Twenty-four

SYREEN

INIUWI kami ni Leik dito sa bahay dahil sinabi niyang mas mababantayan niya kami rito. Bwakanang ina naisip niya 'yon? Feeling ko nga siya pa ang delubyo ng buhay ko, e. Kahit naman marupok ako, basta para sa mga anak ko, tumatalino ako.

"Nanay, kanino po 'to house?" tanong ni Liran nang ibaba ko may sala ni Livan.

Naglalakad-lakad sana si Liran nang bawalan siya ni Livan at hinawakan sa kamay. "Don't move, Liran. Magagalit 'yong man," bawal niya sa kapatid niya at napangiti naman ako.

Mamaya ko kakausapin si Livan kung anong nangyari sa kaniya, kapag tulog na si Liran. Ayaw kong marinig ni Liran kung anong nangyari sa kakambal niya.

Kanina sa bahay ng tatay ay umalis si Leik at sinabi niyang susundan niya si Chief para malaman ang detalye ng pagkakasagip niya kay Livan. Hindi ko naman siya pinigilan dahil kahit ako rin naman ay gusto ko iyong malaman, nagkataon lang na mas lamang ang pagka-miss ko sa anak ko.

"Mga anak, may sasabihin ang Nanay sa inyo. Gusto ko makikinig kayo. Okay po ba tayo r'on?" wika ko sa kanila at kapwa naman sila tumango sa akin. "Livan, gusto mo na muna bang magpahinga? Puwede naman sa susunod na sasabihin ni Nanay-"

"I'm okay, Nanay," nakangiti niyang wika sa akin.

Sa totoo niyan, kanina pa ako naguguluhan sa estado ni Livan. Ilang beses na akong nakakita ng mga batang na-kidnap. Ilang beses na akong sumagip ng mga batang ganoon pero tila iba ang naging sitwasyon ni Livan. Hindi mo siya kakikitaan ng trauma dahil mas nangingibabaw ang mga mata niyang tila nga mata ng mga nakakatakot na mga sindikato.

"Iyong mama na nag-drive ng car kanina, hindi n'yo ba siya namumukhaan-"

"Siya po 'yong nagki-kiss sa tv na wina-watch ni tita Dindin," sagot ni Liran at muntik na akong mapatapik sa noo ko.

Punyeta ka, Dindin. Kakalbuhin kita kapag uwi ko riyan!

"Bakit ka naman nanonood ng ganoon, anak? Hindi ba't sabi ng Nanay bawal ka sa-"

"No, Nanay. Hindi ako nag-watch, nagan'on lang ako oh," ani putol na naman sa akin ni Liran at minuwestra niya pa kung paano lang siya kunwaring napalingon sa tv. "I didn't watch."

Pumukit ako at nagbuntonghininga saka ako muling dumilat at tumingin sa kanila. "Mga anak, iyong mama na 'yon-"

"He's our Tatay po ba, Nanay?" ani Livan at naipinid ko ang mga labi ko. Ang bilis talaga ng utak nitong anak kong sindikato. Kahit mafia boss, siguradong papasa 'to.

Sunod-sunod akong tumango sa kanila at para naman may sariling utak ang mga kamay nila dahil pinagtig-isahan nilang hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Kukunin niya po ba kami sa 'yo, Nanay?" tanong ni Liran at parang papaiyak na siya kaya't umiling ako sa kaniya nang sunod-sunod.

"Hindi, anak. Hindi-"

"I will be joining your family. I will be the best Tatay for the both of you," ani Leik na nakasandal sa may pinto. Mukhang kanina pa siya naroon at nakikinig.

Naglakad siya papalapit sa amin at nang akmang hahawakan niya ang kambal ay bigla na lamang kapwa ito lumayo sa kaniya na animo natatakot.

"Liran, Livan, siya si Tatay-"

"No, Nanay. Hindi po naman namin need ni Livan ng Tatay! Tatay Piyong is enough!" ani Liran at nagsimula na itong umiyak kaya't napalapit ako sa kanila ni Livan na ngayon ay titig na titig lamang kay Leik.

