Thirteen

SYREEN

NAKAYUKO ako at lihim na nagdadasal habang nasa loob ng ER ang taong handa kong ibigay kahit ang kalahati ng buhay ko para lang makasama ko pa nang mas matagal.

"Ate Sy. . ." tawag sa akin ni Syna. Alam kong nag-aalala siya sa hindi ko pagsasalita. Alam kong inaalala niya ako. Alam kong hindi siya sanay na ganito ako.

Nag-angat ako ng tingin saka ako nagsalita. "Anong sabi ng doktor sa 'yo bago ako dumating?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya.

"Hindi na raw po niya masisigurado na ligtas pa natin siyang maiuuwi? Alam mo naman, ate, na hanggang dito na lang-"

"Pera ba? Makakahanap ako, pagalingin lang nila siya. Kahit sarili ko ipagkakanulo ko," putol ko sa kaniya. May mga luha nang nagbabadya sa mga mata ko.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko saka ako isinandal sa dibdib niya.

Oo nga pala, narito nga pala siya. Kahit ayaw ko siyang isama, nagpumilit siya.

"Everything's gonna be fine, darling. Just trust the Lord," anas niya at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko pero wala akong kahit na anong maramdaman. Nabablangko ang utak at diwa ko. Pakiramdam ko ngayon napakahina ko, 'tang ina!

Gusto kong pumalahaw ng iyak at magwala pero parang wala na akong maramdaman para gawin pa ang mga iyon. Ayaw ko nito. . . ito ang pinaka-ayaw komg aspeto mg buhay ko. Nakakagago, 'tang ina. Nakakapanghina pero walang magawa!

Halos mahigit ko amg hininga ko nang bigla na lamang lumabas ang doktor sa pintuan ng ER at magkakasunod itong umiling sa akin.

Tumayo ako palayo kay Leik at humarap sa doktor.

Parang nagunaw ang buo kong pagkatao. Para akong nawalan ng ibabala sa lahat. Nauubos na 'ko. Ubos na ubos.

"We did everything we can, but the cancer cells had spread out. There's nothing more we can do, Ms. Averde. Let her rest now. We are very sorry," anas nito sa akin ngunit walamg kahit isang patak ng luha ang tumulo sa mga mata ko.

"Maraming salamat po," kaswal na tugon ko rito saka ako nilingon si Syna. "Tumawag ka ng punerarya. Asikasuhin natin ang mga dapat asikasuhin. Huwag mo na munang sasabihan ang Tatay, ayaw kong maulila sa mga magulang sa magkaparehong araw," blangko ang emosyon na wika ko at sunod-sunod ang naging pagtango ni Syna sa akin.

Gumawi ako sa entrada ng ospital para lumabas na ngunit bigla na lamang akong hinigit ni Leik at niyakap.

"Syreen. . . cry. You have to cry, darling," anas niya ngunit umiling ako at ngumiti ng mapait kahit pa hindi niya naman iyon nakikita.

Mabilis ang ragasa sa utak ko ng mga pangyayari. Kahit hindi ko gustong alalahanin, wala akong magawa. Kusang nagbabalik-balik sa utak ko lahat ng mga nangyari sa nakalipas na taon. Lahat. . . LAHAT NG MGA NANGYARI.

"Let me go, Leik. Marami akong kailangang asikasuhin," anas ko saka ko siya marahang itinulak palayo sa akin.

Tinitigan niya ako sa mga mata nang makalayo ako sa kaniya. Alam kong nahihirapan siyamg pakitunguhan ako sa mga oras na ito, pero wala akong magagawa. Wala akong oras ngayon para pakitunguhan siya sa paraan na dapat at gusto niya.

"You can always talk to me, darling. Your Mom just died. I may not know how it feels, but I just want you to know that I am here. I won't leave you," anas niya at muli ay napangiti ako sa kaniya nang mapait.

"Nanay ko lang ang taong hindi ako iniwan, tinalikuran at pinagtabuyan, pero ngayon. . . pati siya iniwan na 'ko. Huwag mo na muna akong kausapin ngayon, Leik. Wala akong panahon para sa drama," anas ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumabas na ng ospital na iyon.

Nanginginig ang mga kamay ko. . . pero hindi ko magawang umiyak o lumuha man lang. Siguro. . . 'tang ina, siguro nga naubos na ako.

NAKATITIG lamang ako sa kabaong niya habang dagsa ang mga nakikiramay. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapait sa kaplastikan ng mga tao sa paligid.

Kaniya-kaniyang kuwento ang mga hayop tungkol sa kabaitan ng nanay ko, pero noong mga panahon na kailangan ko ng makakatulong at kailangan ko mismo ng tulong, walang gustong mag-abot ng kamay. Nakakatawang marinig na ngayong wala na ang nanay ko, saka sila magpapanggap na akala mo malaki ang nagawa nila sa buhay niya.

