CHAPTER 9
Chapter 9: Leave Form
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sir D habang karga-karga ako papasok sa kanyang opisina.
Hindi ako nakasagot dahil parang ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang posisyon namin.
Am I hallucinating?
Karga-karga talaga ako ni Sir?
Holiness!
Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kailangan ko na talagang magpa-check up sa doktor dahil baka may taning na ang buhay ko nang hindi ko manlang namamalayan. Masama 'to. Masama.
Nanganganib ang lahi ng mga endangered species.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa aking isubsob ang mukha ko sa dibdib ni Sir D. Ang alam ko lang, parang nakaramdam ako ng hiya.
Ngunit lalong nagulantang ang aking pagkadyosa nang marinig ko ang tibok ng puso ni Sir D. Dikit na dikit kasi ang tenga ko sa kanyang dibdib.
Ang bilis din ng tibok ng puso niya!
Hala!
'Di kaya?
Mamamatay na rin si Sir?!
Hindi pwede.
Hinding-hindi dahil...
Sinimhot-simhot ko ang kanyang dibdib.
Ang bango niya!
Deym!
Nabubuang na yata ako.
Pero...
'Pag mamamatay rin si Sir D, mababawasan ang lahi ng mga mababango. At siyempre mababawasan ang lahi ng mga dragon sa mundo.
"You should have worn your shoes. Why are you wearing slippers anyway?"
Bigla akong natigilan nang tanungin ako ni Sir D pagkalapag niya sa akin sa couch. Napatingin din ako sa mga paa ko at ngayon ko lang napagtantong nakatsinelas nga ako.
Ngumuso ako habang nakayuko at nakatingin sa mga paa ko.
"Hinubad ko po kanina kasi naman, Sir, eh! Ang sakit-sakit na ng paa ko. Napaltusan na nga," pagmamaktol ko.
Walang anu-anong yumuko si Sir D at hinawakan ang paa ko at sinipat niya ito. Nagitla ako nang makitang umigting ang panga nito pagkakita nito sa paltos ko.
Hala? Nagalit?
"S-sir, galit po kayo?" Tiningala niya ako at nakita ko ang biglang paglambot ng mukha niya.
"N-no. I'm not mad. It's just-"
"Po?"
"I-i'm pi-"
Napahilamos ito sa kanyang mukha at parang naghahanap ng sasabihin. Hala! Kanina pa 'to si Sir eh. Pansin kong parang naging ibang tao siya simula nang..
Natigilan ako.
Kailan nga ba?
Pinilit ko itong inalala at...
Aha!
Simula nang iyakan ko siya kanina para ipakita ang surprise ko!
Sinundan ko lang ng tingin si Sir D nang tumayo ito at parang may kinuha sa kanyang drawer. Pagbalik nito ay may dala na itong alcohol.
Huwag niyang sasabihing lalagyan niya ng alcohol ang paltos ko!
Mabilis kong kinuha ang magazine sa ilalim ng center table at itinakip ito sa paa ko.
"What are you doing?" aniya na nakakunot ang kanyang noo.
"Parang awa niyo na, Sir! Huwag niyo pong lalagyan ng alcohol ang paltos ko. Ayaw ko pa pong mamatay!" Mangiyak-ngiyak na saad ko at tinakpan nang maigi ang aking mga paa.
"I won't do that. C'mon, give it to me."
Wala akong nagawa nang bigla nitong kinuha ang magazine pagkatapos dali-dali itong umupo sa couch at ipinatong ang mga paa ko sa kanyang kandungan. Naglagay ito ng alcohol sa kanyang palad at...
Nilagay sa hinlalaki ko!
"The cockroach has gone here, right?" Anito kaya tumango ako.
"Ang bait n'yo rin pala, Sir, 'no? Hihihi," wala sa sariling komento ko kaya natigilan si Sir.
"Stop overthinking. Tss," aniya.
Ay!
Beast mode na naman. Bipolar ata 'tong si Sir D, eh. Minsan mabait pero kadalasan masungit.
Literal akong napanganga nang walang anu-anong hinipan ni Sir D ang paltos ko sa paa.
Holy crap!
"Does it still hurt?" tanong niya.
Wala sa sariling napatango ako. Ngunit naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa aking mga mata.
Hala!
Bakit naiiyak ako?
Pinahid ko ito habang hindi nakatingin si Sir D pero may tumulo pa rin mula sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang paghikbi na ikinataranta ni Sir.
"W-what's wrong? Does it still hurt? Did I do something wrong?" Sunod-sunod na tanong nito na puno ng pag-aalala.
Umiling-iling ako at pinahid ang mga luha ko gamit ang likod ng dalawang kamay ko.
"Hey! Why are you crying?"
Eh?
Bakit nga ba?
"Wala po. Hihi. Naaawa lang po ako sa paa ko kasi nasaktan ng sapatos ko."
Napabuntonghininga naman si Sir at itinuloy ang paghilot hilot ng paa ko.
Kasi Sir D ito ang unang pagkakataon na may taong nag-aalala sa'kin liban sa mga madreng kinagisnan ko.
Gusto ko sanang idagdag pero baka umiyak din si Sir. Magmumukha kaming timang pag nagkataon.
Isa pa...
Ang isang dyosa ay hindi umiiyak. Magmumukha akong loser no'n. Ayaw ko namang agawan ng korona ang yaya ni Angelina 'no.
"You better get rest," untag ni Sir at bigla akong binuhat. Ayan na naman ang dibdib ko. Parang may nagrarambulan na naman sa loob. Kailangan ko na talagang magpaalam kay Sir na a-absent ako bukas.
Dinala ako ni Sir D sa private room dito sa loob ng kanyang opisina at inilapag sa kama. Yaman.
