CHAPTER 6
Chapter 6: Payback Time
Kung sinuswerte ka nga naman. Kumpleto pala itong pantry, eh. May coffee maker na, marami pa ritong mga kung anu-anong ingredients. Para siguro kung gusto mong magluto ng mga processed food. Parang mini-kitchen na pala itong pantry. Galante.
Nakita ko ang garapon na may asin kaya kinuha ko ito at binuksan. Tumalikod talaga ako sa CCTV para hindi makita kung ano ang nilalagay ko sa mug.
Kung sana ay may ampalaya shake dito, 'yon na lang ang isi-serve ko sa kanya para ma-realize niya kung gaano siya ka bitter at kasungit. Pero, ayos na rin pala 'tong asin. Dinamihan ko talaga ang nilagay ko para ramdam na ramdam niya.
Napangisi ako nang malagyan ko na ng kapeng mula sa coffee maker ang mug na may tatlong scoop ng asin. Ni-stir ko ito nang mabuti para matunaw ang asin nang mapadako ang tingin ko sa isang lalagyan.
Chili Powder.
Hmm. Why not?
Kinuha ko ito at binudburan ang kape.
Hihihi. Siguradong matutuwa siya nito.
Ini-stir ko ito ulit para hindi mahalatang may iba pa itong ingredients.
Pumasok na ulit ako sa opisina para maibigay sa kanya ang kape. Dumaan muna ako sa table ko para kumuha ng sticky note at sinulatan ito.
A cup of coffee a day will keep the stress away☺
Oh, 'di ba? Napaka-thoughtful ko talagang secretary.
Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok. Tutok na tutok pa rin ito sa kanyang binabasa.
It's payback time!
"Sir, kape po."
Nag-angat naman siya ng tingin.
Pero napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong rumigudon nang magtama ang aming mga mata.
Hala! Kalma. Kalma, Nisyel, kalma.
"Just place it here," walang ganang untag nito kaya inilapag ko ito sa table niya.
"May ipag-uutos pa po kayo, Sir?"
"Nothing. You may leave," masungit na saad nito.
Sumaludo ako na parang Korean at tumalikod na. Lumabas ako pero nilagyan ko ng maliit na siwang ang pinto. Binuksan ko ang cellphone ko at inihanda ang video recorder.
Nakita kong tinitingnan nito ang kape kaya ini-on ko na ang start button ng video recorder. Umiling-iling pa siya at kinuha ang sticky note at inilagay sa drawer niya. Pero hindi 'yon ang nakagulantang sa kagandahan ko kundi...
Nakita ko siyang...
Ngumiti?
Ngumiti ang dragon kong boss?
Holy smile!
Totoo nga!
Ngumiti siya!
Bigla akong nakaramdam ng konsensya sa ginawa ko.
Pero....
No, no, no.
Ang sungit sungit niya kaya!
Pero--hay.
Sige na nga. Babawiin ko na lang ang tinimpla kong kape.
Pinindot ko na muna ang stop button ng video recorder at inilagay sa bulsa ng blazer ko ang cellphone. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto para makapasok sa loob. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang walang anu-anong ininom nito ang tinimpla kong kape.
"Dang it!" Malutong na mura nito at biglang naibuga ang nainom niya.
Patay!
"S-sir? A-ayos lang po kayo?" Dali-dali ko siyang dinaluhan at kinuha ang mug at inilapag sa gilid.
"WHAT DID YOU DO TO MY COFFEE?"
Halos matapilok ako sa lakas ng sigaw niya na dumagundong sa buong opisina.
"P-po?"
"Darn it!" Namumula siya sa sobrang galit at parang kakainin ako nang buo.
"WHAT IS THIS AGAIN, MISS BORARA?" nanggagalaiting untag nito.
"Borora po. B-bakit po, Sir?" painosenteng tanong ko.
"LOOK WHAT YOU'VE DONE, STUPID!"
Ouch! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako napagsabihang stupid, ha. Napakagat labi na lang ako. Galit na naman siya.
Pero dahil isa akong dyosa, biglang-hihihi...
"Sir, sorry na po." Nagmamakaawang untag ko at pinilit ang sarili ko na maiyak. Ngumuso ako at nag-puppy eyes.
Bigla itong napalunok at nag-iwas ng tingin.
"Darn it!" Napahilamos ito sa mukha at parang hindi alam ang gagawin sa'kin.
"Fix this mess and I want everything clean when I come back!" madiing bilin nito at walang lingun-lingong lumabas ng pinto.
