Twenty-nine
SYREEN
HINDI ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, 'tang ina! Para akong binagsakan ng lahat ng sakit sa mundo. Napakagago naman ng mundo, bakit naman ganito? Ako ba talaga ang magbabayad sa lahat ng kasalanan na nagawa ng mga magulang ko? Wala ba akong karapatan na sumaya? 'Tang inang 'yan!
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at tumungo ako sa kung nasaan siya. Naabutan ko pang puro siya dugo at kung anu-anong aparato ang nakasabit sa kaniya. Kulay ube na rin ang mga labi niya.
Nakakadurog, Leik! Napakasakit! Parang isang malaking katarantaduhan lang ang lahat! Gisingin na sana ako sa bangungot na 'to!
Paglingon ko sa machine ay flat line na lamang ang naroon kaya't lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ko.
"'Tang ina, Leik. Bakit mo ginagawa sa akin 'to? Ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa ko sa 'yo!? Bumangon ka riyan para mo na ng awa sa akin! Kailangan ka ng mga anak mo! Kailangan ka namin!" palahaw ko saka ako lumapit sa kaniya at hinaplos siya sa pisngi.
Pakiramdam ko ay bibigay na ako. Sukong-suko na 'ko. Walang-wala na akong mailabas. Ubos na.
Ano bang kamalasan ang mayroon ako? Bakit ganito kahirap ang sitwasyon ko? Bakit ganito kahirap ang nangyayari sa akin? Daig ko pa ang napaulanan ng lahat ng pasakit sa mundo sa sakit na nararanasan ko. Deserve ko ba 'to? Deserve ko ba ang masaktan? Deserve ko bang paulit-ulit na pahirapan?
"Syreen," tawag mula sa likuran ko at nakita ko si tita Leyvance na puro luha na ang mga mata.
"T–Tita," anas ko at bigla na lamang niya akong sinugod nang mahigpit na yakap.
"I'm sorry. I am sorry for what he did to you. I'm sorry for not raising him well-enough. I'm sorry for suffering because of him. Patawarin mo ako, Syreen. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga nagawa ng anak ko sa 'yo. Patawarin mo 'ko . . . patawarin mo sana siya," ani tita Leyvance at kumalas sa akin.
Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang sakit na unti-unti rin gumugupo sa masayahin niyang mukha.
Lumapit siya kay Leik saka niya ito niyakap at hindi ko napigil ang mga luha ko sa pagpatak. Nag-iisang anak niya si Leik at si Leik lang ang mayroon siya. Bilang isa na rin akong ina, alam ko kung gaano siya nasasaktan. Alam ko kung gaano kabigat ang dibdib niya ngayon, at alam ko kung gaano parang nilulunod ng sakit ang buo niyang sistema at pagkatao.
"A–Anak, sana hindi mo na lang pinakomplikado ang lahat. Sana hindi na lang umabot sa ganito. Sana nakinig ka na lang sa tita Aeickel mo. B–Bakit ganito naman, Leik? Alam mong ikaw na lang ang meron kami ng Daddy mo. A–Alam mong nawala si Leir dahil sa pagsasakripisyo niya sa ating dalawa. A–Anak naman, bakit naman umabot sa ganito? P–Paano namin matatanggap ng Daddy mo 'to?"
Nakagat ko ang lagi ko dahil sa mga hikbi na gustong kumawala mula sa akin. Nasasaktan ako nang sobra. Nasasaktan ako para sa sarili ko . . . sa mga anak ko . . . at sa buong pamilya niya.
Tinapunan ko ng tingin ang maamo niyang mukha saka ako pumikit at tinalikuran na siya.
Bakit kailangan mong mawala? Bakit kailangan kitang makita na ganito ang estado? Bakit, Leik? Bakit iniwan mo 'ko?
NAKARATING ako ng Phyrric at hindi ko maiwasan na salubungin ng yakap ang mga anak ko. Nanglalambot ako pero sila ang masasabi ko talaga na lakas ko.
