Twenty-seven

SYREEN

HINDI ko magawang maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bwakanang ina! Katarantaduhan ba 'to? Nasa just for laugh gags ba 'ko? May mga hidden camera ba rito? May mga bigla na lang bang lalabas at sasabihan ako ng it's a prank?

"Kung nagbibiro ka lang, Leik, itigil mo na. Hindi na ako natutuwa, 'tang ina!" galit na bulalas ko at nagpilit akong kumawala sa upuan na kinatatalian ko.

Alam ko ang tungkol kay Freya at Scorpio. Matunog na matunog sila sa Phyrric kahit pa noong nagsisimula pa lang akong mag-training bilang isang secret agent. Alam na alam halos lahat ng mga agent kung anong klaseng mga traydor sila ng Phyrric. . . pero kahit na kailan, hindi ko nalaman kung sino at ano sila sa labas ng Phyrric.

Hindi ko maisip kung anong sinasabi nila na si Tatay si Scorpio at si Nanay si Freya. Ang pangalan ng tatay ko ay Protacio Averde at ang nanay ko naman ay Marleya Averde.

"Kung sana nga, Syreen. . . sana nga katarantaduhan na lang lahat ng ito, kaso hindi. Mahal kita, e. Mahal na mahal kita, pero kapag pinagpatuloy kitang mahalin nang hindi ko natatapos ang dapat matagal ko nang ginawa. . . para na rin akong nag-traydor kay Mama Stella," ani Leik sa akin at kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

Sunod-sunod ang patak ng mga luha ko sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang maglaho.

"Kaya ba gusto mo 'kong saktan? Kaya ba ginamit mo 'ko at paulit-ulit na sinasaktan para sa tuwing makikita akong lugmok ng tatay ko, mararamdaman niya rin ang bigat ng loob? Ganoon ba 'yon? 'Tang ina, Leik! Sagutin mo 'ko!" palahaw ko. Hindi ko na alam. Parang sasabog na 'ko sa sakit.

Ibinaba ni Leik ang baril at bigla na lamang siyang naglakad papalapit sa akin saka siya lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko.

"I'm. . . I'm sorry. I'm sorry for those times that I had to hurt you when I am hurting too. Patawarin mo 'ko. . . na kailangan pa kitang kasangkapanganin para lang saktan ang mga magulang mo. That day. . . That day I pushed you away, was the same day that I learned that you are Scorpio and Freya's daughter. I was so damn devastated. I kept asking myself. . . bakit sa dami ng babae, bakit ikaw pa? Bakit sa dami ng babae, ikaw pa na handa kong makasama hanggang sa huli kong hininga? Bakit sa dami ng babae sa mundo, ikaw pa. . . ikaw pa ang hindi ko puwedeng mahalin? Bakit. . . Bakit ang gago ng tadhana sa akin?" mahaba niyang wika at nabibigla ako sa mga naririnig ko. Para akong gagong umiiyak din sa mga naririnig ko.

"Nagsinungaling ka noong sinabi mo sa akin na hindi mo nirehistro ang kasal dahil hindi ka pa handa. Tama ba 'ko? Hindi mo nirehistro dahil nalaman mo na kung sino ang tunay na mga magulang ko," mapait na wika ko. "Pero. . . Pero 'tang ina naman, Leik. Ano namang kinalaman ko sa mga kahayupan nila? Bakit. . . Bakit pati ako kailangang magdusa nang ganito? Bakit gan'on? Bakit. . . pati ako kailangan mong saktan at pahirapan?" sumbat ko sa kaniya. "Putang ina ang sakit. Hindi mo na lang ako biglaang sinaktan o pinatay. . . bakit inuunti-unti mo?"

"I'm sorry, Sy—"

"PARA SAAN IYANG SORRY MO!? PARA BA MALINIS ANG KONSENSYA MO? 'TANG INA NAMAN, LEIK!"

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at halos mahigit ko ang hininga ko nang muli niyang itutok sa sintido ni Tatay ang baril na hawak niya.

Natatakot ako. Sobrang natatakot ako dahil kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

"Leik. . . please, huwag ang tatay ko."

"I have to, Syreen. I have to—"

"Iniisip mo bang kapag nawala ang tatay ko, makakapagpatuloy ka na ng pagmamahal sa akin? Palagay mo ba kaya pa rin kitang tingnan sa mga mata pagkatapos nito. . . kung sa tuwing titingin ako sa 'yo, makikita ko kung paano nawala ang tatay ko sa akin? Palagay mo ba ganoon lang 'yon kadali?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Naging masamang tao siya sa inyo. . . pero naging mabuti siyang ama sa akin at lolo sa mga anak natin—"

"He killed my mother without thinking twice knowing that my mother was pregnant. Ganoon ba iyon kadali sa 'yo, Syreen?"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lindzzy at may mga luha na rin ito sa mga mata. "L–Lindzzy."

