CHAPTER 36

Chapter 36: The Wedding

Lalong kumabog nang malakas ang aking dibdib sa sobrang kaba. Parang may mga kabayong nag-uunahan sa loob nito.

Bumukas ang gate na punung-puno ng puting bulaklak. Para siyang lagusan patungo sa isang paraiso na karaniwang nakikita ko sa fantasy.

"Mama parang nagkaka-cold feet yata ako," bulong ko kay Mama na nakahawak sa kanang braso ko, nasa kaliwa naman si Papa.

"Relax, anak. Masyado kang maganda para kabahan. 'Di ba ang isang dyosa ay hindi kinakabahan? Nakalimutan mo na ba?"

Oo nga 'no!

"Pero, Mama, Papa, hawakan ninyo akong mabuti, ah? Baka matapilok ako rito, uuwi talaga ako kahit hindi pa nag-uumpisa ang kasal," kinakabahang wika ko dahil sa totoo lang ay nanginginig na rin pati ang tuhod ko.

Nagsimula kaming humakbang at pumainlang ang instrumental na kanta na hindi pamilyar sa aking pandinig ngunit masarap itong pakinggan. Angel of Mine.

When I first saw you I already knew
There was something inside of you

Lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin at nakangiti. Kanya-kanya silang may hawak na camera.

Something I thought that I would never find
Angel of mine

Kusang tumulo ang aking mga luha. Ganito pala ang pakiramdam na naglalakad ka sa gitna ng maraming tao. Pakiramdam ko ako ang pinakamaganda sa buong mundo ngayon.

Nakikita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mata. Ang ilan sa kanila ay hindi ko kilala, siguro mga kaibigan ito ng mga Mijares.

Isa-isa kong tiningnan ang mga bisitang nasa kaliwa at kanan ng aisle. Lahat ng mga babae ay nakasuot ng royal blue na gown katulad ng kay Gold kanina, iba't iba nga lang ang disenyo. May tig-iisang tangkay rin sila ng puting bulaklak sa kanilang tenga. Para silang mga fairies. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng gray suit.

Napangiti ako habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha lalung-lalo na nang makita ko si mommy Amethyst at si grandma na nagpupunas ng kani-kanilang mga luha.

Ngunit lalo akong naiyak nang mapadako ang aking mga mata sa taong naghihintay sa akin sa dulo. Napakagwapo niya sa suot niyang puting suit. Titig na titig siya sa akin at nakangiti habang naglalakad ako. Biglang nawala ang lahat ng inis na naramdaman ko sa kanya nang hindi niya ako pinansin nang tatlong linggo.

Kaya pala palagi siyang umaalis nang maaga sa mansyon at gabing-gabi na umuuwi. Akala ko galit na galit siya sa'kin kasi palagi niya akong sinusungitan at ini-i-snob.

Ang duga talaga ng dragon na 'to, hindi man lang ako in-orient na may sorpresa pala siya, ayan tuloy nasayang ang effort ko sa paglalayas. Nakakapagod kaya maglagay ng mga damit sa maleta. Buti na lang pala sa tree house lang ako pumunta kahit ang boring doon.

Para akong nahihipnotismo sa kanyang mga titig. Siguro may anting-anting itong si Dee, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya, eh. Nakuha niya tuloy ang atensyon ng ibang tao na narito, siguro ngayon lang nila nakitang ngumingiti ang isang 'to.

Pagkadating sa dulo ay humalik si Dee kay Mama. Parang kailan lang galit na galit sa isa't isa ang mga ito. Nag-man-to man hug naman sila ni Papa.

"Please take care of our gem, son," wika ni Papa habang inaabot ang aking kamay kay Dee.

"I will, more than anything else, Sir..." sagot naman ni Dee at kinuha ang aking kamay. Napangiti naman sina Papa at Mama at sabay nila ako niyakap at hinalikan bago tinungo ang kanilang puwesto.

Akma akong alalayan ni Dee para pumunta sa harap ng pari pero...