Kinarga ko si Liran at niyakap ko ito saka ko hinagod-hagod ang likod niya. "Anak, galit ka ba kay Tatay? Wala naman kasalanan si Tatay sa inyo, e. Ako 'yong nagtago sa inyo ni Livan sa forest kaya hindi kayo nadadalaw ni Tatay," paliwanag ko at parang gusto ko na rin maiyak sa klase ng hagulgol ni Liran. Ramdam ba ramdam kong natatakot siya.

"Never naman siyang nakipag-play sa amin ni Livan. Okay lang kami kay Tatay Piyong po, Nanay."

Napalingon ako kay Livan nang bigla siyang lumapit kay Leik at niyakap niya ito sa tuhod na ikinagulat ni Leik nang sobra. "A-Anak. . ." utal na tawag niya rito saka siya lumuhod para mapantayan niya ang anak niya.

"Please po, understand Liran. Scared po siya na iiwan na naman siya," anito Livan at binuhat naman siya ni Leik.

Hindi ko alam kung ako lang ba. . . pero may kakaiba talaga sa anak kong iyon. Nakakatakot siya. Anak ko siya pero hindi ko mabasa kung anong klaseng bata siya at kung anong klase ng senaryo ang nasa utak niya.

"Iaakyat ko na muna si Liran at patutulugin," paalam ko sa kanila at umakyat na sa itaas habang patuloy pa rin si Liran sa pag-iyak sa balikat ko.

NARITO ako ngayon sa silid ni Livan habang nagpe-paint siya ng hindi ko mawari kung ano. Siguro ay nagsabi siya sa Tatay niya na magpe-paint na lang siya habang nagluluto si Leik.

"Anak," pukaw ko sa atensyon niya at ibinaba naman niya ang paint brush na hawak niya at humarap sa akin.

"Why po, Nanay?"

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa 'yo? Sinaktan ka ba ng mga kidnapper?" sunod-sunod na tanong ko ngunit imbes na sumagot ay sumampa siya sa kama at naupo roon.

"Nanay, I wasn't kidnapped po," aniya na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ko. "Kidnap po is equals to torture, right?" Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ng mga tainga ko sa mga salitang nagmumula mismo sa bibig ng anak ko.

"Anak, sindikato ka ba? May mafia boss bang mag-fo-four years old?" takang tanong ko sa kaniya at tila nawirduhan siya sa sinabi ko.

Samedt, Livan. Nawiwirduhan din ang Nanay sa 'yo, anak.

"Nanay, no joke po please," sermon niya sa akin kaya't naitikom ko ang mga labi ko. "Iyong kumuha po sa akin fed me jollibee kiddie meals, bought me mcdonald meals, bought me toys, and meron pa po akong nakalarong boy but he's quite older," salaysay niya na parang inaalala ang nangyari at parang hindi ko masundan ang mga sinasabi niya. "They didn't torture me and they didn't kinap me po, Nanay."

Parang gusto ko nang maniwala na may itinayo nang gang 'tong si Livan na napapasunod niya. Parang ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi niya.

"Saan ka nakita n'ong babaeng naghatid sa 'yo sa bahay natin?" tanong ko and I was refering to Chief.

"Those poeple who fed me left me at the park again po. Now, Nanay, can I paint na po ba?" tanong niya na parang wala lang ang tatlong araw niyang pagkawala.

Bwakanang ina, amg expected ko talaga mag-iiyakan kaming mag-nanay, tapos tulo-tulo ang mga uhog. Hindi ko alam bakit napaka-weird ng anak ko. Ang dami niyang kukuhanin na ugali, bakit hindi na lang ugali ko? Bakit sa pamilya pa ng ama niya siya kumuha ng ugali? Puwede naman ang kainosentehan ko at pagiging mahinhin. Bakit ganoon? Ganoon ba talaga kalakas ang dugo ng mga Freezell na 'yon? Iyong anak kaya nila Aeignn at Callia, sadista rin kaya?

