"BLESSINGS IN TIME'S OF PAIN"

“Blessing in time's of Pain”

“Akala ko ba ako lang ba't kasama mo yung kaibigan ko? Saka ba't kayo naghahalikan?” galit na umiiyak na tanong ni Shane sa boyfriend niyang si Justin. “I’m tired loving you, Shane! Sa una pa lang kaibigan mo naman talaga ang gusto ko at hindi ikaw. Ikaw lang naman ang nagkakagusto sa akin while nagmamahalan kami ni Cherry.” sagot ni Justin habang si Shane ay sobrang napaiyak sa nalalaman.

Agad nyang sinampal si Justin at tumakbo ito sa kung saan man sya dadalhin ng kanyang mga paa. Hindi alintana ang mga nababangga nya sa daan. Patuloy lang sya sa pagtakbo ngunit agad rin napaupo sa lupa. “Bakit lahat ng minamahal ko niloloko ako? Ano ba yung kulang sa akin? Ba't lagi nila akong ginaganito?!” lumuluhang sigaw ni Shane. Tumayo ito ngunit agad rin napaupo dahil sa taong nakatayo sa harap nya. “Sino ba ang walang hiya na to. Ang sakit ng noo ko pati na yung pwet ko!” bulong nito na bakas ang galit sa kanyang tono.

“I’m sorry miss.” biglang saad ng lalaki at agad na pinatayo si Shane. Agad na tiningnan ni Shane ang lalaki at agad na napatitig ito. Kahit na puno pa ng luha ang kanyang mata bakas pa rin sa itsura ng lalaki na sobrang gwapo nito. Agad na tinulak ni Shane ang lalaki, “Huwag mo akong hawakan. Hindi kita kilala at isa pa hindi tayo close.” mataray na saad ni Shane at pinunasan ang luhang kanina pa’ng umaagos sa kanyang pisnge.

“Sorry, I didn't mean to bump you. BTW, I'm Chester and you are?” pagpapakilala ng lalaking si chester kay shane na ngayon ay nakangite na sa kanyang harapanan. “I'm Shane. Thanks for this, ibabalik ko na lang sayo kung magkita ulit tayo.” wika ni shane sa binata at lumakad na ito paalis.

Nakangiting tumingin ang binata sa papaalis na pigura ng dalaga. Hindi mapapawi ang kanyang ngiti ng makilala na nya ito at nagkita na sila ulit ngunit hahanap pa ng tyempo ang binata upang makilala sya ng dalaga. Hindi nya man nakilala ang binata ngunit kilala naman sya ng binata at hindi lang ito ang unang beses na nagkatagpo silang pareho.

_________________

Lumipas ang ilang linggo ay hindi pa rin humihilom ang sugat na idinulot ni Justin sa kanya. Ngunit hindi iyon rason upang sumuko sya sa kanyang buhay. Nilibang nya ang kanyang sarili sa mga bagay- bagay na magpapasaya sa kanya ngunit ang mga bagay na iyon ay patuloy lamang bumabalik sa kanyang isipan. Nalungkot at naiyak sya pag nakita o napupuntahan nya ang lugar na iyon.

Kahit na ganon ay hindi sya sumuko. Sa kabilang banda naman ay patuloy lang sa panood ang binata sa kanya. Kahit saan mag punta ang dalaga ay naroroon si Chester upang bantayan sya kahit sa ‘di kalayuan lamang.

“Hi!” biglang pagbati ng binata ng lapitan nya ang dalaga. Gulat naman ang nakaukit sa kanyang mukha. “Chester?”

“Yeah, it's me my Mi Amore.” sagot ng binata sa kanya habang nakangiti ng sobrang lapad. “I think nalimutan mo yung mukha ko and hindi lang unang beses na binigyan kita ng panyo at hindi lang isang beses na hindi kita mababangga.” dugtong ng binata sa kanyang sagot.

Napatulala naman ang dalaga dahil sa nalaman nito. “How? Ni hindi ko nga sya kilala at sa pag kakaalam ko yun pa lang ang unang beses na binigyan ako ng panyo.” saad ng dalaga sa kanyang sarili habang naguguluhan.

“Wag mo na alamin Mi Amore, tara coffee.” pang aaya ng binata sa dalaga. Agad naman tumango ang dalaga sa binata.

Lumipas ang tatlong buwan at naging magkalapit sila sa isa't isa. Unti-unti na rin nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata at mas lalo nya pa itong nakilala. Tuluyan na rin syang nakalimot sa nakaraan na idinulot ni Justine sa kanyang puso. Nanligaw ang binata sa kanya at alam nito na hindi sya nito sasaktan dahil sa pagpapahalaga at sa ipinapakitang pagmamahal sa dalaga. Hindi rin nag tagal ay sinagot ito ng dalaga. Labis ang tuwa ng binata dahil sa wakas naging sila na rin bakas rin sa mukha ng dalaga ang saya.

____________

Dumaan ang ilang taon ng kanilang pagsasama pero hindi rin maiiwasan ang away, tampuhan at higit sa lahat ang selos. Ngunit kaya pa rin nila eh handle ang isa't isa. At minsan dumating din sa point na suko na talaga ang isa sa kanila ngunit patuloy pa rin ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

~The End~

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top