Twenty-five

SYREEN

LULAN kami ng sasakyan ni Leik at patungo kami ngayon sa Phyrric. Nagdesisyon na kasi akong bumalik sa dati kong trabaho. Una, para matiyak ko ang seguridad ng mga anak ko, pangalawa ay mapanatili kong limitado ang may access ng mga impormasyon tungkol sa akin. Bwakanang ina, kaunting labas ko lang kasi, ang dami ng mga marites na feeling knows ang buhay ko.

"Nanay, saan po tayo pupunta?" tanong ni Liran sa akin habang kapit na kapit pa rin siya. Hindi niya pa rin tinatanggap si Leik na tatay niya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Liran ngayon.

"Doon sa totoong pinagtatrabahuhan ng Nanay, anak. Makikilala mo r'on 'yong iba pang kamag-anak ni Tatay mo—"

"I don't want po!" sigaw niya at nagsimula na naman siyang umiyak nang umiyak.

Inabot ni Livan ang isamg kamay ni Liran saka niya iyon marahan na tinapik-tapik.

"Ang mga ibon, na lumulipad, ay mahal ng Diyos, 'di kumukupas. . ." pagkanta ni Livan at tila nakalma niyon si Liran.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ko naiintindihan kung paano nila natagalan kahit na madalang akong umuuwi ng bahay. Livan learned how to be independent at nakaka-proud iyon sa parte ko.

Nakarating kami ng Phyrric at alam kong ilag na ilag pa rin si Liran sa tatay niya kaya't ako na ang bumuhat sa kaniya at si Leik naman ang bumuhat kay Livan.

Pagpasok namin sa Phyrric ay agad nang nagkumpulan ang mga tao na ikinagulat ko.

"I announced your arrival," nalingunan ko si Chief at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa amin. "Welcome back, Agent Syreen."

"Salamat po, Chief—"

"Huwow! Bumalik na ang tagapagmana ko. Hi, sis. Tuyot ka yata? Kulang sa jerjer?" ani Jice na kadarating at bitbit ang mga anak niya. "HALA, SHUTANGENA! KANINO ANAK 'YAN!?" gulat na gulat na anas niya at ako naman ang napangisi.

"Ano bang akala mo, girl? Ikaw lang kayang dumali ng kambal?" pag-aangas ko at ang gulat niya ay unti-unting naging tawa.

"Shutangena, pukenjang lang si Syreen sakalam!" hiyaw niya at tuwang-tuwang iniabot ang mga anak niya kay Laeven na nasa tabi niya at kinuha si Liran sa akin.

"Jice! Dahan-dahan ka riyan. Tatampalin kita—"

"Wazzup, gwapogi! I'm your tita Jice at your service. Ikaw pala ang. . ." Literal akong kinabahan nang bitinin ni Jice ang sinabi niya. ". . .tinutok, pinasok, at pinutok ni Leik!"

Gusto kong siyang sampalin sa bunganga. Puwede ba?

"Baby! Your mouth," sita sa kaniya ni Laeven pero hindi niya naman pinansin ang asawa niya.

"Anong pangalan mo, bebe boy?" tanong niya kay Liran at sa gulat ko ay ngumiti si Liran kay Jice at niyakap niya ito saka hinalikan sa pisngi. "Huwow! Bata pa lang speed at smooth na. Gandang-ganda ka ba sa 'kin, bebe boy?"

Bwakanang ina, Liran! Sa dami ng magugustuhan mong tao rito sa Phyrric, bakit kay Jice pa napagaan ang loob mo? Anak, itatakbo na ba kita hangga't maaga pa?

"I am Liran Xyden po!" masiglang anas niya kay Jice at ang bruhildang animales, pinugpog ng halik sa pisngi ang anak ko.

"Ako po si Livan Xyren," biglang sabat ni Livan at napagawi ang tingin sa kaniya ni Jice.

"Ay shutangena! Matang mafia!" gulat na wika niya at sunod-sunod akong napatango. Sabi ko na nga ba iisa kami ng utal at iisa kami ng nakikita nito ni Jice.

Ibinalik niya sa akin si Liran kahit pa ayaw pa sana ni Liran dahil parang nagseselos ang anak niyang si Laeden sa anak.

"So the run away agent finally found her way back," anang isnag tinig at nakita ko si Aeiryn na blangko lang ang itinatapon na tingin sa akin.

"Ito si Aeiryn, wala pa man nakakapang-okray na. Kulang ka lang sa romansa, sis," ani Jice at tinalikuran na niya kami.

Naglakad ako papalapit kay Aeiryn at pinagmano ko sa kaniya si Liran ngunit hindi nito ginawa. Parang natakot ang anak ko sa kaniya. "Nanay, bad po ba siya?" bulong sa akin ni Liran at parang gusto kong matawa.

"Hindi, anak, pero masungit siya," sagot ko at nakita ko ang pag-arko ng kilay ni Aeiryn.