"A–Anak?" ani Tatay na ngayon ay hirap na hirap na nakatingin kay Lindzzy.

"Huwag mo siyang tawaging anak. Kahit na kailan, hindi ka magiging parte ng buhay ng asawa ko," ani Aeidan kay Tatay.

Hinarap ako ni Lindzzy saka siya nagsalita. "Nawalan ako ng tsansa na makasama ang nanay ko na ang gusto lang ay mahuli ang mga traydor at maprotektahan ang Phyrric. Nawalan ako ng ina. . . at mismong ama pa natin ang pumatay. Sabihin mo. . . Sabihin mo paano kong mabilis na tatanggapin iyon? Habang masaya kang lumalaki kasama ang mga totoo mong magulang. . . ako pala ang walang alam sa totoo kong katauhan," aniya na punong-puno ng sumbat saka naglakad papalapit sa akin.

Nagulat ako nang guntingin niya ang mga tape na nakapalibot sa akin at inalis niya maging ang mga tali na nakatali sa akin.

"H–Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa 'yo. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula, Lindzzy. Wala akong ideya—"

"Leave, Syreen. Turn a blind eye. Keep living. Keep moving forward. May mga anak ka. Hindi mo mararamdaman ang kawalan niya," aniya sa akin sa blangkong tono at hindi ko alam bakit bigla na lamang umigkas ang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya.

Nagulat ako sa ginawa ko. Gulat na gulat ako. "L–Lindzzy. S–Sorry—"

"Ganiyan. . . Ganiyan ang naramdaman ko nang malaman kong walang habas na pinatay ng mga magulang mo ang nanay ko."

Napayuko ako. Kailangan kong tanggapin ang sinasabi niya. . . at kailangan kong tanggapin kung anong klaseng magulang ang meron ako. Ang unfair ng mundo. . . bakit ganito?

"Drop your fucking guns," anang isang tinig at nalingunan ko si Chief na kapapasok lamang ng basement at masamang-masama ang tingin sa aming lahat. "Are you fuckings kids? Mga bata ba kayo para gawin ang mga bagay na ito? Leik? Aeidan? Lindzzy? Anong tumakbo sa utak n'yo? Haven't I told you not to do this fucking thing. Sino kayo para salungatin ang utos ko?" galit na wika niya.

"Mom! I already told you, you stay out of it—"

"How can I? I was the one who released Scorpio and Freya from the island. I was the one who let them live a normal life. I was the one responsible for this, and now you were telling me to stay the fuck out of it? Are you out of your mind?" ani Chief at sa isang iglap lang ay nabawi na niya ang tatay kay Aeidan. Inupo niya ito sa lapag at isinandig sa isang poste.

Hindi mawala ang gulat na reaksyon nina Leik, Aeidan at Lindzzy sa sinabing iyon ni Chief. . . maging ako ay hindi makapaniwala. Akala ko ay tumakas ang Nanay at Tatay.

"W–What are you saying, tita Aeickel?" tanong ni Leik dito na puno ng pagtataka sa mukha.

"I released them in exchange of Syreen. I let them live a normal life in exchange of their daughter. I let them raised her to be a secret agent. That's a fair deal afterall. Nagtraydor sila sa Phyrric kaya humanap ako ng kaya nilang ibigay at ibayad sa akin na mananatiling tapat sa organisasyon na hindi gaya ng ginawa nila, and I succeeded," paliwanag niya at hindi ko alam kung paano ko ba dapat maproseso ang mga naririnig ko. Hindi ko alam pero parang nilalamon nito ang utak ko.

"You made a deal with them knowing how sly they could be?" tanong ni Aeidan at nakita kong ngumisi si Chief sa kaniya.

"And you really think that I am that stupid, son? How disappointing," sagot ni Chief sa kaniya at may inalabas itong isang maliit na aparato na naglalabas ng kulay asul na liwanag.

Itinapat niya iyon sa dibdib ni Tatay at sa gulat naming lahat ay may kulay pulang ilaw sa dibdib niya na nagpapatay-sindi.

"A–Ano 'yon?" nanginginig na tanong ko.

"That's their life threat from me. Ako ang naglagay, ako lang ang makakapag-alis, at ako lang din ang may kakayahang magpasabog niyon. I'm not a fool to let a traitor live a normal life without holding them through their necks. They were always on my jurisdiction. . . they had never slipped away," sagot ni Chief at hindi ko alam kung anong dapat kong unang maramdaman.

Naaawa ako sa tatay ko. . . pero ang mga kasalanan nila na alam ko, parang kulang pa ang mga nararanasan niya ngayon.

