CHAPTER 31

Chapter 31: Married

SKEET'S POV

"Mee, aalis muna ako, ha? Don't worry I'll be back in an hour. May bibilhin lang ako at aayusin. Pababantayan muna kita kay mommy at kay Gold. Your mom will be here later as well."

I kissed her lips and the tip of her nose. My lovely girlfriend and soon-to-be wife.

"Sa'n ka ba talaga pupunta, kuya? Himala 'to, ah! Ang akala ko kahit isang minuto lang ayaw mong malayo kay ate Nisyel?"

"Tss. Stop asking and just do what I say."

"Pero, kuya, sagutin mo muna ang tanong ko! Saan ka pupunta? Siguro mambabae ka 'no? Nagsasawa ka na bang bantayan si--"

"WHAT?"

"Joke lang, kuya! Alam ko namang loves na loves mo si ate Nis-"

"Enough, Princess!"

"Sabi ko nga, kuya, tatahimik na. O siya umalis ka na baka magbago pa ang isip ko. Ako ng bahala sa reyna mo. Pupunta din naman mamaya si mommy at tita Andrea rito."

I kissed her again before leaving the room.

I can't wait any longer. Gusto ko nang matali sa'kin ang mahal ko kahit hindi pa rin siya nagigising.

I opened my mobile to call Tito Shawn. He's my mom's younger brother na abogado na ngayon. Nakatatlong ring pa bago niya sinagot.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa baliw kong pamangkin?"natatawang bungad nito sa kabilang linya. Tss.

"Tss. Are the papers ready?"

"Teka. Itutuloy mo talaga yun? Pero hindi pa siya nagigising, 'di ba?"

"I can't wait to change her surname. Mabuti nga 'yon para wala na siyang kawala."

"Tsk! Pinapinindigan mo talaga na baliw ka na pamangkin. Paano mo pakakasalan ang taong walang malay?"

"I don't care, basta makasal na kami ngayong araw mismo. I will forge her signature para marehistro agad ang marriage certificate namin."

Tito Shawn laughed from the other line. I'm not kidding around. I will marry her today para sabay sa kanyang birthday ang aming magiging wedding anniversary. Bahala na kung magagalit siya sa'kin pag gumising na siya. Wala na rin naman siyang kawala dahil asawa ko na siya. Pakakasalan ko naman siya sa kahit saang simbahan pag gumising na siya. If I need to marry her every year, hindi ako magsasawa.

But I wish she would wake up sooner.

"Kakaiba ka talaga, pamangkin. Sige, ihahatid ko na lang diyan ngayon. Dadaanan ko na lang din ang kaibigan kong judge. Sandali, alam ba 'to ng nanay niya?"

I sighed.

"I'll talk to her now. I gotta hang up now, Tito. Just wait for me in the hospital."

I went directly to a friend I requested to buy wedding rings for me.

"Ang suwerte naman ng soon-to-be wife mo, dude." Ashton laughed at me as handed me the velvet box containing the ring.

"Thanks for this, bro." Tinapik ko ang kanyang balikat. I know may pinagdadaanan din ang ulupung na 'to ngayon. Hindi lang siya nagkukuwento, I'm pretty sure babae rin ang problema nito. Ashton is my business partner and eventually became a friend of mine.

"Hindi mo man lang ba ako iimbitahin sa kasal mo? Pambihira ka dude! Inutus-utusan mo pa akong bumili ng singsing mo pero hindi mo rin pala ako iimbitahin." he joked but his eyes are sad. I know there is really something about him.

"Why? Are you even available if invite you to my wedding?"

He became silent. Pain is visible in his eyes.

"Maghahanap pa ako ng nawawalang diyamante, eh! Ang hirap talaga maghanap ng taong ayaw magpahanap. Tsk!" His jaw clenched. This man looks terrible as I am.

"Do you want me to help you find that person? I have connections, bro." I offered him.

"May connections din ako, dude. Di na kailangan, salamat nalang. I know you have problems on your own."

"Yeah. We both suck."

"We're totally messed up. Tsk!"

I smiled as I hold the 32-carat diamond wedding ring Ashton bought from Australia. I'm pretty sure this will perfectly fit her beautiful ring finger.

GOLD'S POV

Umupo ako sa tabi ni ate Nisyel pagkaalis ni kuya. Nagtataka talaga kung sa'n pupunta ang masungit na 'yon.

