CHAPTER 20
Chapter 20: Bianca Demetria
"Dee, isama mo na kasi ako mamaya sa board meeting..." nakangusong saad ko habang nakasubsob ang aking mukha sa leeg ni Dee. Yakap-yakap niya akong nakakandong sa kanya.
"Tss. You'll stay here, and that's final," may pinalidad na deklara nito kaya nainis ako. Bakit ba kasi ayaw niya akong isama sa board meeting? Anong kwenta ko bilang sekretarya niya? Hay... Wala na nga akong masyadong ginagawa rito sa office bukod sa pagtitimpla ng kape niya, eh.
"Dee naman, eh... Isama mo na ako, please? Promise, hindi ako maglilikot do'n. Gagawan pa kita ng notes," pangungulit ko at inamoy-amoy ang kanyang leeg. Bumigat naman ang paghinga nito at napahigpit ang hawak nito sa aking bewang.
"S-stop it, Mee, or else I'll cancel all my appointments and be with you all day."
"Isama mo na kasi ako, Dee. Gusto kong malaman kung anong nangyayari kapag nagbo-board meeting," pangungulit ko pa. Hihi. Alam ko bibigay din yan.
"Aish! You'll just wait for me here okay? There are bastards in that meeting, and I don't want them to drool over you, do you understand?"
Napanguso ako. Ang hirap namang kumbinsihin ng dragon na 'to.
Isa na lang. Last na talaga, at pag hindi pa siya papayag, matutulog na lang ako rito.
Tumingala ako sa kanyang mukha at pinagdaop ko ang aking dalawang palad saka nagpuppy eyes.
"Sige na, Dee... Please, please? Pretty please?"
"You.will.stay.here." Matigas na saad nito at iniwas ang tingin sa'kin. Napabuntong hininga tuloy ako.
"Magpapakabait naman ako Dee, eh. Bakit ba ayaw mo akong payagan?"
"It's not about you, it's all about those bastards in the meeting."
Napabuntong hininga si Dee bago nagsalita.
"I won't stay longer there, okay?"
"Dee naman, eh! Hindi kaya kita naiintindihan. Ano naman ang kinalaman ko sa mga bastards na sinasabi mo? Tsaka, may mga bastards ba na uma-attend ng board meeting?"
"You just don't know how attractive and ravishing you are, Mee. You just don't know... So you will stay here and wait for me, okay?"
Eh?
Haay...
"Sige na nga. Basta pahiram ng cellphone mo, ah? Magsi-selfie ako dito. 'Tsaka pahiram na rin ng laptop, ah?"
Tumango naman ito sa sinabi ko.
"Alright. Let's exchange phone then. You call me when something's went wrong, do you get it?"
"Opo. Kuhang-kuha ko po." Itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang nanunumpa.
"Pft! Silly. Just don't go anywhere else without my consent, okay?"
"Yes, daddy! Pambihira naman Dee eh, 'di ba pambata lang 'yong parent's consent?"
"Just follow what I told you to do, or else I-"
"Oo na nga po!" Pagsuko ko.
"Good."
Inayos ko ang pagkakaupo ko sa mga hita ni Dee at yumakap sa kanya. Naramdam ko naman na nilalaro nito ang aking buhok. Napapikit ako at napahikab, nakakaantok rin pala 'pag wala kang ginagawa.
"Are you sleepy?"
"Medyo. Kaw kasi eh, wala naman akong ginagawa dito. Balak mo ba akong gawing display dito sa office mo Dee?"
"Nah. Didn't you tell me I should stop commanding you?"
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin Dee, eh." Napahikab ulit ako at napatingin sa wall clock.
"Dee, 10:58 na oh. 'Di ba 11AM ang board meeting mo?"
Umalis ako sa pagkakandong ni Dee at nag-inat ng sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table ko at ibinigay ito sa kanya.
"Walang password yan, Dee, ah. Nga pala yung password mo sa cellphone at lap-"
"Your birthday," putol nito sa sasabihin ko.
Huh?
"Pa'no mo nalaman ang birthday ko, Dee?"
"I love you, that's why," walang kaabog-abog na sagot nito.
Eh?
"I have to go. Don't forget to call me when something came up okay? I already told Kuya Nito to buy our lunch," bilin nito at hinalikan ako sa labi.
"My energizer kiss." Untag nito at hinalikan ulit ako ng mabilis saka humalik sa aking noo.
"I love you, Mee." Malambing na saad nito at hinalikan na naman ako sa labi.
"I love you too, Dee." Napangiti ito nang hinalikan ko siya sa labi.
"Seems like I don't want to go to the board meeting anymore," panunukso nito sa akin at niyakap ako.
"Sabi sa'yo Dee eh, isama mo na lang ako."
"Nah. The meeting might end earlier if I catch a bastard drooling over my territory. Do you want me to be a killer?"
