Nineteen
SYREEN
NAKITA ko ang gulat sa mga mata ni Dallia kaya't napangiti ako.
"Oh my gosh, baby girl! You have sons? OMG! OMG!" anito saka pinagyayakap ang kambal ko.
Aba'y naiintindihan ko naman ang gulat niya. Si Veron din naman noon, kahit nasa tiyan pa lang ang dalawa, windang na windang iyan at hindi makapaniwala na mayroon akong kambal na lalaking dinadala.
"Nanay, tagal ikaw uwi," ani Liran sa akin at ngumuso pa ito.
Sa dalawang anak ko, si Liran at pilyo at malaki ang tsansa na makamana ng mga kagagahan ko sa life. Madalas nakakagalitan iyan ng lolo niya dahil kung anu-ano ang ginagawa. Kung wala sa itaas ng mga puwedeng akyatan, makikita mo nasa hawakan ng hagdanan at nagpapadulas. Kung may sakit sa puso ang magbabantay sa kaniya, mas mauuna pang papanaw.
Si Livan naman, kahit magtatatlong taon pa lang, hindi ko alam kung saan at ano ang minana niyang ugali na ito. May mata siyang nakakatakot na animo lagi kang uusigin at hindi mo alam kung kailan siya kikilos para may sabihin na makakasakit sa 'yo o may mismong gagawin na hindi mo inaasahan. Masasabi ko naman na kamata sila ng ama nila, pero ang mata ni Livan, parang mga mata ng mga sindikato o mga delikadong indibidwal na nakakasalamuha ko. I've been to various missions kaya naikukumpara ko.
"Pasensya na anak, ha? Nag-resign na ang Nanay. Puwede n'yo na akong makasama araw-araw," nakangiti kong wika sa kanila at ngumiti naman si Liran sa akin.
Hinding-hindi ko pagsisisihan na itinago ko sila. Mula nang bumalik si Leik, malaki na ang naging pagdududa ko kaya't mas pinili kong hindi sabihin sa kaniya ang tungkol sa kambal. Ayaw kong masaktan ang mga anak ko, mas maigi nang ako na lang. Kapag sila ang nasaktan, kahit si Leik pa, mapapatay ko.
Hindi ko ikakaila na mabilis akong bumigay sa kaniya dahil sa galing niyang manuyo. Idagdag pa ang mga nakakadarang niyang mga salita na, bwakanang ina, akala mo talaga ay totoong-totoo!
Nagsimula akong magduda nang sabihin niyang walang dahilan kung bakit gusto niyang ibalik ako sa buhay niya, tapos ay nasundan ng gusto niya hindi umano ng anak, at nasundan ng gusto niya ng ikalawang tsansa. Marupok at gago ako, pero tumatalas ang utak ko kapag kasangkot na ang mga anak ko.
"Nariyan ka na pala," ani Tatay kaya't agad akong nagmano sa kaniya. Gayon din sina Veron at Dallia.
"May grocery pa po ba?" tanong ko at tumango naman ang Tatay sa akin.
"Lolo, can I stay at my room now?" tanong ni Livan kay tatay. Deretso siyang magsalita sa edad niya. Hindi gaya ni Liran.
"Sige. Inayos ko na rin ang painting materials mo," ani sagot ni Tatay at agad akong hinalikan ni Livan sa pisngi bago siya tumakbo paakyat ng kwarto niya.
"Huwag tumakbo anak—!"
"Pumasok na kayo o kung gusto n'yo ay r'on na muna kayo sa swing. Inaayos ko lang ang pagkain," ani Tatay kaya't tumango ako sa kaniya at inaya ko sina Veron at Dallia.
"Nanay, ako po lalaro lang d'on," anas naman ni Liran at tinuro niya ang maliliit na kahoy na kabayo kaya't tumango ako.
"Mag-iingat, anak, ha?" Nakangiti naman siyang sunod-sunod na tumango sa akin.
Nang makarating kami sa swing ay naupo kami at nakita ko na naman ang mangha sa mga mata ni Dallia.
"They are so cute, Syreen! I want twins too!" masayang wika nito kaya't lumingon ako kay Veron at binigyan ko ito ng nang-aasar n tingin.
"Gumawa na kayo ng kambal, beks. Kaysa nakiki-anak ka sa akin. Gumawa ka ng sarili mo," tumatawang wika ko at ang walamghiya, inambaan ba naman ako ng sampal.
