CHAPTER 17
Chapter 17: Real
"Aaahhh!"
Napakapit ako nang mahigpit sa headrest nang bigla itong nagpreno ng sasakyan.
"Walang hiya ka talagang dragon ka! Kanina ka pa, ah! Namumuro ka na talaga! Argh!" Malakas na singhal ko sa kanya.
"Finally you've spoken up. Tss," walang emosyong saad nito kaya tiningnan ko siya ng masama. Dumikit tuloy sa ibabang labi ko ang sticky note ng bigla nalang akong nagsalita.
"Ang hilig-hilig mong manggulat! Paano na lang 'pag inatake ako sa puso at maagang mamatay, ha? Argh! Isasama talaga kita sa libingan ko! Nakakainis ka!" nanlilisik na bulyaw ko sa kanya pero hindi man lang ito natinag.
"Do you think I will let that happen? Tss. Stupid."
"Kita mo na! Ako pa ngayon ang stupid! Ikaw nga itong nang-away kay Gold na walang dahilan, eh. Stupido ka talaga kahit kailan! Ang sarap mong balatan!"
"I will always be with you wherever you go. Whatever you do. And hell no, even death can't stop me," seryosong sagot nito pero hindi nito binibitawan ang manibela at diretso lang ang kanyang tingin sa daan.
"Ewan ko sa'yo! Hindi kita bati. Hindi ka ba marunong magbasa, ha? Out of order nga itong bibig at tainga ko kinakausap mo pa ako! Ang sarap mong tirisin at ipakain sa palaka!!! Augh!"
"Tss. Sorry," nakayukong wika nito.
"Ano pa ang magagawa ng sorry mo kung nangyari na?"
"I just can't take your silence. It's freaking the hell out of me," anito at parang nalungkot.
Awww!
Pero...
"Huwag kang mag-sorry sa'kin. Magsorry ka sa kapatid mo."
"And why should I? Tss."
"Why should I? Seriously, Dee? Eh, pinaiyak mo lang naman siya! Ang bait-bait naman niya at wala siyang ginagawang masama!"
"I can share everything that is mine except you. You will always be an exception, Mee." Anito at hinawakan ako sa kaliwang kamay at dinala sa kanyang labi.
Eh?
Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang tatalon na naman ito palabas. Ang init ng kanyang hininga sa knuckles ko.
"E-ewan ko sa'yo. Basta hindi pa rin tayo bati. Mag-sorry ka muna kay Gold," nakangusong saad ko at ibinaling ang aking paningin sa windshield.
"Why are you pushing me to apologize to her? I haven't done anything wrong," katwiran nito at nagsalubong ang kilay.
"Pinaiyak mo ang dyosa kaya isang malaking kasalanan yun. Gusto mo ba talaga mapunta sa impyerno? Mainit dun at walang aircon!" Naiinis na sagot ko.
"How did you know? Have you been there?" Nakataas kilay na untag nito. Pinatitripan yata ako ng dragon na 'to.
"Oo galing ako ro'n. Pero hindi ako bagay roon kaya pinalayas ako. At saka nakita ko ang pangalan mo ro'n sa listahan ng mga iba-barbeque. Kaya kung ayaw mong matusta mag-sorry ka sa kapatid mo! Kuha mo?"
"Tss. How may I ever win an argument with you?" Hindi ko masyadong narinig ang kanyang sinabi dahil bumubulong bulong ito.
"Anong binubulong bulong mo riyan? Bubuyog ka ba?" Singhal ko sa kanya. Ang tigas-tigas talaga ng bungo ng dragon na 'to.
"Tss. Nothing."
"Oh, ano na? Magso-sorry ka ba kay Gold o hihingi ng tawad?" Tiningnan niya naman ako nang hindi makapaniwala.
"Tsk. Fine. As if I have a choice," sumusukong saad nito at pinaandar ulit ang sasakyan.
"Good." Dumikwatro ako at humalikipkip saka tinaasan siya ng kilay. Patingin-tingin naman ito sa'kin at nakita ko ang pagngiwi nito. Tsk!
...
"Wooow!"
Literal na napanganga ang aking bibig nang bumaba na kami sa saksakyan.
Isang malawak na bermuda grass na nakapalibot sa isang malaking aquarium ang unang mapapansin sa harap ng bahay. Marmol ang inaapakan namin na may iba't-ibang designs. Combination ng blue at green dito sa labas.
"Waah! Ang daming isda!" Halos hindi ko matanggal ang aking paningin sa pabilog na aquarium. May fountain ito sa gitna na dinadaluyan ng tubig. Ang colorful tingnan. Parang ginto at pilak na lumalangoy ang mga isda. Nakakaaliw.
"Let's get inside." Nagpaakay lang ako kay Dee nang hinawakan niya ako sa braso para pumasok. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa aquarium habang naglalakad kaya natapilok ako.
"Careful." Mabilis akong hinawakan ni Dee sa bewang bago pa ako matumba.
"Eh, hehe. Dee, puwedeng mag-selfie mamaya dun sa mga isda?" Tumawa naman ito ng mahina sa tanong ko.
"Alright. But first you have to eat breakfast, Mee, aren't you starving?"
Hay...
"Oo nga pala. Basta babalik tayo rito mamaya ah?" Tumango naman ito na nakangiti at hinawakan ako sa bewang papasok sa loob.
"WOOOW!"
Kung kanina ay napanganga ako sa ganda sa labas ngayon naman ay nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng loob ng mansyon.
