Twenty-three
SYREEN
"ANAK mo si Livan, Leik. They are actually. . . twins. Dalawa ang anak natin. Liran Xyden and Livan Xyren Averde. . . Laugthner, are yours. . . they are yours, Leik Andrey Freezell-- Laugthner."
Nakita ko siyang namutla at tila hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi ko siya masisisi. Alam kong matapos kong sabihin sa kaniya na nakunan ako sa anak namin, mahihirapan siyang paniwalaan ngayon na buhay ang anak—mga anak niya.
"W–What the actual fuck are you saying, Syreen?" gulat na gulat na wika niya at tumayo kahit pa pasuray-suray siya.
"May anak tayo, at buhay sila," anas ko saka ako tumayo para lapitan at hawakan sana siya sa braso ngunit mabilis siyang lumayo sa akin at umiwas.
Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita kong tila gulong-gulo ang sa kaniya at hirap na hirap paniwalaan ang mga sinasabi ko.
Napahawak siya sa pader nang tila nawalan siya ng balanse. "H–How the fuck did that happen? Y–You told me you had a miscarriage? I believed you as I saw your sad and broken eyes. I believed you. . . and now you are saying. . . buhay sila? Gumaganti ka ba sa akin? Gusto mo ba 'kong paikutin?" aniya sa akin sa gulong-gulong tono.
Alam kong gulong-gulo na siya at hirap na hirap pero mas nahihirapan ako sa mga oras na 'to!
"Leik, wala akong oras para magpaliwanag sa 'yo. Nawawala ang anak ko—anak natin. M–May kumuha sa kaniya at hanggang ngayon ay wala akong lead," turan ko sa kaniya. Ramdam kong nagsimula na naman ang panginginig ng sistema ko.
"I–I can't believe what I am hearing from you—"
"I will let you meet my Liran. Kapag nakita mo na ang anak ko, huwag na huwag mong sasabihin na hindi siya sa 'yo, dahil 'tang ina, Leik! Kahit saang anggulo ko tingnan, wala silang nakuha sa akin, lahat inangkin mo!" putol na bulalas ko sa kaniya habang may mga nangingilid na luha sa mga mata ko. "Kaya kong tiisin na tarantaduhin mo 'ko, pero ang pagdudahan na sa 'yo ang mga anak ko. . . sorry pero kayang-kaya kitang patayin."
Tatalikod na sana ako para unalis ngunit bigla niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit. "N–No, no! I'm not doubting my sons. I'm. . . I'm just so confuse right now. I'm. . . I'm sorry," aniya na kahihimigan mo talaga ng takot ang boses niya. Para siyang nangingig na tila hindi malaman kung ano bang gagawin niya.
Hindi ko alam kung anong katarantaduhan ang bigla na lamang nangyari sa akin. Tila na naman ako naging komportable sa mga bisig niya. Bigla ang sunod-sunod na patak ng mga luha ko maging ang mabibigat na hagulgol na hindi ko napigilan.
"T–Tulungan mo 'ko, Leik. Tulungan mo 'kong maibalik ang anak ko. H–Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya. . . hindi ko kakayanin. Baka ikamatay ko," palahaw ko saka ako ipinalupot ang mga braso ko sa bewang niya.
Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko at hinagkan niya ako. "We will. We will surely look for our sus. I'll do everything. . . I'll do whatever it takes to find him."
NAGISING ako dahil nakakarinig ako ng malakas na sigaw kaya't mabilis akong napabangon.
"You have to fucking look for my son or I'll fucking tear every piece of your bones!" Naulinagan ko ang sigaw na iyon ni Leik nang tanawain ko siya mula sa hagdanan.
Wala pa siyang pang-itaas at may kaharap siyang dalawang lalaking kapwa mga malalaki ang katawan.
"Sir, sinabi ko na po sa inyo na—"
"I don't fucking need your excuses. I need my son. Kapag hindi n'yo siya nahanap sa araw na ito, pagsisisihan n'yong kinuha n'yo ang pera ko," aniya sa mga ito at halos sabay ang mga ito na napakamot-ulo.
Mabilis akong bumaba ng hagdanan at tinungo sila. Hinawakan ko sa braso si Leik na nagulat pa. Mukhang hindi niya naramdaman ang pagbaba ko. "Leik—"
"Bakit gising ka na? Sinabi ni Veron sa akin na ilang araw ka na raw walang tulog. Go back to sleep, Syreen. I will handle this," aniya sa nag-aalalang tono ngunit sunod-sunod akong umiling.
