CHAPTER 10

Chapter 10: Moment

"What was that for?" masungit na tanong niya habang napapahawak sa kanyang pisngi.

"Kayo na ba talaga 'yan, Sir? Nawala na ang sumanib sa inyo?" tanong ko at sinipat sipat ang kanyang mukha. Bumakat pa talaga ang sampal ko. Kaya pala parang napaltos din ang palad ko. Pulang-pula ito at parang lalabas ang dugo.

"Crazy. Tss. Give me your hand."

Eh?

Give me your hand daw?

Hihingin na ba ni Sir ang kamay ko para pakasalan? Pero hindi naman kami mag-jowa, ah. Ang alam ko 'yon ang ginagawa ng jowang lalaki 'pag gusto na nitong pakasalan ang babae.

"Eh, 'di ba hindi naman tayo mag-jowa, Sir? Eh, bakit n'yo hihingin ang kamay ko?"

"You're overthinking again. Tss," masungit na saad nito.

"But someday I asdfghjkl-"

"Po?" Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi niya dahil binulong niya lang ito sa sarili niya.

May pagka ing-ing din pala ang dragon na 'to.

"Nothing. Just give me your hand and stop asking," walang emosyong sambit nito at hinablot ang aking kamay. Para akong napaso nang hinawakan nito ang aking kamay at hinaplos ang aking palad gamit ang kanyang daliri. Gusto ko sanang kunin pabalik ngunit mahigpit ang pagkahawak nito.

"Does this hurt?" Wala sa sariling napatango ako dahil mahapdi naman talaga ang palad ko dahil manipis ito.

"It's your fault. Tss," nakabusangot na saad nito at hinipan ang aking palad. Napapikit naman ako sa kakaibang damdaming lumulukob sa aking dibdib.

Hindi na yata ako normal.

"Kasalanan ko pa ngayon, Sir? Eh, ang kapal kaya ng mukha n'yo, ang sakit tuloy ng palad ko," nakangusong sagot ko habang nakatingin sa palad kong hinahaplos pa rin ni Sir D gamit ang kanyang daliri.

Tiningnan niya naman ako nang masama na parang hindi katanggap-tanggap ang sinabi ko. Kasalanan ko ba kung hindi niya ako in-orient na matigas pala ang buto niya sa mukha?

"Talkative. Tss."

Pagkatapos nitong haplus-haplosin ang palad ko ay ibinalik ulit nito ang ice pack sa noo ko na sa tingin ko ay nagkaroon ng maliit na bukol.

Walang hiyang pinto kasi 'yon, eh. May sakit na nga ako sa puso dumagdag pa ang ginawa niya sa noo ko.

Pero teka--

"Sir, pumapayag na po ba kayong mag-absent ako bukas?" tanong ko at tiningala si Sir D. Nakita ko naman ulit ang pag-iwas nito ng tingin sa aking mukha nang magtama ang aming mga mata. Weird.

"I won't. I need you here tomorrow."

"I need you here tomorrow."

"I need you here tomorrow."

"I need you here tomorrow."

Eh?

Bakit parang kinikiliti na naman ang dibdib at tiyan ko?

May sakit nga talaga siguro ako. Pero ang sama-sama nitong dragon na 'to. Ayaw pa akong payagan. Kung mamatay ako dahil sa sakit, siya ang unang mumultuhin ko. Kahit sa pagligo niya sasamahan ko siya. Kapag iihi at dudumi siya sasamahan ko pa rin siya.

Napangisi ako sa isiping iyon. Ano kaya ang itsura ni Sir kapag dumudumi siya, ano? O 'di kaya, paano kaya siya umiihi? Tumatayo kaya siya o umuupo sa bowl? Hihihi.

Baka naman may iba pa siyang style. Baka nag-i-i-split pala si Sir sa bowl. Ang sarap niya sigurong kuhanan ng litrato at ipapa-frame saka idi-display rito sa table niya.

Hayaan na nga. Parang ang sarap din palang mamatay. Magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Invisible ka pa, walang makakita kung magnanakaw ka.

Pero 'di ba 'pag isa kang kaluluwa hindi mo mahahawakan ang mga bagay? Kaya paano ako makakapagnakaw no'n?