Teka... Killer?
"Syempre ayaw ko no'n, Dee. Ayaw kong mapunta ka sa impyerno no. Eh 'di mawawalan ako ng forever sa heaven." Napatawa naman ito nang mahina. Parang nag-ibang tao ngayon si Dee. Ano kayang nakain nito kahapon? Bakit bigla na lang siyang lumambing?
"I think I really have to go before we end up cuddling in my private room."
"Sabi ko nga umalis ka na, Dee. Ikaw kasi ang dami mo pang satsat."
Waah!
Nabigla ako nang hinalikan niya na naman ako sa labi bago lumabas,
Haay... ang duga niya talaga. Hindi man lang ako naka-respond ng kiss niya. Ang sarap pa naman ng labi niya, parang menthol candy.
Eh?
Ang landi mo, Nisyel!
Ano kaya ang magandang gawin dito?
Ang boring naman...
Mag-selfie na kaya ako?
In-enter ko ang birthday ko sa password. Hindi nga nagbibiro ang dragon na 'yon. August 18 nga talaga ang password niya.
Napanganga ako nang bumungad sa akin ang natutulog kong mukha na wallpaper niya. Kinuhanan niya pala ako ng picture nang hindi ko nalalaman.
Infairness... Ang ganda mo pa rin kahit natutulog ka, Nisyel.
Wala sa sariling binuksan ko ang gallery niya ngunit lalo akong napanganga nang puro pictures ko lang ang laman nito. Meron kaming kuha na natutulog ako at hinahalikan niya ako sa ilong. Meron ding nangungulangot ako habang natutulog.
Waaah!
Walang hiyang dragon 'yon!
Sinubukan kong i-delete ngunit ayaw nitong madelete.
Password protected?
0818, enter.
Password incorrect. Try again.
Eh? Mali?
Humanda ka talaga sa'kin mamayang dragon ka!
Halos mabitawan ko ang cellphone nang bigla itong tumunog.
Princess calling...
Eh? Kelan pa naging Princess ang pangalan ni Gold? Mukha niya kasi ang lumabas sa screen.
Hihihi. Bati na sila!
"Hello-"
"Kuya! Nakita ko siya! Nakita ko talaga siya kani-kanina lang. Baka pumunta--"
"Sinong nakita mo, Gold? Si Ate Nisyel mo ito."
"Ate? Ikaw nga ba yan? Asan si kuya?"
"Nasa board meeting. Nagpalitan kami ng cellphone. Teka sino kamo 'yong nakita mo?"
"A-ah k-kwan. Kalimutan mo na 'yon ate. Wala lang naman, ang p-pinsan namin. Tama. 'Yung pinsan namin."
"Nagsisinungaling ka, ano? Halata kaya sa boses mo. Sabihin mo na dali! Promise sasabihin ko agad kay Dee."
"Basta ate huwag kang magagalit ha?"
"Bakit naman ako magagalit? Bumaba ba ang ekonomiya ng Pilipinas? Nakulong na ba 'yung totoong kurakot?"
"Haha... Ate talaga."
"Ano nga kasi?" Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Gold sa kabilang linya.
"Y-yung ano kasi ate..."
"Yong?"
"'Yong ex kasi ni kuya. I mean hindi niya pala ex kasi hindi naman official na naging sila. Basta yung babaeng Bianca ang pangalan na niligawan dati ni kuya."
"Ah... Si Bianca lang pala."
"Nakita ko siya kanina--"
"Wait! Ano?! Si Bianca kamo? 'Yung sinabi ni mommy Amethyst na kachurva dati ni Dee na niloko lang siya at pinagperahan?!"
"Ay! Ate, nadali mo! Pak na pak! Siya nga ang ibig kong sabihin."
Patay!
"Eh ano? Inaway ka ba niya?"
"Hindi, ate. Gusto ko lang sanang balaan si kuya kasi malakas ang kutob kong pupunta siya riyan ngayon."
"Oh nose!"
"Kaya, ate, bakuran mong mabuti si kuya, ah? Baka mag-iinarte na naman yun sa harap ni kuya at lokohin na naman siya."
"Huwag kang mag-aala, uubusin ko muna lahat ng buhok niya mula ulo hanggang paa bago pa siya makalapit sa kuya mo."
"'Yan ang gusto ko sa'yo ate, eh. Amasonang maganda!"
"Naman!"
"Basta. Ate, mag-ingat ka rin, ah? Hindi natin alam kung ano naman ang pakulo ng babaeng 'yon. Bakit kasi bumalik pa siya?"
"Iyon ang hindi ko alam. Siya na lang kaya ang tanungin mo kung bakit pa siya bumalik. Siguro apo siya sa tuhod ni Douglas McArthur."
"Hayaan mo ate at aalamin ko. Magpapaalam na muna ako?"
