CHAPTER 16
Chapter 16: His Family
"Waah! Kuya! Ang ganda-ganda ng girlfriend mo!" Nabigla kaming lahat nang dali-daling inilapag ng babaeng maganda ang mga prutas na bitbit niya at mabilis akong dinampa ng yakap kaya napabitaw si Dee sa aking kamay.
"Dang it, Gold! Get off her!" bulyaw ni Dee sa babae at pilit nitong tinatanggal ang pagkayakap sa'kin.
"Ang damot mo naman, kuya! Ngayon nga lang ako nakakita ng human doll, eh! Payakap lang naman. Hindi ko naman siya aagawin sa'yo! Hmp!" nakangusong untag nito at tila iiyak.
Pero ano raw?
Human doll?
Ako? Human doll?
Kelan pa naging doll ang dyosang tulad ko?
"Eh, hehe... Hindi ako laruan ,ah. Dyosa ako. Dyosa ng mga endangered species," untag ko na ikinatigil nito. Narinig ko naman ang pagtawa ng tatlo maliban kay Dee.
Nag-angat ito ng tingin at sinipat ako sa mukha.
"Waah! Ang ganda rin ng boses mo! Para kang anghel!" An'ya at niyakap ulit ako.
Hala!
Anghel?
Isa akong anghel?
Hmm.
Sa tingin ko magkakasundo kami ng babaeng ito.
"Sabagay. Puwede na rin pala akong maging anghel. May punto ka." Pagsang-ayon ko at tumango-tango bago ako bumangon ngunit pinigilan ako ni Ma'am Amethyst.
"Huwag ka munang gumalaw, Nisyel baka makasama sa'yo." Anito.
Eh?
Ano raw?
Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang lahat dahil hindi sila magkadaugaga sa kakaayos ng kanilang mga dala.
Ramdam ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, lalung-lalo na ni Ma'am Amethyst.
"Dito po kayo matutulog?"
Napatigil ito nang biglang akong nagtanong. Kunot nuong tiningnan niya ako at pagkuwa'y bumaling ito kay Dee.
"Ikaw ba, Skeet, hindi mo babantayan dito si Nisyel mamayang gabi?" Untag nito na ikinakunot lalo ng aking magandang noo.
"What?" naguguluhang tanong ni Dee.
"O siya, ayos lang naman kung kami muna ng daddy mo ang magbabantay sa kanya mamayang gabi. Magpahinga ka nalang at bukas ka nalang bumalik," seryosong saad nito.
"Ako rin, mommy. Magbabantay ako sa girlfriend ni kuya," singit ng babaeng maganda na yumakap sa akin.
Nagpalipat-lipat ulit ang tingin ko sa kanila.
Teka, teka...
Girlfriend?
Ako ba ang tinutukoy niya?
Ang alam ko hindi ko pa naman jowa si Dee, ah.
"Eh, hehe. Kwan. Eh, sabi po ng doktor puwede na daw po akong lumabas mamaya," wika ko.
"What?/Ano?/Talaga?" Sabay-sabay na untag nila Ma'am Amethyst, daddy ni Dee at ni Gold.
"O-opo."
Napaface palm naman si Ma'am Amethyst.
"Hindi mo naman sinabi, anak, na maayos na pala siya. Dali-dali pa naman kaming bumili ng gamit bago pumunta dito," anito.
"Tss. It wasn't my fault,tMom. You didn't let me finish. You just dropped the call," nabuburyong katwiran ni Dee.
"Hayaan na yan Mommy. Mabuti nga safe na itong si Ate Angel eh." Ani Gold.
"Ah hehe, Nisyel ang pangalan ko. Hindi Angel."
"Mukha po kasi kayong anghel, eh. Pero mukha rin kayong doll. Pero bagay rin sa'yo ang pangalan mo. Kakaiba!"
"Kasi nga endangered species ako kaya pati pangalan kakaiba," sagot ko. Napailing naman si Ma'am Amethyst.
"Now I know." Mahinang untag ng daddy ni Dee at umiiling-iling pa na may kasamang ngiti.
"I told you,hubby..." sagot naman ni Ma'am Amethyst at humilig sa balikat ng asawa nito.
Sweet.
