Seventeen

SYREEN

NAKARATING kami ng Phyrric at halos lahat ng narito ay gulat na gulat nang makita ako. Aba'y hindi ko rin naman sila masisisi. Bumalik ba naman ang diyosa ng Phyrric, talagang legit silang mawiwindang.

"OMG!" tili iyon na ikinalingon ko at pagkita ko ay si Missy na hangos na hangos kung ako'y takbuhin.

"ANG BABAENG—BWAKANANG INA!" anas ko saka ko siya pinigilan na lumapit sa 'kin at mabilis kong kinuha ang kamay niya. "WEDDING RING 'TO, AH?" gulat na gulat na wika ko.

Bigla siyang ngumiti at nangingimi na sinundot ako sa bewang. "Kasi naman, ih!" anito na lalo kong ikinawindang.

Pakingshet! Three years lang akong nawala pero parang ang dami nang naganap na malayo sa pagkakaalam ko.

"Anong nangyari? Kasal ka na—"

"With me. And this is our daughter, Kylle Reez Brizzle, but you can call her Kyree. Long time no see, Syreen," ani Hudsen na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at may bitbit pang bata na sa palagay ko ay magdadalawang taong gulang na.

"Bwakanang ina, hindi nga? Nagkatuluyan kayo?" anas ko at ang animales na Hudsen, ngumisi pa sa akin.

"She threw away herself to me while drunk—"

"Hudsen! Iyang bibig mo na naman!" putol na singhal sa kaniya ni Missy.

"Ang lalandi n'yo! Akala ko baril lang ang pinapaputok n'yo at granada lang ang pinasasabog n'yo, may mga sideline pa pala kayong malayo sa expectation ko. Napapabilib n'yo 'ko diyan sa trip n'yo," anas ko saka ko marahang kinurot sa pisngi ang anak nilang hawak ni Hudsen. Ang bibilis makabuo ng mga talipandas.

"Hello po," anito sa akin kaya't npangiti ako.

"Hello, baby girl. I'm tita Syreen. The most gorgeous, the sexiest—"

"Shutangena! Huwag mong turuan magsinungaling si Kyree. Doon ka na lang kay Leik, mag-jerjeran kayo!"

Kahit hindi ko alamin o tingnan, alam na agad ng kaluluwang taglay ko kung sino ang kumontra sa akin.

Nilingon ko si Jice at sinamaan ko agad siya ng tingin. "Ikaw! Bwakanang ina ka, marami kang kasalanan sa akin. Talagang kapag ginigil mo 'ko, isisiwalat ko sa asawa mo lahat ng kabugokan mo sa misyon natin noon—"

"Okay lang tanggap niya naman. Kapag pinakain ko 'yon ng pukenjang ko, makakalimutan na n'on lahat ng kasalanan ko. Ikaw ba? Kapag sinabi ko ba kay Leik lahat ng kakemehan mo, agad mo ba siyang mapapakalimot gamit ang pukenjang mo? Excuse me, padaan. Jice Isaiah yata 'to. Only my pukenjang can heal my crimes!" anas niya saka pa naghawi ng buhok sa harap ko na animo ba talagang pagkaganda-ganda niya.

"Bunganga mo hindi pa rin nagbabago! Ilang taon na ang nakakalipas para pa rin akong may kausap na machine gun sa 'yo!" sita ko sa kaniya at ang loka-loka tinaasan lang ako ng kilay at ngumisi.

"Ako rin, Sy. May kausap na machine gun gabi-gabi. Sunod-sunod ang putok, kulay brown nga lang," aniya at parang bigla ko siyang gustong sabunutan.

"Mga lukaret kayo! Lalayas na kami! Naririnig pa ng anak ko 'yang paraan ng pag-uusap n'yo! Ang lakas n'yo pa namang mang-impluwensiya! Good bye!" aniya saka nito hinatak si Hudsen paalis.

"Wow, kung makapagsalita."

"Kunwari din 'tong si Missy, e. Baka nga nag-jejerjeran 'yan kapag tulog si Kyree."