Tipid ko siyang nginitian bago ako nagsalita. "Gusto kong mahanap natin ang anak ko na kasama ka. Gusto kong mahanap natin siya at malaman niyang hindi siya pinabayaan ng mga magulang niya. Ito lang ang magagawa ko, Leik. Ibigay mo na sa akin."
"Ma'am, pasensya na po sa pakikialam sa usap n'yo, pero gusto ko lang po sanang malaman kung saan po kami puwedeng magsimulang maghanap. Kanina pa po kasi galit na galit si Sir sa amin pero wala naman po siyang ibinibigay na lead," anang isang lalaki—iyong mukhang mas matanda. Mukhang namomoblema rin ito sa inuutos ni Leik sa kanila.
"Nawala siya sa San Simon's Children's Park. Wala na akong iba pang detalye dahil walang nakakita nang kuhanin siya," sagot ko sa mga ito at agad naman silang tumango saka na biglang yumuko at umalis.
"Get dress, darling. We're going to Liran," aniya sa akin saka na siya umakyat sa kuwarto.
Sa madaling sabi, naaalala niya lahat. Alam niya kung anong pinag-usapan namin kagabi kahit pa langong-lango siya sa alak. . . o baka ang mga nalaman niya sa akin ang nakapagpawala ng lasing niya.
Kapwa kami natapos magbihis at ngayon ay lulan na kami ng sasakyan niya patungo sa bahay kung saan naroon sina Tatay, Liran at Dindin.
"Leik. . ." basag ko sa katahimikan sa pagitan namin. "Ang totoo niyan, kaya kita pinuntahan ay gusto kong malaman kung may kinalaman ka ba sa pag-kidnap ng anak ko o may kilala ka bang kumuha sa kaniya," wika ko habang nakamasid ako sa kaniya na nakatunghay lang sa harapan.
Hindi ko masabi ngayon kung ano bang nararamdaman niya o ano. Hindi ko naman kasi alam kung ano rin ang mararamdaman ko. Nawawala ang anak namin pero nakuha kong matulog at magpahinga. Pakiramdam ko wala akong kuwentang ina. Pangatlong araw nang nawawala ni Livan.
"Hindi kita pagtatangkaang saktan sa pamamagitan ng pagkuha sa anak mo kung iyon ang iniisip mo. Hindi ko gagawin iyon sa 'yo sa dami na ng sakit na binigay ko sa 'yo, isang malaki nang katarantaduhan kung patuloy pa rin kitang sasaktan," seryosong sagot niya sa akin nang hindi ako nilingon. "As for those who kidnapped him, I have no fucking idea. Marami akong kalaban sa negosyo at marami na rin akong nasagasaan sa showbiz. Wala akong alam kung sinong puwedeng kumuha sa anak natin."
Napabuntonghininga ako sa narinig ko at pinangkitan ko siya ng mata. "Sa kawalanghiyaan mo kasi 'yan. Tira ka nang tira ng mga babae! Masyado kang playboy na hayop ka. Akala mo lahat madadaan mo sa karisma mo—"
"Wala na akong ginalaw na iba magbuhat nang pinakasalan kita," putol niya sa akin na ikinagulat ko pero agad din naman akong nakabawi.
"Pero peke ang kasal natin," sagot ko sa kaniya at nakita kong dumilim ang mga mata niya na para bang may kakaiba roon.
Bigla niyang iginilid ang sasakyan saka niya iyon inihinto at lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang kakaibang emosyon na ngayon ay bumabalot sa mga mata niya.
"Want to know the reason why, Syreen?" tanong niya sa seryosong tono at agad akong tumango sa kaniya kahit pa wala akong ideya sa kung ano bang sasabihin niya ngayon.
"Bakit, Leik? Bakit pinaniwala mo 'kong kasal tayo, iyon pala ay hindi naman rehistrado?" tanong ko sa kaniya nang mata sa mata.
Nagbuntonghininga siya saka muling sumandal sa kinauupuan niya at tumingin nang deretso sa daan. "I was so damn immature. I married you just so I could claim you as mine. . . pero noong ipaparehistro ko na, nagdalawang-isip ako. Baka kako gusto ko pa rin kumawala sa huli kapag nagsawa na 'ko. I ended up not registering our marriage," aniya na hindi ko na ikinagulat. Napangiti na lang ako nang mapait sa narinig ko at napayuko.
"Kung gaano ako kasigurado sa 'yo, siya palang ipinagdududa mo sa akin. I was so sure back then. Alam kong ikaw na. Hindi pala ganoon ang dating sa 'yo. Sana sinabi mo," pahayag ko. Hindi ko alam kung may lungkot ba iyon. . . o disappointment. "Tara na, Leik. Naghihintay ang anak mo," pag-aya ko nang hindi pa rin siya sumagot.
