"RAPED"

“Raped”
@Lazy_Psycho24✍️

“Ma, may sasabihin ako sayo!” mahinahong saad ko at parang iiyak na.

“Ano na naman ba ang kadramahan ang sasabihin mo?” galit na tanong nito sa akin.

“Maniwala ka naman sa akin ma, kahit ngayon lang naman.”

Naiiyak akong nakatingin sa kanya ngunit tinaasan lang ako nito ng kilay. “Huwag mo akong idadaan sa paiyak-iyak mo. Paano ako maniniwala sayo?” masungit na tanong nito sa akin na ikinaiyak ko ng husto.

“Alam ko naman na hindi mo ako paniniwalaan lalo na ang sinungaling kong anak kaya nga pinagtatabuyan mo ako kasi isa akong disgrasyadang pinanganak mo. Alam ko naman na hindi mo ako mahal at salot ang tingin mo sa akin! Ma, naman! Kahit ngayon lang naman paniwalaan ninyo naman ako!” umiiyak kong sagot ngunit parang hindi pa rin ito makumbinsi.

“Ginahasa ako ma! Ginhasa ako nila kuya at nila tito!” naiiyak kong saad at napaupo sa sahig.

“Paano ka gagahasain? Eh sa mga nakikita ko nga napakalandi mo!” sigaw nito sa akin kaya napahawak na lamang ako sa aking damit at napayukong umiiyak.

Ganito na lang ba lagi? Ganito na lang ba ang mararanasan ko sa kanila? Kahit sarili kong ina hindi ako paniniwalaan. Ganon na ba ang mundo sa akin? Ako na yung ginahasa ngunit hindi pa siya naniniwala.

“Hindi ako malandi ma! Kahit kelan hindi ako lumandi kahit sa sino. Buksan mo yang mga mata mo ma! Ang sakit- sakit ni hindi ako makatulog! Alam mo bang paulit- ulit na akong binaboy ng sarili mo ring anak at kapatid! Kahit kelan hindi ko sinabi sa iyo ito kasi nga hindi ka maniniwala sa akin. Sobrang sakit na sobrang sakit!” sigaw ko habang umiiyak. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at tumakbo palabas ng bahay.

Hindi ko nakita kung ano ang reaction niya. Lahat naman kasi ako yung mali. Lahat na lang sa akin lahat ang salot kung bakit nagkaleche-leche ang buhay niya. Tinanong niya rin ba kung ano yung nararamdaman ko? Puno ng pait,  madilim at masalimoot lahat na dumating sa buhay ko!

Tumakbo lang ako ng tumakbo na tinatahak ang daan.

*Blag*
Napaupo ako sa lupa dahil meron akong nabangga. Tiningnan ko kung sino at agad na natakot dahil sa nakita ko. Sila kuya at kasama na si tito na kapatid ni mama at meron pang isang lalaki na nakangising nakatingin sa akin.

“Saan ka pupunta Jean?” nakangising tanong ni kuya at yumukong tinititigan ako.

“Huwag po! Maawa naman kayo sakin!” naiiyak kong sigaw.

“Hahaha! Maawa? Kailangan ka namin Jean!”

“Doon tayo sa gubat!”

“Mike! Itali siya!”

“Maawa kayo sakin! Tama na!” sigaw ko at tumayo. Tumakbo ako ngunit agad din nila akong hinabol. Nanghihina na ako at parang hindi na kaya ng katawan ko.

“Huli ka!”

“Ahhhhhhhhh!” napasigaw ako dahil sa sakit dahil sinabunutan ako ni kuya Rey.

“Itali na siya!” sigaw ni tito at nakangising lumapit sa gawi ko. Napaiyak pa rin ako dahil wala na akong kawala sa kanila.

Itinali nila ang dalawa kong paa at ang dalawa kong kamay at tinabunan rin ang aking bibig ng panyo.

“Pdjalalid lqpan hoa!” sigaw ko at nagpupumiglas ngunit hindi ko na magawa pang tumakas.

“Doon tayo!”

“jsksp djay!”

“Wag kana sumigaw. Walang may makakatulong at makakarinig sayo dito, Hahaha!” sigaw ni tito at sinampal ako.

Sobrang namamanhid na ang buo kong katawan.

“Sino mauuna?” tanong ng lalaki sa kanila kaya napailing ako at nagmamakaawa na huwag na nilang ituloy ang binabalak nilang pangba-baboy sa akin ng paulit-ulit.

“Najdd haoy!” pilit kong daing at nagmamakaawa. Parang mga hayok na hayok sila sa laman. Sinimulan na naman ako nilang gahasain at sinaktan ng paulit-ulit. Tanging iyak lang ang aking naigawad at nanghihina na ang buo kong katawan.

_______

Naiwan akong nakahubad sa lupa. Sobrang sakit ng katawan ko. Umiiyak akong napayakap sa sarili ko. Bakit ganito na lang? Parusa ba ito sa akin? Ano ba ang nagawa kong mali para ganituhin ako?

Nakita ko na punit-punit lahat ng damit ko. Hindi ako pweding tumayo dahil nakahubad ang buo kong katawan.

“Tulong!”  sigaw ko at humingi ng tulong kahit na nanghihina na ako.

“Tulong!”

“Tulong!” sigaw ko pa rin.

“Jean! Asan ka!”

“Jean!”

“Jean!”

Mga naririnig kong sigaw sa ‘di kalayuan. Napalakas ang iyak ko dahil hinahanap ako. Hindi ko alam kong kasama ba si Mama sa paghahanap sa akin.

“Jean!” nakita ako ni ate Yulia kaya napatakbo siya sa pwesto ko. Tanging iyak lang at yakap ang iginawad ko dahil sa sinapit ko.

“Tahan na Jean. Buti na lang at nakita kana namin,” saad ni ate Yulia.

“Ate, si mama ba hinahanap din ba ako?” umiiyak kong tanong sa kaniya. Tanging tango ang iginawad nya at ngumiti.

“Anak!” sigaw ni mama at tumakbo sa akin at niyakap ako ng mahigpit na umiiyak.

“Mama!”

“Patawad anak dahil hindi ako naniwala. Ipapakulong natin sila. Mahal na mahal kita at maging maayos din ang lahat. Patawad anak, patawad.”

Niyakap ko lang si mama ng sobrang higpit at humihikbing tumango.

“Yulia ang tuwalya!” saad ni mama at kinuha ang tuwalya at agad na idinampi sa buo kong katawan.

”Makakalakad kaba anak?” tanong nito at tango lamang ang isinagot ko sa kaniya. May kasamahan rin sila at hindi ko kilala ang iba.

Pagkarating sa bahay ay hindi ko nakita ang mga Kuya at ang tito ko na sila ang may gawa kong bakit ako nagkaganito.

“Mama sobrang sakit na po! Ang sakit-sakit!” umiiyak kong saad sa kaniya.

“patawad anak hindi ako naniwala sayo. Pasensya na dahil kasalanan ko ang lahat kung bakit naging ganito ang sitwasyon. Patawad sa mga bintang na hindi naman pala totoo. Pasensya na kung hindi kita napagtuunan ng pansin. Hawak na sila ng mga pulis anak! Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo.”

“Ayos lang mama. Mahal na mahal ko po kayo ma! Hinding- hindi ko pa rin makakalimutan ang nangyari sa akin.” naiiyak kong sagot at niyakap siya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinihimas ang aking likuran.

“Pangako anak, hindi na sila makakalabas pa sa kulungan!” saad ni mama at pinatahan ako.

Now I feel safe and secured with my mother.

~End~

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top