"I LOST MY LOVE"

“I lost my love”
@Lazy_Psycho24✍️

Dedicated to: Shamisen_Charms

“Alex, sorry na,” saad ni Angel habang nakayuko.

Ngunit hindi ko ito pinansin at agad na lamang tinalikuran. Angel is my fiance at dahil yun sa arrange marriage ng mga magulang namin. I have a girlfriend at nangako ako na siya lang ang tanging papakasalan ko ngunit dahil sa lubog na ng utang ang mga magulang ko ay kinakailangan nila kaming ipagkasundong dalawa para hindi babagsak ang company namin. Wala akong sapat na lakas at pera para ipaglaban ang decision ko at ang mahal ko.

“Hon, let's go!” tawag ko kay Bea na nakangiti sa akin. I look to Angel and I said, “Don't cry infront of me kasi hindi ko gustong pakasalan ka.”

At agad na nilisan namin ni Bea ang lugar na iyon. Me and Bea are dating as always.

“Hon, ano gagawin mo doon kay Angel?” she ask while looking at me innocently.

“Hon, I did a promise sayo diba? Na ikaw lang ang tanging papakasalan ko,” I said at hinalikan ang kanyang noo.

“Yes Hon. You did a promise to me since were in our childhood days at hindi ko yun nalimutan,” sagot nito at ngumiti sa akin.

“That's why I love you, Hon!” saad ko at hinalikan ulit ang kanyang noo.

------

Sa hindi kalayuan ay mapait na nakangiti si Angel sa magkasintahan na masayang naglalakad sa Park. Umiiyak lamang ito at hindi inalintana ang mga taong dumadaan sa kanyang harapan.

At sa hindi niya ito makaya na makitang masaya ang kanyang mahal ay agad siyang umalis sa kanyang tinataguan.

Tumakbo ito papalayo at sa hindi inaasahan ay nabunggo ito ng sasakyan sa daan habang tumatakbo ito.

Maraming tao ang naroroon at hindi iyon namalayan ng magkasintahan kung ano ang nangyayari sa di kalayuan sa kanila.

------

Alex POV

“Hon, kanina pa nag-riring yung cellphone mo. Hindi mo pa ba sasagutin?” Bea ask me.

“Si Angel lang iyan, Hon. Ang importante masaya tayo,” sagot ko sa kanya. Napatahimik na lamang ito at hindi na nagtanong muli sa akin.

Hinatid ko si Bea sa bahay nila kaya gabi na ng makauwi ako sa bahay namin kuno ng fiance ko.

Naabutan kong patay lahat ng ilaw at sarado ang bahay. Hindi ko alam kung saan iyon nagpunta. Kaya agad kong binuksan ang cellphone ko at tumambad doon ang number ni mama. Nakita ko rin na may text ito kaya binuksan ko ito.

[“Wala na si Angel”]

Iyon lamang ang nakita ko at dali-dali akong pumasok muli sa aking sasakyan at agad na pumunta sa bahay ng magulang nito.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay nila at nadatnan ko na umiiyak ang magulang nito. Nanlumo ako sa nakita dahil merong isang kabaong ang nasa gitna.

Lumakad ako doon at nakita ko si Angel na nakahiga sa kabaong hindi ko mapigilan ang umiyak dahil kasalanan ko ito.

“Anong ginagawa mo dito?!” biglang sigaw ni tita upang ako’y mapalayo bahagya sa kabaong ni Angel.

Nakayuko lamang ako at hindi makapagsalita.

“Alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko? Tiniis niya yung sakit nong pinagpalit mo siya sa kaibigan niya? Dahil sa accidente na nangyari sa iyo noon kaya mo nakalimutan ang anak ko! Kaya nga kayo pinagkasundo na ipakasal para tuluyan mo siyang matandaan pero ano ang ginawa mo? Sinaktan mo si Angel! Sinaktan mo ang babaeng minahal ka ng buong-buo sa kabila ng sakit na ibinigay mo!” sigaw ni tita kung kaya biglang sumakit ang ulo ko.

“Arghh!” sigaw ko dahil sa sakit

“Anak! Anong nangyayari sayo?” sigaw ni mama at lumapit sa akin ngunit agad din nandilim ang aking paningin at nawalan ng malay.

------

Napamulat ako ng aking mata at isang liwanag ang agad na sumalubong sa akin.

“Alex, mahal kita. Alagaan mo ang sarili mo at alaagan mo si Alel ha. Pakainin mo yung aso natin dahil iyon na lamang ang naiwan sa iyo. Paalam mahal ko.”

“Angel!” sigaw ko at napabangon sa higaan.

Umiiyak akong nakatingin sa larawan naming dalawa. Bakit sinaktan ko ang babaeng mahal ko. Tama nga sila at nasa huli ang pagsisisi.

“Hon, are you ok? I'm glad that gising kana,” saad nito at hinawakan ang aking kamay ngunit kinabig ko ito at tiningnan siya ng masama.

“Alam ko na ang totoo! Plano mong mawalan ako ng ala-ala para makalimutan ko ang mahal ko! Paano mo nagawa to? Sariling kaibigan mo trinaidor mo!” naiiyak at galit kong sigaw sa kanya.

Napatawa ito, “Hahaha! Buti naalala mo na? Mahal kita Alex! Ikaw lang ang mahal ko at buti nga namatay na si Angel kaya wala ng sagabal sa pagmamahalan nating dalawa!” nakangising saad nito at lumapit sa aking gawi.

“Lumayo ka sa akin! Isa kang demonyo!” sigaw ko habang siya’y tumatawa pa rin at sinasambit ng paulit-ulit na mahal ako.

Pumasok sila mama at ang magulang ni Angel at kasama na rin ang mga pulis.

“Bea Gonzalez, may warrant of arrest kami sa iyo. Ano man ang iyong nais sabihin ay maaaring ipapataw sayo. May karapatan kang manahik.” saad ng pulis at agad itong pinusasan kaya lumabas sila ngunit sumigaw pa si Bea pero hindi na namin ito pinansin.

Iyak lang ako ng iyak dahil sa nangyari. Sinisisi ang sarili dahil sa nangyari kay Angel na siya ang natatanging mahal ko. Ika nga nila ‘Nasa Huli ang Pagsisisi’.

------

Ngayon ang libing ni Angel lahat napaiyak lalo na ako dahil hindi pa rin kami makapaniwala na nawala na siya. Hawak ko ngayon si Alel na pinapangako kong aalagan ko ito at iyon rin ang hinabilin sa akin sa panaginip.

Napaiyak na lamang ako. Mahal kita Angel. Mahal na mahal. Sana patawarin mo ako sa kasalanang nagawa ko sayo. Pangako magsasama rin tayo sa piling ni ama.

~The End~

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top