CHAPTER 33
Chapter 33: Naughty
"Waah! Ang ganda naman dito, Dee!"
Halos mapalundag ako sa sobrang excitement. Ang ganda kasi ng pinagdalhan sa'kin ni Dee.
"Careful, Mee. You might get hurt," malambing niyang sabi habang ibinababa ako.
Dinala niya ako sa isang park sa gitna ng bundok. Hindi pa sana ako puwedeng mag-travel sabi ng doktor pero dahil dyosa ako, pumayag siya.
Binuhat pa niya ako kanina mula third floor ng hospital hanggang sa maisakay niya ako sa kotse. Gusto ko kasing makakita ng puno kaya dinala niya ako rito sa Adventure Park.
Maraming puno sa paligid at may iba't ibang adventure activities na puwedeng gawin ng mga dumadayo. Mayroong zipline, rapelling, target shooting at kung anu-ano pang pakulo.
Idinipa ko ang aking dalawang kamay at ipinikit ang aking mga mata. Hinayaan kong liparin ng hangin ang aking buhok para magmukha akong cute na dyosa.
Mayamaya'y naramdaman ko ang pagyakap ni Dee mula sa likod ko.
"I missed hugging you like this," bulong nito sa puno ng tenga ko.
Hihihi. Ang sweet talaga ng dragon na 'to.
Haay... sinasabi ko na nga ba, ang bobo nitong si Dee. Hindi manlang niya nahalatang wala talaga akong amnesia. Balak ko lang kasi siyang turuan ng leksyon. Nagtatampo pa rin ako sa kanila ni Mama.
Naaalala ko lahat at kung paano ako naaksidente. Matagal na kaya akong. Nang kinantahan niya ako, dilat na dilat nga ang mga mata ko e, kaya lang sa mga kamay ko naman siya nakatingin. Hindi ko nga alam kung bakit niya iniiyakan ang mga kamay ko, e.
Naisipan kong magpanggap na may amnesia kasi 'yon ang kadalasang nakikita ko sa pelikula. Kapag naaaksidente ang isang bida, nagkaka-amnesia ito.
Hindi ko nga akalaing mahigit isang taon na pala akong na-comatose. Buti na lang ang galing mag-story telling ni Gold kaya marami akong nalaman. Muntik pa nga niya akong mabuko, e. Pa'no kasi biglang kumati ang singit ko kanina kaya muntik ko na itong kamutin sa harapan ni Gold.
Magbabati rin pala sila Mama pinahirapan pa nila ako. Ang sakit kaya ng ulo ko no'ng nabundol ako. Buti na lang nabuhay pa ako.
"Do you like it?" Tanong Dee habang nakasubsob ang kanyang baba sa aking balikat. Naaamoy ko tuloy ang kanyang hininga.
"Oo naman. Palagi ba tayong pumupunta noon dito?" Balik-tanong ko sa kanya. Baka kasi mahalata niyang wala talaga akong amnesia eh.
"Nah. It's my first time to bring you here. My friend owns this," sagot nito habang inaamoy-amoy ang aking leeg.
Haay... Ang sarap palang magpanggap na may amnesia, ang sweet, sweet ng dragon na 'to sa'kin. Nakalibre pa ako ng tsansing!
"Gano'n ka ba talaga kausap? Dapat english?"
Kinunutan ko siya ng noo kahit hindi naman niya nakikita ang aking mukha kasi nga nakatalikod ako sa kanya. Tumawa naman siya nang mahina.
Mga isang oras din kaming nagtagal sa Adventure Park bago ako nagyayang umuwi. Pinagmamasdan ko lang ang paligid habang si Dee naman ay panay ang dutdot ng kanyang cellphone kahit nakayakap sa'kin. Nagpabuhat din ako nang isakay na ako sa kotse siyempre nagpapabebe nga ako, 'di ba?
"Kaninong bahay 'to, Dee?" Patay-malisyang tanong ko nang pumasok ang sasakyan sa Mijares mansion. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto pagkababa niya.
"Come and you'll see," nakangiting saad nito at inilahad ang kanyang kamay. Ngumiti naman ako at tinanggap ito. Pero...
"P-puwede ba ulit akong m-magpabuhat?" Kunwari ay nahihiyang wika ko at yumuko. Tingnan natin ngayon kung hindi ka mapipikong dragon ka.
"As you wish, my love," malambing na saad nito at binuhat ako.
Hmm... Hindi man lang siya nainis? Kanina pa kaya ako nagpapabuhat.
Ano kaya ang gagawin ko para mainis sa'kin ang dragon na 'to?
Mamaya na nga lang.
Isiniksik ko na lang aking mukha sa kanyang leeg. Nakakaadik talaga ng amoy ng jowa ko.
Kumunot ang noo ko dahil parang ang tahimik ng mansyon. Inangat ko ang aking mukha para tingnan ang loob nito ngunit nanlaki ang aking mga sa sobrang pagkagulat.
HAPPY BIRTHDAY AND WELCOME BACK, NISYEL!
Napakalaking tarpaulin ang bumulaga sa akin pag-angat ko ng tingin kaya bigla akong bumaba mula sa pagkakabuhat ni Dee. May selfie picture ko pa itong nakangiti.