"Nanay, where's Tatay?" tanong sa akin ni Liran nang pakawalan ko sila at muli na namang nangilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga ito.
Nasasaktan ako nang sobra para kanila, lalo na kay Liran. Kakatanggap lang niya kay Leik bilang ama niya, tapos ganito na ang nangyari. Halos hindi pa nila siya matagal na nakakasama. Halos hindi pa nila napoproseso na mayroon silang ama na mahal na mahal sila at handa silang protektahan sa lahat.
Puro na lang bakit ang nasa utak ko. Puro na lang tanong. Nakakaubos lang lalo ang mag-isip ng mga bagay-bagay na walang kasagutan.
Hinaplos ko sa pisngi si Liran at Livan saka ako ngumiti sa kanilang dalawa. "'Di ba lagi kayong nagpe-pray kay Papa Jesus? N–Nandoon . . . Nandoon na si Tatay. K–Kasama na siya ni Papa Jesus kasi kailangan ni Papa Jesus ng pogi na makakasama sa heaven," paliwanag ko sa kanila pero parang sumasakit lang lalo ang dibdib ko sa mga sinasabi ko.
Hindi ko kaya, Leik. Hindi ko kayang matanggap. Para mo 'kong sinuong sa malaking delibyo saka mo 'ko iniwan. Bakit ganiyan ka!!?
"He's dead, Nanay? Who killed him?" tanong ni Livan at kita ko ang kaseryosohan sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan pero . . . maging ako ay natatakot sa mga mata ni Livan.
"Anak, happy na si Tatay sa heaven with Papa Jesus—"
"Who killed our Tatay, Nanay?" putol niya sa akin ngunit sunod-sunod akong umiling.
Tumayo ako at inakay sila patungo sa opisina ni Aeiryn. Pagpasok namin doon ay wala si Aeiryn kaya't dinala ko na lamang sila sa opisina ni Griss.
Mabuti at naroon din si Kael na anak nila ni Ayler kaya't naiwan ko ang kambal sa kaniya.
Tumungo ako sa dati kong opisina at kinuha ang baril ko na ibinigay ni Chief noong nakaraan at mabilis akong tumungo sa tormenting room.
Naabutan ko si Aeignn at Aeiryn na nakaharap kay Zylin na ngayon ay duguan ang balikat at may mga sugat sa mukha.
"How was kuya Leik?" tanong ni Aeignn sa akin.
Tinatagan ko ang loob ko bago pa ako sumagot sa kaniya. "He's dead."
Nakita ko ang gulat sa mukha ng magkapatid sa isinagot ko. Alam kong hindi nila inaasahan ang balitang iyon. Alam kong inaakala nila na makakaligtas pa si Leik mula sa kamatayan dahil . . . iyon din ang inakala ko. Akala ko ay babalik siya sa amin ng mga anak niya. Akala ko ay magkakapatawaran kami at . . . kami pa rin sa huli. Akala ko lang pala ang lahat.
Naglakad ako papalapit kay Zylin na ngayon ay tila marami pa ring lakas na natitira at walang habas ko siyang tinutukan ng baril sa ulo.
"Y–You are going to kill me?" mayabang na wika niya at nginisian pa ako.
"Sa paanong paraan mo gustong mamatay? Naghihirap o biglaan? Gusto mo bang mamamatay na lang din sa saksak gaya n'ong ginawa mo kay Leik? Gusto mo bang magkaroon na lang ng butas ang buo mong katawan?" sunod-sunod na tanong ko saka ko hinugot ang malaking gunting na nasa balikat niya saka ko iyon itinarak sa hita niya. Dinig ko ang malakas na sigaw niya na may kasamang pag-iyak dahil sa ginawa kong iyon.
Kulang pa 'yan, Zylin! Kulang pa iyan sa pagkakaulila ng mga anak ko dahil tinanggalan mo sila ng karapatan na makasama nila nang matagal ang ama nila! Kulang pa iyan para sa sakit na ibinibigay mo sa akin ngayon!