"Time freeze muna father, ah? Miss na miss ko na 'tong dragon na 'to, eh. Payakap muna, one minute lang," wika ko at mabilis na niyakap si Dee. Hinigpitan ko na rin para hindi na siya makaangal. Narinig kong tumawa ang mga bisita pati na rin sina Dee at father pero hindi ko sila pinansin. Tatlong linggo ko na kayang hindi nayayakap ang dragon na 'to.

"You miss me that much?" narinig kong tanong ni Dee at hinalikan ako sa ulo.

"Ayy hindi. Hindi kita nami-miss, Dee! Kahit tatlong linggo mo na akong hindi pinapansin!" sarkastikong wika ko at inangat ang aking mukha.

"Sorry... I was just busy preparing all of these. I love you, Mee." Aniya.

Sumubsob na lang ulit ako sa kanyang dibdib at nag-count down ako hanggang isang minuto bago bumitaw.

"Father, ituloy na po natin ang seremonyas bago pa mag-iba ang isip ng aking groom at gawin akong jilted bride, mahirap na," wika ko at ako na mismo ang humatak kay Dee para makaupo sa harap ni father. Tumawa na naman ang lahat pati si father.

"My dearest brothers and sisters in Christ, we are gathered here today to witness the unity of this man and woman in this holy matrimony. To be lawfully joined together in the will and in the grace of love by God."

Nag-umpisang magsalita si father at pansin kong buong-buo ang atensyon ni Dee. Nilaro-laro ko na lang ang butones sa dulo ng kanyang suit gamit ang kanan kong kamay, hawak-hawak niya kasi ang aking kaliwa.

"If anyone here has reasons why not this man and woman be lawfully joined together, speak now or hereafter will forever keep thy peace."

Tumahimik ang paligid at humigpit ang pagkakahawak ni Dee sa aking kamay. Hindi pa siya nakuntento at kinulong pa niya ito gamit ang dalawa niyang kamay. Hihihi... Kinakabahan ang isang 'to. Ako kasi hindi ako natatakot, ramdam ko kasing siya na talaga ang ibinigay sa'kin ng Diyos.

Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay itinuloy ni father ang kanyang pagsasalita at narinig ko naman ang paghinga ni Dee nang malalim na parang nabunutan ng tinik.

Tinigilan ko ang paglalaro ng butones ni Dee at pinagmasdan ang wand na hawak ko. May crown ito sa dulo at may maliit na disensyong bulaklak. Feel na feel ko talagang fairy godmother ako kasi ako lang ang meron nito ngayon. Tumingala ako sa langit at pumikit saka umusal ng pasasalamat sa aking isip.

Salamat po, Papa God, dahil ibinigay Ninyo sa akin ang higit pa sa kahilingan ko. Ang saya-saya ko ngayong araw. Totoo nga ang sinasabi nilang pagkatapos ng lungkot ay saya. Nalungkot po ako ng sobra nang hindi ako pinansin ni Dee nang mahigit tatlong linggo pero sobrang saya ko ngayon kasi may surprise pala siya. I love You, Papa God! Araw-araw Niyo talaga akong binibigyan ng blessings, lalo na sa tuwing gigising ako sa umaga ay nakikita ko ang napakaganda kong mukha sa salamin. Kaya kahit mag-isa lang ako sa buhay ko noon ay masaya pa rin ako kasi hindi Ninyo ako pinabayaan. Sana makita rin ng ibang tao rito sa mundo ang mga blessings na ibinibigay Ninyo sa araw-araw nilang pamumuhay. At sana masaya rin sila tulad ko.

Nang dumilat ako ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil nakatunghay pala ang pagmumukha ni Dee sa akin. Mayamaya'y pinatayo kami ni father.

"Skeet Alvan Mijares, do you take Nisyel Love Borara to be-

"Father, Borora po, hindi Borara," pagtatama ko kay father. Pambihira naman oh, palagi na lang minu-murder ang apelyido ko. Sana pumayag na lang akong palitan ito ng Pelaez, eh.

Tumawa ang mga tao sa likod at humingi ng pasensya si father at muling nagsalita.