"Epal ka talaga, bilat! Hmmm, sana talaga sinunod mo na lang 'yong payo ko. Sana hindi ka na-i-stress ngayon para sa mga anak mo, letse! Sigurado naman ako na natatakot kang mahanap sila ng kanilang fatherlalu!"
Payo? Ah oo. Iyong nasa kotse kami na sinundo niya ako patungo sa seminar.
****
"Anong sabi ni Leik tungkol sa bata?" tanong ni Veron sa akin. Alam na alam niya ang tungkol doon dahil ang baklita na ito ang nagdala sa akin sa ospital noon. Siya rin ang tumulong sa akin makapagtrabaho bilang propesor.
"Tanggap daw niya, pero alam mo ba, beks, isang beses lang sila puwedeng magka-anak kaya alam kong nasasaktan siya kahit hindi niya sabihin—"
"Siya lang ang isang beses puwedeng magka-anak, ikaw ay hindi. Puwede kang kumeme sa iba kung papayag siya. Bilat, huwag kang gaga! Sa oras na malaman niya ang tungkol sa kambal at sa katotohanan na tinago mo sila mula sa kaniya, tigpas iyang ngala-ngala mo, bruha! Kaya go ka nang kumeme sa iba. More chances of winning. Maibibigay mo pa ang anak na betsung niya," ani Veron at nagulat ako sa naging suhestiyon niyang iyon.
"Gaga ka ba? Palagay mo kaya kong tanggapin na may ibang titsikels na eentrada sa fukikels ko? Tampalin kita ng keps, gaga ka!"
"Tanga ka talagang kausap, bilat! Punyeta, kaya minsan ayaw kitang nakakausap. Bahala ka sa buhay mo, letse!"
Alam ni Veron na itinago ko ang kambal mula kay Leik dahil may sarili akong rason. Hindi niya iyon tinanong. Nagtiwala na lang siya sa akin. Siya ang kasama ko sa halos lahat ng masasakit na phase ng buhay ko. Isa lang naman ang natatanging inilihim ko sa kaniya. . . ang pagiging secret agent ko.
****
Hinding-hindi mo makakalimutan kung paano niya nalaman ang tungkol sa kambal. Sa kadaldan kasi ng bwakanang inang nurse 'yon, e.
Noong naaksidente ako at si Veron ang sumalba sa akin, habang nasa operating room ay huwag na huwag babanggitin na buhat ang bata sa tiyan ko, mas okay na kakong sabihin nilang wala na lang. Alam kong buhay ang anak ko noon dahil hindi naman grabe ang tinamo kong damage. Kaso ang bwakanang inang nurse, habang binabantayan ako ni Veron, nagbigay ba naman sa akin ng vitamin na pambuntis. Iyon. Nagkandaloko-loko ang lahat, pakingshet! Napilitan tuloy akong umamin sa baklang kakakilala ko lang ang lagay ko.
PERO, HINDI AKO NAGSISISI. Veron became more than a brother to me. Lahat ng ikabubuti ko at ng mga anak ko, ginagawa niya.
"Alam mo, bilat, ngayon mo 'ko napapabilib sa instinct mo talaga. Kapag talaga kinutuban ka nang hindi maganda, aba'y legit. Daig mo pa si Madam Auring," tumatawang wika niya sa akin.
"Alam mo, beks, mas maigi na mga ang ganito. Kung sinabi ko sa bwakanang inang iyon ang tungkol sa kambal, tapos kakasangkapanin niya lang? Baka titsikels niya na ang putulin ko. Hayop na 'yon. Wala raw totoo sa lahat nang pinakita sa akin ng bwakanang ina! Ano 'yon? Pati pag-ungol niya n'ong sinubo ko siya, fake rin? Ulol niya. Putok na putok nga ang bugok, tapos fake? Bwakanang ina niya!" himutok ko pero ang punyawang Veron, nagtatawa nang walang humpay.
"Galit ka ba dahil nag-full performance ka naman pero hindi ka pa rin pinili—"
"EXCUSE ME! HINDI PA IYON ANG FULL PERFORMANCE KO! MALAS NIYA, HINDI NIYA NA MARARANASAN ANG ISANG SYREEN ELIEJA AVERDA AT FULL PERFORMANCE!" bulalas ko at lalong tumawa ang hinayupak.
