"GRADUATE"

“Graduate”
@Lazy_Psycho24

“Alam mo mare, hindi yan makapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Mylene.”

“Ano kamo? Bakit naman mare?”

“Tingnan mo may kasamang lalaki! Aba ang landi naman ng batang iyan.”

Mga naririnig ko sa mga chismosang kapit-bahay ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga maling salita na binibintang nila.

“Shel, namumuro na yan ang mga chismosang yan! Baka gusto nila mapatiwarik!” nangangating singhal ni bright, ang kaibigan ko na baklesh.

“Hayaan mo na sila. Mga kulang lang yan sa pansin,” sambit ko at patuloy sa paglalakad.

Ganito lagi ang maririnig ko sa mga bibig nila. Hindi raw ako makapagtapos kasi ang landi ko raw. Maraming lalaki na dinadala sa bahay kahit ang totoo ay mga bakla ang mga kaibigan ko.

Malapit na ako makapagtapos sa pag-aaral at iyon ang aking hinihintay. Ang may ipapagmalaki sa kanila na makapagtapos ako at may dangal na trabaho ang naghihintay sa akin.

Sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursigi sa pag-aaral. Dahil sa mga maling haka-haka na binabanggit nila sa iba

“Shel, malapit na tayo makapagtapos. Can't wait na magtrabaho na para makatulong ako sa pamilya ko.”sambit nito at medyo napatili

“Ako nga rin, Bright.” sagot ko

“Shel, alam kong isa ka sa magiging SUMMA CUM LAUDE.” sambit nito

“Hindi ako sigurado, bright.” tanging sagot ko

__________

“Mare, tingnan mo buntis ang anak ni Mylene.”

“Totoo nga mare! Buntis ang anak nya.”

“Kita mo nakasuot ng oversized T-shirt para hindi paghalataan na buntis.”

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.
“Anong buntis pinagsasabi nyo?”lumapit ako sa kanila at tinanong sila

“Kung mag chismisan kayo sana hindi nyo pinaparinig, nahalata tuloy kayo. Sana sinigaw nyo na lang para rinig sa buong barangay.” nakangiting sambit ko sa kanila

“Mare, buntis nga yan kita mo may dalang mangga.”

“Ah ito ba na mangga? Pasensya na at pinabili ito ni nanay.”s abi ko sa kanila

“Aalis na po ako. Bago pa po ninyo ako husgahan, make sure na hindi rin ito ginagawa ng anak ninyo. Ako nag aaral ako ng mabuti para makapagtapos samantalang ang anak nyo nakikipag harot sa kalakihan doon sa school. Sana kung ako ang binabantayan ninyo, mas bantayan nyo po ng maigi ang anak ninyo baka sa huli mag sisi kayo at buntis na sila. Paalam.” nakangiting paalam ko sa kanila at umalis na

_____

“Congratulations, to all graduates. Continue dreaming and aim high!”

Nagpalak-pakan naman ang lahat ng mga tao at napangiti dahil sa wakas ay nakapag tapos na rin kami sa kolehiyo.

Isa ako sa Summa Cum Laude at iyon’ ay ikinagagalak kong ipagmamalaki sa mga taong lagi akong hinuhusgahan. Ang parangal na ito. ay para sa mga magulang ko, dahil sa kanilang sakripisyo at sa pagtulong sa akin sa wakas ay nag bunga na rin.

“Congrats sa aking pinakamagaling na anak. Sa wakas ay nakapag tapos kana, anak.” maluha-luhang sambit ng aking ina at niyakap ako ng mahigpit.

Marami ang bumati sa akin at ako ay naiyak hindi lamang sa nalulungkot kundi dahil sa saya na aking minimithi.

Ang parangal ay hindi lang para sa akin kundi para na rin sa aking ina, na nandiyan lagi upang gabayan ako.

“Thank you, mama. Ang parangal po na ito ay para sa iyo, Ma.” naluluhang sabi ko sa kanya

“Salamat ng marami anak..., Salamat.” pagpapasalamat ng akin ina

“Ma, ako dapat ang nag sasabi ng ganyan. Dahil kung hindi sa iyo, hindi ako aabot sa ganito, Ma. Kaya napaka swerte ko dahil ikaw ang nanay ko. Kaya maraming maraming salamat, mama ko.”sabi ko at humiwalay na sa yakap

______

Life is not easy at all. We face lot's of stuggles in our studies and challenges but we are still working on it. Nag pupursigi tayo na makapagtapos ng pag-aaral. Sa bawat sakripisyo natin ay may mga magagandang bunga. Sa lahat na nag dadown sayo..., Gawin nyo silang motivation at inspirasyon. Kung hindi rin dahil sa kanila hindi rin ako magpupursigi ng pag-aaral.   
I'm Shel Castillo, and I'm officially done to my College and I welcome myself to another journey in life.

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top