"Y–You are a freaking bitch! Sira ang ulo mo, Syreen! Hayop ka! Hayop ka!" sigaw niya at muli ko na namang hinugot ang gunting at itinarak naman iyon sa kabilang hita niya. Naroon na naman ang malakas na palahaw niya.
"Hindi ko alam bakit hinayaan ka ni Leik na makapasok sa buhay niya. Isa kang malaking 'tang ina, Zylin!" galit na galit na bulalas ko. "Gustong-gusto na kitang patayin ngayon pero hindi mo deserve na mamatay lang nang biglaan. Dapat sa 'yo, unti-unting patayin para maramdaman mo hanggang sa pinakahuling hininga mo. Isa kang hayop! Baliw ka! Wala kang utak!"
"Syreen, enough," pigil sa akin ni Aeignn dahil nakita niyang ikinasa ko na ang baril na hawak ko. "Your sons are here in Phyrric. Hindi puwedeng malaman nila na pinatay mo ang taong pumatay mismo sa ama nila," dagdag pa niya.
Hindi ko alam pero bigla kong nabitawan ang baril saka ako humarap sa kanilang magkapatid. "Alam n'yo ba kung gaano kasakit?" tanong ko habang may mga luha na naman ako sa mga mata. "Para na rin akong namatay. Para na rin akong nawala. Bakit . . . Bakit kailangan mawala ni Leik sa amin? Bakit hindi ko puwedeng patayin ang taong pumatay sa kaniya? Alam n'yo ba kung gaano kasakit na mawalan? Para akong kinakapos ng hininga dahil wala akong ibang puwedeng gawin . . . kung hindi tanggapin na wala na siya . . . na wala na ang taong mahal ko . . . na wala na ang ama ng mga anak ko. Alam n'yo ba kung gaano nakakabaliw ang isipin na iyon? Buhay na buhay ako pero patay na halos ang buong sistema ko! Pinatay ng hayop na babaeng ito! Hindi madali! Hindi ko kaya. Paano ko matatanggap? Paano ko tatanggapin? Paano?"
Napayuko si Aeignn ngunit si Aeiryn ay mataman lang na nakatingin sa akin. "Let go. Move on. Hindi maibabalik si kuya Leik ng mga luha mo," aniya sa akin at hindi ko na napigilan ang mapangiti nang mapait.
"Huwag sanang dumating ang araw na mawalan ka rin. Huwag sanang dumating ang araw na mawala sa 'yo ang taong pinagbuhusan mo lahat ng meron ka dahil . . . maririnig mo rin sa akin ang mga salitang iyan, Aeiryn," anas ko at inilabas ko ang badge at lahat ng gamit na nasa katawan ko saka ko iyon binitawan sa mesa. "I'm quitting. Dadalhin ko ang mga anak ko. Magpapakalayo-layo kami sa inyo . . . sa mundong ito. Itatakas ko sila sa gulo at sakit na ito. Ilalayo ko sila sa mundong hindi dapat nilang makagisnan."
"Tell Mom about it, Syreen. Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon," pigil sa akin ni Aeignn.
"Kahit si Chief, hindi na ako mapipigilan. Wala na rin naman ang rason para manatili akong konektado sa pamilya n'yo, mabuti pang umalis na lang kami ng mga anak ko," sagot ko saka ko dinampot ang baril na nasa paanan ko at humarap kay Zylin. "Bago ako umalis, pasensya ka na, pero kailangan kong gawin 'to. Kung hindi ko gagawin 'to ay habambuhay akong bubulabugin ng isip ko," anas ko saka ko kinalabit ang baril na nakatutok kay Zylin at nakita ko siyang tinamaan sa tiyan. "Die, Zylin. Just fucking die."
Ito na lang ang magagawa ko para sa 'yo, Leik. Ito na lang. Ilalayo ko na ang mga anak natin sa mundong ito. Sana . . . Sana suportahan mo ang desisyon ko.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
I forgot to tell you that Freezell #12: The Nasty Rancher's prologue is now up. Thank you. 🖤
"No once can ever promise a happy ending." - anonymous
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top