"Hindi mo syor. Kilala ko ang rupok ng keps mo, bilat. Basang papel lang ang nakatakip. Kapag niyugyog, agad pasok," ika ng animales at parang kahit nakaharap ang jowa niyang clueless sa pinagsasasabi namin, gusto ko siyang hampasin ng kaldero!
"May I ask why did you name them Liran and Livan?" biglang singit ni Dallia na masayang nakatanaw kay Liran na naglalaro. Halatang gusto na rin niya ng anak. Sana naman kasi galingan ng hinayupak na bakla kong kaibigan, 'di ba?
"Baby, you wouldn't wanna know. The Syreen I knew during that time, was the weakest of all. Liran was supposed to be Lie Rain and Livan was supposed to be Lie Vain. I only intercepted that's why she arrived at their current names. I cannot let that insane woman name her sons after her pains. Duh!" ani Veron at doon nawala ang pagtawa ko.
Unti-unting gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na inilabas ko sila sa mundo.
****
"Nay? Okay na po ba ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Nanay habang minamasahe ko ang mga paa niya. Awang-awa na ako sa kaniya. Lahat ng kinakain niya ay isinusuka rin niya.
"Anak? Lagi mong tinatanong kung kumusta na ako. Ikaw ba? Kabuwanan mo na at alam kong nahihirapan at nasasaktan ka," ani Nanay at parang gusto na namang tumulo ng mga luha ko lalo pa nang haplosin niya ang buhok ko.
"A–Ayos lang po, Nay," utal na sagot ko kaniya, pero ang totoo ay gusto kong yumakap sa Nanay ko.
Gusto kong sabihin na, napakasakit ng balakang ko, na napasakit ng dibdib ko dahil parang naninigas dahil sa gatas, na ang sakit ng bawat paghilab, na gusto kong magkaroon ng sapat na tulog, na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. . . pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil ayaw ko siyang mag-isip at mag-alala sa akin. Isa pa. . . walang ibang maaasahan ang nanay. . . ako lang.
Noong mga panahon na naglilihi ako, lagi kong tinitikis ang sarili ko sa mga nais kong kainin. Mas mahalaga kasing mabili ko ang vitamins at gamot ni Nanay. Hindi ako puwedeng maglabas ng pera dahil gusto ko lang. Hindi ko puwedeng kainin ang gusto ko dahil may mas mahahalaga akong bagay na kailanganan paglaanan. Ang pagpapa-ospital kay Nanay, ang panganganak ko, mga gamot niya, ang madadagdag sa gastusin ko paglabas ng kambal. Lahat. . . lahat kailangan kong isa alang-alang. Hindi ko puwedeng panaigin ang luho at awa sa sarili. Kailangan kong maging malakas.
"Nanay, lalabas na muna po ako para mamili ng kakainin, ha? Ang tatay po nasa kuwarto dahil po nakasumpong ang altapresyon," paalam ko at ngumiti saka tumango naman ang nanay sa akin.
Lumabas ako at nagdala ng payong. Kasagsagan ng bagyo. Hulyo na kasi.
Kahit masakit ang tiyan at balakang ay tumungo ako sa palengke. Naglalakad ako sa maputik na daan dahil wala naman bumabiyaheng tricycle dito nang tila magsunod-sunod ang hilab ng tiyan ko.
Agad kong nilabas ang telepono ko nang hindi ko na makayanan ang sakit. Tinawagan ko si Veron—iyong baklang nag-alok sa akin na maging kaibigan niya, at tawagan ko raw siya agad kapag may emergency.
"Hello?"
"P–Puwede mo ba akong tulungan? Manganganak na yata ako—Ahhh!"
"OMG! IYAN NA! WAITSUNG! GOGORA NA 'KO!" sigaw niya at pinatay ang tawag. Alam niya ang address ko. Hindi pa rin naman ako nakakalayo sa bahay.
Biglang mas humilab pa ang tiyan ko nang mas masakit pa kaya't nabitawan ko ang payong at napasalampak ako sa putikan.
Hawak-hawak ko ang tiyan ko at gusto kong umiyak nang malakas pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Gustong-gusto ko nang maging mahina. . . pero hindi puwede. Gusto ko nang bumigay. . . pero kailangan kong lumaban.
Awang-awa ako sa sitwasyon ko. Awang-awa sa kalagayan mo. Awang-awa ako sa sarili ko.
Kung hindi niya ako pinagtabuyan. . . hindi mo mararanasan 'to.
Kung pinanindigan at pinanagutan niya ako. . . maayos sana ang lahat.