"Are you going to sign the contract with kuya Leik? You can leave you children in my office," aniya at tumalikod na.

Tinawag ko naman si Leik at sinabi kong iwan na lang namin kay Aeiryn ang mga bata. Agad naman siyang sumunod sa akin.

Nang makarating kami sa office ni Aeiryn ay parang walang ipinagbago ito sa paningin ko. Mag-aapat na taon na pero ganoon pa rin ang opisina niya.

"Livan, iiwan ko kayo ni Liran kay tita Aeiryn n'yo, ha? Saglit lang ang Nanay at Tatay. May pipirmahan lang ako," paliwanang ko sa kanila at tumango naman si Livan saka niya hinawakan ang isang kamay ni Liran.

"Your little Liran looks like so sensitive and brave, but. . . your litte Livan looks so suspicious. May split personality disorder ba siya?" tanong ni Aeiryn agad akong umiling.

"Normal ang mga anak ko. Itong ama nila ang may tama sa ulo. Sala sa init, sala sa lamig. Hindi mo malaman kung anong gusto sa buhay. Isang araw mahal ako, sa susunod, itinataboy ako ng bugok. Alam mo, Aeiryn, kung hindi ko mahal 'tong kuya Leik mo? Nasampolan ko na 'to n'ong inaaral natin na parusang pagputol ng titsikels," litanya ko kay Aeiryn ngunit ang walanghiyang Leik Andrey, aba'y hinatak ako palabas, bwakanang ina!

Bigla niyang pinagsalikop ang mga kamay namin at hinarap niya ako sa kaniya.

"Are you really sure about this?" tanong niya at inismiran ko siya.

"Mas sure pa ako rito kaysa sa pagmamahal mo sa akin na parang pagtaas ng kuryente ng meralco. Hindi mo alam kung kailan ka na lang gugulantangin na naloko at napaikot ka na pala!" sagot ko sa kaniya at hinatak ko na siya papasok ng opisina ni Chief.

Pagpasok namin sa loob ay awtomatiko kong nabawi ang kamay kong hawak niya dahil sa may madilim na awrang bumabalot sa paligid ni Chief. Para siyang naka-super sayan five.

"P–Pipirma na po ako, Chief," pagpapaalam ko sa kaniya at inabot naman niya sa akin ang kontrata.

Naupo ako sa sofa at akma ko na sanang pipirmahan iyon nang magsalita siya.

"Once you sign those papers, Syreen, you will never be able to leave again. Whatever your reason may be, you'll stay in Phyrric. No personal issue, no maternity issues, and all. Whatever you reasons, you'll stay in Phyrric and that is in your contract. No more leaving, no more hiding and playing," paglilinaw niya sa akin at hindi ko alam kung bakit. . . pero tila may gusto siyang iparating na hindi ko makuha.

"O–Opo, Chief. Alam ko naman po iyon—"

"Kahit gusto mong takasan si Leik ay hindi mo na magagawa. You'll be forever on my jurisdiction," putol niya at napatango naman ako.

Knows ko naman 'yon, Chief, pero bakit parang nagbabanta ka? May kasalanan na naman ba 'tong pamangkin mong walang ibang ginawa kung hindi saktan ako?

Pumirma ako ng kontra at inabot ko na iyon sa kaniya. Tinatakan niya iyon ng blue seal at agad niya iyong p-in-rocess sa may machine na nasa tabi niya.

"Done. Welcome back. I am hoping that you will face everything now, and I really hope that you learned for that three long years," anas niya sa akin.

"Thank you, tita Aei," ani Leik ngunit hindi siya pinansin ni Chief. Humigop lang siya sa tasa niya.

Lalabas na sana kami ng opisina nang bigla na lamang nagsalita si Chief habang nakatingin sa kawalan.

"Whatever it was that ruined the pass, don't let it affect the things you are building in your present."

Huh?

    

MASARAP ang kain nina Liran at Livan nang madatnan ko silang pinakakain ni Aeiryn.

"Nanay! Sarap po luluto ng pancake si tita Aeiryn!" masayang sigaw niya at sa gulat ko ay lumapit siya kay Leik at hinarap niya pa rito ang plato ng pancake. "G–Gusto mo po ba, T–Tatay?"

Hindi ko alam, pero legit na sumikdo ang puso ko sa narinig ko mula kay Liran. Nakita ko rin kung paanong nagulat si Leik at kung paanong tila maluha-luha ang mga mata niya.

"Can you call me that again, a–anak?" ani Leik na mukhang hindi makapaniwala. Binuhat niya sa Liran at nginitian niya ito. "Can you?"

"T–Tatay, gusto mo po ng pancake—" Hindi natapos ni Liran at sinasabi niya dahil bigla na lamang siyang niyakap nang mahigpit ni Leik na para bang ayaw na niyang pakawalan pa ang anak niya.