Halos sabay ang himutok namin ni Jice at hindi ko talaga mapigilan ang mapailing. Kaya kami nasasabihan na parang iisa. Ang kaibahan lang talaga, malibog 'tong bwakanang inang Jice na 'to at ako ay tamang beastmode lang.

Hindi ako malibog. Walang may ebidensya!

"Ikaw? Hindi ka pa lalayas?" tanong ko sa kaniya at nginusuan niya ako.

"Ikaw ang dapat nang lumayas. Hinahanap ka ni amo. Shutangena, mukhang may pasabog ang pagbabalik mo. Naol sumasabog. Naol may pasabog. Laeven ko, three days sa training, gusto ko pa naman sanang magpaputok later," anas niya at napapailing akong tinalikuran siya.

Ang bwakanang ina sa akin pa talaga nagsumbong. Magulat 'to, magmalaki ako bigla tungkol sa hagdanan.

   

TAMEME akong nakatingin kay Chief habang mukhang inuusig niya ang buo kong pagkatao habang nakamasid siya sa akin.

"C–Chief, ano po bang kailangan—"

"Aren't you gonna ask how did I know that you two just had sex as I called?" putol niya sa akin at parang gusto ko na lang biglang lumubog sa kinauupuan ko. Ang bugok na Leik, napakakalmado lang sa tabi ko!

"And the reason is?" tanong niya sa tiyahin niya na parang ang cool lang. Gago, how!?

"Oh, I heard the heavy breathing and panting from both of you. I wasn't born yesterday nor today," nakangising sagot sa kaniya ni Chief.

"Sorry about that. We did it at the staircase," aniya na ikinalaki ng mga mata ko! Hayop? Pumunta ba kami rito para pag-usapan ang sex life namin ni Leik?

"Such an exhibitionist," kalmadong sagot lamg ni Chief. Lalo kong napatunayan ngayon na may tama talaga sa utak ang mga Freezell! Nakakatakot silang kalabanin at banggain!

"Sandali po!" awat ko sa kanila. Baka mamaya umabot pa ang bwakanang inang Leik Andrey na 'to sa achievement ko, hindi ko na 'yon kakayanin! "Bakit n'yo po ba kami pinatawag, Chief?" singit na tanong ko.

May kinuha si Chief sa drawer niya saka niya inabot ito sa amin na agad ko namang kinuha. "Read," utos niya.

Binuksan ko ang folder na tila hindi naman interesado si Leik saka ko ito binasa.

Halos manlaki ang ulo ko nang makita ko ang nakasaad doon. Hindi ko mawari kung tama ba ang intindi ko at kung tama ba ang iniisip ko sa nabasa ko.

"A–Ano po ito? P–Para saan po ito?" utal na tanong ko saka ako bumaling kay Leik. "Ano 'to?"

"I told tita Aeickel that you had a miscarriage before and that was her immediate plan and solution," aniya sa akin at parang gusto kong manakit sa mga oras na 'to.

"So all this time, habang sinasabi mo na ayos lang na wala tayong anak, gumagawa ka na pala ng paraan para magkaroon ka ng sarili mong dugo't laman? Nakakagalit ka naman," sarkastiko kong wika sa kaniya at nakita kong bahagya siyang nasaktan dahil sa sinabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis kong binawi iyon. Bwakanang ina niya! Gusto kong tagpasin ang leeg niya sa mga oras na 'to.

"Please, darling. Do understand me—"

"Paano kong maiintindihan na gusto mong magtanim ng semilya mo sa ibang babae at kung hindi gagana, ako ang tataniman ng semilya ng ibang lalake? Nasa tamang pag-iisip ka ba? Kasi kung wala, sasabakan ko na lang iyang mukha mo!" galit na galit na wika ko sa kaniya.

Tumayo bigla si Chief mula sa kinauupuan niya kaya't napukaw niya ang atensyon ko. Agad akong lumingon sa kaniya dahil iba ang pangungunot ng noo niya na animo ba may hindi tama sa nangyayari.

