CHAPTER 14

Chapter 14: DeeMee

"Ang ibig mong sabihin ay sinasagot mo na ako, Sir?" 'Di makapaniwalang tanong ko kay Sir D habang yakap-yakap pa rin niya ako.

Tumawa ito nang mahina ngunit may tunog.

Iyon ba yung tinatawag nilang sexy laugh?

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na naman ang mga kulisap sa aking tiyan at ang kakaibang kabog ng dibdib ko.

"Pft!- Silly. Of course I won't do that."

Eh, walang hiya naman pala 'tong dragon na 'to, eh. Pinapaasa lang ako! Mabilis akong kumalas sa pagkayakap at pinamewangan siya.

"Kung gano'n, ayaw n'yo sa'kin? Akala ko ba you like me too?" Naiinis na untag ko at tiningnan siya ng masama. Ramdam ko pa rin ang basang pisngi ko dahil sa acting ko kanina.

"Tss. I'll court you."

Eh?

Hala!

"Weh? 'Di nga? 'Di ba hindi kayo marunong manligaw? Nagre-research pa nga-- aww!"

Napahawak ako sa ilong ko nang pinisil ito ni Sir D.

"Ang sama n'yo, Sir. Sa lahat ng puwedeng pisilin ang ilong ko pa. Saka sigurado ba kayong liligawan n'yo ako?"

"Yes."

"Talaga? Peksman? Mamatay ka man?"

Napailing-iling ito sa sinabi ko.

"You're too loud. Tsk. I'll court you, got question with that?"

Eh?

"Sabi ko nga po wala. Pero puwede ko kayong bastedin."

"WHAT?!" Nalaglag ang kanyang panga at nagtukaan ang kanyang kilay.

"Ah... Wala po. Wala po. Sabi ko po gusto ko na kayong sagutin." Napangiti naman ito sa sinabi ko.

"...pagdating ng panahon." Dagdag ko na ikinasimangot ng kanyang mukha.

"Tss. As if I let you reject me." Anito na parang siguradong-sigurado.

"Waah! Sir, huwag kayong ganyan nagwo-world war 3 ang mga bulate ko sa tiyan!"

Napatawa na naman ito at hinapit niya ako sa bewang. Hinawakan niya ako sa pisngi gamit ang kabila niyang kamay.

"It never crossed my mind that I would fall for a woman after all that had happened to me." Seryosong untag nito at tiningnan ako sa mga mata. Hindi manlang siya kumurap. Gusto pa ata niyang makipagtagisan sa akin sa paligsahan ng walang kurap kurap.

"The more I restrain myself to like you, the more I fall for you. I fell for you too fast, and I guess you already have this." Napakunot ang noo ko nang hinawakan nito ang isang kamay ko at idinantay sa kanyang dibdib.

Oh nose!

"Sir? Bakit ang bilis-bilis din ng tibok nito?" Kinuha ko ang aking kamay mula dito at inilipat ko ang isang tenga ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ni Sir.

"That's how it beats when I'm this close to you," malambing na saad nito ngunit seryoso.

"Waah! Parehas pala tayo, Sir D. Gano'n din sa'kin, eh."

Mabilis kong kinuha ang kanyang kamay at dinantay ito sa aking dibdib.

"Nararamdaman mo ba, Sir D?"

"Sabi ko sa'yo eh parehas tayo-"

Eh?

Bakit biglang tumahimik si Sir D?

Tumingala ako para makita ang kanyang mukha ngunit ganoon na lang ang pagkagitla ko nang makitang pulang-pula ang kanyang mukha. Nakita ko rin ang paggalaw ng adam's apple niya.

"Hala! Ano nangyayari sa inyo, Sir? Alin ang masakit? Kailangan ko na ba kayong dalhin sa albularyo?" Sinapo ko ang kanyang magkabilang pisngi para masipat ang kanyang mukha ngunit iniwas niya ang kanyang tingin.