"Sir bakit po-"
"Stop asking and just sleep," ma-awtoridad na saad niya kaya napatakip ako ng bibig.
"Sabi ko nga po matutulog na," sagot ko. Mahirap na baka bigla nalang mag-transform itong si Sir.
Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ko nang ipinikit ko ang aking mga mata. Hanggang sa ang huling narinig ko na lang ay ang marahang pagsarado ng pinto bago kinain ng dilim ang diwa ko.
...
NAGISING ako nang makaramdam ako ng uhaw. Bigla pa akong natigilan nang nagising ako sa malambot na kama at malamig na silid ngunit nang maalala ko kung nasaan ako ay nagtuloy-tuloy ako sa pinto. Pero halos mapaigtad ako nang mabungaran ko ang galit na galit na si Sir D habang nakaharap sa mga naka-unipormeng apat na lalaki na sa tingin ko ay ilan sa mga maintenance dito sa 21st floor.
"IT'S BECAUSE YOU'RE ALL USELESS!"
"P-pasensya na p-po, S-sir, d-doblehen na lang po namin ang siguridad s-sa paglilinis," takot na takot na saad ng isang mama. Kawawa naman. Itong si Sir D pinatulog lang ako at nag-transform kaagad.
Dali-dali akong nagmartsa palabas bago ko pa makuha ang atensyon ni Sir D, baka bugahan din ako ng apoy, mahirap na. Hindi naman niya ako napansin dahil nasa apat na mama ang atensyon niya at nakatagilid ang posisyon niya sa connecting door ng cubicle ko.
Uminom ako ng tubig mula sa tumbler ko dahil ayaw ko munang bumalik ng pantry. Baka magkita pa kami ng ipis doon, mahirap na. Pagkatapos kong uminom ay kumuha ako ng leave form sa cabinet at dali-dali akong nag-fill up dito. Pagkatapos kong pirmahan ay sumilip ako sa loob ng opisina ni Sir.
Ngunit napasubsob ako nang hindi sinasadyang naipasok ko ang katawan ko sa loob ng biglang dumagundong ang galit na galit na boses ni Sir D.
"YOU'RE ALL FIRED!"
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng noo kong tumama sa gilid ng pinto. Huhuhu.
"What the hell are you doing there, Love?!"
Dali-dali akong nilapitan ni Sir D at binuhat papuntang couch.
"And you! What are you waiting for? GET LOST!"
Gusto ko sanang pagsabihan si Sir D na huwag niyang sisantihin ang mga mamang tagalinis ngunit hindi ko nagawa sa sobrang hapdi ng noo ko. Nakita ko na lang ang sabay sabay na paglabas ng mga mama na bagsak ang balikat.
"Darn it! Look what you've done to your forehead!" Galit na saad ni Sir na may bahid ng pag-alala. Lumabas ito at pagbalik nito'y may bitbit na itong cold compress.
"Didn't I leave you sleeping in my room? How did you get here? Tss," aniya habang dinadampian ng cold compress ang aking nuo.
Ngunit bigla na namang nagrambulan ang mga kulisap sa aking dibdib nang tumama ang kanyang hininga sa aking mukha.
Eh?
Napatingin ako sa hawak kong leave form at wala sa sariling inilahad ito sa harap ni Sir D na ikinatigil niya.
"What's this?"
"Leave form po."
"Tss. I know. Why do you have this?" Kunot-noong tanong nito.
"A-absent po ako bukas."
"Why is that so?" untag nito at itinuloy ang kanyang ginagawa sa aking nuo.
"Magpapa-check up po ako." Napatigil ito at tiningnan ako nang bahagya.
"Does your foot still hurt?" Umiling-iling ako.
"Then why are-"
"Eh, kasi Sir malapit na akong mamatay!"
"WHAT?" Biglang nagdilim ang mukha nito at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"Opo. Kailangan ko pong ipa-check up itong puso ko."
"W-why? Do you have a heart disease? Why didn't you tell me?!" Puno ng pag-aalalang untag nito.
"Iyon nga ang aalamin ko, Sir, eh. Kasi mukha yatang may sakit talaga ako. Bigla bigla na lang kasing bumibilis ang tibok nito lalo na 'pag magkalapit tayo. Tulad ngayon, ang bilis-bilis ng tibok nito. Siguro may hereditary heart di-"
Napatigil ako nang maramdaman kong biglang nanahimik si Sir D at tumigil sa pagdampi ng cold compress sa nuo ko.
Pumaling ang ulo ko para tingnan siya. Ngunit gano'n na lang ang pagkagulantang ko nang...
"Pft!"
"Hahahahahaha."
Holy crap!
Tumatawa ang dragon kong boss!
Magugunaw na ba ang mundo?!
Hindi lang basta tawa dahil hawak-hawak pa nito ang kanyang tiyan.
'Di kaya may sumanib kay Sir D na masamang nilalang?
Napatingin ako sa loob ng buong opisina ngunit wala naman akong may napansing kakaiba.
Bobo ka talaga, Nisyel. Malamang paano mo 'yan makikita kung nasa loob nga ng katawan ni Sir D. Hay.
Napatingin ako sa kanang kamay ko nang may maisip ako.
"Hahahahahaha."
Lalo akong nanggigil nang hindi pa rin tumitigil sa kakatawa si Sir.
Sorry, right hand, kailangan mo munang magtrabaho ngayon.
Pumikit ako nang mariin at saka huminga nang malalim.
Buong lakas na sinampal ko si Sir D na ikinapaling ng kanyang ulo kasunod ang pagdagundong ng malutong nitong pagmumura.
"DANG IT!"
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top