Isang malawak na sala ang bumungad sa amin na unang mapapansin ay ang nangingintab na chandeliers na parang snowflakes na magkarugtong. Maayos na maayos na nakakabit ang sheer curtains sa glass window at malaking magkabilaan na sofa na napagitnaan ang babasaging center table. Sa gilid na bahagi ay may spiral na hagdan pataas.
"What took you so long?" Napatingin kami kay Sir Stanley na biglang sumulpot.
"Si Dee po kasi nag-inarte pa, eh."
"Tss."
Napatawa naman ang daddy niya sa amin at pagkuwa'y...
"Come on. Naghihintay na ang mommy mo at ang mga kapatid mo sa dining room." Nagpatianod lang ako nang hinawakan ako ni Dee papasok daw sa dining room.
"Ate!"
"Nisyel!"
Sinalubong agad ako nila Ma'am Amethyst at Gold pagkarating namin sa malawak na dining room. May chandelier din sa gitna na nakasentro sa mesa.
"Dito ka, ate." Pinaghila niya ako ng upuan at tumabi sa akin. Nanlaki ang mga eyeballs ko nang makitang ang daming pagkain kaya hindi ko na pinansin ang pag-upo ni Dee sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ni Gold.
"Waah! Estopadong manok! Peyborit ko 'to!"
Napatawa silang lahat pero hindi ko sila pinansin. Nagsimulang magdasal na pinangunahan ni Ma'am Amethyst at pagkatapos ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong sumandok ng kanin at kumuha ng estopadong manok at sunod-sunod na sumubo.
Gutom na talaga ako.
"Gutom ka nga talaga,ate..." untag ni Gold pero patuloy lang ako sa pagsubo. Walang hiya-hiya sa taong gutom.
Sarap na sarap ako sa pagkain nang maramdamam kong may nakatingin sa akin kaya ibinaba ko muna ang kubyertos at inilibot ang aking paningin.
Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang lahat sila ay nakatingin sa akin at hindi pa nag-uumpisang kumain.
Eh?
Tiningnan ko si Dee at gano'n din ito. Walang laman ang kanyang plato kaya kumuha ako ng isang kutsarang kanin at nilagyan ng maliit na himay ng manok at isang ring-shaped sliced na sibuyas.
"Dee, say aaah." Namula ito ngunit isinubo niya rin at nginuya. Ngumiti ito sa'kin nang matapos niyang malunok ang isinubo ko.
Naniniwala na ako sa forever
Magmula nung makilala kita
Napatingin kaming lahat kay Silver nang sumipol ito at kumanta ng dalawang linya ngunit nakayuko.
"Kailan ka pa natutong kumain ng onions, kuya?" pagkuwa'y tanong ni Gold na nasa tabi ko.
"You surprised us, son..." namamanghang saad ni Sir Stan ngunit siniko ito ni Ma'am Amethyst.
"Oo nga naman, kuya. Saksi kaya ako nang halos isumpa mo ang sibuyas. This is a miracle!" Natatawang saad ni Silver. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila dahil pinandilatan din ito ni Ma'am Amethyst.
"Tss." Iyon lang ang itinugon ni Dee at nagsimula na itong kumain.
"Bakit po? Kumakain naman talaga siya ng sibuyas, ah. Kumakain kaya kaming magkasama sa office," untag ko ikinanlaki ng mga mata nila. Weird.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil gutom na gutom ako. Paminsan-minsan ay sinusubuan ko si Dee at gano'n din siya sa'kin. Kailangan kong magpakabait para mag-sorry siya mamaya kay Gold.
Pagkatapos kumain ay inaya ko si Dee na mag-selfie sa mga isda pero hindi siya pumayag. Mamaya nalang daw pagkatapos magpahinga. Inaya din sana ako ni Gold pero hindi ito nakaangal sa kanyang kuya.
Pumasok kami ni Dee sa isang music room at manghang-mangha ako sa dami ng piano sa loob.
"Those are my collections. I bought them from different countries," anito. Binilang ko ito lahat. May maliit at may malakit. Forty-eight lahat!
"Eh? Natugtog mo na 'to lahat, Dee?" Di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti naman ito at tumango.
"Dee?"
"Hmm?"
"Puwedeng tugtugan mo ako?"
"You sure?" Tumango ako at ngumiti.
"Come." Humarap ito sa isang mukhang bagong piano at pinaupo ako sa kanyang gilid.
Minamasdan ko lang siya ng magsimula itong tumugtog.
It's amazing how you
Can speak right to my heart.
Without saying a word
You can light up the dark.
Eh?
Wapak! Ang ganda ng boses niya!
Talentado rin pala itong dragon na 'to. Cool!
Namangha ako dahil sa'kin na nakatutok ang mga mata nito at hindi sa keyboard. Galing!
Nakatutok lang mga mata nito na parang kinakausap niya ako sa pamamagitan ng kanta.
Huh?
Nabubuang na yata ako
You say it best when you say nothing at all.
You say it best when you say nothing at all.
Pumalakpak ako nang matapos na ito sa pagtugtog.
"Waah! Dee, puwede ka nang mag-audition sa PGT!"
"Tss."
Napatigil ako nang bigla itong nagseryoso.
"Mee?"
"Hmm?"
"I... I want to make this real. I mean... I mean..."
"Huh? Ano 'yon, Dee?" Naguguluhang tanong ko dahil mukha itong natatae.
Di kaya na LBM na naman 'to?
Pero pakiramdam ko nalunok ko ang buong dila ko sa idinugtong nito.
"Will you be my girlfriend for real?"
Eh?
Is this for real? Wapak!
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top