"Okay. Ba-bye. Ingat, ah?"
"Bye, Ate! Goodluck!"
Goodluck nga talaga sa'kin.
Huminga ako nang malalim nang maibaba ko na ang tawag. Napakislot ako nang may biglang kumatok sa pinto.
Siya na kaya?
This is it.
Dahan-dahang bumukas ang pinto pagkatapos ng dalawang katok kaya huminga ulit ako nang malalim bago magsalita.
"SINONG MAYSABING PUMASOK KA RITO SA LOOB NG TERITORYO KO? UMALIS KA NGAYON DIN KUNG AYAW MONG MAPALABAS DITO VIA EXPRESS LANE! IHUHULOG KITA MULA DITO SA 21ST FLOOR O AALIS KA NANG TAHIMIK?"
"Ma'am Nisyel?"
Eh?
"Kuya Nito, kayo pala. Hehe."
"Bakit po kayo naninigaw? Ipapasok ko lang sana 'yong pinabili ni Ser Skeet na pagkain."
"Ah... Wala po, kuya. Nagpapraktis lang po ako para sa audition ko sa PBB. Balak ko pong sumali ro'n, eh. Hehe."
"Ah, gano'n ba? Sabagay. Bagay nga sa'yong mag-artista kasi ang ganda-ganda mo. Tiyak sisikat ka kaagad."
"Talaga, kuya?"
"Naman, Ma'am."
"Salamat po, ah! 'Tsaka salamat din dito sa pagkain."
"Walang anuman, Ma'am. Sige aalis na po ako."
"Sige, kuya."
Inayos ko muna ang dalang pagkain ni Kuya Nito bago bumalik ng swivel chair. Hindi ko namalayang naiwan ko palang nasa dulo ng mesa ang cellphone kaya nahulog ito at nagkahiwa-hiwalay.
Waah!
I'm dead!
Dali-dali akong yumuko at pinulot isa-isa. Ngunit nasa kalagitnaan ako nang pamumulot ng naulinigan kong bumukas ulit ang pinto at narinig ko ang tunog ng takong ng sapatos.
Hala!
"Hey, Miss, where's your boss? Tell him I want to talk to him!" Ma-awtoridad na utos ng boses.
'Di kaya ito na 'yong Bianca?
Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at hindi siya pinansin. Neknek niya!
"Hoy! Hampas-lumpa, kinakausap kita! Nasaan ang boss mo? At ano ang ginagawa mo riyan sa puwesto niya?" malakas na bulyaw nito.
Ano raw?
Hampas-lupa?
Hampas-lupa pala, ah... Ihahampas talaga kita makikita mo.
Dahan-dahan akong tumayo habang nakakuyom ang aking kamao. Nakayuko ako kaya dahan-dahan kong inangat ang aking mukha para makita siya ngunit...
"Waaah!!!!"
"Bingbing?"
"Nelnel?"
Sabay na wika namin nang makilala ang isa't isa.
"BFF!/BFF!" Sabay ulit naming wika.
Mabilis akong umikot at sinalubong siya ng yakap.
"Ikaw na nga ba talaga 'yan, BFF?" Tanong nito sa'kin.
"Oo nga, ako nga 'to. Ang tagal mong hindi bumalik ng ampunan simula nang may nag-ampon sa'yo, ah. Miss na miss na kita, BFF!" Maluha-luhang saad ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Miss na miss rin kita, BFF. Pasensya ka na. Marami kasing nangyari kaya hindi kita nadalaw sa ampunan." Sagot nito at niyakap rin ako nang mahigpit.
"Ang ganda-ganda mo na, BFF. Hindi ka na bungi. Saka pasensya na kung nabulyawan kita, ah? Hindi kasi kita nakilala agad eh." Untag nito nang pareho kaming humiwalay sa yakap.
"Ikaw rin kaya, ang ganda-ganda mo. Pati damit mo ang sosyalin," puna ko sa suot nito. Ang ganda-ganda talaga ng BFF ko. Pero maganda din ako kaya nga BFF kami eh.
"Teka, huwag mong sabihing dito ka nagtatrabaho?" Tanong nito.
"Dito nga, BFF. Executive Assistant ako rito. Ikaw? Bakit nga pala napadpad dito?"
"A-ah k-kasi..."
Hindi na natapos ni BFF ang sasabihin niya nang umalingangaw ang baritonong boses mula sa pinto.
"WHAT ARE YOU DOING HERE, BIANCA?"
"S-skeet?" Nanginginig na turan ni BFF.
"LEAVE!" Malakas na bulyaw ni Dee at puno ng galit ang kanyang mga mata. Para itong papatay anumang oras kaya pareho kaming napaatras ni BFF.
"I SAID, LEAVE AND NEVER COME BACK, BIANCA!"
Bianca? Teka...
Si BFF at si Bianca ay iisa?
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top