"I'll just pay your bills. Stay here," pagkuwa'y untag ni Dee. Hinawakan niya ako sa kamay at marahan itong pinisil bago tuluyang umalis.
Bakit pakiramdam ko parang glue ang mga mata Dee kung makatingin sa'kin?
Iyon ba yung naririnig ko palagi na malagkit na titig?
Nagulantang kaming lahat ng tumunog ang aking tiyan.
Hala!
"Waah! Hindi pa pala ako nakapagbreakfast!" Untag ko.
"Ano?! Ginugutom ka ni kuya?! 10 AM na kaya!" Naghi-hysterical na saad ni Gold. Tahimik naman ang isang lalaki sa gilid.
"Kasalanan ng hagdan, hindi ako sinalo. Huhuhu. Ayan tuloy hindi na ako nakakain ng almusal kasi dinala ako rito."
"Waah! Kawawa ka naman, Ate! Napaka talaga ni kuya," naiinis na turan nito at ngumuso.
Cute.
Siguro kabilang din itong si Gold sa mga endangered species kagaya ko.
"By the way, Ate, I forgot to introduce myself. My full name is Gold Reign Mijares and this is my twin, Silver Rain," turo nito sa lalaking kamukha niya.
"It's nice to finally meet you, Ate Nisyel." Nakangiting saad ng lalaki.
Weew.
Wafu!
"Anghel," untag ko.
"Para kayong anghel na bumaba mula sa langit."
"Waah! Talaga?!" Hindi makapaniwalang untag ni Gold. Tumango tango ako at ngumiti ng malapad kasi totoo namang maganda at guwapo sila.
"Eh, 'di ibig sabihin na in love ka kay kuya dahil mukha siyang anghel?" Tanong ni Gold.
Eh?
In love?
In loved ako kay Dee?
"Ah oo hehe. Isa siyang anghel..."
"...na tinubuan ng sungay."
Napatawa silang lahat sa sinabi ko. Hindi manlang nagalit?
"Ang mabuti pa lumabas nalang tayo para makakain na itong si ate Nisyel niyo." Singit ni Ma'am Amethyst.
Ate n'yo.
Ate n'yo.
Ate n'yo.
Eh?
Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang bumilis ang tibok nito.
Ang sarap sa pandinig na tawagin akong ate at parang tanggap nila ako.
Haay. Oo nga pala. Kalahi ko nga pala itong si Gold kaya dapat ate ang itawag nito sa'kin.
Pero...
"Hindi ko po jowa si Dee." Natigilan silang lahat at itinuon ang buong atensyon sa akin.
"Dee?" Sabay-sabay nilang tanong at nagsipagkunutan ang kanilang noo.
"Opo. Hindi ko pa po jo-"
"Let's go."
Napatingin kaming lahat ng pumasok si Dee at dire-diretsong pumunta sa tabi ko.
"Uuwi na tayo, Dee?" Umiling lang ito.
"Itutuloy natin yung date?"
"Nah. You need to rest, Mee." Malambing na sagot nito.
"Kyaaah! Ang cute naman ng tawagan n'yo, Dee at Mee! Iyon ba ang hindi magjowa pero may endearment?" Malakas na hiyaw ulit ni Gold.
"Naniniwala na talaga ako sa himala," untag ni Silver na pasimpleng sumipol sa tabi.
Kumunot naman ang aking noo dahil kanina ko pa sila hindi maintindihan.
"Teka lang, anak..." pigil ni Ma'am Amethyst pagkatapos akong alalayan ni Dee na makabangon.
"Ang mabuti pa sa bahay mo na lang dalhin si Nisyel para makapagpahinga siya, anak. 'Di ba mag-isa lang siya sa apartment niya? Mas maaalagaan siya kapag nasa bahay siya."
Sandaling natigilan si Dee at pagkuwa'y hinawakan ako sa kamay.
"Tama si mommy tsaka sa amin ka na sumabay ni kambal ate Nisyel." Magiliw na saad ni Gold sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Tss. She'll go with me." Malamig na saad ni Dee at malakas na pinalis ang kamay ni Gold kaya napapiksi ito.
"Skeet!" Untag ni Ma'am Amethyst na may halong pagbabanta sa kanyang boses.