"Skeet Alvan Mijares, do you take Nisyel Love Borora to be your lawfully wedded wife in this sacred bond of holy matrimony? To honor and keep her through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worse, to love and cherish her 'till death do you part?"

"I do, father," nakangiting wika ni Dee at hinalikan ang likod ng aking kamay.

"Nisyel Love Borara, do you--"

Napatampal ako sa nuo.

"Father, ah! Ang ulyanin n'yo talaga, sinabi nang Borora at hindi Borara. Magkaiba ho 'yon eh, B-O-R-O-R-A, ayan po ini-spell ko na. Nagkakaintindihan ba tayo rito, father?"

Napakamot naman sa kanyang ulo si father. Tumawa na naman ang tao si likod.

"Pft!" Siniko ko si Dee ng tumawa rin ito. Kawawa naman si father.

"Umayos ka nga, Dee!" mahinang bulong ko sa kanya at pinanlisikan ko siya ng mata kaya tumahimik ito.

"Pasensya na, iha, ang hirap kasing i-pronounce ng apelyido mo," ani father.

"Ayos lang ho 'yon, father, mabait akong nilalang kaya pinapatawad ko na ho kayo. Sige na ho, take two."

Tumikhim muli si father at nagsalita.

"Nisyel Love BORORA, do you take Skeet Alvan Mijares to be your lawfully wedded husband in this sacred bond of holy matrimony? To honor and keep him through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worse, to love and cherish him 'till death do you part?" wika ni father at pinagdidiinan pa ang apelyido ko na parang naiinis.

"Galit ho kayo father? Galit?" napapalatak na tanong ko sa kanya.

"Mukha ba akong galit, iha?" mahinahong tanong nito.

"Hindi po, hindi po. Peace po! Hehe."

Tumikhim si Dee na parang naiinip.

"Ehem."

"Saan na nga tayo, iha?" tanong ni father.

"Hindi ko nga rin alam kung saang banda ng Pilipinas ang garden na to fa--- uhmmm" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinakpan ni Dee ang aking bibig. Naaamoy ko tuloy ang matapang niyang pabango.

"Nisyel Love Borora, do you take Skeet Alvan Mijares to be your lawfully wedded husband in this sacred bond of holy matrimony? To honor and keep him through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worse, to love and cherish him 'till death do you part?" pag-uulit ni father.

"I-- achuu!"

"Miss Borora?"

"Achuu!"

"Time freeze po, father. Pause muna. Si Dee kasi eh, ang tapang ng pabango sa kamay niya. Nababahing tuloy ak-- achuu!" Nagtawanan na naman ang mga tao sa likod. Ang sama naman nila, nababahing na nga ako pagtatawanan pa.

"Tss," nabuburyong untag ni Dee.

"Achuu!" Huminga ako nang malalim at tinanggap ang panyong inilahad ni Dee.

"Father, okay na po. Take three po!" Napakamot na naman si father sa kanyang ulo at naiiling na tiningnan ako ngunit nakangiti siya.

"Nisyel Love Borora, do you take Skeet Alvan Mijares to be your lawfully wedded husband in this sacred bond of holy matrimony? To honor and keep him through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worse, to love and cherish him 'till death do you part?"

"Ay! Tinatanong pa ho ba yan? I do na I do po, father!" 

Napangiti naman si father at itinuloy ang seremonyas.

"Friends and children of God let us hear their vows for each other."

Teka.... vows!

Waah! Hindi nga pala ako prepared dahil surprise wedding 'to! Ang duga kasi ni Dee, eh! Sana inabisuhan na lang ako e 'di sana nakapagtanong ako ng vows kay Google! Hay.

"I never knew what love was until you came into my life," pagsisimula ni Dee na titig na titig sa akin.

Agree ako riyan. Bobo kasi siya, eh.