"I... I'm fine. I'm fine." Anito.

"Sigurado kayo, Sir? Baka binabarang na pala kayo nang hindi n'yo nalalaman kasalanan ko pa dahil ako palagi ang kasama niyo. Aba't mahirap na baka mapagkamalan pa akong mambabarang. Aba'y hindi puwede 'yon dahil isa akong dyosa." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsk! You really never fail to ruin a moment, do you?" Untag nito at niyakap ulit ako.

Aba! Aba! Aba!

"Namumuro ka na Sir,  ah! Kanina pa kayo yakap nang yakap. May bayad na 'to, ah!"

Napatawa na naman siya at hinigpitan lalo ang yakap.

"I love to hold you like this. I didn't know what happened to me but I'm addicted to hug you. Did you cast a spell on me?"

Kumunot ang noo ko dahil wala na akong naiintindihan sa pinagsasabi ni Sir. Kanina pa siya english ng english eh. Kala niya yata sa akin foreigner.

"Aba malay ko, Sir. Ang alam ko hindi naman ako magaling sa spelling, eh."

Napatawa na naman siya at bumulong pero dahil yakap niya ako ay rinig na rinig ko.

"Darn it! I'm smitten."

Eh?

...

"KAYO ho ba ay walang planong umuwi? Kasi po ako namimiss ko na ang kwarto ko kaya babush na po!"

Binitbit ko ang aking bag at akmang maglalakad na patungo ng pinto nang...

"Wait!" Untag ni Sir at mabilis itong tumayo.

"Ay! Uuwi rin pala kayo, eh. Akala ko kasi dito kayo matutulog. Walanjo ka Sir. Wala ka namang ginawa buong araw kundi titigan ako ah!"

Natigilan naman siya nang bahagya. Akala niya hindi ko alam na gumagalaw ang eyeballs niya kanina? Halatang-halata kaya dahil pa sulyap-sulyap rin ako sa kanya kanina. Hihihi.

"Let's go." Iyon lang at hinawakan niya ako sa kamay saka marahang hinila palabas.

Napanganga ang lahat pagkakita nila sa amin ni Sir. Yung iba ay bahagya pang natulala sa sobrang pagkagulat.

"B-bye, Sir."

"Bye, Sir."

"Goodbye po, Sir."

Napatingin ako kay Sir D na hindi manlang pinansin ang mga sinabi ng mga empleyado. Kahit kailan talaga ang sungit-sungit ng dragon na 'to.

"Bye po!" Ngumiti ako sa kanila at kumaway bago tuluyang nagsara ang private lift.

Pagkarating sa basement ay agad binigay ng mama na tinawag ni Sir D na Kuya Nito ang susi ng sasakyan.

Hindi ko na narinig ang kanilang usapan dahil naipasok na ako ni Sir D sa kanyang sasakyan. Mukhang may binibigay itong instruction kay Kuya Nito.

Anyway highway, hindi ko na sila pinansin dahil naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na bango dito sa loob ng sasakyan.

Kaamoy ni Sir D.

Pero teka lang, Nisyel.

Bakit ka nandito sa loob ng sasakyan ng boss mo?

Napatampal ako sa noo ko nang maalalang uuwi na dapat ako.

Lalabas na sana ako nang bigla na lang akong napatigil.

"Where are you going?" Nakakunot noong tanong ni Sir D na kakapasok lang sa driver's seat.

"Uuwi po siyempre. Tsk! Naiwan n'yo ba yung common sense n'yo sa office?"

"I'll drive you home."

Weh?

"Talaga, Sir D! Eeeh! Yes!"

"Tss. How many times do I have to remind you to cut that formality? Stop calling me Sir. Tss."

"Alam mo, Sir, ang gulo mong kausap. Ayaw mo ngang tawaging Sir, ayaw mo ring tawaging Boss. Yung totoo Sir D?"

