Twenty-eight

AEIRYN

THEY brought the girl inside the tormenting room. She looked at my face and I gave her a dangerous smile.

"A–Anong ginagawa ko rito?" she asked and I shrugged my shoulder.

"You should know. You did the stabbing, not me," I replied as I grabbed her shirt and sat her on a monoblock chair.

"Sino ka!? Bakit ako nandito? Balak n'yo ba akong patayin, ha!? Gaga ka ba! Magiging asawa ako ni Leik—SHIT!"

I slapped her mouth. No one asked her to talk. "My cousin would never marry a lowly thing like you. Are you even sane?" I looked at her from head to toe then I smirked. "I don't think so."

"C–Cousin? Pinsan ka ni Leik? Puwede mo ba akong pakawalan dito? Gusto ko siyang bantayan sa ospital—" I slapped her mouth again.

"Don't talk when I am not asking you to talk, not unless you want me to cut your fucking tongue off your mouth." She suddenly zipped her mouth. Coward bitch.

I tied her tightly on the monoblock chair using the rope I was holding then I sat at the chair in front of her.

"Do you even know who you are messing with? I'm not forgivable. I'm not a softy, crazy wench," I said devilishly as I reached for the scissor beside me. "Shall I start cutting your tongue with this?" I asked and I saw how her eyes widened.

"P–Please, pakawalan mo na ko—OH MY GOD!" I aimed the scissor at her face that left her a scrape. It bled a little. Luckily, she was able to dodge that one. She's somehow a skilled bitch.

"I told you, no talking. I ain't kidding especially when I am holding a scissor. If you didn't dodge that one, your eyes must be bleeding right now," I said with a grin on my face and I literally saw her frightened reaction. Scaredy cat.

I stood up and aimed for her hair. I saw how her tears dripped out when I started cutting them to the shortest.

According to the report passed to my by Callia, this actress loves her hair so much that cutting them would take her sanity away.

She screamed as she saw her cutted hair fell down on the floor.

"BALIW KA! HAYOP KA! PAPATAYIN KITA—AHHHHHHHH!!" I stabbed her shoulder using the scissor. I heard her cried in pain.

"You're testing my patience which happened to be not so long especially to some crazy bitches like you."

The blood came rushing out of her shoulder and she's already crying in pain.

"You stabbed my kuya Leik under his heart. Shall I do the same thing to you? Shall I torture you and slowly kill you? I'm good at it."

I heard her beg. . . and beg. . . and beg, which made me smirked.

"I ain't forgivable today. You just stabbed a Freezell," I said as I deepend the scissor on her shoulder which made her cried in pain.

She deserves more than this. . . I am waiting for kuya Aeignn.
    

SYREEN

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang puro ito dugo. Nakatungo lamang ako at iniisip kung ano ba ang nangyayari habang nasa loob ng ER si Leik at Tatay.

'Tang ina, bakit naman humantong sa ganito!? Bakit naman parang sinusubukan talaga kung hanggang saan ang tatag ko? Ubos na ubos na 'ko pero lalo pa yata akong nauubos, 'tang inang 'yan!

"Sy," narinig kong tawag ni Lindzzy sa akin na nasa tabi ko pero hindi ko siya magawang lingunin. Samot-sari ang mga nasa isip ko at para akong nalulunod sa mga impormasyon na hindi ko maproseso. "Magiging ayos din ang lahat—"

"Sana hindi n'yo na lang pinagbalakan ng masama si Tatay, Lindzzy. Hindi sana naging ganito ang resulta ng lahat," halos pabulong na wika ko habang nakatingin ako sa mga kamay kong may dugo ng taong paulit-ulit na nananakit sa akin, pero mahal na mahal ko pa rin.

Hindi siya sumagot. Mahabang katahimikan ang namayani kaya't nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang nakatulala lamang sa pintuan ng ER at may mga luha sa mga mata.

"Lindzzy—"

"Wala kaming balak na patayin siya," aniya at nagulat ako sa narinig ko mula sa kaniya. Hindi ganito ang nakita ko! Hindi ganito ang alam ko.