"Haay... Paano mo kaya nagustuhan si kuya Skeet, ate? Eh ang sungit-sungit kaya 'non. Hindi ako nagtataka kung paano ka nagustuhan ni kuya kasi kahit ako parang natotomboy na sa'yo eh. Pero siya? Duda talaga ako, siguro may nilagay siyang love potion sa pagkain mo noon, o di kaya sa inumin. What do you think?"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaglaruan. Ang sabi kasi sa amin ng doktor dapat kinakausap ang pasyente kahit wala itong malay. Active naman daw kasi ang subconscious ng pasyenteng naka-comatose kaya naririnig niya pag kinakausap siya.

"Alam mo ba, ate, isang taon at apat na buwan ka ng natutulog. Siguro ang haba-haba ng panaginip mo 'no? Napapanaginipan mo kaya kami? Alam mo bang miss na miss ka na ng lahat? Lahat ng empleyado ng SDM palaging tinatanong kung kamusta ka na daw."

"Graduate na kami ni kambal no'ng nakaraang buwan. Alam mo bang marami ng nangyari sa loob ng mahigit isang taon na tulog ka?"

"Magpapakasal na sana sila Lady M at Kuya Nito pero hindi nila itinuloy kasi hinihintay nilang magising ka. Ang sabi ni Lady M gagawin ka raw nilang maid of honor kasi number one fan ka daw ng loveteam nila."

Nag-umpisa na namang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko talaga mapigilang umiyak sa tuwing kinakausap ko siya na natutulog.

"Nainis nga si kuya Nito kay Lady M, eh. Gusto niya na raw ituloy ang naudlot nilang kasal noon pero hindi talaga pumayag si Lady M, hihintayin ka daw niya, baka raw kasi magtampo ka."

"Ikinuwento rin sa amin ni tita Andrea ang lahat bago nangyari ang aksidente sa'yo. Alam mo bang isang buwan kong hindi pinansin si kuya Skeet? Nagpabebe pa kasi, naaksidente ka tuloy.."

Ibinaba ko ang kanyang kamay at idinantay ko ang aking dalawang braso sa edge ng kama saka ipinatong ang aking baba.

"Nag-donate din si kuya Skeet ng limang milyon sa ampunang pinanggalingan mo daw. Nagulat nga ako eh, orphan ka pala noon ate. Hindi kasi halata sa'yo eh. Ang kuwela mong kausap at parang walang problema. Paano mo kaya nagagawa 'yon?"

"Kailan ka ba magigising, ate? Para masaya na ulit ang lahat. Trip mo bang magpaka-sleeping beauty ate? Pero di ba palagi ka namang hinahalikan ni kuya Skeet? Bakit hindi ka pa rin nagigising?"

"Ang dami na nga ng love notes mo sa board dito sa loob ng kwarto mo, eh. Araw-araw ring naglalagay ng american rose dito si kuya. Mahilig ka raw kasi sa bulaklak na maraming petals. Siguro naglalaro ka ng he loves me, he loves me not, ano?"

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang gumalaw ang hintuturo ni ate Nisyel. Kumurap kurap ako ng ilang beses pero hindi na ulit gumalaw.

"Ate? Ate, gising ka na ba? Ate narinig mo ba lahat ng sinabi ko? Gumalaw ka nga ulit ate! Hindi ako namamalikmata, 'di ba? Gumalaw ka talaga?" naghi-hysterical na saad ko at tinapik si ate pero hindi na ito ulit gumalaw.

"What the hell happened?"

"Gold, ano'ng nangyayari?"

"Anong nangyayari sa anak ko?"

Napatigil ako nang bumukas ang pinto at sunud-sunod na pumasok sila kuya Skeet, mommy , at tita Andrea. Kasunod si tito Shawn at isa pang hindi ko kilala.

"Kuya gumalaw siya! Gumalaw ang hintuturo ni ate Nisyel!" umiiyak at naghi-hysterical na saad ko sa kanila.

"S-she did?" Bumalong ang mga luha ni kuya at mabilis na nilapitan si ate.

"Is it true, Mee? Gumalaw ka raw? Are you already awake?"

Napaiyak ako. Hindi na ulit gumalaw si ate. Pero kitang-kita ko talaga kanina.