Teka, bakit ba pagnanakaw ang naiisip ko? Masama iyon. Masama. Baka mapunta pa ako sa impyerno 'pag nagkataon. Hindi ako pwedeng mapunta sa impyerno dahil isa akong dyosa. Si Sir D dapat ang mapunta sa impyerno dahil masama siyang amo.

Oh wait...

"Sir, kailangang payagan n'yo po akong um-absent bukas dahil wala naman kayo rito."

Kumunot na naman ang noo nito at tiningnan ako na para akong astraunaut na kakalapag lang mula sa kalawakan.

"What?" tanong nito.

"Eh di po ba magpapa-check up din kayo bukas?"

"What the hell are you talking about?"

"Eh, 'di ba may sakit din kayo sa puso? Narinig ko kaya kanina na kakaiba din ang tunog diyan sa dibdib niyo!" Ngumuso ako at biglang dinuro ang kanyang dibdib.

Nabitawan nito ang ice pack na hawak niya at biglang itinagilid ang kanyang mukha kaya kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang tainga.

Hala!

"Sir! May allergy kayo sa'kin? Bakit hindi n'yo agad sinabi? Ang pula-pula mo tuloy. Kailangan mo ring pumunta ng doktor bukas. Mahirap na, baka last stage na pala 'yan. Isang araw bigla ka na lang mamamatay."

"WHAT?!"

"Naku, Sir, kung ayaw mong maniwala bahala ka! Ikaw rin, 'pag mamamatay ka siguradong sa impyerno ang bagsak n'yo dahil ang sama-sama n'yo!"

"The hell are you talking about this time?" Tiningnan niya ako nang matalim at parang hindi makapaniwala.

"Ngayon naman itatanggi n'yo pa? Kakasisanti n'yo lang kaya ng apat na mamang tagalinis. Kawawa naman sila, wala na silang makakain dahil nawalan ng trabaho."

"Because they're useless and stupid. They're not doing their job properly."

"Isang pagkakamali lang naman 'yon, eh. Naku, Sir, kailangan ninyong panoorin ang pelikula nila Popoy at Bashang, nang maintindihan n'yo ang ibig sabihin ng SECOND CHANCE!" nakataas kilay na saad ko na ikinailing ng ulo ni Sir D.

"You're too loud. Tss."

"And you're too sungit! Tss," sagot ko na ikinatigil ni Sir. Pero nakita ko ulit ang pag-angat ng sulok ng labi nito.

"Sir, kung hindi n'yo ako papayagan um-absent bukas, kayo ang unang mumultuhin ko kapag namatay ako!"

"As if I'm afraid. Tss."

"Bubulungan ko kayo habang natutulog kayo."

"The hell I care."

"Dadalawin ko kayo sa panaginip n'yo."

"I don't care."

"Kikilitiin ko ang tenga mo sa hatinggabi."

"I don't give a damn."

"Sasakalin ko kayo habang tulog na tulog na kayo."

"I'm not afraid."

"Yayakapin ko kayo nang mahigpit."

"I won't mind."

"Hahalikan kita nang hindi mo nalalaman."

"I'll like it."

"Po?"

"N-nothing. You're too noisy. Tss. Go back to work."

Naiwan akong nakanganga nang biglang tumalikod si Sir papasok sa kuwarto na tinulugan ko kanina.

Anyare ron?

Tumayo ako mula sa couch at inilibot ang paningin ko.

Ano bang puwedeng gawin?

Napatingin din ako sa pinto ng kwartong pinasukan ni Sir.

Wala yata siyang balak lumabas pa roon.

Napatingin naman ako sa laptop ni Sir.

Pagkakataon ko na 'to.

Baka nakabukas pa ang Facebook niya kaya pwede kong tingnan ang username niya para ma-add friend ko siya.

Lumapit ako sa kanyang mesa para makita ang kanyang ginagawa sa laptop niya.

Pagkapindot ko ng mouse ay biglang lumabas ang hindi ko inaasahang magagawa ni Sir.

Seriously?

Is this true?

My goodness, gracious!

©GREATFAIRY
Twitter: greatfairyWP
FB Group: FGF Readers Lounge

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top