"TAGO-TAGUAN"

“Tago-Taguan”

“Angel, Charlie, Lory at Jay..., Laro tayo!!” masayang tawag ko sa kanilang apat. “Sige ba Carrie.” tugon na sagot ni Angel sa akin kaya sumang-ayon  ang tatlo ko pa'ng mga kaibigan.

Nag-isip ako kung ano pweding laruin namin. “Laro tayo ng tagu-taguan!” biglang tugon ni Angel upang ako’y mapatingin sa kanya. Ngumite ako at tumango at ganon din ang ginawa ng tatlo. “Sino ang taya?” tanong ko sa kanilang apat. Nagkatinginan kaming lima. “Ako na ang taya.” presentang sagot ni Angel.

“Handa na ba kayo?” ngiting tanong nito sa amin ngunit pansin ko na sa mga ngiting iyon ay kakaiba ang pinapahiwatig. “Handa na kami!!!” sagot ng tatlo kaya tumango na lamang ako bilang sang-ayon sa kanya.

“Kung ganon, magtago na kayo. Bibilang lamang ako ng sampo at kapag nag pakita kayo, patay kayong lahat.” nakakatakot nitong saad ngunit ang tatlo ay ngumite at tumango na lamang at ako naman ay natatakot sa posibleng mangyari. Nagsimula na kaming magtago at si Angel naman ay nagsimula ng bumilang.

Nagtago ako sa likod ng malaking bato malapit sa isang malaking kahoy. Kita ko na nagtago rin silang tatlo ngunit bigla rin akong napatingin sa gawi ni Lory dahil sumigaw ito at kasunod rin si Jay. ‘Di rin nag tagal ay sumigaw rin si Charlie. Sa mga hiyaw at sigaw na iyon ay natatakot ako sa susunod na mangyayari sa akin.

“Where are you my little Carrie? Still hiding on it?”Malakas na tanong nito. Sumilip ako sa tinataguan ko at kita ko na may bitbit itong kutsilyo sa kaliwa nitong kamay at ang buong katawan nito ay halos lahat ay talsik ng dugo. ‘Pinatay ni Angel silang lahat?’ tanong ko sa aking isip na may pagtataka.

“Hide more my Carrie. Once I catch you..., Your dead like those three weak dog's.” nakakatakot nitong kanta nito kaya tinakpan ko ang aking bibig upang ‘Di makagawa ng ingay.

“I gotcha.”mala demonyong saad nito kaya ako’y nanlamig sa kinakatayuan ko. Ang isang Angel na kaharap ko ay pawang demonyo na ang itsura.

“You’re dead Carrie!” sigaw nito bago ako sinaksak malapit sa puso. At bigla na lang nandilim ang aking panigin.

~The End~
❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top