"Nagsisinungaling ka ba—"

"Simula pa lang, wala na kaming balak na patayin siya. Hindi ako ganoong klase ng tao, Syreen. Kaya kong paulit-ulit na magpatawad. . . pero noong nalaman kong siya ang ama natin at nasa paligid mo siya maging ng mga anak mong kambal, kinabahan ako para sa mga buhay n'yo. Kapatid kita. . . Kapatid kita, e. Kahit ngayon mo lang nalaman ang bagay na ito, magkapatid pa rin tayo at hindi ko kayang hayaan na baka isang araw ay mawala na naman siya sa katinuan at saktan niya kayo ng mga pamangkin ko," paliwanag niya sa akin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

"A–Anong plano n'yo? A–Alam ba ni Leik 'to? A–Alam ba niyang wala kayong balak patayin ang tatay? H–Hindi siguro, ano? Nakita kong determinado siyang patayin ang tatay sa harap ko mismo—"

"Siya ang nagmungkahi na huwag namin patayin si Scorpio," putol sa akin ni Lindzzy at nagimbal ang buo kong pagkatao sa narinig ko.

"A–Anong sabi mo?" utal na tanong ko. Halos hindi ko malaman kung paano ko ba dapat iproseso ang narinig ko.

Biglang lumingon sa akin si Lindzzy at ngumiti nang mapait. "Wala akong planong patayin ang ama natin. Kaya nang sabihin ni kuya Leik na mas maigi kung gagawa kami ng paraan para kamuhian mo ang sarili nating ama ay saka namin ito dadalhin sa malayong lugar—malayo sa inyo ng pamangkin ko para sa kaligtasan ninyo, hindi na ako nagdalawang-isip na pumayag. Walang natalo. Nailayo ko kayo sa kapahamakan sa mga kamay niya kung sakali, nagawa pa namin ang gusto namin na kahit paano ay makaganti sa kaniya kapag nailabas mo na lahat ng pangdidiri at pagkamuhi sa nalaman mong ginawa niya."

Hindi ko alam kung bakit pero sunod-sunod ang naging pagtulo ng mga luha ko sa mga narinig ko.

"Bwakanang ina naman, Lindzzy! Bakit naman parang ikaw pa ang ate sa lagay na 'to!"

Muli ay ngumiti siya sa akin at inabot ang pisngi ko para pahiran ang mga luha roon. "Kaya sana. . . sana hindi ka magalit kay kuya Leik. Sana hindi ka magtanim ng sama ng loob sa kaniya, dahil kahit anong galit niya sa ama natin, naisip niya pa rin na masasaktan ka kung mamamatay siya kaya ganoon ang naging plano namin," aniya at hindi ko maiwasan ang lalo pang umiyak at mapatango-tango. "Hindi niya gustong saktan, paiyakin at pahirapan ka. Iyon lang talaga ang nakikita niyang paraan para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niyang galit para sa ama natin. Iyon lang ang magagawa niya para sa Nanay ko na tumayong pangalawa niyang ina. Kung alam mo lang. . . Kung alam mo lang kung gaano niya saktan ang sarili niya tuwing masasaktan ka niya, kung paano siya magpakabaliw sa alak sa tuwing nahihirapan ka. . . doon mo masasabi na totoong mahal na mahal ka niya."

"Pakingshet kasi iyang si Leik! Malihim! Kung sinabi niyang balak niyang gantihan ang tatay, baka tinulungan ko pa siya kasi nakikita ko naman kung gaano ka-valid ang reason niya! Tingnan mo, ngayon nalalagay pa sa alanganin ang buhay niya!" himutok ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.

Hinagod niya ang likod ako saka ako mabilis na niyakap. "Alam kong nagtataka ka pa rin kung bakit matapos ang tatlong taon doon siya bumalik," bulong na anas niya habang hinahagod ang likod ko. "Three years ago, desidido na siyang mawala na lang sa buhay mo, desidido na siyang kalimutan ka na lang kahit gaano ka pa niya kamahal, pero. . . three years later, nang sabihin ko sa kaniya na baka manganib ang buhay mo sa kamay ng ama at ina mo, he insisted na ibabalik ka na lang niya sa buhay niya para maprotektahan ka. Remember the contract? Wala naman dapat kontrata sa simula pa lang, pero ipinagpilitan niya. . . para lang maitira ka niya sa bahay niya dahil doon. . . masusubaybayan ka niya."