Lumabas ako ng silid niya at tumungo ako sa kusina kung saan naroon si Leik at parang may kaaway. Napabilis tuloy ang lakad ko.

"Why the actual fuck does this fucking food tastes so bad when I followed all the fucking procedure, ingredients and recipe!?" galit na wika niya at pinagbabato lahat ng pagkain at kaserola sa lababo. "This is just so fucking frustrating! I just want to fucking cook for my sons!"

"Leik? Kaka-fucking mo, kapag na-adapt iyan ng mga anak mo, tatampalin ko 'yang itlog mo, bugok ka!" sermon ko sa kaniya nang makalapit ako.

Lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya maging ang mga talsik ng sarsa sa apron na suot niya. Wala siyang pang-itaas pero may suot siyang apron.

"Bakit ka ba naka-topless? Iniisip mo bang magiging kasing sarap mo ang ulam kapag ganiyan?" tanong ko sa kaniya at bigla na lamang lumiwanag ang mukha niya saka siya ngumisi sa akin.

"So you find me delicious?"

Hoy, bwakanang ina! Paano niya nati-twist ang mga salita ko? Sa dami kong sinabi, iyon pa talaga ang napansin niya? Wow, pakingshet.

"Oo," marupok na sagot ko at bigla niyang inalis ang apron na suot niya.

Pakingshet ka talaga, Syreen.

"Ano bang gusto ngayon ng ina ng mga anak ko?" tanong niya at para na naman akong na-engkanto. Lakas magpakilig, tapos ang animales, paiba-iba naman ng takbo ng utak.

"M-Mag-usap muna tayo. Mag-order na lang ng pagkain," anas ko at tinalikuran ko na siya saka ako dumeretso sa sala.

Naupo ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. May suot na siyang pang-itaas ngayon pero hapit na hapit naman sa kaniya.

"Let's start this conversation with my saying my never ending sorry. I'm really sorry, darling. I'm sorry if I have caused you too much trouble," aniya at kitang-kita ko ang sinsero niyang mga mata.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sala ko siya pinaningkitan ng mga mata. "Hindi mo naman ako tinatarantado lang, 'di ba? Hindi ka naman umaakting lang, 'no? Totoo naman 'yang pagso-sorry mo, 'di ba? Bwakanang ina, Leik. Kapag nalaman ko na naman na fake 'yan, kahit na anino ng mga anak mo, hindi mo na makikita!" mahabang usal ko na may kasamang pagbabanta.

Umiling siya sa akin saka siya ngumiti. "I may be a useless jerk, but I reall love you three. Kaya kong isuko ang lahat para sa inyong tatlo-"

"Anong ginagawa ni Zylin sa opisina mo noong nakaraan?" putol ko sa kaniya ngunit hindi siya nabigla sa tanong kong iyon.

"She's begging me to marry her. She's been bugging me and she kept telling me that she's pregnant with my child. I told her to hide herself when I saw you coming because I don't want you to think negatively, but you found her," paliwanag niya ngunit hindi ako kumbinsido.

Tinitigan ko siya ng mariin sa mga mata bago ako nagsalita. "At gusto mong paniwalaan ko 'yon? Bakit mo sasabihin na hindi tayo kasal at bakit mo isisiwalat na pumapatay ako ng tao kung talagang nandoon siya para lang sa mga dahilan na sinabi mo? Hindi ka ba natatakot na lalabas ang mga sikreto ko? Wala ka ba talagang konsensya-"

"She knew everything about you. She got you investigated," aniya ngunit sunod-sunod akong umiling sa kaniya.

"Hindi rin, Leik. Alam mong hindi puwedeng maimbestigahan ang agent ng Phyrric-"

"But you left Phyrric three years ago, Syreen. Kaya lang protektahan ng organisasyon ang impormasyon mo kung naroon ka pa rin. You went out to see the world and the world you chose betrayed you. Ang alam ko, iyong mga nakasalamuha mo paglabas mo ng Phyrric ang mga napagtanungan ukol sa 'yo. Iyon ang sinabi sa akin ni Zylin, and believe me. . . she's so fucking insane to kill you," putol na naman niya sa akin at nakita ko ang pagbabaga ng mga mata niya. "She even told me that she's going to kill you if I don't choose her-"

"Pero hindi mo naman siya pinili, hindi ba?" Hindi ko alam bakit kinabahan ako sa ginawa kong pagputol na iyon sa kaniya.