"You haven't told her?" aniya kay Leik kaya't muli kong itinuon ang pansin ko kay Leik at  nakita ko siyang umiling. Mababakas din sa mga mata ni Leik na animo ayaw niyang ipasiwalat kay Chief kung ano man ang nalalaman nito.

"Anong hindi ko alam? May mga dapat pa ba akong malaman? May mga impormasyon bang hindi na naman umabot sa akin? Ano? Lagi na lang akong outcast dito?" naguguluhang tanong ko.

"You better tell her, Leik Andrey. I don't tolerate this kind of behavior. Hindi ka na bata. Hindi n'yo na kailangan pang maglaro at maglihiman," ani Chief at lalo pa akong mas naguluhan.

Tumayo ako at binagsak ang folder na ibinagay ni Chief saka ako tumungo sa pintuan.

"Ipatawag n'yo na lang po ako ulit kapag handa n'yo nang sabihin ang lahat sa akin. Ginagawa n'yo 'kong katatawanan at laruan," sumbat ko saka ko inabot ang seradura ng pintuan ngunit nahigit agad ni Chief ang braso ko pero hindi sa masakit na paraan.

Inilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko saka siya mahinang-mahinang bumulong.

"Don't act as if you are all innocent, Syreen. I know everything about you and everything that you do. You can run away from Phyrric, but you can never outwit my shadow. I know you have your own purpose for doing things, and don't worry, my mouth is sealed," aniya sa akin saka ako tuluyang pinakawalan.

Nanginginig akong napasandal sa isang poste nang tuluyan akong makalabas ng opisina niya.

Alam kong alam mo lahat, Chief. Alam kong wala akong maitatago sa 'yo, at nagpapasalamat ako na ititikom mo ang bibig mo. Sana nga. . . sana nga mapagkakatiwalaan kita sa mga ginagawa ko hanggang dulo, dahil hindi ko alam ang magagawa ko, kung pati ikaw. . . tatraydorin ako.

   

TUMULOY ako sa apartment ni Veron. Hindi na ako nag-text o kumatok pa dahil may sarili naman akong susi ng apartment niya.

Pagpasok ko ay madilim at tahimik—MAY UMUUNGOL!

Agad naalerto ang katawan ko at mabilis akong tumungo sa silid niya saka ko pasipang binuksan ang pinto. . . para lang pala madatnan ang hayop kong kaibigan na may kaulayaw sa kama niya.

"PUNYETA KANG BILAT KA!" tili niya sa akin saka ako binato ng lampshade. Mabuti na lang at nakalabas agad ako ng pinto kaya doon siguro iyon tumama.

"SORRY NAMAN!" sigaw ko mula sa labas. "HIDNI KO ALAM NA NGAYON 'YANG UWI MG JOWA MONG PORENJER!" anas ko na sinundan ko pa ng tawa.

Binuksan ko ang mga ilaw saka ako naupo sa sala at binuksan ang tv. Sana ol talaga masaya ang lovelife. Ang akin kasi parang panahon. Minsan maayos, tapos minsan binabagyo. Magulo pa sa bulbol ni Veron ang buhay pag-ibig ko, bwakanang ina.

Baka aktibista ako noong nakaraang buhay ko, kaya ngayon ako nagsa-suffer nang ganito.

Maya-maya pa ay lumabas si Veron ng silid kasama si Dallia—yep, babaeng foreigner ang jowa nito ni Veron. Maarte lang ang hinayupak na 'yan, ayaw sa fukikels ng mga pinay. Magulo? Yup. Pero bakla si Veron, ang preference niya talaga ay mga lalaki, pero mahal na mahal niya si Dallia.

Huwag n'yo nang ungkatin sa akin ang lovelife nila. Basta ang alam ko, nagkakilala sila sa beach sa Boracay tapos naka-one night stand siya ni Veron then boom, kahit diring-diri daw siya, minahal niya na si Dallia.

"Hi, Syreen. I missed you, baby girl," bati sa akin ni Dallia saka pa ako bineso.