"Happy birthday, anak!"
"Happy birthday, daughter-in-law!"
"Happy birthday, ate!"
"Happy birthday, BFF!"
"Happy birthday, apo!"
"Happy birthday, Nisyel!"
Sabay -sabay nila akong binati lahat. Maliban kila mommy Amethyst, daddy Stan, Gold at Silver ay nandito rin si Mama, si BFF, si Lady M at kuya Nito. Mayroon ding dalawang matanda na parang kamukha ni daddy Stan 'yong isa.
"Waah! Ginulat n'yo naman ako!"
Inilibot ko ang aking paningin para kunwari pinagmamasdan ko sila. Kinunot-kunot ko rin ang aking noo para magmukha akong naguguluhan.
Unang lumapit sa'kin si BFF at niyakap ako.
"BFF ako 'to, si Bingbing. Naaalala mo ba?" anito.
"Bingbing?" kunot-noong tanong ko. Waah! Walang hiya! Napapasubo talaga ang acting skills ko ngayon!
"Oo. 'Yung BFF mo na nasa ampunan. Naaalala mo ba?"
"Ahh....." tumango-tango ako.
Ngumiti ito ng pagkalapad lapad pero...
"P-pasensya na, ha? H-hindi kasi kita naaalala, eh."
Biglang nabura ang kanyang ngiti at bumagsak ang kanyang balikat.
Aww! Sorry, BFF, baka kasi hindi ko mapigilang sabihin sa'yo na nagpapanggap lang ako. Madaldal ka pa naman, baka mabuko pa ako nang wala sa oras.
"Gano'n ba? O-okay lang, BFF. Siguradong maaalala mo rin kami pag gumaling ka na," maluha-luhang wika nito.
"Ah, hehe... oo nga. Huwag kayong mag-alala marami akong memo plus gold sa apartment. Ano kaya kong inumin ko 'yon nang sabay-sabay, ano? Para sabay-sabay ko rin kayong maalala."
"Ha?" sabay-sabay na wika nila.
"Ah, ang sabi ko po huwag po tayong mawalan ng pag-asa."
"Ah..." sabay-sabay rin silang tumango.
Biglang akong hinapit ni Dee sa bewang at saka hinalikan sa noo.
"By the way, Love, this is grandma Tamara and grandpa Travis," pagpapakilala niya ng dalawang matanda na nakangiti sa'kin.
"Welcome to the family, iha! Happy birthday na rin!" nakangiting wika ng babae at niyakap ako. Ngumiti naman sa'kin ang grandpa Travis ni Dee.
"Salamat po."
"Hindi mo kailangang magpasalamat, apo. Napakasaya naming lahat na sa wakas ay nagising ka na. Pasensya ka na rin at hindi masyadong engrande ang party mo. Ayaw kasi ni Skeet na mapagod ka," magiliw na wika nito pagkakalas ng yakap.
"Naku, ayos lang po! Ang importante ay mahalaga..."
"Ano 'yon, apo?"
"Ang sabi ko po masaya na po ako na narito ang malalapit na tao sa'min ni Dee."
Ngumiti silang lahat at isa-isang akong niyakap mula kay Gold.
"Happy birthday, anak. Patawarin mo 'ko sa lahat ng nagawa ko. Hindi sinasadya 'yon ni Mama," lumuluhang wika ni Mama habang yakap-yakap ako.
"Kung ano man po 'yon, okay na po. Mag-move on na po tayo, M-mama."
Napangiti si Mama at hinagkan ako sa noo.
"Napakasuwerte ko naman at binigyan ako ng Diyos ng napakabait na anak."
"Naman, Mama. Hulog po kasi ako ng langit. Hehe..."
Tumawa silang lahat at magiliw akong tinitingnan. Ramdam ko ang saya-saya nila.
"Sa wakas matutuloy na ang kasal namin ni mahal dahil gumising ka na, Ma'am Nisyel!" Masayang wika ni kuya Nito na ikinatawa ng lahat.
"Wapak! Matutuloy na ang kasal niyo Lady M? Waah! Saan kayo magha-honeymoon? Ibig sabihin mada-divirginize ka na? Ilang anak po ang gagawin ninyo? Normal delivery ba o caesarian?" Sunod-sunod na tanong ko na ikinatigalgal ni Lady M at bigla siyang namula.
"Huwag mo namang biglain ang mahal ko, Ma'am Nisyel, nagba-blush tuloy," komento ni kuya Nito at inakbayan si Lady
M. Ang shweet-shweet!
"Heh! Tigilan mo ako, Marianito!" singhal ni Lady M at siniko si kuya Nito. Kahit kelan talaga pakipot itong kulubot na 'to.
"Nga pala... happy birthday, Nisyel. Ikaw ang maid of honor ko sa kasal ah?" nakangiting wika ni Lady M.
"Oo naman po! Game na game po ako, Lady M. Hindi yata ako makakapayag na tatanda at mamatay kayong virgin! Sayang ho 'yon!" napapalatak na saad ko na ikinanlaki ng mga mata ni Lady M.
