CHAPTER 25
Chapter 25: Confrontation
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang tinakbuhan ko si Mama sa kanyang bahay.
Kamusta na kaya siya?
Hinahanap niya kaya ako?
Alam niya kaya itong address ng apartment ko?
Malamang, hindi. Wala namang ibang mapagtatanungan 'yon, eh.
Mabuti na rin sigurong hindi muna kami magkikita ni Mama. Baka ipagpipilitan niya lang ulit na hiwalayan ko si Dee.
Si Dee. Isa pang bumabagabag sa isip ko ang pagsisinungaling ko sa kanya. Paano kaya pag malamang niyang Mama ko ang nagtangka noon sa buhay niya?
Ano ba 'tong buhay ko?
Hindi naman ako nagkakaganito dati, ah.
Mahal ko ang boyfriend ko pero ayaw sa kanya ng Mama ko. Ang saklap.
Teka nga lang. Bakit ba nagdadrama na naman itong utak ko?
Erase. Huwag mong iisipin ang problema mo, Nisyel, baka tubuan ka ng wrinkles sa singit. Hay.
Oo nga naman. Bakit pinoproblema ko ang problema? Bahala siya sa problema niya!
Napatigil ako sa pagmuni-muni nang tumunog ang aking cellphone.
Dee Calling...
Eh?
"Dee? Bakit ka napatawag? Gabi na, ah?"
"I missed you."
Hihihi. Tengene. Kinikilig ang balahibo ko!
"Talaga, Dee? You miss me?"
"So much."
Waaah! Ano ba 'yan! Napatalon ako sa sobrang kilig.
"Ako kasi, Dee hindi kita nami-miss eh... Hehe."
"W-why?"
"Eh, kasi miss na miss na miss na miss kita kahit buong araw tayong magkasama kanina. Hehe... Ang landi ko, 'no?"
Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"What are you doing there?"
"Heto, Dee, kausap ka. Bakit ikaw anong ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba matutulog?"
"I'm here."
Huh?
"Ano 'yon, Dee?"
"I'm here outside your apartment."
Hala!
Mabilis kong tinungo ang bintana at binuksan. Totoo nga! Nakasandal siya sa kanyang kotse habang nasa tainga ang isa niyang kamay at nakapamulsa naman ang kabila.
Ang wafu talaga ng dragon na 'to kahit gabi. Kitang-kita talaga ang tangos ng kanyang ilong dahil sa liwanag ng street lights.
Pinatay ko ang tawag at mabilis akong lumabas ng kwarto saka bumaba.
"Dee."
Nakita kong mabilis niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at sinunggaban ako ng yakap.
"Teka, bakit hindi ka pa nakabihis? At saka kailan ka pa narito?" Pag-uusisa ko sa kanya. Suot-suot niya pa rin kasi ang damit niya kanina sa opisina.
Teka....
"Hindi ka na naman umuwi pagkahatid mo sa'kin kanina?"
Tumawa lang ito at hinigpitan ang pagkayakap sa'kin.
"Dee, naman! Siguro hindi ka pa nakapaghapunan, ano?"
"Tss. It's not important, as long as I can hug you like this. I missed you so much, Mee.." malambing na saad nito at sinakop ang aking mga labi.
Awtomatikong napapikit ang aking mga mata nang pinalalim nito ang halik.
A sweet, torrid kiss under the street light tuloy ang peg namin.
Hihihi. Kung pagkain lang siguro ang labi ni Dee kanina ko pa 'to naubos. Ang sarap eh.
"Did I disturb your sleep?" Namumungay na tanong nito pagkatapos ng halik. Magkaharap kami at nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang.
"Hindi pa naman ako natutulog, Dee. Halika na nga, kumain ka muna ng hapunan."
"Alright. I changed my mind. I want to eat you instead," nakakalokong wika nito habang nakakapit pa rin sa bewang.
Pero...
Ano raw?
Waaah!
Bigla akong napakalas sa kanya.
"Dee, naman! Huwag mong sabihing descendant ka ni Edward Cullen! Waaah! Huwag ang precious blood ko!" naghi-hysterical na saad ko pero tinawanan niya lang ako.
"Pft! Silly. Let's get inside. I'll tuck you to bed," anito.
Magkahawak-kamay kaming pumasok ni Dee sa apartment. Bigla ko ring naramdaman ang antok kaya napahikab ako habang paakyat kami.
"May natira pa akong shrimp sa ref, Dee. Sandali iinitin ko lang ah? Para makakain ka," humihikab na wika ko pagkapasok namin sa loob.
"Don't bother. I can handle it myself. You need to sleep now, Mee."
Wala na akong nagawa nang inakay niya ako sa loob ng kuwarto at pinahiga sa kama.
"Sigurado kang ikaw na ang bahala, Dee? Ikaw kasi ang hilig mong magbantay riyan sa labas. Sana sinabi mo na lang kung mag-a-apply kang guwardiya, sasabihin ko kay Lady-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sinunggaban niya ako ng halik.
