Twenty-one
SYREEN
NABIBINGI yata ako. Hindi ko maproseso ang narinig ko mula sa kaniya. Parang tinatarantado yata ako ng hayop na 'to na pinuno ng mga kabugok-bugokang nilalang sa balat ng lupa.
"Anong. . . Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. 'Tang ina, kapag tini-trip ako nito, pasasabugin ko ang mukha nito!
Nanginginig ako. Siguro ay dahil sa galit at dahil na rin sa hindi ako makapaniwala. Samang-sama ang loob ko! Bwakanang ina! Magugulat ka na lang talaga, hello surprises. Pakingshet!
"You heard me loud and clear, Syreen. Hindi ka totoong kasal sa akin. Hindi ko kahit na kailan nirehistro ang kasal natin—" Sinampal ko siya! 'Tang ina deserve niya 'yon! Kahit nga paulanan ko siya ng bala ngayon, deserve niya pa rin, e!
Ikinuyom ko ang kamao ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuluyan ko na talaga siyang mapatay.
"Nakaplano lahat 'to? Balak mo talaga akong tarantaduhin nanng ganito? Bakit? 'Tang ina hindi ko mahanap iyang hayop na rason mo! Ilang taon akong naniwala na may asawa akong tao, tapos ngayon sasabihin mo never mong nirehistro ang kasal natin? 'Tang ina, Leik! May sira ka ba sa ulo, ha? Ano bang problema mo sa akin?" puno ng galit na bulalas ko. Nagbabadya na rin ang mga luha ko.
Nakakapanghina na malaman ang ganito. Para akong pinaikot-ikot lang sa walang hamggang daan tapos biglang bubulagain na ito na pala. . . finish line na.
"B–Bilat, umalis na tayo. U–Umalis na muna tayo—"
"And you two have a child? That was just too fucking awesome, Syreen. You just had a miscarriage with my baby. How could you be such a hoe?" aniya at parang nagpanting ang tainga ko sa narinig ko sa kaniya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ngumiti ako nang mapait sa kaniya. "Hoe? Sino ba sa ating dalawa ang bumalik para manggamit at makuha ang mana? Sino ba sa ating dalawa ang walang kosensyang mapagpaasa? 'Tang ina pala talaga, e! Pinaniwala mo 'ko! Pinagpaparausan mo 'ko, iyon pala wala ka namang karapatan sa akin? Bakit hindi ka pa ba mamamatay?"
Hindi siya sumagot sa akin, bagkus ay naglakad siya patungo sa malaking bintana at nagmasid doon na para bang may malalim siyang iniisip pero wala akong balak alamin ang bagay na iyon. Gusto ko na lang makalaya. Gusto ko na lang tuluyan nang mawala sa buhay niya.
Hinatak ko si Veron para tuluyan na kaming lumabas ng opisina ngunit bigla na lamang siyang nagsalita na ikinahinto namin.
"You are hiding something from me, Syreen. I could fucking feel it," aniya sa akin. Nilamon ako ng kaba ngunit hindi ako puwedeng magpatalo. Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa mga anak ko. Mamamatay na muna ako bago niya sila magamit sa mga kagustuhan niya.
"Ano pang dapat kong itago sa 'yo? Bulatlat na bulatlat ang buhay ko sa 'yo kaya nga nagagawa mo akong tarantaduhin nang ganito, 'di ba? Kung meron may itinatago rito, Leik, ikaw iyon at wala nang iba. Huwag mo 'kong tanungin kung anong alam ko dahil sasabihin ko na sa 'yo ngayon. . . na wala. Wala akong alam bukod sa nakikita kong paa ng babae na nakatago sa likod ng bookshelf mo. Alam mo kung anong trabaho ko noon, Leik. Palagay mo ba talaga ay maloloko mo 'ko?" sagot ko sa kaniya at nakita kong nabigla si Veron sa narinig niya.
Pagpasok pa lang namin ay alam ko nang may babaeng nakatago sa likod ng lalagyanan ng mga libro. Hindi ako ang pinakamagaling na secret agent, pero hindi ako nahuhuhuli. Kaya ako napasama sa mga elite.
"B–Bilat? T–Totoo ba 'yong sinasabi mo? M–May naka-chop-chop na paa na nandito?" bulong ni Veron sa akin at halatang nanginginig pa siya. Bwakanang ina! Mali ang intindi niya sa sinabi ko. Pakingshet ka, Veron!
"Napakagaga mo, punyemas ka!" singhal ko sa kaniya.
"Zylin, get out," utos ni Leik at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Kutob ko naman na talagang itong babaeng ito ang narito. Malaki ang sapak nito sa ulo.
Lumabas ito at naglakad papalapit kay Leik. Hindi ko alam pero tila iba ang Zylin na nakikita ko ngayon. Parang ang tapang ng bwakanang ina kasi meron siyang baon-baon na bala.