"Ate Sy, nagtatanong po iyong lalaking kasama ninyo kung puwede raw po ba siyang magpa-deliver o mag-hire na lang ng mga magluluto para hindi na raw po tayo maka-abala sa mga kapitbahay na gustong maki-usyoso," ani Syna at wala akong ibang isinagot sa kaniya kung hindi pagtango lamang.

Hindi sa wala akong lakas na magsalita, wala lang talaga ako sa wisyo na intindihin ang nangyayari sa paligid ko.

Namatay ang nanay ko sa cancer pero dahil may angiokeratoma siya, halos lahat ng nasa paligid namin ay pinandidirian siya. Inaakala nilang nakakahawa ang sakit sa balat na iyon, 'tang ina nilang lahat.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumungo sa likod ng bahay namin. Kinuha ko ang pakete ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa ko saka ako nagsindi niyon.

I was never an smoker. Sumisindi lang ako kapag hindi ko mailabas ang nararamdaman ko. This is actually my fourth-the third time. Iyong dapat sanang pangatlo, hindi ko itinuloy.

"I. . . I didn't know that you smoke," anang isang tinig at paglingon ko ay nakita ko si Leik na may bitbit na styro cup. Sa palagay ko ay may lamamg kape ang mga iyon.

Himithit na muna ako sa sigarilyo bago ako nagsalita at inabot ang kapeng binibigay niya. "Marami ka naman talagang hindi alam, Leik. Maraming-marami," anas ko sa kaniya saka ako ngumisi at muling humithit sa sigarilyo.

Naupo siya sa may plant box saka ako tiningala at tinitigan. "Parang hindi kita kilala ngayon," aniya sa akin at bigla akong natawa na puno ng kasarkastikuhan.

"Hindi ko rin naman kilala ang sarili ko ngayon. It's a tie," anas ko sa kaniya. Nakatitig na rin ako sa mga mata niya. "Hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon-"

"Because you don't want to show everyone how weak you are. Ayaw mong ipakita na umiiyak at nasasaktan ka," putol niya sa akin. Sinabi niya ang mga salitang iyon direkta sa mga mata ko. Walang pag-aalinlangan na para bang kilalang-kilala niya pati pusod ng pagkatao ko.

"Then what? Take advantage of my weakness? I had enough, Leik. Puwede ka na rin munang umalis. Hindi ka naman kailangan dito," wika ko sa kaniya ngunit nagat ako nang tumayo siya saka inagaw sa akin ang kapeng hawak ko. . . bago niya ako niyakap nang napakahigpit.

"Cry. . . I'm begging you, darling. I'm begging you, please cry. Let your feelings out. Alam kong masakit kaya nagmamakaawa ako sa 'yo. . . iiyak mo. Nandito lang ako, hindi kita pababayaan. Hindi kita sasaktan. Hindi kita iiwan. Cry now. . . please," aniya at parang pinipalipit ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

Unti-unting may namumuong mga luha sa hayop na mga mata ko at kahit anong pigil ko, wala akong magawa para iwasan ang pagtulo nila.

Tuluyan na ring nabuo lahat ng senaryo sa mga nakalipas na taon sa utak ko. Hindi ko na mapigilan. . . hindi ko na matakbuhan.

Marahas ko siyang itinulak palayo sa akin saka ako ngumiti nang ubod ng pait sa kaniya. Hindi ko gustong mag-breakdown sa harap niya. . . pero ito na, hindi ko na mapipigilan pa.

"Nang araw na itinaboy mo 'kong parang babaeng parausan. . . ang nanay ko lang ang natakbuhan ko. Siya lang ang tumanggap sa akin, samantalang ang tatay ko ay galit na galit at halos itakwil ako bilang anak niya. Nang araw na 'yon. . . hinahanap ko iyong pinagsumpaan natin na hirap at ginhawa, pero wala. . . wala na. Itinaboy mo ako na parang isa akong nakakadiring nilalang. . . at sinong sumalo sa akin? Ang nanay ko, Leik. Ang nanay ko na nakahimlay ngayon sa isang kabaong sa loob ng bahay namin," mahaba kong wika sa kaniya at walang tigil sa pag-agos ang luha ko.

'Tang ina, 'di ba? Ginusto niyang maramdaman ko ulit 'to, hindi ba? Ipinagpilitan niyang ilabas ko 'to, kaya sana tanggapin niya lahat nang maririnig niya sa akin.

"S-Sorry. . . I didn't know. . . fuck it. . . I'm really sorry-"

"Noon mga panahon na tinalikuran mo 'ko. . . tinalikuran ako ng lahat. . . ng buong mundo. . . ang nanay ko, Leik. . . ang nanay ko lang ang naroon para sa akin. Siya lang ang nandoon para pahiran ang luha ko, siya lang ang nandoon para magsabi sa akin na magiging maayos din ang lahat. Kaya paano. . . paano ko ngayon tatanggapin na ang taong pinakahuling inaasahan ako na iiwan ako. . . nawala na rin. P-Paano. . . sabihin mo. SABIHIN MO KUNG PAANO?"