Bumuntonghininga na muna siya bago sumagot sa akin. "I didn't. I trust you. You could kill her first before she kills you. I know your capabilities. You were my protector back then. Alam ko kung hanggang saan ang kaya mo at kung hanggang saan mo kayang protektahan ang sarili mo," aniya at parang nakahinga ako nang maluwag sa narinig kong iyon.

"Good. Kaya sana alam mo, Leik, na hindi kita kailangan sa buhay naming mag-iina pero pinili ko pa rin na manatili rito. Kung tatanungin mo kung bakit, wala akong maisasagot kung hindi totoong mahal lang kita. Kung hindi kita mahal, hindi ako paulit-ulit na susugal at magpapakatanga sa 'yo. Please lang, stop taking my love for granted. Baka isang araw magulat ka na lang na nabagok na ako at sumuko na," wika ko sa kaniya at sa gulat ko ay bigla niya akong hinatak at niyakap nang mahigpit.

"I want to be honest with you, Syreen."

"Ha?"

"Ang dami kong nagawang kasalanan sa 'yo. Sana sa oras na malaman mo kung gaano kita pinaikot, huwag mong makalimutan na mahal mo 'ko. . . kahit pa madalas kong kinakalimutan na mahal kita, hindi ko kakayanin kung ang pagmamahal mo sa akin ang makakalimutan mo. I know. . . I know I sound so unfair. Paano kong nahihiling sa 'yo na huwag mong kalimutan na mahal mo 'ko habang kinakalimutan ko naman na mahal na mahal kita. I'm sorry. Iyan lang kasi ang bagay na pinanghahawakan ko. . . ang totoong pagmamahal na ibinibigay at ipinararamdam mo. I love you dearly, Sy. Totoong mahal na mahal na mahal kita kahit pa ilang beses kong tinitikis ang sarili ko," mahaba niyang turan ngunit hindi ko mawari kung ano ba ang tinutukoy niya sa akin. Hindi ko mapagtagni-tagni kung anong gusto niyang sabihin.

Itinulak ko siya palayo at nakita ko ang luha sa mga mata niya. "Ano bang sinasabi mo? Ipaintindi mo sa akin. Hindi ako katalinuhan, Leik Andrey, 'tang ina naman!"

Yumuko siya at hinawakan ang mga kamay ko saka niya iyon dinala sa mga labi niya at hinalikan.

"Loving you was a mistake, but I fucking swear to the king of hell that I'll do everything to make everything right. I'll do everything to make the wrong person. . . the right one for me. I can't afford to lose you now, darling. I love you so much. I love you. . . then and now. . . always."

May itinatago ka sa akin, Leik. Damang-dama ko. Ano ba ang malalaman ko para makalimutan kong mahal kita at mahal mo 'ko? Ano. . . gusto kong malaman.


SOMEONE

NAKATINGIN lamang ako sa kaniya habang hinahanda niya amg mga baril na kakailanganin namin.

"We have to move faster and we have hostage that fucker if we really want to get what we want," aniya sa akin at sunod-sunod akong napakurap sa sinabi niya.

"What do we really want here? Anong makukuha natin dito?" tanong ko at bigla niya akong sinuntok nang marahan sa balikat.

"You know more than anyone kung anong makukuha natin dito," sagot niya sa akin at siya namang pagsulpot ng isang tao sa may pintuan.

"Do I get to meet that person now?" tanong niya at tumango naman ang taong nasa harap ko.

"Yeah. You will be able to receive all the answers to your unending questions."

I guess. . . the end is coming.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

Last 6 chapters before the ending. Than you. 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top