Kung sana. . . totoong minahal niya ako, wala ako sa nakakalunos na sitwasyon na 'to.
Pero kahit ano pang isipin ko, hindi ako puwedeng maawa sa sarili ko. Kailangan kong mas maging matatag. Kailangan kong magpatuloy.
"AHHHHHHH. . . !" sigaw ko nang tila malapit nang lumabas ang isa sa kanila. Alam mong kambal sila, base na rin sa ultrasound.
"OH MY GOD!" narinig kong tili at nakita ko si Veron na putlang-putla nang makita ako. "MANONG, DALHIN NATIN SIYA SA OSPITAL!"
Akma nila akong bubuhatin nang hawakan ko si Veron sa braso kahit pa may umaagos na dugo na sa binti ko.
"A–Ang nanay at tatay ko. . . n–nasa bahay. M–Makidalhan mo sila ng pagkain saka mo ako puntahan sa ospital," wika ko at kahit nanginginig ay tumango siya sa akin kaya't nanghihina akong ngumiti.
Nakarating kami ng ospital ng driver at sa awa ng Diyos, matiwasay kong nailabas ang kambal.
"Hi, Ma'am! Hihingin ko po sana ang pangalan ng mga bata. Narito po ba ang asawa n'yo—"
"Lie Rain at Lie Vain. . . Averde," putol ko sa babae at akmang isusulat na nito iyon nang biglang dumating si Veron.
"Anong Lie Rain at Lie Vain? Anong ginagawa mo? Habangbuhay dadalhin ng mga anak mo ang pangalan na 'yon!" aniya sa akin at napangiti ako ng mapait.
"Tama lang naman ang mga pangalan na iyon para sa kanila. Isang kasinungalingan ang dahilan kaya narito sila ngayon at umuulan ngayon. . . habang damang-dama ko na walang kuwenta lahat ng ginawa ko sa buhay ko. . . maging sa ama nila. You see? They are a lie while raining and while I'm feeling that my efforts are in vain," nanghihinang anas ko ngunit tinaasan lamang niya ako ng kilay.
"Magiging inaanak ko sila. Hindi ako papayag na hanggang pagkamatay nila ay dala nila ang ganiyang pangalan na para bang sila ang pinagbuhusan mo ng lahat ng sakit na nararamdaman mong bruha ka!" aniya saka bumaling siya sa nurse. "Ako na ang magpapangalan, Miss!"
"Veron—"
"Dahil gusto mo talaga ang rain at vain, gawin na lang nating Liran at Livan para hindi gaanong halata. Sa second name? Anong gusto mo?"
Gusto kong itikom ang bibig ko pero mapilit siya.
"Wala—"
"Okay, dahil ikaw si Syreen, gawin natin silang. . . hmmmm. . . Livan Xyren at Liran Xyden Averde, walang middle name. Okay na ito. Settled na," aniya saka niya inabot sa nurse ang papel.
Napapailing akong walang nagawa sa pagiging paladesisyon niya.
****
"Oh! That's too cute. You should name our babies too, baby!" ani Dallia matapos marinig ang kuwento. "By the way, Syreen. . . just know that I salute your will, bravenest, determination, and love towards your parents and kids. You are so strong. If I were in your position, I might just have given up. You are the best."
Napangiti ako sa sinabi niya.
Hindi ko naman kinaya dahil gusto ko. . . wala lang akong ibang pagpipilian kung hindi kayanin. . . dahil iyon ang resulta ng mga naging desisyon ko sa buhay.
Biglang tumunog ang telepono ni Veron kaya't nagulat kaming tatlo. Pagkuha niya sa bulsa niya ay nanglalaki ang mga mata na ipinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag.
"Loud speaker," utos ko na ginawa naman niya.
"Hello?"
"Where's Syreen, Veron?"
"Luh! Hindi ko alam—"
"I will rip your fucking head off your body if I don't find my wife at this moment!" banta niya at nakita kong tila natakot si Veron sa sinabi niyang iyon.
"Bakit mo 'ko hinahanap—"
"NANAY! HAHABOL AKO NG BUBUYOG!"
Oh my god, Liran!
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
• VOTE | COMMENT •
**
Sobrang na-a-appreciate ko ang mga comments. Just know na sobrang nag-e-enjoy akong magbasa kaya napapadalas ang updates. Hehehe. ❤
I LOVE YOU, HAVRES!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top