"Sabi ko na nga ba, itong baliw na 'to," anas ko at tinaliman niya ako bigla ng tingin na ikinangisi ko. "Hindi ka ba naman talaga baliw, hindi ba't nagpanggap ka pang buntis?" pang-aasar ko.
"B–Bilat, tara na. F–Feeling ko kapag nagtagal pa ako rito kasama kayo, huling araw ko na sa earth!" nanginginig na muling bulong sa akin ni Veron.
Nagbuntonghininga ako bago ko nilingon si Leik na naroon pa rin ang pansin sa bintana. "Aalis na kami at sana hindi na tayo magkita pa, lalo na kung wala naman pala tayong ugnayan na dalawa. Salamat sa mga katarantaduhan mo, Leik. Ang dami kong natutunan," anas ko at tuluyan ko nang binuksan ang pinto ngunit may narinig akong itinuran niya bago ako makalabas.
"We'll get to meet again, Syreen. By that time. . . you'll be sorry and crying," aniya ngunit hindi malinaw sa akin kung ano nga bang pinatutungkulan niya.
NASA grocery store ako at kasaluluyan akong namimili ng pang-stock sa bahay dahil kaninang dumating si Dindin—iyong yaya ng dalawang bata na matagal ko nang kasama, simula pa lang maliit ako, ay nagsabi na wala na raw laman ang cabinet at ref.
"Dati ka bang sniper? Sabihin mo na kasi punyeta! Ikakamatay ko 'yang mga hanash mo sa buhay!" ani Veron habang namimili ng launcheon meat sa estante.
"Mas maganda nga kasi na wala kang alam. Kapag may alam ka, matatakot ka lang lalo sa akin. Baka mabaliw ka," sagot ko sa kaniya at walang walanghiyang baklita, nabitawan ang mga delatang hawak niya. Mabuti na lang ay mabilis kong napagsasalo ang mga 'yon!
"OMG! Kaya sobrang weird mo! Gaya ngayon punyeta! Kung ibang tao ang kasama ko hindi na nila masasalo ang mga delata na 'yan! Sigurado nahulog na!" hindi makapaniwalang wika niya sa akin na ikinatawa ko.
"Gaga ka ba! Ang basic lang niyan—"
"Basic 'yan kapag sniper o hired killer ka!" sigaw niya at pinagtinginan tuloy kami ng ibang customer. Inambaan kong sasampalin ko siya at ang walanghiya hinarang ba naman ang purse kong pinahawak ko sa kaniya.
Mabilis ko iyong inagaw sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Veron, hindi ako sniper o hired killer," wika ko at umumang sa tainga niya para bumulong. "Secret agent ako. May mga misyon kami na parang mga FBI o mga sting operation ng mga pulis at NBI. Hawak namin sila. Kami ang most trusted organization ng mga iyan. Kapag hindi nila magawa, kami ang gagawa. Malay mo, hawak ko pala ang national secret wala ka pang knows," anas ko at ang gaga bigla ba naman akong hinampas sa balikat.
"Sinungaling ka. Nananakot ka lang! Itsura mong 'yan? Secret agent? Maniniwala pa ako kung agogo dancer ka sa laki ng suweldo mo noon tapos pinapatay mo 'yong matatandang mayaman na customer mo—" Sinungalngal ko nga ng badge ng Phyrric ang walanghiya.
Kinuha niya iyon sa akin at binasa. Nakita ko ang gulat na gulat na mukha niya. Hindi niya talaga ako mapaniwalaan. Sabagay, ang gandang taglay ko kasi ay pang-Miss Universe. Hindi pang-secret agent.
Iyong demonyong Leik Andrey lang naman na iyon ang tumatrato sa akin na parang basahan, e. Feeling entitled ang bwakanang ina na saktan ang feelings ko.
Umaakto lang naman ako na hindi apektado lalo na sa harap ni Veron, pero sobrang nabobobo na 'ko sa sitwasyon. Pakiramdam ko, nakakarma ako sa mga bagay-bagay kahit na wala naman akong ginagawang masama—hindi naman masama kasi ang itago ang mga anak ko para maprotektahan ko sila. Kung meron lang naman akong mali, iyon ay amg hindi ko ipaalam kay Leik ang tungkol sa kanila. Wala na akong iba pang naiisip para masaktan ako sa paraan na 'to.
"Hindi ko alam kung karma na ba 'to sa dami ng mga napatay kong masasamang tao," pabulong na wika ko saka ako napabuntonghininga.
Mukhang inaaral pa rin ni Veron amg pinakita ko nang tumunog bigla ang telepono ko. Hindi ko alam pero kakaibang kaba ang naramdaman ko roon.
"Hello?"
"S–Sy. . ." Lalo akong binalot ng kaba nang marinig ko ang boses ni Dindin sa kabilang linya na tila nanginginig.