"I missed you too, girl. When are you going back to Canada?" tanong ko. Iba talaga ang nosebleed kapag ito ang kausap ko. Kaunti lang ang alam niyang Filipino words.

"I don't have an exact date yet, but yeah, I want to enjoy my baby first," aniya saka walang habas na dinakot ang titsikels ni Veron sa harap ko. Ang walanghiyang bakla, napatili pa talaga.

"Baby, don't do that!" aniya kay Dallia at tumawa lang ito.

"Malandi kang hayop ka. Kapag nandiyan ang jowa mo, nakakalimutan mong may best friend ka!" singhal ko sa kaniya.

"Excuse me, bilat! Kapag masaya kayo ng jusawa mo, naaalala mo ba 'ko—"

Malalakas na katok ang nagpahinto kay Veron mula sa pagsasalita.

"Bwakanang ina ka! May utang ka ba sa bumbay? Gigibain yata ang pintuan mo!" anas ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Mas maniniwala ako na asawa mo 'yan kaysa pinagkakautangan ko!" aniya at tila kumabog nang malakas ang dibdib ko.

Hindi naman siguro niya ako sinundan, 'di ba?

Agad akong tumungo sa pintuan ng apartment at binuksan ko iyon. Hindi nga nagkakamali si Veron. Si Leik nga ito at madilim na madilim ang ibinubugang awra.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya ngunit imbes na sumagot ay bigla na lamang siyang pumasok ng apartment.

Nakita kong nakita niya si Veron at akmang sasapakin kung hindi ko napigilan.

"OMG, FAFA ANDREY! ANONG NAGAWA KO!?"

"Hey! What are you doing to my boyfriend?"

Halos sabay na wika nina Dallia at Veron na ikinabigla ni Leik. Naiinitindihan ko siya. Noong unang beses ko rin malaman na babae ang jowa ni Veron, ganiyan din ang reaksyon ko.

Hinatak ko palabas ang bugok. Nakita ko ang sasakyan niya at isinakay ko siya r'on. Kaya na sigurong ipaliwanag ni Veron kay Dallia ang nasaksihan nito. Ito na muna ang aatupagin ko.

"Ano kakong ginagawa mo rito?" walang emosyon na turan ko sa kaniya.

"I'm fucking here to pick you up. You are supposed to live in our house. Anong ginagawa mo diyan sa apartment ng kaibigan mo!?" galit na wika niya ngunit napangiti ako ng mapait.

"Palagay mo lang talaga, sa bahay ako tutuloy pagkatapos kong malaman na may itinatago ka na naman sa akin—"

"God! I just want you to be with me. In our own house! In our home—"

"Mahal mo ba 'ko talaga o ginagawa mo lang 'to dahil mayroon kang kailangang gawin na kakailanganin mo 'ko? Huwag mo nang pagandahin pa ang mga salita mo. I am an agent, Leik. I have a very strong instinct despite of being hiatus. Now, tell me and I want the truth," putol ko sa kaniya saka ko siya tinitigan sa mga mata. I've been meaning to ask this for almost everyday pero natatakot ako sa maari niyang isagot sa akin.

I saw guilt in his eyes as he answered my question. "Yes, Syreen. I need you."

I smiled bitterly. Sinasabi ko na nga ba. "Para?"

"The shareholders of Dad's company doesn't want me to take over without me having my own child. They will only grant me the position if I will show them that I already have my child. Alam na nilang kasal ako, at gusto nilang makita na may sarili na akong tagapagmana."

So that explains everything.

"Bumalik ka matapos ang tatlong taon. . . para gamitin na naman ako." Again, I smiled bitterly. "You are indeed an untamed actor Leik. I can never tame you. Akala ko pagmamahal ang pinakita mo noong mga nakaraan. . . sinusuyo mo lang pala ako, dahil mayroon kang kailangan. You're a fucking liar."

--

M A Y O R A
I C E _ F R  E E Z E

VOTE | COMMENT

**

Hindi ako mapanakit. Wala kayong ebidensya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top