang laptop ko. Buti na lang nasa eskwelahan ang tatlong bubwit. Walang manggugulo sa 'kin.
How to surprise your husband:
Cook for him. Give him your time.
Gano'n lang 'yon? Wala nang maraming ek-ek?
Sabagay, may punto naman si google. Kung lutuan ko kaya si Dee ng paborito niyang pasta. Tiyak lalo siyang mai-in love sa alindog ko. Hihihi.
Nang tingnan ko ang oras ay malapit na palang mag-alas singko. Agad akong naligo at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba ako sa kusina. Naabutan ko roon si manang Sonia.
"Manang, puwede po ba tayomg magluto ng pasta ngayon?" tanong ko at hinalungkat ang stocks.
"Oo naman, anak. Sandali, ah?"
"Ako na po. Magpapatulong lang po ako sa paghahanda para ma-surprise natin si Dee..." Kinindatan ko si manang at ngumiti naman siya. Tila nasiyahan sa sinabi ko.
Nagsuot ako ng apron at itinali ang aking buhok. Sinimulan kong ihanda ang mga ingredients habang si manang naman ay kumuha ng mga gagamitin sa pagluluto.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang marinig kong may nag-doorbell.
"Sandali, anak. Titingnan ko lang kung sino 'yung nag-doorbell."
"Ay, ako na po, manang. Ituloy n'yo po muna 'to..." pigil ko sa kanya at mabilis na tinungo ang gate. Nang buksan ko ay tumamba sa 'kin anj delivery boy na namamawis sa bitbit na bulaklak.
"Ano pong sadya--" Hindi pa man ako nakatapos ng tanong nang dire-diretso siyang nagsalita.
"Magandang hapon po, manang..."
"Mukha po ba akong manang--"
"Galing po ang mga ito kay Sir Skeet Alvan Mijares. Isusorpresa po yata niya ang kanydng misis. Ang sabi po niya ikalat daw sa buong kwarto ang lahat ng rose petals. Pati na rin sa movie room. H'wag na raw po kayong magluto ng pagkain kasi nagpa-cater siya. Libangin n'yo raw po muna ang kanyang misis o ilayo muna siya habang hinahanda ang sorpresa. Yung mga anak daw po nila ay may magsusundo na kaya wag na kayong mag-alala. Tsaka paki-receive na rin po dito ng mga bulaklak."
Napaawang ako at wala sa sariling pinirmahan ang hawak niyang transmittal. Ano raw? May surprise para sa 'kin si Dee?
"Salamat po, kuya"
"Wala pong anuman. Sige po."
Tumalikod na siya pagkatapos niyang maibigay sa 'kin ang mga bulaklak. Napangisi ako. Hihihi. Ang bobo ni kuya, sa ganda kong 'to napagkamalan akong manang. Hay, sige na nga lang.
Umakyat na lamang ako sa kwarto at ikinalat ang mga rose petals. Nag-form ako ng words na, DYOSA AKO at I LOVE YOU, DEE. Sinunod ko lahat ng bilin ni kuyang delivery boy.
Napapalakpak ako sa tuwa pagkatapos kong mailagay lahat ng petals. Ang sweet ko talaga. Hay, napakasuwerte talaga ng dragon na 'yon na nagkatuluyan kami.
Bumaba na ako para tingnan kung tapos nang magluto si manang, ngunit---
Hala!
Waaah!
"W-why are you here?" nauutal na tanong ni Dee nang makasalubong ko siya sa pinakababa ng hagdan.
Pero... Wait, teka, sandali... Ano raw?
"Bakit, Dee? Nagka-amnesia ka na ba at nakalimutan mong asawa mo 'ko?"
"N-no... I mean." Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ng mabilis. Ngunit narinig ko pa ang mahinang bulong niya.
"Aren't they done with the surprise yet?"
Ngumisi ako at hinawakan siya sa kamay. Hihihi. Akala ko pa naman kinalimutan na niya ang alindog ko.
"Yung surprise ba kamo, Dee? Ay! Tamang-tama! Natapos ko nang ikalat ang lahat ng rose petals sa loob ng kwarto natin, pati na rin sa movie room. Yung sobrang petals naman nilagay ko sa banyo. Sayang eh. Hihi. Ang dami mo kasing pinadeliver. Malayo pa naman ang undas, pero balak mo yatang punuin ng bulaklak ang mansyon natin..." mahabang sabi ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Kasunod ay malutong niyang pagmumura at ang pagdagundong ng kanyang boses habang tinatawag ang pangalan ni manang.
"Damn! Manang Sonia?!"
Waah! Isu-surprise nga pala dapat ako! Deym! Hindi ko pala dapat alam!
"Ay! Ano ba 'yon, anak? Ano'ng nangyayari?" Patakbong pumasok si manang mula sa kusina. Nakasuot pa siya ng apron. Kawawa naman si manang, mukha talaga siyang manang.
"Manang, didn't I tell you to take care of the petals?" kunot-nuong tanong ni Dee.
"Ha? Anong petals? Asan ang petals?"
"Dang it!"
"Ano'ng dang it? Naku! Nagmumura ka na namang bata ka! Putulin ko 'yang dila mo!"
"P-pasensya na po, manang."
Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Dee. Hay, nagkakaroon din ba ng lisa ang mayayaman?
"Tse! Nagluluto ako sa kusina. Maiwan ko na nga kayong dalawa!" masungit na sagot ni manang 'tsaka nagmartsa pabalik sa kusina.
"Dee? Hihi." Sinundot ko siya sa braso. Napahilamos siya ng kanyang mukha.
"Uy, Dee.. Batiin mo na ako ng Happy Valentine's Day..."
"What?"
"Sabi ko batiin mo na ako--uhmmm."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinapit at hinalikan sa labi. Ito na... Ito na talaga...
...
Upnext: 4 Special Chapters
©GREATFAIRY
Twitter: greatfairyWP
FB Group: FAIRYNATICS and GF LOYALS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top