"Anong nangyari? Anong problema—"
"N–Naglalaro lang kanina iyong mga bata sa parke kasama tatay mo. . . p–pero umuwi ang tatay mo na umiiyak. S–Sy. . . may kumuha kay Livan! N–Na-kidnap ang anak mo," aniya at hagulgol na ang narinig kong kasunod ng sinabi niya.
Para akong nanglambot at hindi ko malaman kung saan ba ako dapat kumapit. Nanginginig ako.
"Bilat? Aba! Napano ko—"
"S–Si Livan. . . na-kidnap," putol ko sa kaniya.
Natutuliro ang utak ko. Hindi ko alam anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan ako dapat mag-umpisa. Para akong nauubusan ng lakas.
Huminga ako nang malalim saka ko kinuha kay Veron ang susi ng sasakyan niya. Wala akong pakialam kahit pa nagsisisigaw siya sa akin. Wala akong pakialam.
Minaneho ko ang sasakyan patungo sa lugar na alam kong maaaring makatulong sa akin.
Halos wala na akong stop light na hinintuan sa bilis ng pagpapaandar ko. Wala na iyon sa isip ko. Ang anak ko lang ngayon ang concern ko. Ang anak ko lang ang iniisip ko!
Nakarating ako sa lugar at walang habas kong binuksan ang pintuan ng opisina at hinarap ito.
"Nawawala ang anak ko! May kumuha sa kaniya!" sigaw ko ngunit tinitigan lamang ako nito nang mariin. "Chief. . . parang awa mo na, tulungan mo 'kong mahanap ang anak ko! Ikakamatay ko kapag nawala—"
"Sino sa kanila, Syreen? Sino sa kambal ang nawawala?" seryoso niyang tanong.
Tama ako. Wala akong maitatago sa kaniya. Nang umalis ako ng Phyrric, alam kong alam na niyang nagdadalang-tao ako n'on. Alam niya ang tungkol sa mga anak ko at alam niyang kambal ang mga ito.
"Si Livan—"
"The smart one," putol niya sa akin saka siya tumayo ng kinauupuan niya. "Alam na ba ni Leik na nawawala ang anak n'yo?" tanong niya sa akin at hindi ako nakasagto. "O. . . hindi pa niya alam na may anak kayo?"
"W–Wala akong planong sabihin sa kaniya. Sa akin lang ang mga anak ko!"
"If you just told him, Syreen. . . masaya sana kayo ngayon. You missed the chance."
SOMEONE
NAKAMASID lang ako sa kaniya habang nakasabunot siya sa parte ng ulo niya na animo ay mawawala na siya sa sarili niya.
Hindi ko magawang lubusang maging masaya dahil hindi ko pa nakikita sa kaniya ang paghihirap na dapat ay makita ko. Kulang pa itong kabayaran sa buhay na nawala sa akin. Kulang pa itong kabayaran para sa muntik mawalang buhay dahil sa kaniya. Kung kinakailangan niyang mamatay para lang mawala ang nararamdaman kong poot, ako mismo ang magbibigay sa kaniya ng bagay na iyon. Ako na ang hahatol ng kamatayan sa kaniya.
Gusto ko siyang durugin hanggang sa magmamakaawa na lang siyang mawala na lang siya. Gusto ko siyang saktan hanggang sa malaman niya kung gaano kabigat ang mga kasalanan na mayroon siya. Gustong-gusto kong iparamdam sa kaniya ang galit na mayroon ako.
"Bakit ikaw tingin doon sa tao?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang isang batang babae na may dala-dalang cotton candy.
"Bad kasi siya. Kaya ikaw, hindi ka dapat bad, para wala kang makakaaway," sagot ko rito at ngumiti ito sa akin na kita ang mga bungi nitong ngipin.
"Oo naman. Hindi ako bad. Good girl ako. Good girl si Veela!" anito at nagtatalon pa sa harap ko.
Muli kong itinuon ang pansin ko sa taong nasa harap ko ngunit nakatalikod sa akin at tinapuban ko siya ng ngisi.
Kulang pa lahat ng pasakit na 'yan. Hintayin mong ibagsak ko sa 'yo ang lahat. Hintayin mong kusa mo na lang ikamatay ang sakit. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko sa 'yo. I'll make you suffer. I will make you regret living.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Oy! Birthday ko na! Regalo n'yo na lang iyang vote and comment. Tapos regalo ko 'tong update na nakakawalang tiwala. HAHAHAHAHHA.
HAPPIEST BIRTHDAY, JELY/MAYORA!
07/05/1996 🥀
PS.
Happiest birthday, Aeickel and Leickel. Uu. Ka-bday ko sila. Balikan n'yo man iyong kuwento ni Aeickel at Nigel. Iyan ang passcode ng condo ni Nigel. Ang birthday ni Lei at Aei. 🖤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top