Nakarating kami sa bahay at alam kong gulat na gulat siya sa nakikita niya. Lalo na nang gamitin ko ang finger print ko para lang bumukas ang malaking gate.
"You kept them here? Kaya kahit anong pag-alam ko sa mga dapat kong malaman, wala akong makuha?" aniya na parang takang-taka kaya't agad ko siyang tinanguan.
"I need to protect my children. Sa pangit ng nakaraan ko, kailangan kong maging maingat para sa kaligtasan ko at ng mga anak ko," sagot ko sa kaniya at binuksan ko na ang gate at hinatak ko siya papasok.
"NANAY! NANAY KO!" sigaw ni Liran at malilit ang mga yapak na tumakbo patungo sa akin kaya't sinalubong ko siya ng karga.
"Anak—"
"Nanay, hindi pa rin uuwi si Livan. Kahit aaway kami, gusto ko po uuwi na si Livan ngayon," aniya sa akin at maluha-luha ang mga mata niyang tumingin sa akin.
Nilingon ko si Leik na ngayon ay titig na titig kay Liran. Alam kong ganiyan ang magiging reakayon niya lalo na't mukha silang pinagbiyak na arinola kahit pa kay Leik ang may tae sa sama ng ugaling mayroon siya.
"He's Liran Xyden, Leik. One of your sons," pakilala ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa pagkakakilala nila o malungkot dahil dapat ay narito rin si Livan at kasalukuyan ko ring ipinakikilala sa kaniya
"I–I can't believe it," utal na wika niya at akmang kukuhanin niya sa akin si Liran nang mapadako ang mga mata ko sa gate na pinanggalingan namin.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo roon.
"L–Livan. . ." maiyak-iyak na tawag ko sa kaniya.
"Nanay," tawag niya pabalik. Bitbit ko si Liran na napatakbo ako patungo sa kaniya.
"Livan! Umuwi na ikaw! Yehey!"
Napalingon ako sa taong nasa likod niya habang nakahawak sa mga balikat niya.
"C–Chief—"
"I won't let them be in danger. You just have to trust me. They are my grandsons afterall," putol niya sa dapat na sasabihin ko at hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
Mabilis akong lumuhod at niyakap ang dalawa kong anak nang sobrang higpit.
"Tita Aei—"
"Fix yourself. Fix your family, Leik Andrey. Love smartly not blindly. You're no longer a kid and you already have your own kids. Stop your goddamn foolishness," ani Chief saka na niya kami tinalikuran at lumakad palayo.
"Yes, tita. I will. I promise. Now that I finally get to meet my treasures, I will cherish them," bulong niya kahit pa nakalayo na si Chief sa amin.
Thank you, Chief. Thank you.
SOMEONE
GUSTO kong magmura na aabot hanggang langit dahil sa nangyari. Gusto kong pumatay sa mga oras na ito dahil hindi ko na alam kung paano ko pa iaayos ang mga plano ko.
"Bakit gano'n!? Bakit hindi mo ako inabisuhan bago ka nagdesisyon!?" sigaw ko sa taong nasa harap ko ngunit nanatili lamang tikom ang mga labi nito.
Alam kong wala na naman akong mapapala sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa kaniya at maniwala matapos niya akong paikutin.
Hindi ko makakalimutan ang araw na sinabi niyang magpatawad na lang ako at kalimutan ang lahat dahil. . . hindi ko magagawa iyon. Nawalan ako, kaya gusto kong mawala rin ang taong iyon. Gusto kong maranasan niya kung paano ang mawalan na gugustuhin na lang niyang sukuan ang lahat at mawala.
Araw-araw ang sakit at ang hirap gumising na alam mong may nawala pero wala kang magawa. Araw-araw kailangan mong harapin ang katotohanan na ang itinuring mong pangalawang inaasahan mo ay bigla na lamamg kukunin sa 'yo.
"Let's do what she has to say first. Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos dahil lang gusto natin. We need to lielow. The more we do something triggering, the less we could hide ourselves behind the curtains," anito sa akin at tumayo saka kinuha lahat ng folder na dala-dala niya. Folder na naglalaman kung saang kahinaan namin siya maaring pahirapan.
Hindi pa kami tapos. Kailangan mong masaktan. . . hanggang sa ikaw na mismo ang kumitil ng sarili mong buhay. . . dahil sa mundong 'to, wala kang sariling espasyo.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top