Napaupo ako sa damuhan at doon ay iniiyak ko lahat. Inilabas ko lahat ng luha na nais kong ilabas. Para akong kinakain ng nakakagagong sakit saga oras na ito.

Nakita kong hahakbang sana siya papalapit sa akin kaya't nag-angat ako ng tingin at umiling sa kaniya nang sunod-sunod.

"H-Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang nararamdaman mo, lalo pa't alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit mo iyan nararamdaman. I'm. . . I'm really sorry. Hindi ko na alam kung paano pa ako hihingi ng tawad sa iyo, pero sana malaman mong sising-sisi rin ako sa ginawa ko. If only I could offer half of my life to your mother, I would willingly give it to her," anas niya at nakita ko ang mga mata niya na punong-puno ng sinseridad.

Tumayo ako mula sa damihan at ngumiti sa kaniya. "Huwag kang mag-alala. Naglabas lang naman ako ng sakit ng dibdib. Hindi naman dahil nangyari ito, iiwan na kita. Tama nang nasira na ang buhay ko ng isang beses. Panahon na para panindigan ko ang mga desisyon ko. . . pero hindi ko naipapangako sa 'yo na makakalimutan ko ang mga bagay na iyon hanggang sa huling hininga ko. . . dahil kung sakit lang ang pag-uusapan. . . parang pinapatay ako ngayon, Leik, parang unti-unting dinudurog ang buong sistema ko sa pagkawala ng nag-iisang taong tumayo at lumaban para sa akin," anas ko sa kaniya.

Hindi man niya sabihin, alam kong nasa isip niya ngayon na iiwan ko siya dahil sa nangyaring ito kahit pa matapos kong sabihin na bibigyan ko ng pagkakataon ang kasal namin.

Totoong mabigat sa dibdib ang lahat at totoong naglabas lang ako ng kaunting sakit na nararamdaman ko. . . at nagpapasalamat akong hindi pa ako sumasabog nang tuluyan. Huwag lang sana. . . huwag lang sanang magkakaroon ng dahilan para sumabog ako dahil baka hindi ko na mapigilan at masabi ko pa ang mga bagay na matagal ko nang ibinaon sa pinakakailaliman ng utak at puso ko.

"I will make it up to you. Kung kinakailangan na ipakita ko sa 'yong karapat-dapat ako sa tyansang ibinigay mo, gagawin ko. Ibibigay ko rin ang lubos kong pagpapasalamat sa nanay mo para sa mga araw na siya ang nagbigay lakas sa 'yo. . . imbes na sana ay ako," aniya at tumango lamang ako sa kaniya.

Alam kong nahihirapan siyang pakitunguhan ako sa mga oras na ito dahil ako mismo ay nahihirapang iisplika kung ano nga bang totoong tumatakbo sa utak ko.

Nakakatawang gusto kong murahin lahat ngayon. Gusto ko silang sabihan na pakingshet sila, bwakanang ina nila, pakyu silang lahat, at 'tang ina nila, pero ito ako ngayon at umiiyak sa isang sulok.

Humakbang siya papalapit sa akin at ngayon ay hinayaan ko na siya. Ginawaran niya ako ng halik sa noo saka niya pinahiran ang mga luha mo sa mga mata ko.

Iginiya niya ako papasok ng bahay at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Zylin na nasa harap ng kabaong ng nanay ko at nakasuot pa ito ng kulay pulang damit.

"What are you doing here, Zylin?" tanong ni Leik habang nakayakap siya sa akin.

"Hon. . ." anito saka ako tiningnan.

"Huwag sa burol ng nanay ko, dahil kahit maraming nakaharap dito ay sinisiguro ko sa 'yong ilalabas ko lahat ng baho ng ulo mo," banta ko sa kaniya ngunit bigla na lamang itong ngumiti at may kinuha sa dala nitong bag.

"Hon. . . I'm pregnant," anito at ipinakita niya sa amin ang picture ng ultrasound.

Napabitaw sa akin si Leik at nakita ko ang gulat na gulat na reaksyon niya.

Ngumiti ako ng mapait at umiling sa naging reaksyon ni Leik maging sa itsura ni Zylin na mukhang masayang-masaya ngayon.

Akmang hahakbang si Leik palapit kay Zylin para kuhanin ang picture ng ultrasound, nang pigilan ko siya sa braso.

"You're a Freezell, Leik. Isang beses ka lang maaaring magka-anak," anas ko sa kaniya at napalingon siya sa akin.

"W-What do you mean?"

Muli ay ngumiti ako nang mapait sa kaniya at sunod-sunod na umiling.

Ito ang sinasabi kong huwag sanang magkaroon ng dahilan para tuluyan akong sumabog. . .

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

"Hindi mo anak 'yan. I was once pregnant with your child, and I had a miscarriage."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

Mali yata ako nang sabihin kong si Lhayanna Alex ang strongest Freezell girl.

Thank you for supporting me. Mahal ko kayo lagi. Ingat! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top