"S-sandali tatawag ako ng doktor."

Natatarantang lumabas si tita Andrea para tumawag ng doktor.

"Baka naman namamalikmata ka lang, anak?"

Umiling-iling ako.

"No, mommy. Kitang-kitang ko talagang gumalaw ang hintuturo niya."

"Mee... wake up please? Gusto kong makitang magaling ka na," nagmamakaawang untag ni kuya habang hawak-hawak ang kamay ni ate Nisyel.

Pumasok ang doktor kasama ni tita Andrea at lumapit ito sa tabi ni ate Nisyel at pinulsuhan ito.

"Normal ang pulse rate niya, pati na rin ang kanyang hearbeat. Maybe her subconscious has been triggered kapag kinakausap siya. That's a good sign. Maaaring umepekto ang mga gamot na nireseta sa kanya. In no time, baka magising na ang pasyente. This is a miracle dahil sa kabila ng brain damage na natamo niya ay nakasurvive siya."

"Salamat po, Doc."

"Walang anuman, Mrs. Pelaez, just approach me in my office pag may ipinakita ulit na senyales ang pasyente."

"Sige, Doc. Maraming salamat ulit." Ani mommy.

Huminga ako ng malalim pagkalabas ng doktor. Nagkatinginan kaming lahat at sabay na ngumiti sa isa't isa.

"Ano? Itutuloy pa ba natin ang kasal?" Pagbasag ni tito Shawn ng katahimikan na ikinanlaki ng mga mata ko.

"Sinong ikakasal?"

Nagulat ako nang lumapit ang kasamang lalaki ni tito Shawn sa tabi ni ate Nisyel at kuya Skeet. Nakaformal attire ito.

"Waah! Magpapakasal kayo, kuya? Ano 'to joke?"

Lalo akong nagulat nang ngumiti lang sina mommy at tita Andrea at parang aliw na aliw pa sa kanilang nakikita. Sinimulan ng judge 'kuno' ang seremonyas. Madali lang naman at walang madaming satsat. Wala ring pangaral at puro katanungan lang naman.

Ano kayang pumasok sa utak ni kuya at pinakasalan si ate Nisyel na natutulog?

Pinagmamasdan ko lang siya habang umiiyak na sinusuot nito ang singsing sa kamay ni ate. Hawak-hawak ni mommy ang camera na kumukuha ng video.

'Di ko akalaing may pagka ala-romantiko din pala itong si kuya. Siguro kung nagigising lang si ate magrereklamo na yan.

"By the virtue of the power vested upon me by the law of Republic of the Philippines, I now pronounce you as Mr. and Mrs. Skeet Alvan Mijares. Congratulations!"

"You may now kiss your bride, Mr. Mijares."

Dahan-dahang bumaba ang mukha ni kuya at masuyong hinalikan si ate Nisyel sa labi.

Tumulo ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Shet! Nakakaiyak silang tingnan. Napatingin ako kay tita Andrea at mommy na nagyayakapan habang parehong may luha ang kanilang mga mata.

Ngunit malakas na singhap ang kumawala sa aming lahat nang biglang bumangon si ate Nisyel pagkatapos siyang halikan ni kuya.

"Waah! Sino ka? Bakit mo ako hinalikan?! Magnanakaw ka ng halik!" Bulyaw nito kay kuya.

Inilibot nito ang kanyang paningin sa buong silid at humiyaw.

"Waah! Bakit malaki itong kama ko at ang ganda pa?! Nasa dreamland ba ako? At saka bakit ang ganda nitong kwarto ko?"

Tinapik-tapik nito ang kanyang magkabilang pisngi na parang kinukumpirma kung nananaginip nga siya.

"Aray! Masakit! Hindi nga ako nananaginip, totoo 'to! Pero... paano ako napunta rito?" Bigla nitong binalingan si kuya na nakatulala.

"Mga kidnapper kayo, 'no?! Balak niyo akong ipa-ransome! FYI wala akong pera! Mukha lang akong mayaman dahil isa akong dyosa! Pero wala talagang laman ang aking bulsa! Wala nga akong pambayad ng apartment kay Lady M, eh! Pambihira naman kayo oh!" napapalatak na saad nito na ikinalaglag ng aming mga panga.

Anong nangyayari kay Ate Nisyel?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top