Hindi ko napigilang mapaungol dahil parang nag-iba ang paraan ng paghalik niya. Parang bumibigat ang kanyang paghinga.
Eh!
Bumaba ang kanyang halik sa aking baba patungo sa aking leeg. Parang kinikiliti ako pero napaliyad ako sa kakaibang sensasyong nararamdaman ko.
Wait! Kapeng mainit!
Bakit hindi umaalis si Dee sa aking leeg?
Ito na ba 'yong sinabi niyang kakainin niya ako?
Kakagatin niya na ba ako sa leeg at sisipsipin ang aking dugo?
Inipon ko ang puwersa ko at buong lakas siyang itinulak.
"What the?!"
"Waaah! Sorry... Sorry, Dee! Ikaw kasi, eh! Nangangain ka ng leeg. Paano na lang 'pag maubos ang dugo ko at mamatay? Hindi puwede 'yon, 'no. Hindi ko pa naikumpisal ang mga kasalanan ko, eh." Nakalabing wika ko at tinulungan siyang tumayo mula sa pagkakabagsak niya sa sahig.
"Tss. You lost your senses again." Nabuburyong saad nito at pinahiga na naman ako sa kama.
"Ako pa ngayo-"
"Sleep," ma-awtoridad na wika nito.
"Ayaw ko na, Dee. Baka kasi kagatin mo na naman ang leeg ko habang natutulog ako, eh."
"I won't do that. Sleep now or do you want me to sleep with you?"
"Sabi ko nga, Dee, matutulog na ako. Hehe... Basta promise huwag kang kikilos nang masama, ah?"
Napatawa na naman siya at nakita kong parang na-amuse siya.
"Promise, I'll behave," nakangiting wika nito kaya napahinga ako nang maluwag.
"Good night, Dee."
"Good night, my love. Sleep tight," malambing na tugon nito.
Marahang haplos sa aking buhok ang huli kong naramdaman bago nilukob ng dilim ang aking paningin.
...
NAALIMPUNGATAN ako sa paulit-ulit na alarm ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa side table at pinatay habang nakapikit ang aking mga mata.
5 minutes pa.
Ang sarap pa naman ng panaginip ko. Gusto ko pa sanang madugtungan 'yom, e.. Naghahalikan daw kami ni Dee sa ilalim ng street light.
Naghahalikan?
Waah!
Bigla ako napabalikwas ng bangun nang maalala ko si Dee.
Anong oras kaya siya umuwi kagabi?
Pupungas-pungas akong lumabas ng kuwarto at tinungo ang kusina para maghilamos.
Ngunit napatigil ako nang mapansin ang natatakpan sa mesa at may nakadikit na sticky note.
Good morning, my world! Eat your breakfast and drink your milk. I'll be back to fetch you. --Dee
Huh?
Binuksan ko ang takip at bumungad sa akin ang bagong luto na itlog, hotdog at bacon. May isang baso rin ng bagong timpla na gatas sa tabi ng mga ito at mainit pa.
Kakaalis lang ba ni, Dee?
Siya ba nagluto ng lahat ng ito?
Dito ba siya natulog at hindi umuwi kagabi?
Hayaan na nga. Tatanungin ko na lang siya mamaya.
Dahil nakahanda na naman pala ang almusal ko ay dumiretso na lang ako sa banyo para maligo.
Eksaktong alas otso nang matapos akong kumain at narinig ko ang pagtunog ng sasakyan sa ibaba.
Bitbit ang bag ay mabilis akong bumaba ng apartment.
"Good morning, Dee!" Patalon akong sumalubong sa kanya at yumakap.
"Good morning. How's your sleep?" tanong nito habang binubuksan ang pinto ng kotse sa passenger seat.
"Maayos sana, Dee, eh. Ang ganda ng panaginip ko. Nagtutukuan daw tayo sa ilalim ng street light. Nag-e-enjoy sana ako, eh, dakilang epal nga lang ang alarm. Nagising tuloy ako," nakangusong saad ko pagkaupo ko sa loob ng sasakyan.
"Pft!"
Eh? Minsan talaga ang labo ni Dee. Magtatanong tapos tatawanan lang pala ako. Nangingiti itong umikot sa sasakyan at umupo sa driver seat. Hinayaan ko na lang, baka kasi napasukan na naman ng hangin ang ulo niya. Alam kong lilipas din naman 'yon.
"Did you eat your breakfast?"
"Oo naman. Ang sarap kaya ng mga nakahain kanina sa mesa. Ikaw ba nagluto lahat no'n?"
"Who else will?"
"Sabi ko nga, obvious namang ikaw ang nagluto no'n, Dee. Hehe..."
Teka...