'Tang ina, Leik! 'Tang ina! 'Tang ina talaga! All this time ang tingin ko sa 'yo ay hayop, bugok, tarantado, walang iniisip kung hindi ang sarili, animal, isang malaking gago. . . pero lahat pala ng ginawa mo. . . para lang pala sa ikabubuti ko at ikaliligtas ko. 'Tang ina, bakit ganiyan ka! Bakit kahit mahal na mahal mo 'ko at hirap na hirap kang ipakita, pinipili mo pa rin na mahalin ako sa sarili mong paraan! 'Tang ina, kinamuhian kita. . . tapos ako pala. . . ako pala ang walang kaalam-alam sa paraan ng pagmamahal mo na puno nang pagprotekta.

"S–Sana sinabi niya. . . sana."

"Ayaw niya lang mahirapan ka kapag gagawin na namin ang mga plano. Ayaw niyang masaktan ka kaya't pilit ka na lang niyang sinasaktan at tinataboy, pero nagbago ang lahat nang malaman niyang may anak kayong dalawa. . . at kambal pa. Lalo siyang naging pursigido na protektahan kayong tatlo. Kung alam mo lang kung paano niya pinarusahan ang sarili niya nang magsinungaling ka sa kaniya na nakunan ka. . . lahat siguro ng awa sa mundo ay mararamdaman mo sa kaniya dahil sinisisi niya noon ang sarili niya."

Sorry, Leik. Patawarin mo 'ko.

Kumalas sa akin si Lindzzy at siya namang dating ni Chief na ngayon ay hindi ko malaman kung ano ba ang kasalukuyang tumatakbo sa isip.

"C–Chief," tawag ko ngunit bigla na lamang siyang may hinatak sa kung saan at bigla niyang hinarap sa akin. "Aeidan?"

"Confess, bago ko pa sabihin sa Daddy mo kung anong ginawa n'yong mag-asawa," utos ni Chief kay Aeidan at nakapamulsa itong humarap sa akin.

"We. . . We kidnapped Livan," aniya at parang gusto kong tumayo para lang sampalin siya pero nanghihina ako.

"B–Bakit? Para saan?"

"We want to torment Scorpio during that time. We didn't see Liran. We thought that Livan was an only child. We brought him to our house. Livan knows. He even met her cousin—my son, Zayn. They played together. Your son is a genuis."

Nagulat ako sa sinabi ni Aeidan. Kaya ba sinabi niya na may nakalaro siyang bata at hindi naman siya na-torture? Kaya rin ba parang kilala niya na si Leik?

"P–Paanong alam niya—"

"He knows that we have the same set of eyes. He knows that I am somehow related to his father. No one told him. He just knew."

Kaya paano kong hindi masasabi na ibang klaseng bata si Livan matapos nitong mga narinig ko?

"I got him back from my son. May ideya na rin naman ako na sila ang kumuha kay Livan dahil natutunugan ko ang mga plano nila," ani Chief sa seryosong tono saka bumaling kay Aeidan at Lindzzy. "The next time you do this, I'll take away Zayn from the two of you. Harsh decisions are dangerous not for the both of you, but for your son. You have a son to protect, keep that in mind."

Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong iakto sa dami ng mga nalaman ko. Para akong pinaulanan ng nga impormasyon na hindi ko naman alam kung paano ba mga hihimayin. Daig ko pa ang naglolokong xerox machine. Ang hirap tanggapin at ang hirap intindihin ng mga iyon. Nalulunod ako sa mga kaalaman. Ang dami. . . sobra.

Bigla na lamang may lumabas na doktor mula sa ER kaya't napatakbo ako patungo roon.

"K–Kumusta po si Leik? Kumusta rin po ang Tatay ko?"

Biglang yumuko ang doctor at sunod-sunod na umiling sa akin.

"We tried our best. . . pero hindi talaga kaya. Pareho silang sobrang napuruhan at ang isa ay nadaplisan pa ang puso," anang doktor at hindi ko na alam ang nangyari. Basta't napaupo ako sa sahig at tila hirap na akong huminga.

"Just go straight to your fucking point!" dinig kong sigaw ni Aeidan.

"They both didn't make it. Sorry."

'Tang ina naman, Leik! Bakit mo ginagawa sa akin 'to!? Bakit hanggang dulo, sinasaktan mo pa rin ako!?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top