"You were like a star that fell from the sky too fast, and hit the ground hard and deep. I am deeply drowned in so much love with you, Mee. You're the air I breath, the water I'm thirst about. Before you came to my life, I thought I was a perfect man, with the looks, the money, the fame, I got it all. But everything changed when you came, I feel incomplete without you... and that moment, I realized, you would be my better half. I will never ever get tired of reminding how much I love you everyday." Pumiyok ang boses ni Dee na parang naiiyak.

"Nisyel Love Borora, I promise to love and hold you, cherish and honor you until I take my last breath. I promise to be the best husband for you and a father to our future kids. Please wear this ring as a symbol of my eternal love and faith for you. I love you so much, Mee."

Isinuot nito sa aking daliring ang isang singsing na ngayon ko lang yata nakita sa tanang buhay ko. Gold ito na may nakapatong na tear shape na pula.

Itinutok sa'kin ni father ang mikropono kaya nagulat ako. Waah! Paktay! Hindi ko nga pala alam ang sasabihin ko! Deym!

"Ah, hehe... Father, puwedeng maikli lang? Hindi ako prepared, eh. Ang akala ko nga party ng mga mayayaman ang pupuntahan ko eh. Iyon pala kasal ko!"

Napangiti si father at tumango. Hihihi. Ang bait talaga ni father, hindi tulad ni Dee, ang sungit.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Dee, hehe... Mahal na mahal kita, mula ulo hanggang kuko." Nagtawanan na naman ang mga tao sa likod, feeling yata nila nanonood sila ng comedy show. Tsk!

"Isuot mo 'tong singsing bilang simbolo ng forever natin. Huwag na huwag mong iwawala, ah? Kasi mukhang mamahalin, eh. Saan mo ba 'to binili?" Napalingon ako nang humagalpak ng tawa si Silver pero nakita kong binatukan ito ni BFF.

"Pft!"

Isinuot ko ang singsing sa kanyang daliri. Nakangiti naman siya at titig na titig sa akin. Naku-conscious tuloy ako.

"For as much as both of you cast your vows for each other in the presence of our dearly God and these witnesses, you, Skeet Alvan Mijares and Nisyel Love Borora are binded together by your eternal covenant. Behold and live your vows for each other. May our God will cast upon you His blessings and guide your marriage for as long as you both shall live. And in the power vested upon me by God, I now pronounced you, husband and wife."

"You may now kiss the bride."

Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi ni Dee sa aking mga labi. Kanina ko pa talaga hinihintay ang part na 'to, eh.

"Finally... I love you so much, Mee." Malambing na sabi nito pagkatapos ng halik. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.

"I love you too, Dee--uhmm" Sinakop niya na naman ang aking labi kaya naghiyawan ang mga narito.

Nag-picture taking muna kami nang halos isang oras dahil nagpakuha ako ng selfie na iba't ibang pose. Lahat din ng mga bisita ay may picture kasama kami ni Dee.

...

-RECEPTION-

"Huwag masyadong mahigpit, Princess, baka madapa 'yan," saway ni Dee kay Gold dahil nilagyan nila ako ng piring.

"Hindi naman mahigpit, kuya. Huwag kang mag-alala ibabalik naming ligtas ang reyna mo." Narinig kong sagot ni Gold.

"Ate, 'pag sinabi kong ikot ay umikot ka, ha? 'Tsaka ituro mo ang wand mo sa kahit saang direksyon." Tumango-tango ako kay Gold. Piniringan kasi nila ako para maipasa ko ang wand ko katulad ng iba na itatapon ang boquet at sinasalo ng mga dalaga. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa utak ni Gold at ito ang naisipan niyang pakulo, eh. Nasa gitna raw ako at pinapalibutan ng mga dalaga.

"1... 2... 3. Ate, ikot na!"

Umikot ako at bumilang ng sampu bago tumigil saka itinuro sa harap ko ang wand.

"Sinasabi ko na nga ba, wala na talagang atrasan 'to. Tayo na ang susunod na ikakasal, mahal!" Narinig kong hiyaw ni Kuya Nito kaya tinanggal ko ang piring sa aking mata.

Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makitang si Lady M pala ang naituro ko.

Wadapak!

©GREATFAIRY   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top