"Dee, pahiram ng cellphone mo, ah?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at kinuha ko na lang ito sa dashboard ng sasakyan. Wala naman itong imik at ikinabit lang ang seatbelt sa'kin.
"Dee, ngiti ka muna." Itinutok ko sa mukha namin ang cellphone.
"Ayan. Infairness lalo kang gumagwapo 'pag ngumingiti ka, Dee. Hihi."
"Tss." Kunwari pa 'tong si Dee. Gustong-gusto rin naman niyang mag-selfie kasama ako, eh.
Wala akong ginagawa kundi ang mag-selfie habang nagda-drive si Dee patungong SDM Empire. Punung-puno na nga ng pictures ko ang gallery niya, eh. Hihi. Panaka-naka ko rin siyang kinukuhanan ng picture habang nagda-drive siya pero nahuhuli niya ako kaya itinututok ko na lang uli sa sarili ko ang camera.
Sa sobrang aliw ko sa pagsi-selfie ay hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng SDM. Natauhan lang ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko kaya bumaba na ako at ibinalik kay Dee ang kanyang cellphone.
Kumunot ang noo ko dahil hindi nito itinigil ang kotse sa parking lot.
"I have an early meeting with the Thai investor but I'll be back right away, okay? Just wait for me in the office," anito at ginawaran ako ng halik sa labi.
"Okay, Dee. Ingat ka, ah?" Tumango ito at hinalikan ako sa noo bago pumasok ng sasakyan. Binuksan pa nito ang bintana at kumaway bago pinaandar ang sasakyan.
Pumihit ako paharap ng SDM building nang tuluyan nang nawala sa paningin ko ang kotse ni Dee ngunit mga nakangiting mukha ng mga kuya guard ang bumungad sa akin pagharap ko.
"Ang swerte-swerte n'yo talaga, Ma'am Nisyel, ang sweet sa inyo ni Sir Skeet."
"Oo nga, Ma'am, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Sino ang mag-aakalang mapapa-ibig ninyo si Sir nang gano'n kadali."
Eh?
"Naku, mga kuya, salamat sa inyo, ah? Subukan niyong tumaya sa lotto baka suwertehen din kayo. Hehe."
Nagsitawanan naman ang mga kuya guard at nagpaalam na ako sa kanila para pumanhik. Puro nakangiti ang mga empleyadong nakakasabay ko sa elevator.
"Naku, Nisyel, baka malaman ni Sir Skeet na dito ka nakikisabay sa public elevator magagalit 'yon," wika ni Trisha na taga-HR department.
"Hindi rin. Takot kaya sa'kin ang dragon na 'yon. At saka ayaw ko ngang magsolo flight sa private lift."
"Kaya botong-boto kami sa'yo para kay Sir Skeet, eh. Ang ganda-ganda mo na, saksakan ka pa nang bait. Hindi na ako nagtataka kung bakit na in love sa'yo si Sir," nakangiting wika naman ni Antonette.
Ngumiti lang ako sa kanila kasi wala na akong masasabi. Totoo naman kasi lahat ng sinasabi nila. Hihi. Fans kaya ng loveteam namin ni Dee ang lahat ng empleyado rito, mapababae man o lalaki.
Nanood na lang ako ng TV pagkarating ko ng opisina ni Dee. Wala naman kasi akong gagawin habang naghihintay sa kanya, eh.
Paminsan-minsan ay may tumatawag din sa telepono. Kadalasan ay mga kliyenteng nagpapa-schedule ng meeting.
Halos isa't kalahating oras na akong nakahilata sa couch habang nanonood ng TV nang bigla na lang akong nagulat nang marahas na bumukas ang pinto ng opisina.
"Mama?"
"Nasaan ang Mijares na 'yan? Babawiin kita sa kanya, anak!"
Bigla akong nataranta nang makitang galit na galit si Mama na nakapamaywang sa pinto.
"Mama, anong ginagawa n'yo rito? Paano po kayo nakapasok?"
"Hindi na importante kung paano ako nakapasok. Nandito ako para kunin ka sa puder ng walang hiyang Mijares na 'yan! Nasaan siya? Nasaan?" galit na galit na untag nito.
"Mama, huminahon ho kayo. Wala rito si Dee, nasa meeting siya."
"Eh, 'di mabuti kung gano'n. Halika na anak, sumama ka sa'kin. Uuwi tayo ng bahay."
Patay! Paano na 'to?
"Mama, sasama po ako sa inyo pero---"
Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang biglang dumagundong ang napakalamig na boses mula sa pinto.
Kung nakakamatay lang ang tingin marahil ay bumulagta na ako sa aking kinatatayuan.
Malamig na malamig ang ipinupukol nitong tingin sa akin at wala ring ka emo-emosyon.
"So she's your mother, hu? I thought you don't know her."
Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako nakagalaw.
Hindi.
Hindi ito totoo, 'di ba?
Nanaginip lang ako, 'di ba?
Nandito na si Dee!
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top