"DAHIL SA BALAT KONG MABALBON"

"Dahil sa Balat kong Mabalbon"
(True Story)
@Lazy_Psycho24

Ako'y isang babae at sa istoryang ito ay sana mabasa ninyo ng mabuti dahil sa naranasan kong panghuhusga noon dahil sa balat kong mabalbon.

Ako si Lyn, at ito ay aking palayaw na pangalan. Simula nong Elementary at Highschool ako ay naranasan ko ang pangbubully sa akin ng mga munti kong mga kaklasi.

"Alam mo lyn para kang unggoy. Hahaha" sabi nito sa akin at humahalak-hak sa tawa

Napangite na lang ako at hindi sya pinansin. Alam ko naman na hindi tulad sa kanila yung balat ko. Ang balat kasi nila makikinis at maputi, samantalang ang akin mabalbon at hindi makinis.

Kaya minsan napapaisip ako bakit kaya ganito yung balat ko? Bakit hindi makinis? Bakit yung iba ang puputi samantalang ang akin ay morena lang.

"Lyn bakit mabalbon ka? "biglang tanong naman ng isa kong ka klasi

Gusto ko man sumagot ngunit ayaw ko. Dahil wala naman may mapapala pag ako ay sasagot pa sa kanilang tanong.

Meron din naman akong mga friends sa school ngunit minsan ay lagi akong out of place. Minsan nga napag isa na lang at di sumasama sa kanila. Ako yung tipong tao na pag may gala ay hindi ako sumasama at isa pa hindi ako mayaman para gumasta lang ng basta basta. Maliit na nga yung baon ko tapos sasama pa ako sa mga gala nila?

"Lyn, noong bata ka pa ba yan naba yung balat mo? Para kang lalaki sa lagay mong iyan." ani ng isa kong kaklasi

"Oo ganito yung balat ko parang lalaki noh kasi mabalbon? Pero ok lang naman kasi tanggap ko naman kung ano yung binigay ng panginoon sa akin. Hindi ako yung tipo na makinis ang balat katulad sa inyo."sambit ko at ngumiti ng mapait

"Siguro Lyn, shini-shave mo yan kaya yung balbon mo sa balat ay mahahaba."sabi nito ulit

"Hindi ko ito shini-shave kasi pag yan ginalaw ko mas mahahaba pa ito."tanging sagot ko na lang

Ganyan lagi ang routine nila. Pag makita lang nila yung balat ko na mabalbon ay nagsasabi sila na parang lalaki ka at siguro may lahi kang unggoy kaya ganyan ang balat mo.

Yes, I always insecure about their perfect skin unlike mine na parang lalaki talaga at balat ng unggoy.

Kahit nga ang mga tao pag makikita lang yung balat ko na mabalbon magsasabi sila na ganyan. Pero not all people are they because meron namang tao na gusto yung balat ko na mabalbon dahil gusto din nila maranasan na meron din nito. Kaya napapangiti na lang ako minsan.

"Alam mo Lyn, nagagandahan ako sa balat mo. Kasi one of your asset na yan. Kaya ikaw wag na wag kang makikinig sa mga pinagsasabi nila dahil hindi nila alam na mas maganda na meron nyan."sabi ng ka school mates ko din

"Thank you kasi nakikita mo yung asset ko. Alam mo ba na na iinsecure ako sa mga makikinis na balat? "tanong ko sa kanya

"Bakit naman Lyn? Nako wag kang ma insecure sa kanila kasi you have a unique and perfect skin you know."sagot na lang nito kaya napangiti na lang ako

"Thank you ulit Saff.. you always remind me na dapat hindi dapat ako mainsecure kasi gift ito ni God kaya tatanggapin ko kung ano ang binibigay sa akin. "nakangiti kong sagot sa kanya

Madali lang akong husgahan dahil sa balat ko pero kahit na ganon ang mga sinasabi nila ay nasasaktan din ako. I'm super sensitive pag dating sa mga pangungutya o pangbubully nila pero I tried my best na hindi ipapakita na affected ako sa mga sinasabi nila.

Kaya sa mga katulad kong mabalbon ay dapat na tanggapin natin iyan kasi isa yang regalo ng panginoon. Yung ng bubully sa mga ganya ay wag na lang ninyo papansinin dahil pag pinansin pa ay baka magkakagulo pa.

And also stop that insecurities dahil wala din tayo may mapapala pag pinagpapatuloy pa natin ang mainsicure sa isang tao.

Remember that everyone of us has a real beauty. So accept that thing.

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top