"Ate, i-blow mo na 'yong kandila sa cake mo," pag-iiba ni Gold ng usapan at inilahad ang isang chocolate cake.
"Mag-wish ka muna, anak."
Ipinikit ko ang aking mga mata at malakas na sinambit ang natatanging wish ko...
"Sana po ay mamahalin ako ni Dee forever."
Narinig kong tumawa silang lahat.
"Your wish is forever granted, my love." Malambing na wika ni Dee at mabilis akong hinalikan sa labi. Tsarap!
"Salamat Dee, ah?"
"Nah. Thank you for waking up. You just don't know how happy I am. And I promise to give you my best and everything that I can. I won't make you cry anymore, Love."
Weh?
Masubukan nga.
"Dee?"
"Hmm?"
"'Di ba gagawin mo lahat para sa'kin?"
"I would do anything for you, Love."
Eh?
"Gusto ko sanang sayawan mo ako ng boduts nang nakahubad. I mean 'yong pang-itaas lang pala. Tapos kukuhanan kita ng video--"
"WHAT?"
Biglang tumaas ang kanyang boses kaya napayuko ako.
"A-ayaw m-mo ba?"
Ginaralgal ko ang aking boses at pinikit nang mariin ang aking mga mata kaya tumulo ang aking mga luha.
"Of course I will do it, Love. I will do it. Just don't cry please... Shh..." natatarantang wika nito at niyakap ako.
"A-ayos lang naman kung ayaw mo, Dee. Si kuya Nito na lang."
Pinilit kong iiwas ang aking mukha sa kanya para magmumukha akong nasasaktan.
"Teka, bakit ako? Si Sir Stan na lang. Magaling mag-boduts 'yan," natatarantang wika ni Kuya Nito.
"Tss. Kaya mo na 'yon, anak," turan ni daddy Stan kay Dee.
"A-ayaw naman po niya, eh. Hindi naman niya yata ako mahal," kagat-labing saad ko at pinatulo ulit ang aking mga luha. Hihihi. Ang galing ko talagang umarte.
"Of course I love you, Mee... It's just that..."
"Ano? Hindi mo kayang gawin kasi hindi mo naman talaga ako mahal! Sinungaling ka!" madamdaming saad ko at pumalahaw ng iyak.
"No, no, no. Gagawin ko na love. Tahan na please?" nagmamakaawang wika nito at ikinulong ako sa kanyang mga braso. Mihihi... Heaven!
"Talaga? Gagawin mo na?"
"Y-yes. Gagawin ko na, Love." nakangiwing saad nito.
"Napipilitan ka lang yata, eh! Huwag na nga lang..."
"No. I want my queen to be happy kaya gagawin ko na love, okay?"
Ngumiti siya nang pagkalapad-lapad kaya napangiti na rin ako. Gagawin din pala ang dami pang satsat. Pinahirapan pa akong umarte.
Mabilis na kinuha ni Gold ang kanyang laptop at nagpatugtog nito.
Hinubad ko ang polo ni Dee at kinuha ang kanyang cellphone.
This is going to be fun!
Nag-umpisa ang tugtog at kasabay no'n ang pag-indak ni Dee. Itinutok ko naman ang video recorder sa kanya.
"Sh*t! Ayaw ko nang mag-asawa. Ayaw kong matulad sa'yo kuya!" malakas na kantiyaw ni Silver at tumawa.
Napatawa kaming lahat nang biglang sumayaw na parang unggoy si Dee. Naka-lean ang kanyang mga binti at umaatras abante ang kanyang pang-upo.
"Bagay pala sa'yong mag-unggoy unggoyan, kuya!" natatawang saad ni Gold at pumadyak-padyak.
Mayamaya'y bigla ring naghubad ng damit si kuya Nito at sinabayan si Dee.
"Ang saya nito!"
"Wooh! Kakaiba ka talaga, kuya. Walang hiya!" Tumatawang saad ulit ni Silver.
"Hahahahahahahahaha!"
"Hahahahahahahahaha!"
"Hahahahahahahahaha!"
Sabay-sabay kaming tumawa habang pinagmamasdan ang dalawang sumasayaw.
"Are you happy now?" malambing na untag ni Dee pagkatapos ng sayaw. Tumutulo rin ang kanyang pawis kaya pinahid ko ito.
"Oo naman. Salamat Dee, ah?"
Paano kaya kung malaman niyang wala talaga akong amnesia?
Magagalit kaya siya?
Ngunit nagulat ako nang bigla niya akong binuhat ng bridal style at pumanhik sa taas.
"Kuya, ang cheap naman ng honeymoon mo sa kwarto mo lang!" Narinig ko pang kantiyaw ni Silver bago kami tuluyang nakarating sa taas.
Binuksan niya ang kanyang kwarto kahit buhat-buhat niya ako at maingat na inilapag sa kama.
Ini-lock niya muna ang pinto saka bumalik sa kama at kinaibabawan ako.
"Now I want to get my reward," nang-aakit na saad nito at sinakop ang aking mga labi.
Waah! Mukhang gusto ko ng reward na 'to!
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top