"Call me by my first name. Tss," anito na hindi pa rin pinapaandar ang sasakyan. Nakahawak lang ito sa manibela.

First name ba kamo?

"Ayaw ko 'non, Sir, eh."

"W-why?"

"Palagi kayang lenten season yang mukha mo. Hindi bagay sa'yo ang pangalan niyo Sir D."

"Sir D? You mean, daddy?"

"Kita niyo na? Mukha ba kayong daddy? Dragon kamo."

"Tss. I thought it was an endearment." Bulong niya pero dahil dyosa ako ay narinig ko.

Pero teka...

Endearment?

"Wapak! Puwede! Buti naisip mo yun! Hihihi. Dee."

Napangiti naman si Sir D sa kanyang narinig.

"I'll call you Mee then." Untag nito.

Pero... ano?

"Mee?"

"Mee as in mommy," sagot niya.

"Ang sama mo naman, Dee! Mukha ba akong nanay, ha? 'Tong gandang 'to?"

"'Cause you will be the future mother of my children. Always remember that." Untag nito saka tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Ano raw?

...

INIHINTO ni Dee ang sasakyan eksaktong sa harap ng apartment ko.

"Teka paano mo nalaman itong address ko? Hindi ko naman sinabi ah! Kayo ah! Stalker kayo, 'no?"

"Tss, it's in your resume."

Oo nga pala! Nakasulat nga pala ang address ko 'don.

Dinedma lang ako ni Dee at lumabas ito ng sasakyan saka umikot at pinagbuksan ako ng pinto. Ang bait.

"Salamat, Dee. Sa uulitin. Hehe."

"Tss. I'll fetch you tomorrow."

"Sabado bukas Dee. Wala tayong pasok. Nakali-"

"We'll have a date."

Did I hear it right?

Magdi-date kami?

Gusto ko 'yon!

"Oo ba. Basta libre mo, ah?"

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat saka pumihit ulit patungong gate ngunit narinig ko pa ang pagtawa nito nang mahina.

Mga ilang hakbang na ako sa malapit sa gate nang mapansin kong hindi tumitinag sa kanyang kinatatayuan si Dee.

"Dee?"

"Hmm?"

"Ahh. Wala, wala. Sabi ko papasok na ako. Ingat, ha?"

Pipihitin ko na sana ang gate ng tinawag niya ako.

"M-mee?"

"Ano 'yon, Dee?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

Napakamot ito sa batok at inilagay ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.

"C-can I k-kiss you?" Anito.

Ah...

"'Yon lang ba? Aba, oo naman Dee-"

Eh?

Teka...

Kiss ba 'yong hiningi niya?

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis niya akong hinalikan sa tungki ng ilong.

Waah!

Bakit parang ang init-init ng pisngi ko.

Mabilis akong pumasok at napasandal sa pader.

Napahawak ako sa aking ilong.

Eh!

First kiss ko 'yon!

"Oh? Ano'ng nangyari riyan sa mukha mo, Nisyel? Bakit pulang-pula yang mukha mo? At sino 'yong naghatid sa'yo? Boyfriend mo ba 'yon?" Natigilan ako sa sunod-sunod na tanong ni Lady M.

"Teka, teka, isa-isa lang po mahina ang kalaban. Una, namumula po ako kasi dyosa ako. Pangalawa, boss ko po yung naghatid sa'kin. At pangatlo, hindi ko po siya boyfriend, manliligaw pa lang."

"Ano?"

"Babush po!"

Mabilis akong tumalikod papanhik ng second floor bago pa ako tatadtarin ng tanong ni Lady M. Ang tsismosa talaga ng ampalayang 'yon kahit kailan.

...

ILANG beses na akong nagpabaling-baling sa aking higaan ngunit hindi ako makatulog.

Waah! Bakit paulit-ulit kong nakikita ang mukha ni Dee sa diwa ko?