Napasulyap ako kay Livan at nakita ko siyang seryoso lamang nakatingin kay Leik at Liran na para bang inaanalisa niya kung anong nangyayari sa kanila.

Lumabas ako ng opisina ni Aeiryn at tumungo ako sa training ground ng Phyrric at doon ako nagsindi ng sigarilyo na kanina ko pa gustong hithitin. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko naman makuhang maipaliwanag.

"Kumusta?" Nalingunan ko si Gyor at inalok ko ito ng sigarilyo na tinggaihan naman niya.

"Good boy ka pa rin? Hindi ka pa rin naman niya mamahalin," pang-aasar ko at nginitian lamang niya ako ng tipid. May bayad talaga ang ngiti ng isang 'to!

"Nakapag-usap na ba kayo ng asawa mo?" tanong niya sa akin at himipak muna ako sa sigarilyo bago ko siya sinagot.

"Asawa? Ang bwakanang inang 'yon, hindi naman pala nirehistro ang kasal namin," natatawang wika ko sa kaniya ngunit hindi naman siya natawa, bagkus ay mas sumeryoso ang mukha niya.

"Why do you have to settle for less, Syreen? Dahil ba Freezell siya? Dahil ba may kaya siya—"

"Alam mong mahal ko siya, Gyor. Sa lahat, ikaw ang nakasaksi kung gaano ako katanga. Binabantayan ko pa lang siya, alam mo na kung paano ako nahulog sa kaniya sa mga pa-etchos niyang drama," putol ko sa kaniya at muling humithit ng sigarilyo. "Kaya kahit ano yatang gawin sa akin ni Leik, paulit-ulit ko pa rin siyang tatanggapin. Tanga kasi ako 'tang ina. Sinasaktan na 'ko pero sumisige pa rin ako. Pero hayaan mo na, nagbunga na rin naman ang katangahan mo, e 'di panindigan ko na lang. Isa pa, nangako naman siyang hindina niya ako sasaktan. Umaasa lang ako na tutuparin niya na ang pangako niya."

"The last time I saw you, I told you mag-iingat ka, but you're just too damn hardheaded and naive, Syreen. Parang kang dispalinghadong sasakyan," aniya at hindi ko alam kung bakit ako natawa roon.

Napabuga ako ng hangin sa kawalan saka ako bumaling sa mga mata ni Gyor. "Hindi ako bulag, Gyor. May mga napapansin at nakikita ako, pero dahil nga gaga ako, gino-go ko pa rin kahit na parang hindi ko namaintindihan ang gusto ko minsan."

"You are just afraid of abandonment, Syreen. You just lost your mother and you are afraid that you will be left alone. Pero naisip mo bang. . . hindi ka naman mag-isa? You have your twins with you. Dapat hindi ka na lang bumalik. Dapat hindi ka na lang sumugal. Dapat hindi mo na lang nilimitahan ang sarili mo sa kung ano lang ang gustong ipaalam sa 'yo. Ako lang ang naaawa sa sitwasyon mo. You are almost a sister to me. You were there when I needed a friend. Sayang, Sy. You lost the freedom that was offered to you," mahabang turan niya sa akin at hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

Sasagot na sana ako nang bigla niyang kuhanin sa akin ang ang sigarilyo at tinapon iyon sa kung saan saka niya tinakpan ang bibig ko at kapwa kami nagkubli sa isang malaking bilog na poste.

"Sssshhhh." bulong niya sa akin.

"Proceed with the plan. Yes, we have to do it now. Yeah. . . Of course, I will make Syreen suffer. I absolutely will. . . Yeah, yeah. . . I understand. Yeah. . . Kailangan niyang masaktan, kailangan niyang magsisi, at kailangang lamunin siya ng sakit para maramdaman niya kung anong sakit ang ibinigay niya. Walang espasyo sa mundong ito ang mga gaya niya. Someone has to die and it has to be the person that committed the crime. Kailangan niyang mamatay. . . at ako ang papatay sa kaniya."

Nanginginig ako habang nakikinig ako sa taong iyon na nagsasalita sa kausap nito sa telopono. Para akong natutuod at nanglalambot ang tuhod ko sa paglukob ng galit, takot at pagdududa sa akin.

"I told you, Syreen, mag-iingat ka. You should've listened to me. You missed the chance to run," bulong sa akin ni Gyor pero hindi na iyon maproseso ng utak ko.

   

...

   

...

     

...

    

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

      

Anong nagawa ko sa 'yo, Leik Andrey? Bakit tinatarantado mo 'ko nang ganito? Bakit. . . Bakit kung kailan tanggap ka na ng mga anak mo? Bakit. . . BAKIT? PUTANG INA!

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

GOOD MORNING! SANA INTACT PA RIN ANG TIWALA N'YO. INTACT PA NAMAN ANG SA AKIN.

CONGRATS SA MGA TUMAMA KAY SOMEONE. HAHAHA. 🖤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top