Bumaling ako kay Leik at hindi maipaliwanag ang reaksyon niya sa mga oras na 'to. . . at hindi ko rin alam kung paano ko siyang pakikitunguhan matapos ng lahat ng mga nalaman ko.

"Leave this place," utos ni Chief sa amin bago bumaling sa akin. "We'll talk in Phyrric. Much better, talk with Leik first. Kayo ang pinaka apektado rito—"

"Paano ko pong kakausapin ang taong iyan na puro lang naman kasinungalingan ang alam sabihin sa akin? Sa dami ng mga nalaman ko sa kaniya. . . hindi ko na alam kung alin pa doon ang totoo at hindi. . . kung alin ba sa mga iyon ang dapat kong paniwalaan at pagdudahan," putol ko kay Chief saka ako naglakad papalapit kay Leik na ngayon ay tila naguguluhan sa lahat ng bagay.

"Syreen—"

"Paano mo 'ko nagagawang saktan habang sinasabi mo na mahal mo 'ko? Dapat kapag mahal mo, hindi mo sasaktan at pahihirapan. Mahal mo ba 'ko talaga o mahal mo lang ako dahil magagamit mo 'ko sa pananakit ng tatay ko? Walang pagmamahal na nakakasakit, Leik. . . kasi dapat kapag mahal mo, handa kang ibigay lahat kahit maubos ka. . . pero sa pagitan nating dalawa. . . ako ang inubos mo."

Tumalikod ako at naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan ba ako tatakbo ngayon. Gusto ko na lang lumayo sa lahat. Sobrang komplikado ng sitwasyon ko. Tama ang tanong niya. . . Bakit ako pa?

Papalabas na ako ng basement nang marinig kong magsalita si Chief.

"We tend to prioritize our own pain because we're only a human being, but some sacrifices are sacrifices made out of desperation for justice. There are wounds that are meant to heal as time passes by, but there are wounds that can be healed through communication and understanding. According to Lola Cassandra, love conquers everything, and if it doesn't conquer everything, then it wasn't love at all."

Bumaling ako sa kanila at ngumiti ako nang mapait. "Sa ating lahat dito. . . ako ang pinakainagrabyado n'yo. Sa ating lahat na nandito. . . ako ang pinaka nagmukhang tanga. Wala akong alam. . . sinasaktan pala ako para sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Mahal nga ba talaga ako o. . . ako lang ang nagmamahal? Kailangan ko na muna sigurong malaman iyon para makapagpatuloy ako. Kung ang usapan naman ay ang tatay ko, ikaw na ang bahala sa kaniya, Chief. Give him the punishment he deserves, but please. . . take into consideration that they gave me to Phyrric as a collateral."

Akmang tatalikod na akong muli nang bigla na lamang may pumasok sa basement na ikinalaki ng mga mata ko.

"Z–Zylin," kinakabahang wika ni Leik.

"Nakalimutan mo yatang kasama mo ako sa pananakit sa babaeng ito. Ito ba ang tatay niya? Ito ba ang puno't dulo?" turo niya kay Tatay na lupaypay sa isang tabi.

"Stay the fuck out of it. I might kill you," ani Chief ngunit walang sabi-sabi si Zylin na bigla na lang may inilabas na mahabang kutsilyo.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat maging si Lindzzy na limang hakbang lang ang layo mula sa akin.

"ZYLIN!" sigaw ko.

Huli na nang iumang niya ang kutsilyo kay Tatay. Masyado na akong malayo para harangan iyon.

Halos mawindang ang buong sistema ko nang makita kong bigla na lamang humarang si Leik sa katawan ni Tatay at siya ang tumanggap ng saksak na iyon.

"OH MY GOSH, HON!" tili ni Zylin.

"PUTANG INA MO!" sigaw ko at mabilis na dumulog kay Leik na ngayon ay may umaagos na dugo mula sa ilalim ng dibdib nito.

Agad akong dumulog sa kaniya at kinalso siya sa braso ko. Nanginginig ako sa takot. Para akong binagsakan ng tone-toneladang semento sa bigat ng nararamdaman ko.

"Leik. . . 'Tang ina, Leik naman!"

Nanghihina siyang ngumiti sa akin saka niya inabot ang pisngi ko ng palad niya. "S–Save your father. T–Tumagos sa kaniya ang kutsilyo. I'm. . . I'm. . . I'm sorry, d–darling. M–Mahal na mahal kita. T–This is all I could do. . . to pay for all the pain I've caused you. S–Save your father now. G–Give any part of my organ. . . if you must."

"LEIK ANDREY!!!!!!!!!!!!!!! 'TANG INA NAMAN!!!!"

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top