Hindi kaya minamaligno niya ako?

Pipikit na sana ulit ako nang tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ito mula sa tukador.

1 message received

Eh? From unknown number?

Good night, Mee. I already missed you. Damn! Can't wait to see you tomorrow.

~Dee

Hala!

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat ngunit mabilis akong nagtipa ng reply.

Waah! Paano mo nalaman ang number ko, Dee?

Send.

Pero...

Message not sent. Check operator services.

Deym!

Wala pala akong load!

...

NAPAMULAT ako ng mata nang maulinigan ko ang ingay sa hallway sa labas ng kwarto ko. Nang tumingin ako sa maliit na wall clock ay 8:48 na pala ng umaga.

Ano kaya 'yon? Masakit pa naman ang ulo ko sa sobrang antok. Walang hiyang cellphone kasi 'yon hindi ako pinatulog sa sobrang inis.

Wala sa sariling bumangon ako at tinungo ang pinto para matingnan ang nangyayari sa labas. Pero biglang nagising ang diwa ko sa nabungaran ko sa labas. Si Lady M at kuya Nito nagtatagisan ng tingin.

"Kasalanan mo ang lahat dahil inindian mo ako!" Nakapamewang na bulyaw ni Lady M kay kuya Nito.

"Anong ako? Ikaw kaya ang hindi dumating sa araw ng kasal natin." Pangangatwiran ni kuya Nito.

"Walang hiya ka! Pumuti kaya ang mga mata ko sa kahihintay sa'yo!" Nanggagalaiting sagot ni Lady M na halatang kakagising lang dahil may muta pa ito sa mata.

"Sandali lang, Mahal. Ikaw kaya ang-"

"Huwag mo akong ma-mahal mahal diyan, Marianito, dahil hindi ako kinikilig!" Namumulang saad ni Lady M.

Napakamot sa batok si Kuya Nito at mahabang katahimikan ang bumalot kaya...

Pareho silang napatingin sa'kin nang pumalakpak ako. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Lady M at biglang nataranta.

"Eh? Tapos na po?"

"Gising na po pala kayo, Ma'am. May pinadala po si Sir Skeet. Suotin n'yo raw 'yan. Susunduin niya kayo mamaya-maya."

Inabot nito sa'kin ang dalawang pulang paper bag na dala niya.

Damit at sapatos?

"Salamat, kuya. Sige po mag-aayos lang po ako."

Papasok na sana ako nang maalala ko si Lady M. Kaya...

"Lady M?"

"Oh?" Masungit na saad nito.

"Sabi ko sa inyo, eh. The one that got away ang peg niyo ni Kuya Marianito. Pangalan palang meant to be na talaga kayo. Hihi."

"NISYEEEEEEEEL!"

Agad kong isinara ang pinto. Hihihi. Ang sarap talagang asarin ni Aling Marianita.

Nilapag ko muna ang paper bag sa higaan ko saka kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para gawin ang morning rituals ko.

Wow!

Napaawang ang aking mga bibig nang maisuot ko na ang damit na pinadala ni Dee.

Ang ganda!

Ang ganda ganda ko!

Kulay ivory ito na tulip lacey dress na hanggang siko ang manggas. May kasama pa itong brown high-heeled sandals na may ankle strap.

Umikot ikot ako sa harap ng malaking salamin.

Ang ganda mo talaga, Nisyel.

Umikot ikot pa ako hanggang sa...

"Gorgeous."

Bigla akong natapilok nang mabungaran ko ang mukha ni Dee sa kwarto ko. Mabuti na lang at maagap niya akong nasalo, kaya lang ay pareho kaming natumba at pumaibabaw ako sa kanya.

At ang nakakagimbal ay...

Sapol na sapol ng kamay ko ang kanyang umbok sa gitna!

Holy treasure!

©GREATFAIRY

Twitter: greatfairyWP
FB Group: GF Readers Lounge

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top