Napayuko si Gold at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ngayon ko lang napatunayan na ang sama talaga ng ugali ng dragon na 'to. Ang bait-bait ng kapatid niya inaaway. Buti nga siya may kapatid, eh.
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula kay Dee at niyakap si Gold. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-uudyok sa akin na gawin ito.
"Shh. Tahan na. Hindi puwedeng umiyak ang isang dyosa." Bulong ko sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang likod pero...
Eh?
Yumugyog lalo ang balikat nito at naramdaman ko rin ang pagkabasa ng balikat ko.
"Hayaan mo, tuturuan na lang kita mamaya ng mga tips kung paano mapanatili ang ating pagkadyosa," bulong ko ulit at hinaplos haplos ang kanyang likod. Bigla nalang din itong bumitaw sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Talaga?!" Natutuwang saad nito.
Haay salamat tumahan rin. Itong si Dee kasi marunong magpaiyak pero hindi marunong magpatahan. Tsk!
"Talagang-talaga!" Tumatangong saad ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinahid ang kanyang mga luha.
"Aasahan ko 'yan, ah?" sabi nito at niyakap ulit ako. Napabitaw lang ulit ito ng tumikhim ang kanyang kuya.
Humanda ka sa'kin mamaya Dee. Magtutuos tayo!
"Mag-convoy na lang tayo," suhestiyon ni Ma'am Amethyst.
"Ingat po kayo!" Tumango si Sir Stanley at ngumiti naman si Ma'am Amethyst bago tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.
"Ingat kayo ate!" Nakangiting bilin ni Gold. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking dibdib dahil maaliwalas na ulit ang kanyang mukha.
"Kayo rin!" Lumapit ulit ito sa akin at niyakap ako saka bumalik sa sasakyan ng kanyang kambal.
Nag-wave lang ako ulit bago pumasok sa sasakyan ni Dee. Hinayaan ko lang siyang alalayan ako at hindi nagsalita.
Kinabit ko agad ang seatbelt pagkapasok ko. Huwag kayo, marunong na akong magkabit nito.
Naramdaman kong tinitingnan ako ni Dee nang makapasok na ito sa sasakyan. Marahil ay ikakabit niya sana sa'kin ang seatbelt tulad ng palagi niyang ginagawa.
Pinanatili kong blangko ang ekspresyon ng aking mukha at diretso ang tingin sa daan. Bahala na kung magkaka-stiff neck ako basta hindi kami bati.
Naramdaman ko ulit ang pagtingin nito sa akin bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
Kahit nangangalay na ang aking bibig sa kakatikom ay tiniis ko na lang. Hindi sana ako sanay na hindi umaatungal pero kailangan kong turuan ng leksyon ang dragon na 'to.
"Are you hungry?" pagkuwa'y tanong nito habang nagmamaneho. Nadagdagan tuloy ang inis ko sa kanya. Siguro naiwan na naman ang common sense nito. Alam naman niyang hindi ako nakapag-almusal magtatanong pa.
Katahimikan.
"Are you tired?" mayamaya'y tanong ulit nito. Gusto ko siyang bulyawan kasi ang slow niya! Argh!
Nakatikom lang ulit ang aking bibig at kunwaring hindi ko siya narinig.
"I'm talking to you. Are you deaf?" saad ulit nito.
Playing deaf.
Silence.
"Why are you not talking? Are you mute?" Tanong ulit nito at binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Binuksan ko ang bag ko na nasa kandungan ko at kumuha ng sticky note at ballpen. Palagi ko itong dala-dala dahil baka kailangan, at hindi nga ako nagkamali.
Sinulatan ko ang dalawang piraso nito at kinuha sa sticky note pad.
OUT OF ORDER.
Sinulat ko talaga na naka-capslock para madali niyang mabasa.
Idinikit ko ang isa sa kaliwang tenga ko at ang isa sa bibig ko. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kalsada at humalikipkip.
"What the hell!" malutong na mura nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
"DANG IT!" Napapiksi ako sa paglakas ng boses nito. Ang bilis bilis din ng pagpapatakbo nito ng sasakyan. Halos hindi ko na makita ang nadadaanan namin hanggang sa...
"Aaahhh!"
© GREATFEARY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top