Hihihi. It worked!
Galing galing mo talaga, Nisyel!
Dali-dali akong lumabas at kumuha ng pampunas sa pantry. Pinunasan ko muna ng wet wipes bago pinunasan ng tissue ang kanyang mesa. Buti na lang hindi nadamay ang mga papeles dahil naagapan agad ang mga ito. Kundi double dead meat ka talaga, Nisyel!
Bakit ba hindi ko naisip agad na magiging monster ulit siya pag matikman niya ang kapeng tinimpla ko?
Hayaan na nga. Ang importante nakaganti ako.
Kinuha ko na rin ang mug at hinugasan sa pantry at ibinalik sa lalagyan nito bago ipinagpatuloy ang power point presentation na ginagawa ko. Madali lang naman itong gawin dahil humingi ako ng tulong kay Google.
Mag-aalas dose na pero hindi pa rin nakabalik si Sir Sungit. Natapos ko na ring gawin ang presentation na pinagawa niya. Ang sabi niya kailangan matapos ko 'to bago mag 11:30 pero hindi pa rin sumulpot ang anino niya.
Pinagtitripan yata ako ng dragon na 'yon eh. Kaya bakit ako nakonsensya sa ginawa ko sa kape niya?
No.
Buti nga sa kanya 'yon.
Dahil ang sakit-sakit na ng likod ko sa kaka-encode, sumandal muna ako sa swivel chair at pumikit-pikit. Hindi naman niya siguro kailangan agad-agad 'tong pinapa-encode niya. Tutal malapit na lang din naman ang lunch break. Hindi na rin naman ako lalabas dahil may baon ako.
Tumingin-tingin ako sa cubicle ko nang mapadako ang tingin ko sa mga drawer. Ano kayang laman ng mga 'to?
Binuksan ko ito at tumambad sa'kin ang mga nakaayos na files. Ngunit napadako ang tingin ko sa business magazine na nakapatong sa mga folder. Kinuha ko ito at sinarado ang drawer.
Hmm. Ano ba'ng maganda rito?
Natigilan ako nang paglipat ko ng pahina ay bumulaga sa'kin ang logo ng SDM Empire at ang pangalan ni Sir Sungit.
SDM Empire's CEO has one of the individuals with the highest IQ ever recorded.
Weh? Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa dahil na-curious ako. Wala namang nakalagay na litrato ni Sir Sungit. Marahil ay ayaw niyang kinukuhanan siya ng litrato.
Baka ayaw niya dahil trip niyang mag-selfie.
Tama! May punto ka, Nisyel. Baka tinatago niya lang sa cellphone niya ang mga selfie pictures niya at ina-upload niya nang palihim sa Facebook.
Maka-stalk nga mamaya sa Facebook.
Itinuloy ko na muna ang pagbabasa. Baka kasi marami akong mababasang impormasyon dito.
June 28 pala ang birthday niya. Hmm. Sa makalawang buwan na pala dahil April ngayon.
He was able to read when he was just 3 years old and able to play a piano.
Holy goodness gracious! For real?
Ang galing-galing pala ng dragon na 'yon!
Mabilis kong binuksan ang Facebook gamit ang Google Chrome sa desktop ko. Naglog-in agad ako nang magbukas ito. Buti walang firewall ang social networks dito. Magaling!
Tinype ko sa search box ang pangalan ni Sir Sungit pero walang lumabas. Baka ibang pangalan ang gamit niya. Subukan ko kaya sa account ni Ma'am Amethyst at hanapin sa friend's list niya.
Mabilis kong tinipa ang pangalan ni Ma'am Amethyst at lumabas din naman kaagad ito. Pero mukhang mahihirapan ako nito dahil libo-libo ang Facebook friends niya.
Sa photos.
Tama, tama.
Binuksan ko ang album niya sakaling may naka-tag na picture sa kanya. Marami akong nakitang litrato. Isa na roon ang mukhang family picture. Nasa gitna ang dalawang babae, isa ro'n si Ma'am Amethyst, ang isa naman ay kahawig niya. Ito siguro ang sinasabi ni Ma'am na kapatid ni boss. Sa kanilang lima, si dragon lang ang walang kangiti-ngiti.
Kahit sa picture masungit pa rin?
"What do you think you're doing?"
Bigla akong napako nang marinig ko ang baritonong boses sa likod ko.
Holy shit!
Nandito na siya?
Bakit hindi ko napansin?
P.A.T.A.Y.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top